Lumipas ang isang lingo at nakalabas na si Samantha sa hospital. Sa mga araw na iyon ay lagi niyang kasama ang kaibigan at pinakiusapan niya na huwag nalang iparating sa kapatid ang nangyari. Sumangayon naman si Marie kay Sam at nangako na hindi makakarating sa Kuya niya ang nangyari dahil may sinabi si Sam sa kanya. Sinabi niya na pinag iisipan na niya na sumama sa Kuya niya at iwan ang Asawa. Natuwa naman si Marie sa mga nalaman niya at sana ay gawin na ni Sam dahil siya naman ang mahihirapan at masasaktan ng paulit-ulit kapag nagkataon. Sa mga nakalipas na araw din ay busy din si David sa pag aasikaso at pagbisita sa dalawang babae. Hindi na niya alam kung sino ang uunahin dahil pariho silang mahalaga sa kanya. Nagising na din si Danica at unti-unti na din itong nkaka recover. Naging mabuti na ang lagay nito at wala ng nakakabit na mga aparato sa katawan nito. Mga sugat at pasa nalang ang makikita sa katawan nito. Nakapag desisyon na si David na hiwalayan si Sam dahil mahal niya
Makalipas ang dalawang linggo ay makakalabas na ng hospital si Danica. Nasa hospital ngayon si David kasama ang Ama ni Danica para sunduin at ayusin ang paglabas nito. " Love, makakalabas ka na ngayon. Uuwi na tayo. " saad ni David kay Danica habang inilalagay ang mga gamit nito sa bag. " Excited na akong lumabas dito, Love. Ayaw ko dito. " saad naman ni Danica. " Oo, Love! Makakauwi ka na ngayon at inayos na ng papa mo ang bills. " saad ni David. Mayamaya ay bumukas ay pinto at iniluwa noon ang Ama ni Danica. " Hija, makakauwi na tayo. Ipinahanda ko na ang kwarto mo sa Bahay. Ipinaayos ko na para komportable kayo ng apo ko. Malapit ka din manganak. Isang buwan nalang at lalabas na anak mo. " saad ng ama ni Danica. " Opo, Dad! Masaya po Ako dahil malapit ko ng makita ang anak namin ni David. Diba Love? " masayang saad ni Danica. " Oo naman, Love. Excited na din Ako na makita ang baby boy natin. " masayang saad naman ni David. Masaya siya din siya na malapit na din manganak si Saman
Unti unti ng naninikip ang dibdib ni Samantha sa halo halong emosyon na nadarama. Bigla nalang sumakit ang tiyan niya at may dugo na lumabas sa ibaba niya. Mas lalo siyang naiyak sa nakita. " Noooo! Ang baby ko. Tulong! " sigaw niya sabay abot sa cellphone niya na nasa kama. Agad niyang tinawagan si Marie. Agad naman nito iyong sinagot. Kasalukuyang palabas si Marie sa company ni Sandro na kapatid ni Samantha dahil sinabihan niya ito sa desisyon ni Samantha na makikipaghiwalay na ito kay David. Nasa parking lot na siya nang biglang mag ring ang cellphone niya. Nakita niya na si Samantha ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot. " Hello, Bes! " sagot niya. Narinig niya na umiiyak ang kaibigan na parang nahihirapan. " Marie, tuloonngggg.. please puntahan mo Ako dito sa Bahay. Ang baby ko..." nahihirapan na saad ni Samantha sa kabilang linya. Sa narinig ay agad na pumasok ng kotsye si Marie at pinahaharot ang sasakyan papunta sa Bahay nila Samantha. Labis ang pag alala niya sa kaibig
Hindi nalang sumagot si Sandro at nanatiling nakatitig sa pintuan ng emergency room. Mayamaya ay nagpaalam na si Marie na papasok na siya ulit sa emergency room para tignan ang kalagayan ni Samantha. " Kuya Sandro, Tita, Tito...balik na po Ako sa loob. " saad ni Marie. " Drew, hanapin mo ang Gago mong kapatid. Papuntahin mo dito ngayon din. " utos ni Ginoong Dustin sa anak. Mahihimigan dito ang galit na tinig. Agad naman na tumalima si Drew. " Yes, dad. Hahanapin ko ang gago na yun. " sagot ni Drew at naglakad na papaalis. Pumunta siya sa nurse station at nagtanong sa kung anong room number naka admit si Danica Sandoval. Agad naman na sinabi ng nurse dahil nagpakilala siya bilang kaibigan ng pasyente." It's room 201, Sir. " saad ng nurse. Naglalakd na siya patungo doon sa kwarto na sinabi ng nurse.Ilang minuto ay nakarating na siya sa tapat ng pinto. Agad niya iyong binuksan ng walang katok-katok. Habang si David ay nakayuko sa hospital bed ni Danica habang hawak ang kamay nito ay b
Lumipas ang apat na araw at nagising na din si Samantha. Naging maganda ang response ng katawan niya. Unti-unti na din siyang nakaka recover. Habang ang kambal naman ay katulad niya at naging maganda din ang kalagayan ng mga ito. Nakasakay siya sa wheelchair ngayon habang tulak-tulak naman ng kapatid. Patungo sila sa private room ng kambal. Gusto niyang makita ang mga ito. Pagkapasok nila ay sumalubong ang nurse na nagbabantay sa mga ito. " Hello po Ma'am/ Sir! " bati nito sa kanila. Tumango naman at ngumiti si Samantha sa nurse. " How's my babies? " tanong ni Samantha habang tulak ng kapatid papalapit sa incubator ng mga anak. " They are getting better, Ma'am. Ang tapang po ng mga anak niyo. " saad ng nurse. Naka ngiti naman si Samantha na nakatanaw sa mga anak. " Hello! My precious babies! Mommy and Tito is here. " nasayang saad ni Samantha sa mga anak. " Hello, Kiddos! Get well okay? Para makauwi na tayo. " saad naman ni Sandro na naka alalay kay Samantha na nakatayo.Masayang-mas
KINABUKASAN ay maagang nagising at naghanda ang Ina nila David. Maaga itong nagluto ng mga paborito ni Samantha na dadalhin nila sa hospital dahil bibisitahin niya si Samantha lalo na ang mga apo niya. Habang busy siya sa paglalagay ng mga ulan sa lagayan ay pumasok na ng komedor ang asawa niya. " Good Morning, Hon! " saad nito sabay halik sa pisngi ng Ginang. " Good Morning! Umupo ka na doon at kakain na tayo para makaalis na tayo. " saad ng Ginang. Ilang sandali ay pumasok na din si Drew at sabay-sabay na silang nag umagahan. Pagkatapos kumain ay nagbihis na sila at umalis na papunta ng hospital. Habang nasa daan ay nagsalita ang Ginang. " Sana kasama natin si David para dalawin ang mga Bata. " saad nito. " Alam mo naman na ayaw ni Samantha at ni Sandro na makita si David. Hindi natin masisisi si Samantha kung ayaw niya na makalapit ang ama ng mga anak niya sa kanila dahil sa nangyari. Hayaan nalang natin sa ngayon dahil darating din ang tamang panahon sa lahat. Magiging maayos di
LUMIPAS ang tatlong araw at bukas ang nakatakdang araw ng alis nila Samantha. Busy naman ang Kuya niya at nasa kompanya ito. Inaasikaso nito lahat ng dapat asikasuhin dahil maaga ang flight nila bukas papuntang U. S. Ang gagamitin nilang sasakyan ay ang private plane ng Kuya niya. Sa mga lumipas na araw ay naka-usap din niya ang ama ng kanyang Kuya at sa tingin niya ay mabait ang Ginoo. Daddy na din ang gusto nitong itawag niya rito dahil wala itong anak na babae. Tumatawag ito at panay update sa kanila. Inaalam nito kung ano na ang nangyayari sa kanila. Sinabi din nito na huwag siyang mahiya dahil anak na din ang turing nito sa kanya. Excited na din ito na makilala ang kambal. Binibiro nga nito ang Kuya niya kung kailan ba daw ito mag-aasawa. Si Marie naman ay inaasikaso din muna ang mgabkakailangan at ang mga bilin niya para rito sa hospital. Si Doc. Franco muna ang pansamantalang mamamahala nito pero nakasubaybay pa din si Marie kung nasa U. S na sila. Habang siya naman ay kasaluk
Naging maayos ang panganganak ni Danica. Kasalukuyan nasa silid sila kasama ang magulang nila. Nakahiga na si Danica sa hospital bed at hinintay lang nila na magising ito. Nag-uusap ang kanilang mga magulang. Pinag-usapan din ng mga ito ang tungkol sa kasal nila ngayon na naka panganak na si Danica ay mapagtutuonan na nila ang tungkol sa kasal nila. Ilang oras ang lumipas ay nagising na si Danica. Agad niya itong nilapitan. " Love, are you okay? May nararamdaman ka ba? " tanong niya rito. Umiling naman ito bilang sagot. " Water please! " sagot nito. Kinuha naman niya ang bottled water na nasa gilid na naka patong sa bedside table. Binuksan niya iyon at inalalayan na uminom si Danica. Pagkatapos uminom ay nagsalita ito. " Where's my baby? " saad nito. " Ahhhmmm... Nililinasan pa siya ng nurse. Any minute dadalhin na siya rito, Love. " saad ni David. Tumango naman ito sa kanya. " Love, thank you for bringing our baby. Mahal ko kayo. " saad ni David sabay halik sa noo nito. " I love you