Share

Episode 16: Pagtatagpo (Maria)

Nang makapasok sa restaurant, agad niyang binuksan ang sobre. Namilog ang mata niya nang makita ang lilibuhing pera. Agad siyang napalingon sa likod sa pag-aakalang umalis na ang van pero nando'n pa rin ito. Iginala niya ang paningin sa paligid pero wala naman ang kanyang asawa. Napasinghot siya nang mahaba nang maamoy ang pagkain. Nakaramdam agad siya ng gutom nang makita ang ilang customer na kumakain.

"This way, ma'am." Isang naka-uniform na lalaki ang sumalubong sa kanya kaya napasunod siya. "Have a seat." Agad itong tumayo sa likod ng upuan para hilahin ito.

Napalunok siya at taas noong umupo bago iginala ang tingin sa loob nito. Nagkikislapan ang mga chandelier sa taas nang pasimple siyang tumingala. Unang beses niya itong pumasok sa ganitong yayamanin na restaurant. Ang mga tao, mga mukhang businessman at nakapormal ng suot samantalang siya, naka-uniform lamang. Napangiti siya dahil walang pumapansin sa kanya hindi kagaya sa labas na pinagdidiskitahan siya.

"Let me know kung
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status