Share

Chapter 5: Rethinking her decision

Don Rafael

Sa gitna ng biyahe ay naroon si Don Rafael prenteng nakaupo sa upuan habang katabi ang kanyang sekretarya na kanina pang kausap.

"How about the wedding gown and suit?"

"Kailangan pa pong sukatan ang bride and groom, Don Rafael," sagot ng secretary nito.

"Hmm, just hire for a wedding gown designer, pupunta tayo bukas sa venue." Nakangiting utos ni Don Rafael, hinahanda na ang lahat para sa nalalapit na kasal ni Akuji at Giovanni kinabukasan. Hindi na ito makapag-hintay pa na masilayan ang sariling muling magtagumpay sa susunod na kanyang mga plano.

"Noted, sir." Sagot ng kanyang secretary habang inililista lahat ng gagawin sa kanyang mini pad.

"Who will be Don Giovanni's bride po pala, sir? Baka po kasi itanong ng planner bukas ang names." Nalilitong tanong ng secretary.

"It's Yiel Lastra."

"Yung babaeng kinukwento niyo po lagi?"

"Yeah." Nakangiting tugon ni Don Rafael.

"Hindi ko pa siya nakikita, pero mukhang bagay sila ni sir Giovanni, sayang nga lang at hindi ako 'yon." Natatawang giit ng sekretarya, hindi napigilan ang bibig sa pagsasalita kaya agad niyang natakpan ang bibig sa gulat nang mapagtanto niyang kasama niya si Don Rafael sa loob ng sasakyan.

"You like him?"

Nahihiyang tumango ang dalaga sa kanyang amo na si Don Rafael nang tanungin siya nito. Maganda, matangkad at matalino ang dalaga, hindi malabong magustuhan ng kahit sinong lalaki, malas na lamang nga nito dahil malapit ng maitali ang lalaking kanyang napupusuan.

"I mean, who would not, 'diba sir? Bukod sa gwapo na, matalino pa. Full package na po kaya si Sir Giovanni, kaya sobrang suwerte talaga ni Ms. Yiel."

"Mas swerte ang anak ko sa babaeng iyon," nangingiting tugon ni Don Rafael na ikinatigil ng kanyang sekretarya.

"Talaga po?" Napapahiyang tanong nito.

"Pareho naman silang masuwerte sa isa't-isa, iyon nga lang ay mas swerte ang anak ko hahaha!" Natatawang saad ni Don Rafael, wala namang nagawa ang dalaga kaya nakitawa na lang din ito sa kanyang amo kahit pa hindi niya ito maintindihan.

"Saan nga po pala ang wedding venue?"

"In The Peninsula."

Akuji Morte

Sa loob ng kwarto ni Yiel ay naroon siya paikot-ikot, hindi mapakali sa iisang tabi. Lakad doon, lakad dito. Nagdadalawang isip kung dapat nga bang sundin niya ang sinabi ng kanyang babaeng kaibigan kanina.

'Dapat nga bang pumayag ako sa kagustuhan ni Giovanni?'

Hindi niya na naman mapigilang tanungin ang kanyang sarili, dahil paulit-ulit siyang binabagabag ng kanyang isipan tungkol sa pakikipag-isang dibdib sa kanyang lalaking napupusuan na si Giovanni.

Hindi niya mawari kung tama o mali ang gagawin niyang desisyon. Gusto niyang ikasal sa lalaki ngunit tumututol ang kanyang isipan, ngunit sumisigaw naman ang kanyang looban na dapat niya nga itong pakasalan.

"Ano bang gagawin ko?" Naguguluhan ng tanong ni Yiel sa kanyang sarili, hindi pa rin tumitigil sa kakaikot sa kanyang silid.

"Hoy, ano ka ba naman, Yiel!"

Hindi nito napansin ang pag-pasok ng kanyang babaeng kaibigan sa kanyang kwarto dahil sa sobrang gulo ng kanyang isipan.

"Briana, ikaw pala."

"Umalis ako ng umiikot ka, bumalik ako ng umiikot ka pa rin diyan. Ano bang nangyayari saiyo?" Natatawang tanong nito kay Yiel na noon lang huminto sa kakalakad at naupo sa sariling kama.

"Hindi kasi ako sigurado tungkol sa inaaalok ni Giovanni, Briana." Pag-amin niya sa kanyang kaibigan.

"Ha? Bakit naman? Eh hindi ba't gusto mo naman siya at sinabi mong gusto ka rin niya. Anong mali?"

"Ito." Pagturo ni Yiel sa kanyang dibdib.

"Anong meron sa damit mo?"

"Eh! Puso kasi, hindi damit, ano ka ba!"

"Ah, puso ba? Hindi mo naman kasi nililinaw!" Sinimangutan naman siya ni Yiel nang tawanan siya ng kanyang kaibigan.

"Ano ba kasing meron diyan sa puso mo?"

"Siya lang ang may gusto. Habang ito namang isip ko, tumututol. Naguguluhan tuloy ako."

"Sa totoo lang, tutol din ako, kaso sayang 'yung pagkakataon. Yayaman ka na din kapag ikinasal ka kay Don Giovanni, oh hindi ba? Ayaw mo ba noon? May pagkakataon ka ng rumampa rampa sa labas!"

"Pero kasi, hindi ba't parang ang bilis naman masiyado kung isasakal na agad kami?" Naguguluhang tanong niya. Agad namang kumunot ang noo ng kanyang kaibigan dahil sa narinig nito mula kay Yiel.

"Ano kamo ulit iyon?"

"Parang mabilis masiyado ang pangyayari kung isasakal na agad kami!" Pag-uulit ni Yiel sa kanyang sinabi.

"Isasakal?" Hindi malaman kung matatawa o kung ano ang kanyang kaibigan dahil sa maling pagbigkas ni Yiel sa salita.

"Oo, hindi ba't iyon 'yung pag-iisang dibdib na sinasabi mo?"

"Anong isasakal? Ikakasal iyon, jusko! Gusto mo atang maagang mamatay eh. Ikakasal, okay? Ikakasal! Repeat after me!"

"Ha? Ripit apter me?"

"Ang ibig sabihin niyon ay ulitin mo ang sasabihin ko." Pagliliwanag nito kaya naman mabilis siyang napatango nang maintinidihan niya na ang ibig sabihin ng kanyang kaibigan.

"O-oh?"

"I.."

"I.."

"kaka-"

"kaka-"

"sal!"

"sal!"

"Ikakasal!"

"Ikakasal!"

"Ayan! Ikakasal!"

"Isasakal!"

"Anak ng tinderang balot na hinog ang saging! Ikakasal nga, Yiel! Ang kulit ng lelang mo ah."

"Pasensya na, nakakalito naman kasi ang salitang iyon." Kakamot kamot sa ulong sambit ni Yiel.

"Oh, ulitin mo."

"Ikakasal."

"Ayan! Pero bakit mo naisip iyon?" Tanong ng kanyang kaibigan.

"Na masyadong maaga kung IKAKASAL kami agad?" Pagdidiin nito sa salitang kanyang maling naibigkas kanina, dahilan para matawa ang kanyang kaibigan.

"Oo, ano naman kung mapapaaga? Maganda nga iyun eh, mas maaga ka ring makakalabas dito. Ayaw mo ba nun?"

"Gusto . . ang kaso, hindi ba't kanina lang niya sinabi ang nararamdaman niya tapos mag-iisang dibdib na kami agad-agad? Hindi ba dapat ay bigyan muna namin ng panahon ang isa't-isa para mas makilala niya ang pagkatao ko ganoon din siya bago ang lahat?"

"Kilala mo naman na siya ah? Noon pa lang ay nakikita mo na siya, iyun nga lang ay mas matanda siya saiyo ng limang taon."

"Ngunit paano ako? Kilala niya na ba ako? Yung tungkol sa mga tinatago kong sikreto, alam niya na ba? Paano kung hindi niya iyon matanggap tapos iwan niya lang din ako pagkatapos naming ikasal?"

"Ayon lang ang hindi ko alam, pero kailangan mo ng pag-isipan ang isasagot mo sa kanya. Dahil mamayang hapunan lang ay nandito na ang mag-amang iyon. Pero ito ang tatandaan mo, Yiel. Hindi lahat ng tungkol sa sarili mo ay kailangan mong sabihin sa ibang tao, dahil minsan mas nakabubuti na itago na lamang ang katotohanan bago mo pa pagsisihan." Sambit ng kanyang babaeng kaibigan na nakapag-patigil naman sa kanya.

"Kinakabahan ako, Briana." Nakasimangot na saad ni Yiel, hindi alam kung ano ang susundin.

Sa sandaling iyun ay halo-halo na ang nararamdam ni Yiel. Bagamay masaya siyang nalaman niya na may gusto rin sa kanya ang taong napupusuan niya, ay hindi niya pa rin maiwasang mangamba.

Tama nga ba na pakasalan ko ang taong hindi pa ako ganong kilala?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status