Share

[CHAPTER 2]

Inilalayan ako ni Mr.Tan na tumayo, yumuko ako at pinunasan ang mga luha.

"Pasinsya kana sa inasal ni Master Ace madam, ako na ang humihingi ng tawad." Paumanhin nito ngunit umiling lamang ako.

Napakabait ni Mr. Tan, may katandaan na siya at tatlong pung taon na itong Butler ng pamilya Madrigal. Para narin siyang Ama nila Ace, buti nalang at may mabait akong kasama dito sa bahay.

"Hindi mo kasalanan iyon Mr.Tan at wag po kayong mag alala a-ayos lang po ako. Sanay na po akong ginaganun ni Ace." I smiled bitterly.

"B-babalik napo ako sa kwarto ko." Paalam ko dito.

"Kapag may kailangan po kayo, tawagin niyo lang po ako sa baba."

"You need to rest too Mr. Tan and thank you for your concern. Goodnight."

Para akong patay na nag lalakad sa kung saan, napadpad ako sa terrace nitong mansion. Maliwanag ang buong harden dahil napapalibutan ito ng mga ilaw at mga magagandang bulaklak.

"Galing ako sa kwarto ng ibang babae, happy?"

Bumalik nanaman sa isip ko ang sinabi ni Ace, totoo ba ang sinabi niya? O baka naman sinabi niya lang iyon para masaktan ako?

Huminga ako ng malalim at ninamnam ang malamig na simo'y ng hangin.

"It's already late, why are you still up?"

Napapitlag ako dahil sa baritonong boses na narinig ko. Rinig ko ang yapak ng sapatos nito papalapit sa kinaroroonan ko. Sumandal ito sa railings at maimtim na nakatanaw sa madilim na kalangitan. Dos was handsome like Ace, but for me mas gwapo parin ang asawa ko, para silang goddess na inihulog dito sa lupa. They have pointed and perfect nose, kissable lips, perfect shape of face, long lashes, shiny hair, at ang balbas nila ay mas nakakapang akit tingnan, their eyes... para kang nahuhulog sa bitag kapag tinititigan mo ito ng matagal. Ang ugali lamang nila ang hindi tugma, Ace was cold, ruthless and bossy while si Dos naman ay kabaliktaran nito.  I didn't know everything about Dos, maybe pareho din sila ng kapatid niya or sadyang magkaiba lamang sila ng pakikitungo sa akin.

"B-bakit ka pala nandito?" Nauutal na tanong ko. It's been a month nang huli ko siyang nakita.

"Bawal nabang umuwi sa totoo kong bahay?" He chuckled.

"Hindi naman sa g-ganun... I mean.. ngayon kalang ulit umuwi."

"My dad called me, kailangan daw ako para sa meeting na gaganapin two days from now. Besides, I am the second heir of Madrigal's, their probably need my presence there right?" Dagdag pa nito. Tanging tango nalamang ang naisagot ko.

"Why? Hindi mo bako na miss?" He tease.

Tumawa ako at umiling.

"Nope." Agad na sagot ko. He's acting weird evertime na nag uusap kami, minsan nahuhuli ko siyang naka titig sa akin, o baka naman namamalikmata lang ako?

"Ouch... it's hurts." Hinawakan nito ang dibdib at nag kunwaring nasasaktan. Ibang-iba siya sa kapatid niya, how I wish na sana ganito din si Ace.

"Hey, you okay?" Pagpukaw nito sa akin.

"You look sad, what happened?" He asked.

Ngumiti ako at umiling.

"N-nothing... may iniisip lang ako."

"You sure?"

Tumango ako at tinalikuran siya.

"I'm going to sleep now, it's nice to see you again Dos, goodnight."

Agad akong nagtungo sa kwarto ko at humiga sa kama. Pinikit ko ang mga mata at nagsimula nanamang umiyak. Nag sisink in nanaman sa utak ko kung bakit ganun nalamang ang pakikitungo sa akin ni Ace. Why it is so hard for him to love me?

NAPABALIKwas ako ng bangon ng marinig ang malakas na kalabog ng pinto. Kinusot-kusot ko ng mga mata at agad na bumaba sa kama para buksan ang pinto.

"Open this goddamn door!" Galit na boses ni Ace. Napalunok ako ng ilang beses bago tuluyang binuksan ang pinto.

Tumambad sa akin ang galit na galit na muka nito.

"You! Ano bang akala mo isa kang prinsesa?" Hinawakan nito ang kanang braso ko at kinaladkad ako palabas ng kwarto.

"Ace ano ba nasasaktan ako." Ngunit parang wala itong narinig.

"Clean my room and make me a breakfast! Now!"

Itinulak ako nito papasok sa kwarto niya.

"Master, ako na po ang bahalang mag linis ng inyong silid-"

"No, let her."

Pag putol nito kay Mr Tan. Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. I know he's trying to help me,

"Ayos lang po Mr. Tan. A-ako na po."

"Now, clean it!" Sigaw ulit nito.

"What's happening here?"

Napalingon kami kay Dos na kakagising lang. Nagising siguro ito dahil sa ingay.

"It's none of your fucking business!" Agad na sagot ni Ace.

Kita ko ang pag iba ng aura ni Dos dahil sa narinig mula kay Ace.

"Yes it is." May diin ang bawat salita nito.

"Just get he'll out of here."

Nagulat ako ng hawakan ni Dos ang kamay ko at inilayo kay Ace.

"What are you going to do huh? Beat me? Then so be it!" Paghahamon nito.

Nakaramdam ako ng takot, ayokong mag away silang dalawa ng dahil sa akin. Pinigilan ko si Dos at inalis ang kamay nito na naka hawak sa akin.

"Dos-"

"Beat you? I prefer to kill you instead." Napalaki ang mata ko dahil sa sinabi ni Ace.

"Ace please... don't say that." Pagmamakaawa ko.

"Shut up woman!!" sigaw nito.

"You shut up!" Balik na sigaw ni Dos.

Napahawak ako kay Dos dahil parang nanghihina ako. Patuloy parin silang nag aaway, I can't take it anymore.. bumibigat ang pakiramdam ko. Siguro dahil wala pakong kain mula kagabi at wala din akong maayos na tulog.

"Please.. sto-" Tuluyan na akong bumagsak sa sahig.

"Allyza! Call an ambulance, hurry!" Huling narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

>Back in Junior High School scenario<

"Sure kabang dito ang daanan papunta ng Gym?" Tanong ko sa classmate kong babae. Bago palamang ako dito sa school at hindi ko pa alam paano mag pa sikot-sikot, senior high school nako at two years nalang ay gragraduate nako. I'm so excited na maging college. Pero sabi nila mahirap daw sa kolehiyo, but not for me. Ever since I was an honor student and I maintain my grades since Elementary.

"Of course Vien, don't worry you can trust me naman siyaka isa pa anak ka ng kilalang Mafia remember? so walang magtatangkang manakit sayo or they will be dead."

Tumango ako at sumunod nalamang kay Sofia. Medyo liblib ang lugar na ito, sure bang private school ang napuntahan ko? Sabagay lahat yata ng mga students dito 'e anak ng mga masasamang tao at isa na ako dun.

"Look who's here."

Napahinto kami ni Sofia. Napatingin kami sa isang groupo ng mga kalalakihan.

"Just keep walking Vien." Ani Sofia.

"Where do you thing you're going?"

Nagulat kami nang biglang sumulpot ang tatlong lalaki sa daraanan namin at may dalawa pa sa likod.

Nakaramdam ako ng takot at kaba, at alam kung ganun din si Sofia.

"Do you know who we are?" Tapang na tanong ni Sofia.

"Kami lang naman ang mga anak ng mga kilalang Mafia's dito sa school so don't you ever dare to touch us!" Sigaw nito sa mga lalaki, ngunit imbes na matakot ay nagsitawanan lamang ang mga ito.

"Really huh?"

Agad nila kaming hinawakan, nagpupumiglas kami ni Sofia pero masyado silang malakas.

"Let us go! Ano ba! Bitawan niyoko!" Singhal ko.

"Tumahimik ka!" Para akong nawala sa ulirat ng malakas ako nitong sampalin.

"Wag mong sasaktan ang kaibigan ko!" rinig kong sigaw ni Sofia.

"Shh... ang ingay mo naman Sofia, alam mo matagal na talaga kitang gustong maangkin at ngayon wala nang makakapigil sa akin." Anang isang lalaking naka hawak kay Sofia.

"Kayo na ang bahala jan, kami na dito kay Sofia." Utos ng lalaki na sa tingin ko ay leader nila. Agad namang tumango ang mga lalaking naka hawak sa akin, kita ko sa mga mata nila ang pagnanasa.

"Please... let's us go... please..." pag mamaka awa ko nang paghiwalayin nila kami ni Sofia. Dinala siya ng dalawang lalaki sa kung saan at ako naman ay dinala dito sa malawak na talahiban.

"Please... no... Please.... maawa kayo sa akin.... " Hirap na hirap na boses ko. Iyak lang ako ng iyak ng bitawan nila ako at napa subsob ako sa madamong lupa. Hinawakan ng isang lalaki ang dalawang binti ko, hinawakan naman ng isa pang lalaki ang dalawang kamay ko.

"Tulong!!!! Tulongan niyo--" Tinakpan ng lalaki na may kulay pulang buhok ang bibig ko dahilan para hindi ako maka sigaw.

"Ang ingay mo. Hawakan niyo siyang mabuti!" utos nito.

Pinipilit kong kumawala pero hindi ko kaya, nawawalan nako ng lakas. Tanging iyak nalamang ang nagagawa ko, mas lalo pa akong umiyak ng nagsimulang maghubad ng pantalon ang lalaking may pulang buhok.

Ipinikit ko nalamang mga mata at hinintay ang katapusan ko. Siguro ito na talaga ang naka tadhanang mangyari sa akin.

*BOOOGSSHHH*

Napamulat ako ng marining ang pag ungol ng lalaki. Ang lalaking may pulang buhok ay naka handusay na ngayon sa sahig at walang malay. Napatingin naman ako sa isang matipunong lalaki na naka tayo sa harapan namin, kasing bagsik ng leon ang awra nito na kahit sino ay manginginig sa takot.

"Ace." Rinig kong sambit ng lalaki na naka hawak sa dalawang braso ko.

"Get off to that woman!" Tiim bagang na saad nito. Agad naman nila akong binitawan. Umatras ang dalawang lalaki at agad na tumakbo ng mabilis.

Nagulat ako nang bigla akong umangat sa ere, doon ko nalamang napagtanto na binuhat niya na pala ako.

"You're safe now." Rinig kong sabi nito.

Doon na ako tuluyang umiyak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status