Share

Kabanata 13.

ELIHA

Masaya akong bumangon mula sa kama. Pero kumunot ang noo ko nang may makapa akong ibang katawan. Nang tingnan ko kung sino ay si Eli. Nasa gitna namin siya ni Keegan.

Hindi ko napigilan ang aking emosyon. Kaagad kong hinila si Eli at ibinalibag ko.

Masama siyang tumingin sa akin. Ngunit si Keegan ay hindi man lang nagising.

"Anong klaseng mahika ang ginamit mo kay Keegan?!"

"Hulaan mo." Tumayo siya habang inaasar ako gamit ang mga mata niya.

Inilahad ko ang dalawa kong kamay kaya mayroong lumabas na apoy. Gulat na gulat si Eli.

"E-Eliha, h-hindi ko naman sinasadya na gamitan ng pampatulog si Keegan. Teka, gigisingin ko na siya."

Mayroong ginawa si Eli. Mabilis namang nagising si Keegan.

"Eliha, bakit hindi pa rin nawawala ang apoy sa dalawang kamay mo?" natatakot na tanong ni Eli.

"Eliha, delikado ang apoy sa akin. Ano bang nangyari?" pagtataka ni Keegan.

"Ang babaeng 'yan! Ginamitan ka ng mahika para matagal kang magising at tumabi pa sa pagitan natin habang tayo ay tulo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status