Sandali akong natigilan at hindi kaagad nakapagsalita. Pero na isip kong imposible ang sinasabi ng Anak ko. Paanong nakita niya si Fred? Mapait akong napangiti. Pinilig ko rin ang ulo ko ng paulit-ulit. "Anak, imposible na siya ang nakita mo. Hindi taga rito ang lalaking nasa picture," madiin kong sabi. Gusto kong magalit, at piliting isiksik sa utak niya na mali nga ang nakita niya. Na hindi si Fred ang nakita niya, pero pinipigil ko. Wala naman kasing kasalanan ang Anak ko, para magalit ako sa kanya. Ako ang may kasalanan sa kanya. Ako ang may mali, ako ang nagsinungaling at piniling itago ang lahat. Umiling siya ng paulit-ulit. "No, Mama, it's really him. They are exactly the same. The face, the hair, the dimples," giit niya. Kumislap ang mga mata niya habang sinasabi 'yon. Umupo ako sa harap niya para magpantay kami. Kinulong ko rin ang pisngi niya sa mga palad ko, saka matamis na ngumiti. "Where's the picture, Anak?" Imbes tumugon o kontrahin na naman ang sinasabi niya. Hin
Hindi ko sadyang mapahawak kay Opaw. Para akong nawalan ng lakas. Madami kaagad pumapasok sa utak ko. Mga posibleng mangyari ngayong kaharap ko na si Tonyo. Ngayon alam na niya kung nasaan ako. Naisip ko pang magkunwari na hindi siya kilala o 'di kaya wala akong matandaan sa nakaraan ko. Pero imposeble 'yon, lalo't nandito si Opaw. Alam nga niya ang kwento tungkol sa buhay ko. Kung paano ako tinulungan ni Aling Taning. Kitang-kita ko kung paanong bumagsak ang balikat ni Tonyo. Napako na rin siya sa kinatatayuan niya. "Gwin?" walang kurap niyang bigkas sa pangalan ko. Bakas sa mga mata niya. Sa tingin niya ang pagkagulat nang makita ko. "Ikaw 'yong nakabangga sa akin?" utal nitong tanong. Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Napayuko ako at natiim ang mga mata. Ano ba itong nangyayari? Bakit ba 'to nangyayari? "Gwin, intensyon mo'ng magtago at lumayo? Kaya ka nagmamadaling umalis, no'ng nabangga mo ako?" sunod-sunod nitong tanong na hindi ko pa rin magawang sagutin. "Hindi
FRED POV "Parating na ang ambulansya!" I smirked as I heard those words. Walang disgrasya na nagaganap. May madidisgrasya pa lang kung hindi ako makapagpigil.Ako lang naman kasi ang ambulansyang parating na tinutukoy nitong mga tauhan sa hotel na kaagad gumilid at humilira sa dadaanan ko. Yuko ang mga ulo na animo mga maamong tuta. Hands in my pocket. Mabagal akong naglakad sa ginta nila habang tinitingnan sila isa-isa. Huminto ako sa tapat ng isa sa mga tauhan ko na hindi magawang kontrolin ang panginginig ng mga kamay. Tingin ko nga, pati paghinga ay pinigil niya. Inayos ko ang bow tie niya, saka tinapik ko ang balikat niya. "Breath, kung ayaw mong tuluyang sumakay ng ambulansya," sabi ko, saka iniwan na silang lahat na sabay pa yatang huminga. Malaki at mabilis ang mga hakbang ko papunta sa elevator. "My schedule for today?" tanong ko sa personal assistant ko, si Tonyo.Hindi na lang siya basta driver ko, kung hindi, personal assistant na rin. Nakitaan ko ng potential, kaya p
Paglingon ko ay nakadapa na ang bata, katabi ang mga basag na hollowblocks. Kita ko ang agad na paglapit ng isang teacher habang ang iba ay nakiki-usyoso lang. May kumuha pa ng video. "T-tumawag kayo ng ambulansya," sigaw ng teacher na ngayon ay kandong na ang bata habang hawak ang ulo nitong may dugo. "Tumabi kayo..." Hinawi ko ang mga taong naki-usyoso, at Kaagad kong binuhat ang bata. "Teacher sumama ka na, dalhin na natin siya sa hospital," sabi ko. Walang tugon, pero sumunod naman sa sinabi ko ang teacher. Patakbo naming tinungo ang gate. Mabuti na lang at maraming tricycle na naka-abang sa labas. Uwian na nga kasi. Pero itong batang pasaway na 'to, imbes na umuwi kaagad. Bumuntot-buntot pa sa akin, kaya ito ang napala. Binigyan pa ako ng problema. Sa pinakamalapit na hospital kami nagpahatid. Mahigpit ang pagyakap sa akin ng bata. Umiiyak at walang tigil ang pagbigkas ng salitang Papa hanggang makarating kami sa hospital. Nasa labas lang ako ng ER. Inaasikaso na kaagad ng
Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako, o talaga bang si Gwin ang babae na nakikita ko. Hindi ako makagalaw, hindi ko magawang lumapit sa kanya.Kaagad siyang sinalubong ng teacher at tinuro ang kinaroroonan ng bata. "Mama..." humihikbing sigaw ng bata. Sabay bumaling ang tingin namin ni Tonyo sa bata na ngayon ay nakaupo na. Nakalahad ang mga kamay, at hinihintay na lumapit si Gwin na tinawag niyang Mama. Kahit may luha sa mga mata, ngiting-ngiti naman. Sandaling bumagal ang paglalakad ni Gwin. Bakas ang pagkagulat nang makita kami ni Tonyo, pero maya maya ay patakbo itong lumapit sa bata at kaagad niyakap. "Anak, Widmark, anong nangyari? Masakit ba?" tanong niya. Banayad niyang hinaplos ang ulo ng bata at hinalikan ang sugat nito. Kumunot ang noo ko. Talagang si Gwin nga ang babae na nasa harap namin ngayon. Umiiyak habang yakap ang batang sinasabi niyang anak. Nahagod ko ang buhok ko kalaunan. Ano ba itong nangyayari? Akala namin nawala na siya. Akala namin may nangyari
Awtomatikong nahinto ang paghakbang niya. Kita ko rin ang pagtaas-baba ng kanyang balikat bago niya ako muling hinarap. "Anong kasinungalingan ba ang pinagsasabi mo sa Anak mo, Gwin? Hindi kita hinuhusgahan o nilalait sa naging buhay mo ngayon. Pero ang gamitin ako at sabihin sa kanya na ako ang Papa niya, mali 'yon, Gwin." "Hindi mo ba narinig kanina, Fred. Paulit-ulit ko na ngang sinasabi sa kanya na hindi ka niya Papa," madiin nitong tugon. "Kung gano'n, bakit niya pinipilit na Papa niya ako?""Kasalanan ko, inaamin ko naman 'yon. Naging burara ako. Nakita niya ang picture nating dalawa. Pero 'wag kang mag-alala, Fred. Ginagawa ko naman ang lahat, mawala lang isip niya na may Papa siya. Sunog na nga ang picture na 'yon, hindi na niya makikita. Wala nang magiging problema." "Sigurado ka?" tanong ko. Lumapit ako at hinawakan ang braso niya . Matalim din ang mga titig ko sa kanya na bahagyang nagpaatras sa kanya. Kaagad niya ring hinablot ang kamay niya. "S-siguradong ano, Fred?"
GWIN POV Madaling araw na, ngunit dilat pa rin ang mga mata ko. Sobrang pagod ang katawan ko. Ang isip ko, pero ayaw naman akong dalawin ng antok. Mabuti pa itong Anak ko, kahit may sugat at masakit ang ulo, mahimbing pa rin ang tulog. Humihilik pa nga. Napapangiti na lang din ako habang pinagmamasdan siya. Panay kasi ang pag-sleep-talk niya, ako naman ay panay ang pagbuntong -hininga. Paanong hindi ako makatulog, akala ko kasi matapos ng sagutan namin ni Fred kanina ay hindi na niya ako kakausapin o papansinin. Pero may pahatid-hatid pa ng resibo. Pwede naman sanang iutos na lamang niya kay Tonyo 'yon. Tapos may pasundo-sundo pang sinasabi. Loko ba siya? Sabi niya, ayaw niyang bubuntot sa kanya ang Anak ko. Bakit ngayon, siya ang parang bumubuntot? Napabuntong-hininga na naman ako. Napatingin sa bigay ni Fred na resibo. Hanggang ngayon kasi ay hawak ko pa rin. Nabuang na rin siguro ako. Dahil sa resibong 'to kasi. Naalala ko ang noon. 'Yong panahon na hinawakan n'ya ang kamay k
FRED POVKanina pa ako nagtitimpi. Kanina pa nagpipigil. Ang pinakaayaw ko ay iyong pinaghihintay ako. Insaktong alas-otso ako nagpunta sa bahay nila, hindi pa pala sila handa. Tama siya, galit nga ako. Sino ba ang hindi magagalit? Pinaghintay na nga niya ako kanina. Nasaksihan ko pa maagang landian nila ng nobyo niyang kalbo. Ngayon ay uutasan niya pa ako? Nanliit ang mga mata niya na ngayon ay walang kurap na nakipagtitigan sa akin. Kung anong talim ng tingin ko ay 'yon din ang nakikita ko sa mga mata niya. "Bitiwan mo ako Fred!" utos na naman niya. Napangisi ako. "Ayos ka rin, Gwin. Matapos ng mga sinabi mo kahapon, ngayon ay aasta kang parang walang nangyari. Kikilos ka ng normal, at uutusan mo pa ako ng basta-basta na lang gaya ng dati—""Sira-ulo ka ba, Fred?" gigil, ngunit pabulong niyang putol sa pagsasalita ko. "Matindi pa ako sa sira-ulo, Gwin. Para sabihin ko sayo, hindi na ako ang dating Fred na kaibigan mo! Kaya 'wag kang umasta na kilala mo pa rin ako." Nilingon niy