Share

Chapter 12

Sabay na pumasok ang dalawa sa loob ng bahay ni Alexis. Mabuti na lamang at nakapaglinis ng bahay si Alexis at hindi makalat ang loob.

“Nandoon ang kusina,” turo ni Alexis. “May mga karne at gulay sa fridge. Ikaw na bahala kung anong lulutuin.”

Tumango si Alvin bilang sagot. Nilibot lamang nya ng ilang minuto ang paningin sa kabuuan ng kusina at nang muling tumingin kay Alexis ay nakahiga na ito sa sofa at mukhang natutulog na.

Napangiti na lamang sya at napailing. Mukhang napagod ito kakaiyak.

Tumunog ang cellphone ni Alvin sa kaniyang bulsa. Kinuha nya iyon at sinagot. Nagtungo sya sa kusina.

Isang boses ng lalaki ang agad na bumungad sa kaniya. “Alvin Dela Cruz, na saan ka? Sabi mo maglulunch tayo ngayon? San ka na naman nagpunta? Tara—.”

Hindi na natapos pa ng lalaki ang sasabihin dahil pinutol na sya ni Alvin. “May gagawin pa ako. Kumain ka na muna mag-isa. Nakapark yung sasakyan ko sa campus. Gamitin mo muna, after lunch pick me up.”

“Palautos ka na—.”

Hindi na naman nuling pin
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status