“BESHY! NAMISS KITA, BRUHA KA!” Halos matumba si Keirah nang sunggaban siya ng yakap ni Melanie. Buti na lang at napahawak siya sa hamba ng pintuan. “Grabe, miss na miss,” natatawa niyang sabi habang inaalis ang mga braso nito sa leeg niya.“Gaga, isang linggo kang nawala no, malamang,” ngumuso si Melanie. Na-miss niya talaga ito. Ngayon lang siya na-bored sa apartment niya. “Sorry naman, papasukin mo muna ako, haha,” mahinang tinulak ni Keirah si Melanie para maipasok niya ang maleta niya. “Oh, hindi ka na ba babalik dun at dala-dala mo na maleta mo?” “Hmm, may pinapagawa kasi sa akin si Sir. Baka matagalan pa bago ako makabalik.”“Ganun? Kumain ka na ba?” tanong nito habang naglalakad papuntang kusina.“Hindi pa nga eh. May pagkain ka ba diyan?”“Nag-luto ako ng ginataang labong. Hindi ko naman alam na darating ka, edi sana nagpa-buffet ako.”“Haha gaga. Buffet ka diyan. Ako lang ‘to!” natawa siya sa biro ng kaibigan pero saglit ding natigilan? “What is labong?”“Ah, eh. Kakain
Mabilis ang mga hakabang na lumapit si Keirah sa kinaroroonan ng mga nag-kakagulong mga kasamahan. “Excuse me? Anong nangyayari dito?” tanong niya at pumagitna sa mga tao. “May problema ba?”Halata namang nagulat si Cassidy sa presensya niya. Agad din nakabawi at tinaasan pa siya ng kilay. Anong problema ng isang ‘to? At bakit ito nandito sa company gayong wala naman si Davidson.“Ahem,” tumikhim muna si Cassidy saka bumaling sa kanya. “Yes? May problema ba sa pamimigay ko?” Naningkit ang mga mata ni Keirah ng tarayan siya ni Cassidy. Syempre hindi siya papatinag dito ‘no, huh!“Pasensya na, Miss Cassidy. Pero oras kasi ng trabaho eh, mamaya na lang siguro kayo mamigay ng gamit,” diretso niyang sabi, ngunit pinili niya pa rin maging magalang.Pero mukhang gusto ni Cassidy ng gulo nang bigla siya nitong itulak. “Huwag kang mangialam dito! Sino ka ba? Kung maka-asta akala mo tagapag-mana? Is there something wrong to what I did?”Mula sa kinatatayuan, napa-takbo na si Melanie at Lorrai
Nakakailang sulyap na si Keirah sa cellphone niya. Kapagkuwa’y napapa-irap sa ere kapag nakitang wala man lang text message ni isa mula kay Davidson.Inis na hinagis niya ang cellphone sa kama at padabog siyang dumapa roon. Gigil na isinubsob ang mukha sa unan.“Aaaahh!!” impit niyang tili habang nakasubsob sa unan niya. Hinampas-hampas niya pa iyon. “Haays nakakainis siya! Kampihan ba naman ang babaeng yun?!”Pabalikwas siyang bumangon at inayos ang buhok na kumalat sa mukha niya.“Huh! Ako pa talaga ang bully?” Irita na humalukipkip si Keirah. Gusto lang naman niya ng kaayusan sa Montevella. Hindi naman siya nangialam eh. Hays.Nasa beast mode siya ng masulyapan niya ang laptop. Naalala niya na may pinapagawa pala ang malandi niyang boss slash boyfriend.Huminga muna siya ng malalim bago lumapit sa laptop. “Sino naman kaya itong ipapahanap niya?” tanong niya sa sarili.Wala naman siyang ideya kung sino o ano ang nasa loob ng e-mail ni Davidson kaya agad niya yung binuksan.Labis n
“Aarhg! Bakit ayaw niyang sumagot?!” kulang nalang ay ibato ni Keirah ang cellphone niya sa inis. “Kuya, can you turn around?” Mabilis naman na umikot ng daan ang taxi driver na inutusan niya. Pupuntahan na lang niya ang Daddy niya instead of Davidson. Nararamdaman niyang may kinalaman din dito ang Dad niya. Kokomprontahin niya ito kung bakit hinahanap siya ng binata.Nakarating naman sila sa subdivision nila. Ngunit hindi pa man nakakahinto ang taxi, may humarang na sa kanilang dalawang kotseng itim dahilan ng biglang pag-preno ng driver. Nasapo ni Keirah ang noo na naumpog sa frontseat. Medyo nahilo pa nga siya sa impact nun ngunit pinilit niya pa rin na tumingin sa labas.“Manong, ano pong nangyayari?” naniningkit ang mga matang tanong niya.“Bigla na lang kasing huminto yang mga yan ma’am.”“Ha?” Hindi niya pa naaaninag ng maayos ang sinasabi ng driver ngunit nag-labasan na ang limang kalalakihan na sakay ng dalawang kotse.Nagtaka naman si Keirah at biglang kinabahan ng papun
“ANONG IBIG SABIHIN NITO, MAUREEN? BAKIT MAGKASAMA KAYO NI JUDE?” Halos umalingawngaw ang buong sulok ng container ban sa lakas ng tanong na yun ni Keirah. “Well, we just wanna have some fun,” sarkastikong sagot ni Maureen.“Hindi ba kayo ni Leo? Bakit kayo magkakilala ng mokong na ‘to?” “Tsh, you don’t get it, don’t you? Syempre wala na kami ni Leo.”“Kung wala na kayo ni Leo, bakit mo pa ‘to ginagawa?” inis niyang tanong. Kung makakatayo lang siya ay baka hinampas niya dito yung silya.“I have so many reasons para gawin sayo ‘to, Keirah. Or we just say, Akira,” umupo ito sa tabi niya. “Gusto ko lang naman gumanti kay Leo, mahal na mahal ka kasi niya. Ewan ko ba, kung anong meron sayo,” ngumuso ito na para bang sinisipat ang kabuuan niya kapagkuwan ay muling tumayo.“Let’s start?” tanong naman ni Jude na kinabigla ni Keirah.“A-anong gagawin niyo?” kinakabahang tanong niya sa mga ito.“Sigurado ka dito, babe ha,” ani Jude at may inabot na camera kay Maureen.“Yeah. Ngayon ka pa ba
[An hour Earlier]*Static Sounds*“Hello…?”“Keirah? Hello..”Magkasalubong ang mga kilay na tinitigan ni Davidson ang cellphone niya. Naka-receive siya ng call mula kay Keirah. Sinagot niya agad yun ng makitang may ilang missed calls na ang dalaga.Ipinagtataka niya lang ay hindi naman ito sumasagot sa kabilang linya kahit hello na siya ng hello. Hanggang sa…‘ANO? LUMABAS KA R’YAN! KUNDI PUPUTOK ANG ULO NITO!’ Kumunot ang noo ni Davidson ng marinig yun mula sa kabilang linya. Boses yun ng lalake.Kinutuban siya at nilapit pa ang cellphone sa tenga niya. Chappy ang kabilang linya kaya kailangan niyang marinig ng mabuti kung anong nangyayari sa dalaga.‘LAKAD!’‘Wala kang nakita, tanda! Kapag nag-sumbong ka sa pulis, babalikan kita!’Boses ng mga lalake ang naririnig ni Davidson. ‘Saan niyo ba ‘ko dadalhin?’ natigilan na siya ng marinig niya ang boses ng dalaga. Napaatras siya ng hakbang. Anong nangyayari?‘Sa pier ng Manila Bay. Ipapakain ka namin sa shark, hahaha!’ “Pier ng Mani
“AKIRA,are you alright? May masakit ba sayo?” Sabay na napatayo si Davidson at Alexander ng dumating ang Daddy ni Keirah. Kasalukuyan sila ngayong nasa police station. “Dad!” napatayo na rin ang dalaga at humihikbi-hikbing yumakap sa ama.“Ninong,” -si Davidson, kinuha ang atensyon ng matanda. Halata sa mukha nito ang sobrang pag-aalala sa anak.“Dave, what happened to my daughter? Nasaan na ang mga tarantadong gumawa nito sa kanya?” galit na tanong ni Mr. Benavidez. Kulang na lang ay mag-alburuto ito sa harap ng mga pulis.“Sir, calm down,” pagpapahinahon ng isang pulis dito na nagpakilalang Lt. Romero.“Paano akong kakalma? Muntik ng mapahamak ang anak ko!” kumukumpas na sa hangin ang matanda.“Dad, okay lang po ako,” pati si Keirah ay pinapakalma na rin ito.“Ninong, nahuli na po ang dalawa at nasa kulungan na. Pero yung mga taong kumuha sa kanya, they’re still in hiding,” paliwanag ni Davidson.“That’s right, Mr. Benavidez. Gagawin namin ang lahat para mahuli ang mga taong yun,”
“Keirah? Are you sleeping?”Kasalukuyan ng nag-papahinga si Keirah sa kwarto niya ng marinig ang boses ng ama mula sa labas.“I think we need to talk, open this door,” her dad supplied.Napabuntong-hininga muna siya bago bumangon para pagbuksan ito ng pintuan. She also have a word for her dad.“Sa tingin ko nga po, Dad. We really need to talk,” she opened the door widely so her Dad can get inside.Iginiya niya naman ito papasok at pinaupo sa couch.“Okay na ba ang pakiramdam mo?” tanong ng Daddy niya at sinipat ang itsura niya. Okay naman ang pakiramdam niya, medyo nakabawi naman na siya sa nangyari at napagod lang kaya halos mag-hapon na siyang nasa kwarto niya.“Okay na po ako,” bumuntong-hininga siya kapagkuwa’y muling nag-salita. “Dad, I know may kinalaman ka kung bakit hinahanap ako ni Davidson-”“Speaking of that? How do you know each other?” putol nito sa tanong niya.“Dad, sagutin mo muna ang tanong ko,” nagmamando na sabi niya. Gusto niya talagang maka-siguro kung tama ba an