LUMIPAS ang isang araw at nakalabas rin ng Monteverde Hospital si Shy at sa pagkakataong ito hindi niya akalain na ang paglabas niya ng hospital ay simula rin ng malaking pagbabago ng buhay niya.
“Simula ngayon ay sa Mansion ka na titira para maalagaan ka ng maayos pati iyang apo ko,” masayang turan sa kanya ng Madam Chairman noong binisita siya sa hospital nito.
Halos hindi siya makapaniwala na ang lalaking nakasiping niya ng gabing iyon ay siya mismong President ng kumpanya na pinagtatrabahuhan niya. Di niya alam kong isa itong sumpa o anu ba basta’t sobrang litong-lito ng isipan ni Shy at ginawa niya namang tumanggi pero mapilit ang Madam Chairman na kahit ang arroganteng President na si Daniel Lucas ay tumitiklop pagdating dito.
Pina leave siya ng Madam Chairman dahil na rin sa payo ng doctor na tumingin sa kanya. Nahimatay siya sa sobrang stress sapagkat kayod kalabaw siya upang makaipon ng pera para naman makuha niya na ang Nanay niyang naiwan doon sa pamamahay ng Tatay niya at Lola niyang sadista.
“Nandito na po tayo Ma’am!” saad ng driver sa kanya.
Hindi na namalayan ni Shy na nakarating na pa la sila sa Mansion ng mga Monteverde at nakahinto na ang sasakyan sa harap nito.
Kinakabahan siya ng sobra at hindi niya alam kong anu kaya ang magiging kapalaran niya dito. Ang sungit pa naman ng Presidente nila. Kung anu ang kinabuti ng Madam Chairman ay siya ring kasing sama ng apo nito.
Napaismid si Shy sa naiisip habang nakaharap sa malaking pintuan ng Mansion kasalukuyang nakabukas ito at may mga kasamabahay na naka antabay sa magkabilang gilid ng malaking pintuan, kasama ang isang may edad na rin na iba ang damit sa ibang mga maids na parehos ang mga uniporme.
Marahil ay ito ang mayordoma o baka naman kamag-anak?
Nasa isip ni Shy, naphinga siya ng malalim at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan at ilang minutos pa biglang naaninag niya ang Madam Chairman na may malapad na ngiti sa mga labing ito habang sinasalubong siya at katabi nito ay ang arroganteng niyang Boss.
Yumuko si Shy at nagbigay respeto ng nasa harapan niya na ito, “ Magandang umaga po Madam Chairman. “
“Magandang Umaga Hija! Masaya akong nakarating ka na dito sa Mansion and no need to address me Madam Chairman, “ sabi ng matandang Monteverde na kinagulat naman ni Shy.
“Po? Pero Madam—”
Pinutol ng Chairman ang sasabihin ni Shy, “ nonsense Hija, magiging asawa ka na ng mahal kong apo na si Daniel at magiging ina ka ng anak niya so there’s no need to call me “Madam Chairman’ instead call me ‘Grandma!’
Halos namilog ang mata ni Shy sa gulat, too ba ang naririnig niya? Pero biglang nagpantig ang tenga niya ng marinig niya ang arroganteng Presidente na si Daniel Lucas.
“Kung sinuswerte ka naman,” mapanuyang tono nito.
“Daniel Lucas! Umayos ka and may I remind you sa napag usapan natin!” inirapan siya nito ng Madam Chairman.
Buti nga sa iyo...
“I know Grandma you don’t need to remind me all over again.” kairitang sagot ni Daniel sa Lola niya.
“Then umayos ka!” madiin na sabi ng Madam Chairman kay Daniel.
Kahapon lang nalaman ni Shy ang buong pangalan ng arrogante niyang Boss at nakikita niya na hindi talaga ito sang-ayon at pabor sa mga nangyayari at lalong-lalo naman siya kaya nga todo tanggi siya noong una kaso mapilit talaga ang Madam Chairman. May binubulong ang Madam Chairman dito panigurado baka pinagsasabihan na naman siya. Somehow Shy is thankful dahil sa maganda ang pakikitungo ng Madam Chairman sa kanya.
Kinuha ng mga maids ang bag ng maleta niya at dinala ito sa magiging kwarto niya. Naglalakad sila sa may gawing sala.
“Let’s proceed to the Dining area Hija for sure gutom ka na at ang apo ko diyan sa loob ng tiyan mo.” ngiting-ngiti na anyaya sa kanya ng Madam Chairman. “Huwag mong pansinin iyang si Daniel matutu rin iyan ng tamang asal. “
"Grandma!" inis na tugon ni Daniel sa Madam Chairman. Napangiti ng lihim si Shy dahil dito.
******
SURPRISINGLY Daniel pulled out the chair for Shy pagkatapos niyang gawin iyon sa Madam Chairman at umupo sa tabi nito. Nagulat man si Shy but for sure may sinabi ang Madam Chairman kung bakit inalalayan siya ngayon ng Boss niya na parang pinaglihi sa ampalaya sa sobrang bitter.
“Sige na Hija kumain ka na wag kang mahihiya a’ magpakabusog ka.” anyaya sa kanya ni Madam Chairman.
Nalula si Shy sa dami ng pagkain sa harap ng mesa pero mas lalo siyang nagulat ng lagyan siya ng kanin nang arrogante niyang Boss sa plato nito.
“Would you like to try this kare-kare? Specialty ito ni Grandma?” biglang offer at tanong niya sa kay Shy.
At that moment Shy was flattered and stunned, sa isang iglap biglang naging maasikaso ng arrogante niyang boss sa kanya.
“Yes, Hija try that and for sure magugustuhan mo!” masiglang tugon rin ni Madam Chairman, “ I cooked that for you.” saad pa nito na mas lalong ikinagulat ni Shy.
“Naku Po, Ma–, Grandma po pa la di na po sana kayo nag abala sobra-sobra na po ang mga pagkain nasa mesa parang may fiesta lang po.” sambit ni Shy na sobrang natutuwa.
That moment and for the first time in Shy’s life she feel important and special kahit sabihin pang baka naging mabait lang ang Madam Chairman sa kanya dahil sa batang nasa sinapupunan niya pero lubos ang pasasalamat niya dahil naranasan niyang inaasikaso siya ng husto.
She never ever experienced this sa family niya mula sa Lola niyang sobrang mapang abuso anu pa ba ang maaasahan ni Shy? Kahit na sa pamilya ni Marcus, ramdam niyang di siya tanggap ng family nito. Everyone looks at her as nothing but trash and useless.
“Okay ka lang?” biglang tanong ni Daniel sa kay Shy ng mabaling ang attention niya dito.
Nagulat si Daniel na naiiyak ang babae na sadyang pinagtataka niya. Kaya inabot niya ang panyo dito. Gusto niyang isipin na baka nagiinarte lang ito at possible nga iyon but anyhow he needs to calm down his temper dahil sa pinag usapan nila ng Grandma niya.
Daniel knows that he needs to play nice or else magagalit ang Grandma niya sa kanya at baka mawala pa lahat ng bagay na pinaghirapan niya. Kaya napagtanto niya that he will play this woman’s game at sa oras na makahanap siya ng butas sa babaeng ito then this gold digger bitch will rot in jail.
“Sa-salamat,” sagot nito kasabay ng pag abot ng panyo niya.
For that instance ay nagtama ang mga mata nina Daniel at Shy and unconsciously Daniel took the handkerchief sa kay Shy at siya mismo ang nagpahid ng mga luha ni Shy sa mga mata nito. Kumabog ang dibdib ni Shy ng napakalakas that gesture made her heart flutter.
Jusko ang lakas ng kabog ng dibdib ko!
“Naku naman ang sweet ng mga apo ko, ang sarap tingnan, di ba Lupe? “ biglang sabi ng Madam Chairman at tanong nito sa mayordoma na nasa gilid ng Madam Chairman.
Daniel did not realize na napatagal ang titig niya kay Shy, he doesn’t know why in all of a sudden ay nakita niya ang kalungkutan sa mga mata nito. Biglang nag-iwas ng mga mata sina Daniel at Shy. Parehos pa silang parang natataranta at napabuntong hininga na lang si Shy para ikalma ang kanyang dibdib na kumakalabog ng napakalakas.
“Grandma naman,” ingos ni Daniel sa Madam Chairman. "Kumain na nga lang tayo."
Napangiti na lang ang matandang Monteverde, she knows she did the right thing this time para sa apo niya and she knows na si Shy at ang anak nito ang makakapag balik ng dating ugali ng apo niyang si Daniel. That’s why her plan should manifest sooner. Habang tahimik silang kumakain ay nagsalita ang Madam Chairman na ikinabigla nina Daniel at Shy.
“Daniel, Shy, we will going to carry out your wedding sooner bago lumaki ang tiyan mo Hija," sabi ng Madam Chairman at tiningnan si Shy ng diritso, "but before that, we need to meet your family para sa pamamanhikan.”
“Po?” gulat na gulat na sagot ni Shy.
THE NEXT day ay umuwi si Shy sa probinsya nila na kasama sina Daniel Lucas at ang Madam Chairman. Sa totoo lang ayaw na ayaw na sana ni Shy na makisali pa ang pamilya niya dahil sa ugali na rin ng sarili nitong Lola kaso mapilit ang Madam Chairman na sinang ayunan rin ng arrogante niyang Boss. Isa pa napakabait ng Madam Chairman para tanggihan ito sa hiling nito sa kanya. Pumarada ang limousine sa harap ng bahay nila, kabado man pero kailangan niyang gawin. Nakiusap muna siya sa Madam Chairman at sa kay Daniel na mauuna muna siyang bababa para kausapin ang pamilya at para di rin ang mga ito magulat sa mga nangyayari. Mabuti na lang at pumayag ang Madam Chairman at si Daniel. Kabadong bumaba si Shy sa sasakyan ng pagbuksan siya ng Driver. “Salama
LUMABAS ng kwarto ni Shy sa loob ng Mansion si Madam Chairman na nalulungkot dahil sa sinapit ng dalaga, nahahabag ang kanyang puso sa sitwaasyon ni Shy sa pamilya nito, she can’t believe na minamaltrato si Shy na sarili niyang Lola. Nanatili pa siya sa harapan ng pintuan ng kwarto ni Shy na bagsak ang mga balikat, sobra siyang awang-awa habang nag kwe-kwento ito tungkol sa kanyang pamilya. Sa ganoong sitwasyon naabutan ni Daniel ang Grandma niya.Pagkatapos niyang buhatin si Shy paalis sa lugar na iyon ay napagdesisyunan na lang nilang umuwi. Masyadong mainit ang sitwasyon para sa isang matinong pag-uusap at pamamanhikan. Habang nasa byahe sila kanina ay hindi maiwasan ni Daniel na hindi mag-alala sa kay Shy, most especially that he saw how Shy’s grandmother treated her. Napakuyom siya ng kanyang kamao dahil sa namumu
ILANG ARAW na rin ang lumipas simula ng incident sa pamilya ni Shy at ang pagkakataong hindi pa rin makapaniwala si Shy habang inaalala ang mga sandaling inaalo siya ng Boss niyang masa demonyo ang ugali. Nararamdaman naman ni Shy na ayaw talaga ni Daniel sa kanya at napipilitan lang itong makisama dahil na rin sa pakiusap ng Grandma nito pero kasi ang ilang beses nitong pagtatanggol at pagtulong sa kanya ay parang nagpapakitang totoo ito sa ginagawa.Napabuga ng hangin si Shy habang nakatingin sa malawak na hardin ng mansion ng mga Monteverde. Kasalukuyan siyang nakaupo sa veranda ng mansion, maagang umalis si Daniel at si Madam Chairman naman ay may inasikaso rin kaya nag-iisa siya pansamantala. Magkasabay naman silang nag umagahan kanina palaging sinisigurado ng Madam Chairman na magkakasabay silang kumain kasabay sina Shy at Daniel.
“HELLO BABY KO!” kumakaway na bati ni Sheila ng makita si Daniel na papalapit na sa kanya.Excited na excited si Sheila na bumalik sa Syudad nila because not only she brings good news sa Daddy niya but also she’s looking forward to spending time again with Daniel most especially in his bed. Napahagikhik si Sheila habang iniisip ang bagay na iyon. At sisiguraduhin niyang mag e-enjoy talaga ito kasama ng kanyang magandang surpresa dito.Paglabas pa lang ni Daniel sa elevator dumiritso siya agad sa lobby at malayo pa lang ay kitang-kita niya na ang malapad na ngiti ni Sheila. Well, he missed the woman however iba ang klase ng pagka miss ang nararamdaman ni Daniel para kay Sheila.Habang papalapit si Daniel sa kay Sheila ay di na yata nakahint
NAGMAMADALING pumasok si Daniel ng mansion sa oras na dumating siya. Alam na alam niya na galit ang Grandma niya kanina at malalagot na naman siya nito. Kainis kasing Sheila, minsan talaga kung anu-anu na lang ang naiisip at pumapasok sa kukuti niyon. Inayos ni Daniel ang kanyang suit at may dala-dala itong dessert para sa kay Shy at hinihiling na sana man lang ay magustuhan niya ito. Daniel bought her a blueberry cheesecake. Humugot pa ito ng malalim na hininga at binuksan ang pintuan. Pagpasok niya ay bumungad sa kanya ang sobrang dami ng mga tao sa living room area ng mansion. “Magandang gabi po Sir Daniel.” bati sa kanya ni Lupe. “Magandang gabi Lupe at anu ang nangyayari
NOONG bata pa si Shy ay pangarap niyang magkaroon ng maganda at magarbong kasal kagaya ng isang prinsesa na may prinsipeng tagapagtanggol niya at mamahalin siya. Pero habang lumalaki namulat siya sa katotohanan na ang buhay ay hindi isang fairy tale. Nakita niya ang sitwasyon na meron ang kanyang Nanay sa piling ng kanyang ama at malupit na lola. Kaya nawalan na ng pag-asa si Shy para sa isang tunay na pag-ibig. Nawalan na siya ng pag-asa na isang araw ay may lalaking handa siyang ipaglaban at mahalin ng buong-buo but not until Shy met Marcus. Marcus brought so much joy sa buhay ni Shy, kahit na kailan hindi pinaramdam ni Marcus sa kay Shy na hindi siya sapat at karapatdapat na mahalin bagkus Marcus treat him so well and love him to the point na gusto siya nitong pakasalan.
1 Month Later SIMULA ng matapos ang kasal nina Daniel at Shy one month ago ay inutos ng Madam Chairman na tumigil na rin si Shy na magtrabaho sa company sa dahilan na aside sa buntis ito ay para sa Madam Chairman di na dapat magtrabaho si Shy dahil kasama sa lahat ng responsibilidad ni Daniel na tugunan ang lahat ng pangangailangan niya bilang asawa nito at ina ng magiging anak nila sa ayaw at sa gusto nito. Shy is currently looking sa kay Daniel na bumaba sa sasakyan nito na may kasamang babae. She knew the girl from the reception of her wedding with Daniel at doon niya rin na-realize na sikat pa la itong model dahil nakikita niya na rin ito sa mga magazine at TV commercials. Masakit na malulungkot na titig ang ginawad niya sa kay Daniel at sa babaeng kasama nito.
HINDI mapakali si Shy kung pupunta ba siya sa araw at oras na tinext sa kanya ni Marcus. Nakailang text din ito sa kanya at tawag pero ni isa ay wala siyang nireplayan. Hindi niya rin alam kung saan nakuha ni Marcus ang bagong numero niya sapagkat simula ng magdesisyon siyang manatili at tumira sa mga Monteverde ay minabuti niya na ring putulin lahat ng kaugnayan niya sa kay Marcus at sa mga taong may kinalaman sa kanya noon.Napangiti siya ng mapait kasi kahit ang best friend niyang si Joanna ay walang paramdam sa kanya matapos ang pag viral niya sa sa TV at pagkalat ng mga litrato niya with Daniel. Para siyang may sakit na nakakahawa na iniwasan ng mga taong akala niya ay may malasakit sa kanya. At the end of the day tanging nanay niya lang ang nagbigay ng malasakit sa kanya at si Madam Chairman.Napabuntong hininga si