Lagaslas ng tubig na nagmumula sa shower ang maririnig sa loob ng banyo. Hinahayaan lang ni Davidson na umagos ang tubig sa kanyang hubad na katawan. Nagiisip habang nakapikit. Inaalala niya ang eksenang kasama niya si Keirah. ‘'Wag ka na pong matakot, sir. Dito lang po ako' Ang matamis na ngiti ng dalaga ay rumerehistro sa utak niya. Kahit anong gawin niyang pigil sa sarili na 'wag itong isipin ay nabibigo siya.—-- "Good morning, Mr. Montevella," sabay-sabay na bati sa kanya ng mga staff ng Montevella Corp. pagkababa niya ng kotse niya. As usual, nakabuntot sa kanya ang mga bodyguards niya at sa kaliwa naman niya ay si Sandra na hindi mabitawan ang planner at schedule book sa kanang kamay. Mabibilis ang mga hakbang na binabagtas nila ang hallway ng Building. Bawat makasalubong ay iyuyuko ang ulo at babati sa CEO. "What's my schedule today, Ms. Roxas?" maya-maya ay tanong niya kay Sandra. "You have a meeting with Mr. Benavidez, sir at one o'clock
"SIR, nandito na si Ms. Gustavo," bungad ni Sandra sa opisina ni Davidson. "Let her in" "Yes, sir" saka bumaling kay Keirah. "Pumasok ka na, Ms. Gustavo" Kinakabahan man ay pumasok na din si Keirah. Maliliit ang mga hakbang na lumapit siya sa seryosong Boss. Nakatalikod ang swivel chair nito sa kanya. Nang maramdaman siguro ang paglapit niya ay saka lamang ito umikot paharap. "Ms. Gustavo" Napaigtad si Keirah sa pagtawag ni Davidson sa kanya. Wala siyang magawa kundi salubungin ang pamatay nitong titig. "Ahm, bakit niyo po ako gustong makausap?" nakangiwing tanong niya. "I didn't know your background. Lahat ng empleyado ko dito ay may background files sa akin, ikaw lang ang wala," deretso at seryoso ang pagkakasabi nito ng mga katagang iyon. Medyo kinabahan ang dalaga. Oo nga pala, ang mga fake resume niya ay nasa HR ng Montevella Hotel. Nakalimutan niya na yon mula ng tinurn-over siya dito sa Montevella Corp. Napa buntong hininga si Keirah. Hindi naman
"SIGURADO ka bang mahahanap ni Davidson ang anak natin?" malungkot ang mukha na tanong ni Emily sa asawa habang inaayos ang neck-tie nito. Hindi na kaya ni Emily ang pag aalala sa anak kung saan ito napadpad. Isang buwan na ang lumipas ngunit wala pa ring balita kay Akira. "Don't worry, Dear. May isang salita si Davidson, I'm sure he will do what he said," pagmamalaki ni Salvador, na para bang siguradong-sigurado. Pero kahit siya ay parang gusto ng mawalan ng pag-asa. "May meeting kami ni Davidson. Do you want to come?" yaya niya sa asawang malungkot. "Hindi na. Baka may iba pa kayong pag-uusapan, makaka-awkward lang ako sa sitwasyon," tanggi nito saka binitawan na ang kwelyo niya. "Hmm, sige ikaw ang bahala," humalik siya sa noo ni Emily. Kahit na may mga edad na ay sweet pa din naman sila sa isa't isa.******* NAGMAMADALI ang mga kilos ni Lolly habang nilalagay sa basket ang mga pagkaing inihanda niya para kay Akira. 'Este Keirah. Keirah pala ang panga
"France?" "Yeah, he'll be back with his Dad in the next month, so don't worry too much ninong," ibinalik ni Davidson ang tuon sa pagkaing hindi niya pa nababawasan. "Alam mo, ewan ko ba. Pero ikaw talaga ang gusto ko para sa anak ko. Business minded ka and mature" Hindi malaman ni Davidson kung anong isasagot niya sa sinabi nito. Ano ba kasing nakita sa kanya nito? "Ninong, kailangan ako ng kumpanya. At wala pa din sa isip ko ang mag-asawa" "Is it because of your mother?" Napapikit si Davidson at tuluyan na ngang nawalan ng gana kumain. "I want to go home na, ninong. Medyo masama na pakiramdam ko." Bumuntong-hininga din ang matanda, alam naman niyang umiiwas lang sa usapan ang inaanak niya. ***** Meanwhile in a hotel room in Paris… The entire floor of the room is surrounded by the scattered petals of rose. And every corner of the room has a candle with the scent of vanilla. A woman in a red robe is doing a sexy dance while walking towards the man who
"ANONG meron?" usisa ni Keirah pagpasok niya ng kumpanya. Pagdating niya pa lang ng department kung saan siya naka-assign ay walang mga tao doon. Kaya naman naglakad-lakad siya at heto nga at nakita niya ang mga kasamahan na nag-uumpukan sa Resting Area. "May bisita kasi si Mr. Montevella. Grabe! Kung hot at gwapo na ang Boss natin, hindi yon papatalo," namimilog ang mga mata ni Lorraine habang nagkukwento. Naghagikgikan ang mga babae samantalang bumuntong hininga naman ang mga lalake. Naapakan na naman ang mga ego. "Girl, mas gwapo pa din si Mr. Montevella don! Kung mukha siyang Chinese, koreano naman si Mr. Montevella!" nakangusong sabad naman ni Melanie. Halatang ayaw patalo ang manok eh. "Teka, teka. Puro kayo gwapo, sino ba kasing bisita?" naiinip na siya. "Yung Director ng Shen Group, may personal meeting kay Sir Davidson. Galing pa China yan, kaya malamang confidential yan," ang seryosong si Louie na ang sumagot sa kanya. "Ah," tumatango-tango na sagot n
"KEIRAH, hindi ka pa ba uuwi? Alas-nuebe na, oh" Sinulyapan lang ni Keirah ang nagaayos na si Melanie. Nagrere-touch ang kaibigan para fresh naman bago umuwi. "Tatapusin mo talaga iyan?" inip nitong hinihintay ang sagot niya. Tumango lang siya habang nananatili lang ang tingin sa harap ng computer. "Wednesday na 'to ng gabi, 'di ba? Kailangan ko 'tong tapusin ngayon para ma-set up na bukas. One day na lang ang preparation," inayos niya ang salamin na suot, bahagya niyang kinusot ang mata dahil nangangawit na sa kakatitig sa monitor. "Bakit naman kasi sayo pinagawa iyan? Hindi naman yan kasama sa trabaho mo eh," nakaismid na wika ni Melanie. "Okay lang, Melanie. Trabaho din naman 'to," sana lang umabot sa tenga ang peke niyang ngiti. Hindi talaga okay. Hindi talaga alam ni Keirah kung bakit siya ang mago-organize ng birthday party ni Mr. Montevella. Gawain dapat yon ng HR. O kaya, pwede naman mag-arkila ng event organizer. Kanina lang ay inutusan s
THREE HOURS EARLIER… It's already past nine in the evening. Davidson closed all the files of documents he was currently reading and he put it back inside the drawer. Tumayo si Davidson at naglakad palapit sa bookshelf sa kanyang kaliwa. Ilang libro ang inusog niya at sa likod ng mga iyon ay ang secret passcode tablet para mabuksan ang kanyang secret labyrinth. Siya lang ang may access na makakapasok doon at wala ng iba pa. He just typed a five digit code and it opened. He entered the room, at doon bumuluga ang naglalakihang monitor. Ang original CCTV footage sa loob at labas ng Montevella Corp. At lahat ng mga confidential files ng Montevella Corp. ay doon niya itinatago. Umupo si Davidson sa swivel chair at pinagmasdan ang bawat sulok ng building sa CCTV. Hanggang sa natigilan siya nang may mapansin siyang babae sa loob ng elevator. Naningkit ang mga mata niya at inilapit ang mukha sa monitor. Kinikilala niya kung sino yon. Alam niyang madi
Susubo. Ngunguya. Kapagkuwa'y inaangat ang tingin sa kaharap. Naiilang na si Keirah. Ikaw ba naman may nakatitig sayo habang kumakain tapos nakapangalumbaba pa? Sino bang hindi, 'di ba? "Kakain ka ba o tititigan mo lang ako?" inis na sabi niya. Hindi niya naman ito amo o senior para bigyan ng honorifics. "Ang cute mo kasing kumain," nakangiting pang aasar nito. ‘Ang cute mo lang ngumiti’ napapairap na isip niya. "Kumain ka na lang, aalis na ko maya-maya," pagsusungit niya pa rin dito. Wala siyang pakialam, sino ba ito? "Grabe, you don't want to stay here with me?" nag-pout ito at pinagsingkit pa ang mga mata. Mukha naman itong Chinese, pero magaling mag tagalog at mag-english. Hindi na lang niya pinansin ang pagpapa cute nito. Napailing na lamang siya. "Marami pa 'kong trabaho. Saka papasok pa 'ko," mahina niyang sabi habang nakatingin sa pagkain. "Kung hindi ka kakain, ipapabalot ko nalang lahat yan" "Hindi naman ako kumakain niyan.