Laking gulat ko ng pag angat ko ng tingin ay nakatayo si Kj sa harapan ko.Naka-igting ang panga ngunit blangko ang tingin sa akin.Hindi ko akalain na sundan niya ako rito. Umupo siya sa upuan nasa aking harapan at kinuha ay kamay ko na namaga. Napa-iktad pa ako ng hawakan niya ang kamay ko at inilagay ang ice bag na dala niya."Aray!" naka ngiwi na daing ko. Tiningnan niya ako ng masama.Tingin na abot sa aking kaluluwa.Napaiwas ako ng tingin dahil doon, kinabahan ako sa klase ng tingin niya sa akin."Alam mo naman na masakit yang kamay mo naglaro ka pa. Tingnan mo kung ano nangyari, nagama, " sirmon niya." Ano naman paki-alam mo kamay ko naman to! " Huminga siya ng malalim sa tinuran ko at mariin akong tiningnan.Wala siyang sinabi pero ramdam kong galit siya dahil panay ang pag igting ng kanyang panga.Ano naman ngayon?Tssk!Bahala siya."Tama na," awat ko at hinila ang aking kamay. "Hindi na masakit."Alibi ko kahit masakit pa.Ang g*g* hindi man lang nagpumilit na lagyan pa ng ice
"Tsk! Pa asa. Sabi niya ihatid niya ako," bulong ko at padabog na naglakad.Hindi pa nga kami umabot ng isang araw pinaasa na niya ako, sana hindi nalang siya ng bitaw ng salita kung hindi naman niya tuparin para hindi ako umasa. Kasama niya lang yong Adelah na yon kinalimutan na n ako. Tsk. Mali talaga na sinagot ko siya agad e. "Hindi ako na inform dalawa na pala ang daan pa uwi sa inyo," wika ni Analyn ng maka salubong niya si Kj."Isyu ka na naman," sagot nito at lumapit sa akin. " Akin na, ako na magdadala," wika nito at kinuha ang aking bag.Kunin ko sana ulit pero inakbayan niya ako na aking ikina-bigla. Sandali akong natigilan ng mag dikit ang aming katawan. Nanlamig ako dahil sa kaba ngunit uminit ang aking mukha dahil sa hiya."A-no-," I don't know what to say.Na pepe ako kaya kinuha ko na lang ang kamay niya na naka akbay sa aking balikat."Nahihiya ka?" tumango ako bilang sagot. " Dito na lang.""G*g*!" gulat na sambit ko ng humawak siya sa aking baywang at hinila ako p
Dalawang linggo na ang lumipas mula noong sinagot ko si Kenneth at naging maayos naman ang takbo ng relasyon namin. Ayaw nga lang niya na tawagin ko siyang Kj, kaya Kenneth or Ken ang tawag ko sa kanya. Naiilang parin ako sa endearment na tawag niya."May practice ba kayo mamaya bhe?" "Oo mayroon, bakit?""Hanggang anong oras?" " Isang oras lang daw sabi ng trainor. Mga 5:30 siguro kami matapos. Bakit?"" Baka hindi kita ma ihatid mamaya-, "" Bakit parang natatakot kang sabihin sa akin na hindi mo ako maihatid? "" Baka kasi magalit ka. Magtampo. "Tinaasan ko siya ng kilay.Iyon talaga ang akala niya,na magalit ako?Mag tampo?Dahil hindi niya ako maihatid pa uwi,kung batukan ko kaya siya."Bakit naman ako magalit at mag tampo? Ha?"Tulad ng sinabi ko noong nakaraan, pagkatapos ng Intramurals ay doon niya ako ihatid pauwi kung gusto niya hindi ko siya pipigilan. Walang araw na hindi siya pumalya sa paghatid sa akin pero hanggang sa bukana lang siya ng aming barangay. Hindi pa ako han
Ako iyong tipo ng tao na kontento na sa lahat ng bagay.Kahit lumaki kami na masagana ang buhay ngunit hindi kami sinanay ng aming mga magulang na kung ano ang gusto namin ay kailangan ibigay. Kundi tinuruan kami kung paano maging kontento at kailangan paghirapan ang inaasam namin na isang bagay. Kaya noong nawala si papa sa amin hindi ako nanibago sa pagbago ng takbo ng aming buhay.Mabuti nalang at sinanay ako sa simpleng buhay dahil si mama nalang ang kumakayod para sa araw-araw naming pangangailangan.Kagaya ngayon kontento na ako sa paliwanag ni Analyn sa akin."Sorry talaga pinsan.""Hindi nga ako galit," natatawa na ani ko sa kanya.Hindi naman kase talaga ako galit,na inis lang ako sa kanila kanina."Maganda kasi ang lahi natin e, ayan tuloy maaga kang nagka-jowa."Paano naman nasali ang pagiging maganda ng aming lahi sa pagkeringking ko ng maaga? At saka hindi naman ako maganda. Cute lang. "Umiyak si Diane kahapon sa room namin,nag break daw sila ni Jayvee."" Bakit daw?"" Ew
Masakit pala kapag niloko ka ng taong pinagkatiwalaan mo. 'Yong taong akala mo hindi ka sasaktan pero patago kang niloloko at nagawa pang magsinungaling sayo.Isang linggo na ang nakaraan mula noong tumawag ako sa kanya na si Adelah ang nakausap ko,at hindi parin nawala sa aking isipan ang narinig ko.Masakit para sa akin ang ginawa niya.Ang sabi niya, huwag ako mag selos dahil kaibigan niya lang si Adelah pero bakit ganon ang narinig ko?Daig ko pa ang isang asawa na may kabit na tinatago.Bakit kailangan niya pa magsinungaling?Bakit kailangan niya pa ako saktan sa ganitong paraan?Pwede naman siya mag sabi,hinde iyong sa iba ko pa marinig."Fahrhiya, stand up." Ma'am Garcia said our Science teacher and adviser. " What is the Difference Between an Atom and a Molecule? " Tanong nito nang maka tayo ako." I'm sorry ma'am I don't know the answer, " naka yuko na sagot ko dahil sa hiya." May problema ka ba Fahrhiya? " Napa-angat ako ng tingin sa tanong ni ma'am." Isa ka sa mga top honor pero
Mahirap mag panggap na hindi ko siya na mimiss. Na ayaw ko siyang makasama dahil ngayong magkaharap kaming dalawa gusto ko siyang yakapin dahil sa subrang pananabik ko sa kanya. "Bhe."Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa aking ginagawa.Kunti nalang bibigay na itong lintik kong puso ko na ang dali makalimot na nag sinungaling pala itong lalaki na 'to. Tumayo ako ngunit humarang siya kaagad sa harapan ko."Bhe," nagsusumamo na saad niya.Hindi ako sumagot, tinititigan ko lang ang kanyang mukha. "Hatid na kita.""Hindi na.Huwag mo na ako ihatid," tanggi ko at tinalikuran siya.Hindi siya nag pumilit at hinayaan ako. Bahala siya, ganyan naman siya parati. Kainis.Nanikip ang dibdib ko. Gusto kong umiyak sa inis dahil sa kagagawan ko.Imbis na kinausap na magpa hard to get pa.Ayan self mag dusa ka."Ri," lumingon ako sa kanya ng tawagin niya ako. " Na iwan mo," saad nito at nilahad sa akin ang libro."Ingat ka," wika niya at tumalikod sa akin.Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng luh
Sino ba ang dapat na humingi ng tawad sa aming dalawa? Siya ba,dahil nagsinungaling siya akin at blinded sa kasalanang ginawa niya? O, ako na basta nalang umiwas at nagalit sa kanya na hindi muna inalam ang lahat. Or maybe parehas kaming may kasalanan pero mas malala lang ang sa kanya. "Bakit ka humihingi ng tawad may kasalanan ka ba? " Tanong ko sa kanya." Kaya nga sabi ko-, "" Kung may nagawa kang kasalanan doon ka mag sorry. Hindi 'yong bigla ka lang hihingi ng tawad hindi mo naman alam kong may ginawa kang mali. "" So? Okay na tayo? Hindi kana galit sa akin? Hindi muna ako iiwasan? "" Mmm. "" Ang ikli naman ng sagot mo e. Parang galit ka sa akin e. "" Ano ba ang gusto mong isagot ko? Kasing haba ng traffic sa Manila? Ha? Sumagot na nga ayaw pa. "" Ha ha. Oo na po. Okay na po. Huwag ka na po magalit. Ang high blood mo may means ka ba? "" Aray! " daig niya ng hampasin ko siya sa braso." Bhe," reklamo niya at hinimas ito.Sinamaan ko siya ng tingin."Bawal ba kitang tanongin
Doon lang ako nakaramdam ng hiya pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat.I was about to unwrap his hand around my waist pero natigilan ako nang yakapin niya ako at pakalmahin. Imbis na kumalma ay lalo akong na iyak. Ngayon ko lang naranasan na may handang dumamay sa akin sa oras na ako ay nangangailangan ng masasandalan.Hindi ako gumanti ng yakap sa kanya, naka sandal lang ang aking noo sa kanyang dibdib habang yakap niya ako.Pakiramdam ko ligtas ako sa pamamagitan ng kanyang yakap."Basta lagi mong tandaan, nandito lang ako kapag kailangan mo ng maka-usap," wika nito habang hinahaplos ng marahan ang aking buhok. Tumango ako bilang sagot at kumalas sa yakap niya.Inayos ko ang aking sarili at muling naglakad .Masyado naman yata akong ma drama ngayong araw." Huwag mong isipin na mag iba ang tingin ko sayo dahil lang sa sinabi mo sa akin,hindi mangyari 'yon.Huwag kang mahiya na mag sabi sa akin ng mga problema mo,kasi hindi mo lang ako boyfriend, best friend mo rin ako na ano mang