Share

6 - I don't care

6

"Let's eat, Zay," sambit niya sa kabila ng subrang daming sinabi ko sa kanya.

Para akong nainsulto sa pagbalewala niya sa mga sinabi ko. Gusto ko siyang bulyawan ngayon, pero ginawa ko ang lahat para hindi iyon mangyare dahil ang gusto ko na lang ay ang makaalis dito.

Napabuntong hininga ako at kinalma ang sarili ko. Tuyo na rin ang luha sa mata ko dahil sa galit na naramdaman ko kanina lang nang sabihin niyang namimiss niya ako. Kalokohan iyon.

"Give me your phone. Tatawagan ko ang asawa ko. Magpapasundo ako rito kung ayaw mong ipadala ang pwede kong sakyan dito," mariin at seryosong sambit ko sa kanya.

But I swallowed hard when I saw that his expression became serious, as if I had said something that should not be said to him.

"Hindi mo ba naiintindihan kung bakit ka nandito? Akala ko ba hindi ka tanga?" Seryosong tanong niya at malayong-malayo na ito sa mahinahon niyang boses kanina, na talaga atang nagalit ko siya sa sinabi ko sa kanya.

Tinapangan ko ang sarili ko nang humakban
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status