Share

chapter3

" Salamat La kahit hindi tayo magkadugo ay itinuring mo kong kapamilya.Love you La" sabi pa ni Irish.Tuluyan ng tumulo ang luha ni nito.Nilapitan ko sya at inabot ang panyo kinuha naman nya ito at pinahid nya ang kanyang luha. Iba ang nararamdaman ko pag nakikita sya. Nagtiis ako ng mahabang panahon ginawa ko ang lahat para kalimutan sya pero eto ako bumabalik sa babaeng pilit ko inilalayo sa buhay ko.

Kinuha ni Iyah ang isang pang microphone sa Emcee. Nag iispeach pa si Irish ay nag salita na ito.

"best can i request" napahinto sa pagsasalita si Irish lumingon ito kay Iyah Kami ay nasa likod lng ng dalawang babae sa stage.

"yes best anu yun"?

"can you sing a song for us" nag pacute pa ang pamangkin ko.

"what" nanlaki ang mata ni Irish namula sya.

"please best I want to hear your voice again Can you sing in front of us."walang nagawa si Irish kung hindi pag bigyan ang kaibigan. Nag sipag palakpakan na ang mga bisita. Bumaba kami nila mommy at pumunta sa mesa sa harap naupo kmi duon natanaw ko ang photograper na kaibigan ko sya ang nakaincharge para sa gabing ito. kinawayan ko sya kinuha ko ang camera at lumapit muli sa harap ng stage. Nagsimula ng kumanta si Irish nag palakpakan ang lahat. nakasilip ako sa camera walang humpay ang pindok ko sa button para makuhanan sya ng magsimula syang kumanta. Nawala ang pokus ko dahan dahan kong naibaba ang camera at napatitig sa kanya napanganga ko ng marinig ko ang boses nya tahimik ang lahat na nakikinig s kanyang awit. Kinanta nya ang "Basta't kasama kita " na nirevive ng sikat na singer ngayon. parang hinahaplos ang puso ko sa ganda ng kanyang boses,

.. Bastat kasama kita lahat magagawa lahat ay maiaalay sayo...

...Basta kasama kita walang kaylangan pa wala ng hahanapin pa basta kasama kita...

nagtayuan at nag palakpakan ang lahat ng matapos ang kanyang pag-awit . May sumisigaw ng More more more.

Iniabot ko ang camera sa kaibigan ko. Nilapitan ko sya hinawakan ko ang kamay nya inalalayan ko sya papunta sa pwesto namin.Tuwang tuwa si mommy.

" Hija ang ganda pala ng boses mo" mommy

"oo nga kinilabutan ako oh" dugtog ni ate dorry

" Thanks po" kiming sagot nya.Nag kainan na ang lahat.Tumayo ako at kumuha ng pag kain naming dalawa inabot ko sa kanya ang plato.

" kain kana" sabi ko

" salamat"inabot nya ang plato naupo ako sa tabi nya.si mommy ay ikinuha na ni ate dory.

"ay ang daya naman bakit ako hindi mo ikinuha tito" nakabusangot na sabi ni Iyah.

" hindi ko kasi alam ang gusto mo,ikaw na kumuha dun" utos ko kay iyah

"bakit si best ikinuha mo eh alam mo ba agad ang gusto nyang kainin" nakairap na tanung nito.

" yes tanung mo sa kanya kung paborito ba nya yung mga kinuha ko sa kanya" sinulyapan ko si Irish nakatingin sya sakin. kumakain na kami sumubo ako ang kinuha ko lang ay ang kare kare paborito ko yun.Tumayo na si Iyah kumuha na din ng pag kain nya.

" Irish tikman mo toh ang sarap" kumutsara ako at akmang isusubo sa kanya

" oo nga" sabi ni kuya..

" talagang masarap yan at si Irish nag luto nyan" sagot ni mommy.

Nilingon ko siya, ang daming hidden talent ng babaing pilit ko inilayo sa buhay ko. Nang matapos kami ay isa isa namin nilapitan ang mag bisita.si Iyah ay nasa grupo ng mga kababaihan kasama si Irish Si mommy ay kasama si kuya at ate nakikipag kwentuhan sa mga amiga nya. Nasa isang mesa kami na kasama ang mga kaibigan ko. Nag iinuman kami

"Bro pakilala mo naman kami sa babaing kumanta kanina Irish ba name nun." sabi ni Avel nakatingin sa gawi nila Iyah. napahigpit ang hawak ko sa baso. Nakita kong hila hila ni Iyah si Irish papalapit samin.

"Hi tito sinu sila" sabi ni Iyah nakatingin sa mga kaibigan ko.

" mga friend ko" sagot ko nakatingin lang ako kay Irish batid kong sa kanya nakatututok ang tingin ng mga kaibigan ko.

" hi am Iyah and this is Irish my best friend"

"hello i'm avel"nakipag shake hand ito kay iyah and irish pati si mark bingo at jake ay ganun din ang ginawa ipinaghila pa ng bangko ni avel si Irish naupo naman ito sa tabi nito. Nag init ang ulo ko masama ang tingin ko kay Avel. nagkikipag kwentuhan si Iyah kay mark. Tumayo si Irish nag tungo ito sa powder room sinundan ko ito ng tingin.

" Iyah may boyfriend ba ang friend mo"narinig kong tanung ni Avel.tumalim ang tingin ko dito.

"wala" sagot ni iyah

" iset mo naman ako ng date i like her" diretsong sabi ni avel. napalakas ang baba ko ng baso sa mesa naglikha ng tunog iyo lumingon sila sakin.

"eh marunong kabang gumamit ng baril"baling ni iyah kay avel

"hindi bakit" na ipinagtaka naman ni avel ang tanung sa kanya ni Iyah.

" well kaylangan mong pag aralan ang pag gamit ng baril at kaylangan maging asintado ka salahat ng target mo kung hindi wala kang pag asa sa friend ko."napakamot ito na ulo. Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko pero ako matalim parin ang tingin ko kay Avel. Nagpaalam ako saglit sa kanila.Nagtungo ako sa loob nakita ko kasing pumasok si Irish sinundan ko sya. Inabutan ko sya sa biranda naka halukipkip.nakatanaw sa malayo

"Hi"lumapit ako sa kanya inabot ko ang isang baso ng red wine.

"sorry hindi ako umiinom" ibinaba ko iyon sa mesa

" bakit nandito ka nandun sila Iyah nagkakasiyahan " lumapit ako sa kanya

" hindi kasi ko sanay sa ganito naiingayan ako.

"halika sumama ka sakin" hinawakan ko sya sa kamay sabay hatak

"saan ba tayo pupunta"nakasunod sya sakin

"basta sumama ka nalang"lumabas kami ng gate hawak ko ang kamay nya

" san ba kasi tayo pupunta" pangungulit nito.

" sa burol maganda tanawin dun tahimik pa.matagal na kong hindi nakakapunta dun eh.huminto ito sa pag lalakad

" anu lalakarin natin yun ang layo layo nun tapos ganito pa suot ko ang sakit na nga ng mga paa ko pag lalakarin mo pako.

"hindi ko mailabas yung kotse baka makita nila tayo pwede yung kotse mo nalang."pakiusap ko dito tumingala pa ito nag iisip siguro kung papayag.

"Sige tara na nga naboboring na ko eh."pag payag nya na sya namang ikinatuwa ko.pumasok na kami sa kanila.

"wait lang ha kunin ko lang yung susi" inabot yata ng five minute bago sya bumalik pag baba nya naka fitted topna kulay blue na tinernuhan nya ng short at boots at ipinony na rin ang buhok nya,may dala syang two helmet. Ang ganda talaga nya nangingislap ang mga mata ko pag nakikita ko sya.

" kala ko wala kanang planong bumaba"kakamot kamot ako ng ulo.

"nagpalit pa kasi ko naiirita na ko sa suot ko. Oh inabot nya ang helmet" tinignan ko sya.

" anu toh" nagtatakang tanung ko

"eh di helmet bulag kaba"irap na sagot nya

"oo nga helmet to eh aanin naman natin to"

" isuot mo yan at yung raider ko ang sasakyan natin para enjoy"may ngiting sumilay sa labi nya.

"ano" nanlaki ang mata ko

" bakit natatakot kaba"ngumiti sya na parang nang aasar.

" hindi ah baka delikado kasi saka hindi ko pa natry mag drive ng ganyan four wheels lang ang alam ko gamitin" pinanonood ko sya habang inaalis ang takip ng sasakyan namin

"ang dami mong satsat ako mag dadrive" isinuksok na nya ang susi sa motor at sumakay.

"anu sasama ka ba ikaw ang nag aya tapos ang arte mo dyan kung ayaw mo maiwan ka" isinuot na nya ang helmet at pinaandar na nya ang makina. isinuot ko na din ang binigay nyang helmet. saka umangkas sa likod nya.Hindi ko ipinahalatang kinakabahan ako.

"Ready" nilingon pa nya ko

"yup"

"oh humawak kana sa bewang ko "

"ha" natulala ako inabot ng dalawang kamay nya magkabila ang kamay ko at iniyakap sa bewang nya hindi ako makahinga sa ginawa nya ramdam na ramdam ng mga kamay ko ang malambot at maliit nyang bewang.napapalunok ako.

umarangkada na kami nagulat pa ko.

"relax kalang Airon enjoy mo lang ang rides"sigaw nyang nakatutok ang mata sa pag didrive. saglit lang naming narating ang burol maliwanag dito dahil sa liwanag ng buwan. inihinto nya ang motor bumaba kami inalis namin pareho ang helmet at sinabit sa manubela.

"ang ganda dito no" sabi nya nilingon nya ang paligid.ngumiti ako titig na titig ako sa kanya.

"Irish"Lumingon sya

"hindi kaba natatakot mag drive ng ganito ang tulin mo mag patakbo" natawa ito

" wag ka mag alala pagnamatay ako isasama naman kita para hindi boring sa langin may bully at arogante akong kasama ng palaging may gulo sigurado sasakit ulo ni san pedro satin." biro nya pero tinamaan ako sa sinabi nya.. Naupo kami sa damuhan nakatanaw kami sa magagandang ilaw na nag kikislapan sa ibaba ng buron.tanaw dito ang buong kabayanan.

"Irish" basag ka sa katahimikan.

"yes" nakatanaw pa din sya sa malayo

"sorry"lumingon sya sakin.

"I'm sorry for what happened before, I know I hurt you for what I'm doing to do to you. I didn't mean to." tinitigan ko sya sa mata kita ko ang hinanakit nya.

"Do you know that I have wanted to ask you for a long time. What is my fault. Why were you so mad at me then, did I do something to you." kita ko ang sakit na nararamdaman nya sa kanyang mata. huminga ako ng malalim.

" sana mapatawad mo ko sa mga kasalanan ko, give me another change para makabawi sayo." dinig kong kuminga sya ng malalim.

"ok i forget the fast saka matagal na yun mga bata pa tayo nun,ay ako lang pala," natawa sya

" grabe ka naman ganun na ba ko katanda" nagtawanan kami nakahinga ako ng maluwag nahiga sya sa damuhan inuna pa nya ang dalawang kamay nakabaluktot ang dalawang tuhod nya. Ginaya ko sya nakatitig kami sa nagkikislapang mga bituin. tanging mga huni lang ng kuliglig ang maririnig mo. Lumingon ako sa kanya Napansin kong nakapikit sya. tumagilid ako paharap sa kanya itinukod ko ang siko ko sa damuhan at sinapo ng palad ko ang aking ulo. Hindi ko mapigilan na haplusin ang maamo nyang mukha. Kusang umangat ang isang kamay ko hinaplos ko ang makinis nyang pisngi gamit ang daliri. Napadilat sya

"why" gulat nyang tanung.

"may.. may dumapong insekto sa mukha mo inalis ko lang" kandautal kong sagot. Bumangon siya sa pag kakahiga ipinatong nya ang dalawang braso sa tuhod nya.

"alam mo ba ang lugar na toh ang paborito kung puntahan gumagaan ang pakiramdam ko pag nandito ako, pag pagod malungkot,may prolema, stress sa trabaho pupunta lang ako dito. Dito ko ihinihinga ang lahat. Kaya pag uwi ko ok na ko." Nilingon nya ko.Bumangon ako sa pag kakahiga. Hindi ako umimik tinitigan ko sya.

" Tara na baka hinahanap na nila tayo"tumayo na kami nagtungo sa kanyang motor. Inabot nya sakin ang helmet.

" gusto mo ikaw ang mag drive" alok nya

" ha ah eh baka maaksidente tayo" tanggi ko.

"sige some other time tuturuan kita" ngumiti sya sumakay na kami sa motor. parang lalaki kung kumilos si Irish walang ring arte sa katawan. Kabaligtaran ng pinapangarap ko sa isang babae.Mabilis kaming nakarating sa bahay. Huminto kami sa tapat gate.

"tara na " aya nya

" ok lang sayo na bumalik tayo dito ganyan suot mo." ngumuso ako sa kanya

"why anu problema sa suot ko hindi naman ako n*******d saka dito ko komportable eh." tinignan pa nya ang sarili nya.

"sige na nga" hinawakan ko sya sa kamay at hinila ko sya papasok. nag tungo kami sa garden nag kakasiyahan na ang lahat. napansin kami ni kuya dante.

" eto na pala sila eh" turo ni kuya na ikinalingon nila. lumapit kami sa kanila hawak ko parin ang kamay ni Irish.

"san ba kayo galing" sabi ni mommy

" naglibot lang kami mommy" nakangiting sagot ko.nakatingin si ate samin tinging makahulugan.

"best bat ba ganya ang suot mo" tinignan nya si Irish mula ulo hanggang paa, naka fitted top short at boots kasi ito.

" natapunan kasi sya kanina ng wine kaya nag palit sya." nagtinginan sila. ipinaghila ko ng silya si Irish naupo ako sa tabi nya.

Nag salita ang Emcee .

" reguest to Mr. Avel Rodrigues duet daw po sila ni Ms. Irish Guzman please come Ms. Irish the stage is your,"nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat

"go best" sigaw ni iyah tumayo na si Irish at nagtungo sa stage nakangiti namang nag iintay si Avel, kumuyom ang palad ko inabot ka ang baso ng alak at nilagok iyon sunod sunod ang pag tungga ko sa baso matalim kong tinitigan si Avel, napansin iyon ni mommy at ate.

"Airon may problema ba, bakit parang gusto mong maglasing"pag tataka ni mommy.

"wala po mommy" sagot ko na hindi inaalis ang tingin sa dalawang umaawit.Natapos ang gabi na hindi nawala ang inis ko kay Avel. Umalis na ang mga bisita, pumasok na sila mommy sa bahay. Si iyah naman ay duon natulog kala Irish. Naiwan akong mag-isa sa Garden hawak ang baso ng wine naupo ako sa bench

"brother"narinig kong tawag ni ate nilingon ko siya kasama nya si kuya papalapit sa kinauupuan ko.

"Mukang malalim ang iniisip mo Airon"sabi ni kuya naupo sa tabi ko pinagitnaan nila ko ni ate.

"sa halip na magmukmok ka dyan eh kumilos ka.Mukang mauunahan ka pa ng kaibigan mo" singit ni ate. nag tataka naman si kuya sa sinabi ni ate.

" Honey hindi mo ba alam matagal ng may pagtingin itong kapatid mo kay Irish, kaso sa halip na ligawan eh puro pambubully kahihiyan ang inabot sa kanya ni Irish." nilingon ako ni kuya.Hindi ako nakaimik sa sinabi ni ate. manang mana talaga dito ang pamangkin ko walang preno ang bunganga.

"tol tandaan mo walang mahina sa isang Servantes "tatawa tawang turan ni kuya.

"ang yabang mo naman honey eh kung hindi pa ako ang lumapit sayo hindi mo ko mapapangasawa kung hindi ko pa alam nanginginig agad ang tuhod mo pag nakikita ako" nakataas pa kilay ni ate nagsalita. nagkatawanan kami.

"sinu ba naman ang hindi manginginig ang tuhod eh amasona ang minahal ko akalain mong may ng flirt na babae sakin sinuntok"dipensa ni kuya na mas lalo naming ikinatawa.

"ako nga nanununtok lang si Irish magaling humawak ng baril yon kaya mas lalo kang kabahan Airon, Kung dati pag inaasar mo yun eh pupunta nalang sa isang sulok at iiyak ngayon mo subukang paiyakin yun baka paglamayan ka."pang bubuska sakin ni ate. Alam nila ate kung panu ko tratuhin dati si Irish kaya nga lagi syang nagagalit sakin. Wala kasi akong lakas ng loob para ipaalam sa kanya ang tunay kong nararamdam isa pa ayokong sabihin nya kinain ko lahat ng pinag sasabi ko sa kanya. Sobrang taas ng pride ko.Alam kong sobrang ko syang nasaktan ng mga panahon na yun dun ko nakita sa mga mata nya ang matinding galit sakin.

"Brother gumawa ka nang paraan para mapaghilom mo ang sakit na ginawa mo sa kanya dati.Dahil sa taas ng pride mo ayan nahihirapan ka tuloy lumapit sa kanya. Huwag mong hayaan na makuha sya ng iba kung totoong mahal mo sya ibaba mo ang pride mo at ipakita mo na pinagsisihan mo na ang pananakit mo sa damdamin nya."payo ni kuya hindi ako umimik nakatingin lang ako sa baso na hawak ko. tumayo na sila at pumasok na sa loob naiwan ako sa bench na nag iisip.

I still remember when the first day I saw her.I went home to the province for a vacation. Wala akong nadatnan sa bahay kung di isang batang may maamong muka at na ngungusap na mga mata. na nag didilig ng mga tanim ni mommy sa garden.

"sino ka" sigaw ko nanlaki ang mga mata nya."magnanakaw ka no"sigaw kong muli. labis ang kanyang pagkagulat hindi sya nakakilos inagaw ko ang hose na hawak nya at itinunok sa mukha nya halos magsisinghap sya naiyak sya sa ginawa ko. Nang makarinig ako na may nagsalita sa likuran ko.

"tito anu ginagawa mo sa kaibigan ko" tumakbo si Iyah palapit sa batang babae na umiiyak.

"Irish ok ka lang ba" inakay nya sa bench ang bata at pilit pinatitigil sa pag iyak.Tinignan ko lang sila tumalikod na ko patungo sa kwarto.sinilip ko sila sa bintana ng aking kwarto nakita ko parin na umiiyak sya awa ang naramdaman ko."isusumbong natin yan kay lola"sabi pa ni iyah. Pinagalitan ako ni mommy nung time na yun pilit nya ko pinahihingi ng sorry sa batang iyon pero hindi ko ginawa. I am sixteen years old that time, four years and age gap namin,but in my whole life I never been hurt by mommy because of what i did to that girl,she hurt me. I felt angry sa batang iyon. Ang pinakamalaking mali na nagawa ko ay nung highschool na sila.Umuwi ako kasi parang namimis ko sya. I was collage that time. Nag diretso ako sa school nila. Hindi ko akalain na makikita ko sya na may kausap na lalaki sa bench ng school nila bumaba ako ng kotse hindi na ko nag isip. nilapitan ko ang lalaking kausap nya sinuntok ko iyon. nagulat sya sa ginawa ko dinuro duro ko sya dahil sa panibugho na nararamdaman ko ay kung anu anung masasakit na salita ang nasabi ko sa kanya. dala ng pagkapahiya nya nakita ko sa mga mata nya ang sakit at galit nanararamdaman nya para sakin.tumutulo ang luha nyang nag tatakbo paalis, hinabol ko sya pero hindi ko na sya naabutan. Nung una pinalalampas nya ang pang iinis at pambubully ko sa kanya pero yung nangyari sa school nya muna noon hindi ko na sya nakita pa muli. alam nya ang schedule ng uwi ko sa province . Minsan umuwi ako ng weekdays para abutan ko sya sa bahay pero wala bigo ako nalaman ko nalang na mula nang yari iyo ay dun na sya muna nag stay sa bahay ng tito nya na malapit sa school na nilipatan nya.Nanlumo ako dahil sa pagiging mataas ko ay hindi ko magawang aminin sa kanya ang nararamdaman ko.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status