Share

Kabanata 7

Kabanata 7

NAKASARA ang mga mata ni Stelle habang ang kanyang mga daliri ay tinitipa ang mga nota ng piano. She's playing the Supreme's favorite classic song, while the Supreme is seated on her throne, her face covered with a thick red veil that's preventing everyone from seeing her.

Sampung taon na rin mula nang mapunta siya sa poder ng Suprema. She was taken from a foster home by a couple, only to find out she'll be sold to the Supreme. Ilang taon din muna siyang nagpalipat-lipat ng tinitirahang pamilya hanggang sa mapunta siya sa Suprema na siyang naging permanenteng kumupkop sa kanya.

She was spoiled by the Supreme with all the luxury in life every woman would envy, except for a mother-daughter bonding. Malamyos ang tinig ng Suprema ngunit tila laging may hagod ng pagbabanta sa boses nito tuwing nagsasalita. Tila ba isang maling galaw, magagalit ito. Iyon ang iniiwasan ni Stelle. Her journey of finding her new home was rough, and the Supreme is the closest to a mother she could have.

Hindi normal na tao ang Suprema. Ito ang pinuno at nagbuklod sa samahan ng mga pinakamakapangyarihang sindikato sa mundo. The Supreme offers bigger deals and security to the members kaya imbes na maglaban ang limang pinakamalaking sindikato, pinagsama-sama ito ng Suprema. Aware si Stelle sa mga ilegal na bagay na ginagawa ng kumupkop sa kanya, ngunit tikom ang kanyang mga labi.

She never questioned her. Kapag pinalalapit siya at hinahaplos ang kanyang pisngi, may init na lumulukob sa kanyang puso. May pakialam ang Suprema sa kanya at sa loob ng sampung taon, natutunan niya itong mahalin.

The Supreme is lethal to everyone, but she is soft to her. Bihira niya itong makausap, ngunit sa tuwing dumarating ito, palagi itong may dalang mamahaling mga gamit para sa kanya. She was home schooled, too. She learned different languages as per requested by the Supreme. She learned to act and move like her, so prim and graceful, kaya lang ay may mga pagkakataon na nakalilimutan niya ang mga bagay na iyon.

Kapag nasa paligid ang lalakeng pinagbigyan niya noon ng kanyang sarili. Hindi talaga niya masabi kung epekto lamang ba talaga ng alak ang nangyari noong gabing iyon. Wala pa siyang isang taon sa poder ng Suprema nang napagpasyahan niyang gumimik dahil gusto niyang magrebelde noon sa Suprema. Her men tried to take her home kaya nilapitan niya si Tejano. Hindi niya naman akalain na mauuwi sa mainit na gabi ang simpleng pagtatago niya sa tauhan ng Suprema.

When she got home that night, akala niya ay palalayasin siya ng Suprema tulad ng mga dati niyang naging magulang. But the Supreme was different. She said Stelle was only being rebellious because she's preventing herself from getting too attached and be vulnerable.

For the first time, someone had seem to understand her after she lost her parents. Sinabi niya sa Suprema ang lahat maging ang parte ng pagkamatay ng kanyang mga magulang. The Supreme promised her that she will protect her at all cost. Hindi man nito ipinakikita ang mukha, sapat na ang haplos ng kamay nito sa kanyang pisngi upang ipadama sa kanyang may pakialam ito sa kanya.

Stelle realized that people who are lacking enough love, tend to hate the world because they think it's being unfair to them. Iyon ang nangyari sa kanya, pero dahil sa Suprema, nagbago ang pananaw niya.

She got blinded by her love towards the Supreme. Natuto siyang pumikit sa mga maling gawain at naging manhid sa mga pakiusap ng iba. Ang Suprema lamang ang minahal niya at ginusto niyang bigyan siya ng atensyon.

She became obedient since that day, and she knew her obedience will be tested someday.

Kasabay ng pagtipa niya ng huling nota, bumukas ang kanyang mga mata at matipid siyang ngumiti sa Suprema. "Did you like it, mother?"

The Supreme lifted her hand. Tumayo si Stelle at sinunod ang nais nitong lumapit siya. She walked as prim as she can, her long silk dress swayed as she grace towards the Supreme.

Gaya ng nakasanayan, muling lumapat ang palad ng Suprema sa kanyang pisngi upang haplusin ito. Her eyeslids felt heavy with her gentle touch, and the corner of her lips stretched wider.

"I love it, my dear Stelle. You really never failed to make me happy." Malambing nitong ani.

"Thank you, mother."

Inalis nito ang pagkakahawak sa kanyang pisngi saka ibinalik ang palad sa hita nito. "But my dear Stelle, mother will need you to use your best skill now."

Napawi ang kurba sa labi ni Stelle. Hindi niya napigilan ang mapalunok dahil may kutob na siya sa kung anong kakayahan niya ang tinutukoy nito.

Tinango ng Suprema ang ulo, tila sinisenyasan ang isa mga mga tauhan nitong kasama nila sa malaking silid. Lumapit ito sa kanila saka nito ibinigay ang isang envelop.

Stelle pursed her lips together. Binuksan niya ang envelop at nang makita ang larawang nasa loob, nanlamig ang kanyang mga palad.

Agad niyang tinago ang kaba. Ito ang unang beses na hihingi ng pabor ang Suprema kaya hindi siya maaaring pumalpak o makitaan man lamang ng pagdadalawang-isip.

"A pet of mine will be making a show. All you have to do is eliminate a runaway swan for me."

Nilunok ni Stelle ang namuong bara sa kanyang lalamunan saka niya muling tinitigan ang babaeng nasa larawan. "Who is she, mother?"

"Veronica was just like you, my dear. I trained her, sheltered her, gave her everything in the world, even let her see my face...but she left me for some guy."

Nahimigan niya ang poot sa tinig ng Suprema. "She broke your heart as a mother."

Mahinang tumango ang Suprema. "I want you to avenge me, my dear." Hinawakan nito ang kanyang kamay saka ito mahinang pininga. "You will not let me down the way she did, right? And you will not do the same mistake she did to me?"

Napakurap si Stelle. "You mean runaway for a guy, too? Of course not, mother. I will never do such thing to you. I love you with all my heart."

Humugot ng hininga ang Suprema saka marahang hinagod ang hinlalaki sa likod ng kanyang palad. "I know, dear...and I know you are aware of what I am capable of doing to those who betray my trust."

Nanlamig si Stelle. Alam niya kapag ganoon na ang tono ng Suprema, nagbabanta na ito. Huminga siya at tumango. "Y—Yes." She gulped her fear away. "I will do what you want, mother."

"Good girl, my dear Stelle. Good girl."

PINANOOD ni Agent Romani kung papaanong parang siraulong ngumisi si Agent Ramirez habang nakatitig sa ultrasound result na hawak nito. Napakalayo na ng aura nito sa una niyang nakilala. 

He used to see himself on Ramirez. Aloof, mysterious, and problematic. Ang kaibahan lamang ay babae ang pinoproblema nito, habang siya, lahat.

Hindi siya nahihirapan kapag si Ramirez ang kasama niya. He can be easily jolly like his twin dahil nasasabayan ni Ramirez. He may be deceiving his own partner, too, but he knew the friendship they built over the years is real. Maliban kay Tejano, si Ramirez ang tinuring niyang kaibigan.

"Bull's eye." Ramirez laughed and showed him the ultrasound result. "Kambal."

Ngumisi siya. "Lakas natin kay Lord ah?"

"Syempre." Mayabang nitong sagot saka hinalikan ang ultrasound result.

Hindi naiwasang pagmasdan ni Emeraudo ang kanyang partner na ang kaligayahan ay umaabot sa mga mata.

"What was it like? To be in love?" He asked out of nowhere.

Kumunot ang noo ni Ramirez. "Kung makatanong ka parang hindi mo naman alam."

Biglang natauhan si Emeraudo sa kanyang naging tanong. Shit, oo nga pala. Ang alam nito ay asawa niya si Veronica at mahal na mahal niya ito.

Umayos siya ng upo sa kanyang swivel chair saka iniwas ang kanyang tingin. "I mean with your unborn kids. Anong pakiramdam?"

"Oh, oo nga pala hindi kayo makapag-baby dahil sa sitwasyon ninyo." Ramirez sighed. "Masarap sa pakiramdam. Halos ayoko nang umalis sa tabi ni Clary no'ng nalaman nating buntis siya."

"Gago eh ginapang mo ba naman habang alam niyang patay ka." Natatawa niyang ani, inaalis sa isip nito ang nauna niyang tanong.

Humalakhak ito. "Gano'n talaga mahal na mahal ko syempre hindi ko matiis. Kaya bilib ako sayo. Nakakaya mong hindi makasama si Veronica ng ganyang katagal." Umiiling itong bumuntong hininga. "Alam mo konti na lang iisipin ko nang nagsawa ka na sa asawa mo."

Napawi ang kanyang ngisi. "It's not like that. Magkaiba si Clary at Veronica. Clary is clearly on our side but Veronica? Hindi pa rin natin kumpirmado kung nakanino ba talaga ang katapatan niya."

"I guess you're right. Kahit siguro ako ang nasa kalagayan mo, magdududa rin ako kung ayaw sabihin sa akin ang totoo."

Tinaasan niya ito ng kilay. "May I remind you that you lied to Clary, too?"

"That's a good lie."

"You made her cry."

Dumilim ang tingin nito sa kanya. "I didn't. It was the MI6's decision to hide the truth to my girl."

"And you tolerated it." Asar niya.

Naningkit lalo ang mga mata ni Ramirez sa kanya. "Kasama ka rin sa nagsinungaling. Ikaw pa itong nakapronto para sa akin."

"See?" Nagkibit-balikat siya kunwari. "You even used your bestfriend." He made a series of tss sound.

Nagngitngit ang mga ngipin ni Ramirez. Dinampot nito ang cup na wala nang laman at hinagis sa kanya ngunit agad niya rin itong nasalo. "And now you're abusing me. How rude."

"Gago—"

"Agent Romani?"

Sabay silang lumingon sa bagong pasok na sekretarya ng kanilang boss. The woman walked towards him, worried.

"The boss wanted to speak with you." 

Kumunot ang kanyang noo. "About what?"

"The Lindstroms are now captured by Agent Floyd's team, but we regret to inform you that your wife died during the entrapment operation."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status