Share

Chapter 3

"Chef" nagulat si Matilda nang may biglang nagsalita sa may pintuan. Tiningnan n'ya ito at napahinga ng maluwag nang mapagtantong si Ava lang pala.

Pagkatapos ng escandalo na ginawa nila kanina ni Gideon at after n'ya itong masampal, hindi na siya lumabas ng opisina n'ya. Matilda doesn't like attention, she's shy that's why ganon nalang siya mag react kanina dahil sinisigawan na siya ng lalaki and napahiya na siya which she dislikes as well.

"Ava, pumasok ka nga, para kang timang diyan na ulo lang yung napasok sa pinto." ani niya dito dahil ang weird ng ulo lang ang nakikita n'ya kay Ava.

Napabuntong hininga naman si Ava sabay pumasok sa loob ng opisina n'ya. Tinuloy naman ni Matilda ang pag rereview ng mga papers. 

"Chef, that guy from earlier, the one that you slapped so hard?" napahinto naman sa ginagawa si Matilda.

"What about him?" sabi nito na parang wala lang.

"Umalis na sila and sabi niya sakin na he will to talk to you daw" tiningnan ni Matilda si Ava at nakita n'yang binigyan siya nito ng awkward smile.

"He will talk to me and yet umalis siya? Now where's the guts?" kampante n'ya pang sabi.

"Babalik daw siya mamaya, Chef." Parang naubusan ng lakas si Matilda sa sinabi ni Ava.

"What have I done? Bakit ko ba kasi siya sinampal?" napapikit at napasandal nalang si Matilda sa swivel chair n'ya.

"May kasalanan din naman siya, Chef. He was being arrogant and rude, nag sorry kana pero napaka ano parin ng mga pinagsasabi n'ya sayo." 

"Precisely, tama. I have a point din naman, diba?" pagtatanggol din nito sa sarili niya.

"But, the slap is unnecessary. He's still a costumer, physical abuse is a no no, Matilda. You're a business owner, you should been more calm while dealing with him." sabat ni Ali na nakapasok na pala sa opisina n'ya na hindi nila namalayan.

Tumayo si Matilda at lumapit kay Ali sabay yakap dito. 

"I know, Ali. Hindi ako nakapag pigil kanina. And you know what, he's so familiar to me. His voice, his face, his eyes, his lips and even his name. Sumasakit ulo ko kapag nakikita ko siya kasi pilit kong inaalala kung saan kami nagkita kasi he's so familiar talaga." napabuntong hininga nalang si Ali sa mga sinabi ni Matilda.

"Are you okay now?" sabay hawak sa ulo ni Matilda. Matilda smiled at her. Matilda is so clingy when it comes to Ali, she is so comfortable with her because they also grow up together.

"I'm fine, I'm good. Well, except kanina kasi napahiya ako, you know how I don't like being the center of attention but aside from that, I'm okay." nginitian siya ni Ali at niyaya na siyang kumain nito ng dinner kasama sila Mary.

They had fun together, it's been so long since they eat together na magbarkada and they missed it so much.

Natapos silang mag dinner at exactly nine o'clock in the evening at nagpaalam na si Matilda sakanila na babalik sa restaurant niya para isarado na ito.

Pagkarating niya sa restaurant niya, nakaabang na sakanya si Ava.

"Ava? What are you doing outside?" tanong kaagad dito kasi parang hindi mapakali ang dalaga.

"Chef, he's here" saad nito at parang napahinto ang pagtibok ng puso ni Matilda. Kinakabahan siya na parang nasasaktan na hindi niya maintindihan.

"Uuwi na ako," aalis na sana siya pero hinawakan siya ni Ava sa pulsuhan.

"Chef, almost 3 hours na siyang naghihintay sa office mo" nagulat si Matilda sa sinabi nito.

"What the heck? Ba't hindi mo pinauwi?"

"I tried, Chef. I tried like four times but he keeps on saying na he'll wait daw." wala nang nagawa si Matilda at hinarap nalang ang binata.

Grabe yung kaba ni Matilda habang papunta siya sa office n'ya. Hindi na mapakali ang dalaga at iniisip na may oras pa siya para tumakbo.

Yung takot ni Matilda sa binata ay walang mapaglagyan at hindi nya alam kung bakit. Kung tutuosin kaya n'yang labanan si Gideon dahil may pinaglalaban din naman siya pero hindi niya alam kung bakit grabe nalang ang takot na nararamdaman n'ya ngayon.

"Chef, rinig ko po na he is named as the ruthless billionaire in the country. Marami na siyang kompanya na napabagsak at empleyado na napatalsik dahil sa konting pagkakamali lang. Wala siyang pinapatawad." tiningnan n'ya ng masama si Ava dahil sa kwento nito. Imbis lumakas loob n'ya mas lumakas pa takot n'ya. 

Nagpatuloy sa paglalakad si Matilda hanggang sa makarating siya sa may pinto ng opisina n'ya. Huminga muna siya ng malalim bago n'ya pinihit ang pinto pabukas.

Pagkabukas n'ya ng pinto, nakatingin na sakanya si Gideon na nasa sofa ng opisina n'ya with the unknown emotion in his eyes. Tumayo ang binata at nilapitan siya.

"You're in trouble, woman," he automatically said and sat down on chair just in front of her table. Napalunok naman ang dalaga sa sinabi nito pero as a woman na may pinaglalaban, she held her head high and acted like it didn't bother her.

"What do you mean na I'm in trouble? If you're talking about what happened earlier, I already said sorry. What do you want me to do paba? You even insulted and made me the center of attraction. You should be the one who's in trouble, not me." Pagtataray n'ya pa dito.

Tinawanan lang siya nang may pagka sarcastic ng binata dahil sa sinabi nito.

"Do you even hear yourself? As far as I remember, natapunan mo ako ng kape and even slap me in front of my clients?" nakikita ni Matilda ang galit sa mga mata nito at kahit natatakot na siya, matapang parin yung pinapakita n'ya dito.

"And I said sorry. It was an accident and I deeply regret it. Nahihilo lang ako kanina that's why natapon yung kape and hindi naman kita sasampalin kung hindi mo ako ininsulto at pinahiya" medyo napapasigaw na si Matilda pagkasabi n'ya n'yan.

"Don't shout, woman." Napipikon ng ani ng binata kaya medyo natauhan din si Matilda, hindi nya namalayan na napapasigaw na pala siya.

"I lost my client because of what happened earlier. The client that I've been working hard to invest on my company." sobrang seryoso na ani nito na nakaramdam na ng sobrang takot ni Matilda. 

"I'm sorry," nakayukong ani ng dalaga.

Unti-unti namang lumapit si Gideon kay Matilda. 

"Does that sorry will change the fact that I've lost my biggest client and investors?" napabuntong hininga si Matilda dahil sa pagiging careless n'ya kanina sabay iling-iling. Hindi parin makatingin ng deretso si Matilda sa mga mata ni Gideon dahil bukod sa guilty siya, hindi n'ya rin maipaliwanag ang sobrang lakas ng tibok ng puso n'ya na alam n'yang hindi sa takot at ang konting kirot ng ulo n'ya dahil sa pamilyar na mata nito.

Hinawakan ni Gideon si Matilda sa baba at inangat ang ulo nito para matitigan n'ya ang magaganda nitong mukha. Nang matitigan nila ang isa't-isa, may nakitang emosyon si Matilda sa mga mata ng binata. Emosyon na parang pinapahiwatig nito na namiss nito ang dalaga ngunit iwinaksi ito ni Matilda sa kadahilanang kakakilala palang nila kaya paano siya nito mamimiss.

"You need to be punished, Mon amour" nagulat si Matilda sa huling sinabi nito. Matilda doesn't speak french and can't speak even the simplest word in french but she felt like she understood that word. 

"Did you just call me my love?" takang tanong ni Matilda habang si Gideon naman ay napangiti habang nakatitig parin sa mga mata n'ya.

"I did", he smirked after saying that.

Hindi parin mawari ng dalaga kung saan n'ya narinig ang mga katagang iyon at kung sino ang nagturo sakanya kasi sobrang pamilyar sakanya ng word na yun na feeling n'ya araw-araw n'yang naririnig dati yun which is weird for her considering she doesn't remember someone taught or said that to her other than Gideon just now.

"You need to pay me for what you did and for the worst result of what you did?" ani ng binata na nakapag pabalik sa dalaga sa huwesyo.

"How much?" taas noong ano ng dalaga because she's sure she can pay him.

"I don't need your money." nagulat naman si Matilda sa saad nito.

"Then what do you need?"

Napatitig ang dalaga sa mala asul nitong mata habang hinihintay itong sumagot. Gideon was staring at her intently na para bang kinakabisado nito ang mukha n'ya. 

"What do you nee—" hindi na natuloy ni Matilda ang sasabihin ng biglang magsalit si Gideon na nagpahinto ng tibok ng puso n'ya.

"I want you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status