Share

13 - Label

“Galit ka?!” Pagkompronta ko kay Sage pagpasok ko sa bodegang kinaroroonan n’ya.

Sinigurado ko talagang masosolo ko s’ya bago ko s’ya sugurin para makapag-usap kami ng matino ng walang iistorbo sa amin.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob kong sugurin at sigawan s’ya ngayon. Gulong-gulo na kasi talaga ako kung bakit s’ya pabago-bago ng mood kapag kaharap n’ya ako.

Kagabi lang ay halos kainin na namin ang dila ng isa’t isa sa sobrang okay naming dalawa tapos ngayon ay bigla s’yang manlalamig sa akin?

Bipolar ba s’ya?

“Sage!” sigaw ko sa pangalan n’ya nang hindi n’ya ako lingunin. Napapadyak ako sa inis. Malalaki ang hakbang kong lumapit sa kanya saka ko marahas na hinila ang braso n’ya para iharap s’ya sa akin.

“Kanina pa kita kinakausap! Ano ba talagang problema mo, huh?” Nanggagalaiti kong asik habang masama ang tigin sa kanya.

Mula sa pagiging seryoso n’ya ay bigla na lang gumuhit sa labi n’ya ang isang pilyong ngisi.

“A-Anong nginingisi-ngisi m-mo r’yan?! Am I joke
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status