Share

Chapter 14

ALMOST

Mabigat ang kanyang pakiramdam nang magising siya kinabukasan subalit pilit parin siyang bumangon dahil may importante siyang lakad. Suot ang isang kulay itim na halter jumpsuit at flat sandal ay bumaba na siya ng silid. Tahimik ang buong bahay, hindi niya alam kung umuwi ba si Terrence kagabi o hindi. Masyado siyang abala sa sakit na nararamdaman niya para intindihin pa ang ibang mga bagay.

"Aalis po kayo Ma'am?" Tanong ni Manang Glory.

Nakasalubong niya ang kanilang katulong mula sa kusina. May bitbit itong laundry basket na naglalaman ng mga nilabhan nila noong nakaraan. Tipid siyang ngumiti at tumango sa babae.

"Hindi po ba kayo mag-aalmusal man lang?"

"Hindi na po. Sa labas na lang po ako kakain," aniya at tinalikuran na ang matanda.

Sinundan naman siya ng tingin ni Manang Glory bago hinugot mula sa uniform nito ang cellphone para tawagan ang amo niya at ireport ang kilos ni Corazon.

Taxi parin ang sinakyan ni Corazon patungong Connoisseur Deluxe kung saan niya kikitain si
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status