Share

Chapter 7

"Kaya kita binibigyan ng pera para..." he stopped talking as he looked at her eyes seriously.

"Para ano, huh?" nakaawang ang mga labi na tanong ni Camilla sa guwapong si Hector na kaagad naman na pinagpatuloy ang sasabihin sa kanya.

"Camilla, kaya kita binibigyan ng pera para may pangbili ka ng bagong damit na isusuot mo sa pagpunta natin sa mansion para ipakilala ka sa mga magulang ko. Kailangan mo rin na pumunta sa salon para mag-ayos ng sarili mo. I want you to look good and attractive," sagot ni Hector sa kanya na may kasamang paliwanag. Camilla's eyes got bigger when she heard it.

"A-Ano? Kaya pala binibigyan mo ako ng pera para ipambili ko ng bagong damit at mag-ayos ng sarili ko para magmukha akong maayos at attractive kapag pinakilala mo na ako sa nga magulang mo?" nakaawang pa rin ang mga labi na tanong ni Camilla kay Hector na mabilis naman siyang tinanguan.

"Oo, Camilla. You have to look more good, elegant and attractive in front of my parents. Hindi puwedeng walang dating, okay? Naiintindihan mo naman siguro ang ibig kong sabihin sa 'yo," malumanay na sabi ni Hector kay Camilla.

"Hindi ba ako maayos tingnan, huh?" nakakunot ang noo na tanong ni Camilla kay Hector.

Huminga nang malalim si Hector bago nagsalita sa kanya. "Maayos ka naman tingnan ngunit kailangan lang talaga na ayusan ka pa, Camilla. Walang masama sa ayos mo na nakikita ko ngayon. But I want more, okay? Alam mo naman siguro ang estado namin, 'di ba? We're not as simple family as you think. Kailangan kapag pinakilala kita sa mga magulang ko ay dapat maayos na maayos ang suot at hitsura mo para wala silang masabi sa akin at lalo na sa 'yo. You have to buy expensive dress. You also need to go to a salon. Alam mo na kung ano ang gagawin mo doon, Camilla," paliwanag ni Hector kay Camilla.

Naiintindihan naman ni Camilla ang sinabing 'yon sa kanya ni Hector. Hindi muna siya nagsalita sa sinabing 'yon nito sa kanya. Dahil hindi pa siya nagsasalita sa harapan nito ay nagsalita muli ito sa kanya.

"Kunin mo na ang perang binibigay ko sa 'yo, Camilla. 'Wag ka nang mahiya pa, okay? Tanggapin mo na 'to please," sabi ni Hector sa kanya. "You have to use this money. Gusto ko na magmukha kang mayaman para walang masabi ang mga magulang ko. Kunin mo na 'to please."

Wala namang ibang nagawa si Camilla kundi ang kunin ang perang binibigay sa kanya ni Hector. Kinuha niya 'yon.

"Thirty thousand pesos 'yan na bigay ko sa 'yo, Camilla. Kung kulang pa 'yan ay magsabi ka lang sa akin dahil bibigyan pa kita pero I think kulang pa nga 'yan, eh. Wala na akong cash dito sa wallet ko. Kailangan ko pa mag-withdraw sa bangko. 'Wag kang mag-alala dahil padadalhan pa kita ng pera," sabi ni Hector sa kanya na nanlalaki ang mga mata habang hawak-hawak na ang perang binibigay sa kanya nito.

"Huwag na, Hector. 'Wag mo na akong padalhan pa ng pera. Tama na 'to. Ang laki na nitong thirty thousand pesos para gastusin ko sa nais mong mangyari na bumili ako ng mamahaling damit at magpaayos sa salon," tanggi ni Camilla sa kanya.

"Hindi, Camilla. Padadalhan pa kita. Kulang pa 'yan na binibigay ko sa 'yo, okay? Kulang pa 'yan, huwag kang mag-alala dahil magwi-withdraw ako mamaya tapos ipapadala ko na lang sa 'yo. Naiintindihan mo ba? 'Wag ka nang magreklamo pa. Gawin mo na lang ang sinasabi ko sa 'yo. Wala namang masama sa sinasabi ko, eh. Hindi ko naman ninakaw ang mga perang binibigay ko sa 'yo. It's mine, okay? Kaya wala kang kailangan na problemahin o ano pa sapagkat sa akin ang perang 'yan at binibigay ko sa 'yo 'yan. Don't complain please. Do what I want for you," sabi pa ni Hector sa kanya.

Sunod-sunuran na lang si Camilla kay Hector kaya pagkasabi nito ay tumango na lang siya. Hindi na siya nagreklamo o nagprotesta sa harapan nito. Kung 'yon ang nais nito ay wala siyang magagawa kundi ang tanggapin at gawin 'yon.

"Bahala ka, Hector. Basta hindi kita sinabihan na gawin mo 'yan sa akin. Hindi ako nanghihingi ng pera sa 'yo. Ikaw lang naman ang may kagustuhan ng mga bagay na 'yon na gawin ko," tugon ni Camilla sa kanya.

"Of course, yes. Ako ang bahala, Camilla. Wala kang kailangan na problemahin pa, okay? Basta ang kailangan mo na gawin ngayon ay sundin ang sinasabi ko sa 'yo. Maliwanag na maliwanag ang pagkasabi ko sa 'yo. Hindi kasi kita masasamahan para sa bagay na 'yon na dapat ay kasama mo ako dahil sa busy ako at marami akong ginagawa kaya ikaw na lang ang gumawa, okay? You have money naman. Kung anong problema na mangyari ay magsabi ka lang sa akin. I'll give you my cell phone number mamaya bago ako umalis dito sa bahay n'yo. You can call me anytime," sabi pa ni Hector sa kanya.

"Wala naman sa akin problema kahit hindi mo ako samahan, Hector. Kaya ko naman na gawin 'yon," nakangiwing tugon ni Camilla kay Hector na tinanguan naman siya pagkasabi niya.

"Okay. Malinaw na sa atin ang pinag-usapan natin. Babalik muli ako dito sa bahay n'yo para sunduin ka kahit kailan na araw pa 'yan para ipakilala ka sa mga magulang ko, Camilla," sabi pa ni Hector sa kanya.

Camilla gave him a quick nod. "Okay."

Hindi naman na nagtagal pa si Hector sa bahay nina Camilla. Bago ito umalis sa bahay nila ay binigay muna nito ang cell phone number niya at hiningi naman nito ang cell phone number niya. Pinadalhan muli siya ng pera ni Hector kaya aabot ng one hundred thousand ang pera na hawak niya. She didn't complain to him anymore. Hinayaan na lang niya ito sa nais nito.

Kinagabihan ay tinawagan ni Camilla ang kanyang kaibigan na si Mika. Dahil kaibigan niya ito at pinagkakatiwalaan sa lahat ng bagay ay sinabi kaagad niya ang nangyari kanina sa pagpunta muli ni Hector sa bahay nila.

"Akala ko ba ay pag-uusapan na n'yong dalawa ang tungkol sa magiging kasal n'yong dalawa ngunit 'yon pala ay hindi pa," sabi ng kaibigan niya na si Mika sa kabilang linya.

Camilla cleared her throat before she speaks to her friend. "Iyon na nga rin ang akala ko, eh. Akala ko talaga ay pag-uusapan na namin ang tungkol sa kasal na 'yon ngunit hindi pa pala. Ang sabi kasi niya sa akin ay kailangan na muna na ipakilala niya ako sa mga magulang niya bago 'yon. Kung iisipin ay may punto naman nga siya sa sinabi niya sa akin na 'yon na kailangan muna na ipakilala ako sa mga magulang niya. I expected that. Kinabahan ako sa totoo lang kanina matapos niyang sabihin 'yon sa akin, bessie. Hindi pa ako handa na ipakilala niya ako sa mga magulang niya. Hindi lang ako kinabahan, natatakot ako, bessie. Kinakabahan at natatakot ako na ipakilala niya ako sa mga magulang niya baka kasi kung ano ang sabihin nito sa akin. Hindi pa naman ako mayaman kagaya nila. Hindi ako belong sa mga kagaya nila na mayayaman. Hindi naman ako mayaman, 'di ba?" kuwento ni Camilla kay Mika.

"I know that, bessie. Naiintindihan kita sa sinasabi mo sa akin ngayon. Kahit ako ay ganoon rin ang nararamdaman," sabi pa ni Mika sa kanya. "Ilan ba ang binigay niya sa 'yong pera, huh?"

"Aabot one hundred thousand pesos ang binigay niyang pera sa akin, bessie. Kailangan ko raw na bumili ng mamahaling damit na isusuot ko kapag pinakilala niya ako sa mga magulang niya at kailangan ko rin na pumunta sa salon para mag-ayos ng sarili ko. Alam mo naman kung ano ang ginagawa doon sa salon, 'di ba? Gusto pa siguro niya ako magmukha maganda pa. Ang sabi pa niya sa akin ay kailangan raw na magmukha akong maayos, elegante at attractive para walang masabi ang mga magulang niya sa amin lalo na sa akin. Dapat magmukha akong mayaman. Iyon ang nais niya kaya binigyan ako niya ng ganoon kalaking halaga ng pera na masasabi ko na ang laki na, 'di ba? Hindi ako makapaniwala na ganoon ang gagawin niya. Bibigyan niya ako ng ganoong kalaking halaga ng pera para lang sa paghahanda na gagawin ko para sa pagpapakilala niya sa akin sa mga magulang niya," kuwento pa ni Camilla sa kaibigan niya na hindi makapaniwala sa sinabi niyang 'yon.

"Oh, talaga ba? Aabot one hundred thousand pesos ang binigay niya sa 'yo na pera?" hindi makapaniwalang tanong ni Mika sa kanya.

"Oo, bessie," saad ni Camilla sa kaibigan niya. "Ang laki na nito sa totoo lang."

"I know, bessie. Mayaman naman siya kaya walang problema. Barya lang 'yan sa kanya, 'no?" sabi ni Mika sa kanya.

"E, kahit na, bessie. Nakakahiya pa rin na binigyan niya ako ng ganoong kalaking halaga ng pera para lang sa bagay na 'yon," nakangusong sagot ni Camilla.

"Ginusto niya 'yon, bessie. Hayaan mo na siya. Mayaman naman siya, eh, kaya walang problema, 'di ba? Gusto ka lang naman na magmukhang mayaman kaya 'yon ang pinagagawa niya sa 'yo kaya binigyan ka ng ganyan kalaking halaga ng pera para gastusin mo. Iyon ang gusto niya, 'di ba? Kaya hayaan mo na siya. Gawin mo na lang ang nais niya," sagot ni Mika sa kanya.

"Gagawin ko naman 'yon, bessie. Hindi ko puwedeng balewain lang 'yon, 'no? Kailangan na gawin ko para walang problema kahit ayaw ko. Nandito na ako, remember? Wala na akong magagawa pa kundi ang maging sunod-sunuran sa kanya. Wala akong kaalam-alam sa posibleng mangyari sa mga susunod na araw. Bahala na talaga," sabi ni Camilla sa kanyang kaibigan sa kabilang linya na nakanguso pa rin. "Bessie..."

"Ano 'yon?" tanong ni Mika sa kanya.

Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita muli.

"Puwede mo ba akong samahan bukas o sa susunod na araw na mamili ng damit na isusuot ko kapag pinakilala na niya ako sa mga magulang niya?" malumanay na tanong ni Camilla sa kaibigan niya.

"Oo naman. Puwedeng-puwede. Hindi ako papasok sa trabaho bukas para sa 'yo," sabi ni Mika sa kanya.

"Talaga? Baka may importanteng gagawin ka bukas sa trabaho mo. Ako pa ang maging rason n'yan upang pagalitan ka ng boss mo, bessie. Ayaw ko na mangyari 'yon, 'no? Puwede naman sa susunod na araw na wala kang pasok, eh. 'Wag na muna siguro bukas kung may kailangan kang gawin sa trabaho mo," giit ni Camilla kay Mika.

"Wala naman, bessie. Wala naman akong importanteng gagawin bukas sa trabaho. Paupo-upo lang sa malambot na upuan at pa-aircon-aircon. Hindi ako papasok bukas, bessie. Sasamahan kita bukas. Wala kang kailangan na alalahanin sa akin, okay? Kapag sa 'yo ay palagi akong handa kahit anong oras pa 'yan. Sasamahan kita bukas. Maliwanag na 'yon, okay? Sasamahan rin kita sa salon. You'll look more beautiful, bessie. I promise you that," mabilis na tugon ni Mika sa kanya.

"O, sige, bessie. Salamat..."

"Walang anuman 'yon, bessie. See you tomorrow, okay?"

"Yeah. See you too."

Camilla sighed deeply after their conversations ended a few seconds ago.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status