Napagdesisyonan ko na sakyan lahat ng trip ni Darrel. 'Pag hindi ko na kaya, ayoko ko na. Totoo gusto ko siya pero sa pinapakita niyang ugali mas gugustuhin ko na lang maging matandang dalaga.
"Magandang buhay." Sigaw ko habang humihikab. Nag unat-unat ako bago tumayo.
Naligo ako gamit ang maligamgam na tubig sa shower, ang lamig kasi alas 5 palang ng umaga. Nasa 6:30 ang klase namin, so kailangan maghanda ng maaga. Nag ayos muna ko ng kama at mga kalat sa kwarto. Ayoko ko kasi ng makalat.
Matapos kong mag toothbrush at naglagay agad ako ng toner. Hindi ako mahilig sa make up, maputi at makinis naman ako kaya okay lang. Kinuha ko ang maganda kong uniform sa kabinet na above the knee skirt na kulay maroon. Medjas na hanggang tuhod, kulay white na long sleeve at coat na kulay maroon at may tatag na Thorn University. Nagbihis ako habang nakangiti.
"Wala akong pakialam kong ayaw mo sa'kin, Dar."
Tinali ko na ang buhok kong kulot na mahaba at nagpasyang lumabas dala ang bag kong LV. Napakamahal nito. Nahihiya nga akong magsuot.
"Ano kaya ang breakfast." Sambit ko bitbit ang bag ko. Sana naman hindi niya ako aawayin ngayon. May kasalanan pa siya kahapon sa'kin eh.
Pagdating ko ng kusina ay nakita kong nagluluto si Darrel habang walang damit pang itaas at naka slacks pang school.
Ano ba 'yan? Ang aga-aga ang laswa. Puwedi bang pakitanggal na din ng natira. Charrot.
"Ano ang breakfast natin?" tanong ko sa kaniya habang naghihila ng mauupuan. Nilagay ko muna ang bag ko sa salas baka madumihan.
"Try mo kayang tingnan diyan sa mesa! Nagluluto pa ako ng hotdog at bacon." Tumaas ang boses niya sa'kin. Kaya masama akong tumingin sakanya.
Hintayin mong madala ako, Dar. Hinding hindi ko na ipipilit ang sarili ko kahit kailan.
"Chill lang okay? Ang aga-aga highblood ka diyan." Asik ko sakanya habang nagtataray ang OA na eh. Nakakainis pakinggan, puwedi niya naman sabihin ng mahina.
"Ano ba ang pakialam mo?" suplado niyang tanong. Seriously? Napaka insensitive!
"Baka matumba ka diyan dahil sa stroke, at hayaan kitang nakahandusay hanggang mamatay." Seryoso kong sabi habang deretsong nakatingin sa mga mata niya. Tumaas ang kilay niya saka sumilay ang naglalarong ngiti sa labi niya.
"Tsssss." Ang tanging naging sagot niya.
"Well, well, well. Napaka insensitive naman kasi." Sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon. Nagpaparinig lang ako.
"Well, well, well. Wala kang pakialam, pangit!" sabi niya sabay lapag ng niluto niyang hotdog saka bacon.
"Pangit ka din naman." Bulong ko habang kumukuha ng hotdog sa pinggan.
"Kaya pala gustong-gusto mu'ko?" sabi niya ng hindi tumitingin sa'kin.
"Ngayon ko nga na-realize na hindi ka pala talaga kagusto-gusto." Ngumiti ako ng mapait. I feel bad for myself.
Umalingawngaw ang tunog ng tinidor niyang nahulog. Napatingin bigla ako ng kumukonot ang noo niyang pinulot at inihagis sa lababo. Bawat galaw niya ay binabantayan ko, hindi parin nawawala ang pagkunot ng noo niya habang kumukuha ng panibagong tinidor. Umiling-iling ako at 'wag siyang isipin.
Nagsimula na kaming dalawa kumain habang hindi nagpapansinan hanggang sa naisipan kong tanongin siya.
"May assignment ba tayo ngayon?" tanong ko habang ngumunguya ng pagkain. Ang sarap talaga ng bacon.
"Wala." Tipid niyang sagot. Wala na bang hahaba pa diyan? Final na talaga?
Tahimik kami ulit kumain hanggang sa nauna siyang makatapos. Nilagay niya ang pinggan sa sink at naglakad palabas ng kusina.
Lumingon siya bigla. "Bilisan mo diyan baka malate tayo." Sabi niya habang blangko ang mukha at nagpatuloy na sa paglalakad.
Binilisan ko ang pagkain pagkatapos ay nilagay ko na sa sink ang plato. Lumabas siya sa kwarto na dala ang bag at naka uniform na. Ambilis naman. Dali-dali kong kinuha ang bag sa sofa at tumingin muna sa salamin.
"Okay na 'to."
"Tara na." Sabi niya kaya sumunod na akong lumabas. Ako ang nahuling lumabas kaya ako ang nag-lock ng pinto.
Pagkalingon ko magsasara na ang elevator. Kaya nagmadali akong tumakbo dahil nasa loob siya. Bwesit talaga! Napaka hipokrito.
"Hayyss. salamat naman." Tumulo ang pawis sa noo dahil sa pagtakbo. Muntikan na ako hindi makaabot. Bakit kasi hindi niya ako hinintay? Napaka excited naman masyado. Kingina!
"Bakit kasi hindi mo ako hinintay?" asik ko sa kaniya.
"Sino ka ba sa tingin mo?" malamig niya sabi na nakapagpatigil sa'kin.
"Oo nga. Tama nga. Sino ba naman ako? Isa lang akong admirer mo." Bulong ko. Napayuko ako habang nakasimangot. Hinihintay kong kailan kami aabot sa ground floor.
Makalipas ang ilang segundo ay tumunog na ang elevator hudyat na nasa ground floor na kami. Sumunod ako sa kaniya habang naglalakad siya papunta sa sasakyan niya. Nauna siyang pumasok sa driver's seat kaya uupo din sana ako sa passenger seat ng bigla siyang magsalita kaya natigilan ako.
"Hep hep! Do'n ka sa likod." Buong lakas na sigaw niya habang sumesenyas ang kamay.
"Dito ako sanay umupo eh." Sabi ko sakaniya habang nagpapadyak. Kapag sinusundo ako ni Manong sa driver seat ako umuupo.
"Anong pakialam ko? This is my car." Matigas niyang sabi sa'kin kaya sinarado ko ng malakas ang pinto at nagdabog na umupo sa backseat.
Pagkadating namin ng school ay konti pa lang ng mga estudyante.
"'Wag ka munang lumabas, mamaya na baka may makakita sa'tin." Sabi niya habang nililibot ang tingin. Nauna siyang lumabas at umalis.
Nanlumo naman ako sa likod dahil sa sinabi niya. Nakakahiya ba talaga akong kasama? Hayys. Makalipas ng limang minuto ay lumabas nadin ako ng kotse.
Nagmadali akong naglakad at baka malate pa ako. Pagkadating sa room ay dumeretso na ako sa upuan ko. "Good morning, Yohan." Walang ganang bati ko sa kaniya. Kaya gulat siyang napatingin sa'kin.
"Good morning, Peny. May sakit kaba bakit ang tamlay mo?" Nag-aalala niyang tanong. Nilagay niya ang kanang palad niya sa noo ko.
"Hindi ka naman mainit, hindi kaba nakapag breakfast?"
"Kumain na ako, hindi lang talaga maganda ang araw ko." Sumimangot ako habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Ikakain nalang natin 'yan mamaya." Pilit niya akong pinapasaya.
"Gusto ko ng ice cream." Masigla kong sambit. Nakakaganda ng mood ang pagkain nito. Excited akong tumingin sakanya.
"Sige mag- iice cream parlor tayo mamaya." Kumindat siya sa'kin. Yey. May karamay na ako.
Hapun na ng matapos ang klase namin kaya dumeretso agad kami ni Yohan sa "Jenny Ice Cream Parlor"
.
"Wow, ba't ang laki naman yata nito?" gulat na gulat ako habang nakatingin sa isang malaking bowl na puno ng ice cream.
"Para sulit, Double cheesy banana split special charrannnn..." Buong lakas at masigla niyang sabi habang tumatawa. Tumawa nadin ako sa pinagagawa niya.
Kumain na kami hanggang sa maubos. "Salamat dito, Yohan." Ngumiti ako ng kay tamis tamis.
"Wala 'yun sa susunod uli." Sabi niya na ikinatuwa ko.
Binalik niya ako sa school at umalis. Sinabi ko kasi sakanya na naghihintay ang driver ko do'n.
Hinanap ko ang sasakyan ni Darrel kung saan ito naka-park. Laking gulat ko ng makita kong nakahilig siya sa kotse niya habang nakakunot ang noo. Patay! Galit na naman yata.
Bakit naman ako matatakot? Si Darrel lang 'yan.
"Great! Alam mo ba na kanina pa ako nag hihintay dito? tapos nag lalandi kalang pala?!"
"Ano?! Hindi ako naglalandi, kaibigan ko siya! Hindi ko nga alam kong saan ka nagpunta eh tapos ako 'yung pagagalitan mo?!!" tumaas ang boses ko sa kaniya. Malapit ng sumabong ang kilay ko. Pumasok na ako ng sasakyan at isinarado ito ng malakas. Pumasok nadin siya at ini-start ang engine. Ng makarating kami sa ground floor ay nauna siyang umalis.
Bahala ka sa buhay mo!
Hanggang sa Dinner ay hindi kami magkasamang dalawa. Nauna siyang kumain sa'kin. Ganun siya ka galit? Pakialam ko?
Isang linggo na kaming magkakasama sa iisang bahay ng suplado at mainitin ang ulo na nilalang na 'yon.Hindi man lang nagbago ang trato niya sa'kin. Minsan hindi na siya nagluluto ng pagkain, kaya tinapay nalang ang kinakain ko, hindi kasi ako marunong mag luto. ‘Di ba? Ano 'to? Sumpa? Nakakainis siya pero wala akong magawa. Mas mabuti pa na nandoon ako sa bahay, tahimik pa ang buhay ko. May katulong na puwedi akong lutuan anytime. Mababait pa sila hindi kagaya ng kasama ko sa bahay napakabwesit. Nai-stress ako myghad!Lunes ng umaga at ang nakakainis ay hindi niya ako hinintay. Napakasama talaga ng ugali. Sino ang magtatagal sa gano'ng ugali aber? Dahan-dahan ng nawawala ang pagkakagusto ko sa kaniya. Nakakaturn off siya.Nagpapapadyak-padyak ako ng walang taxi na dumadaan. Male-late na ako sa school.Nandito ako nakatayo sa labas ng Lopez Condominium. Kung sana may driver ako, hindi ako maghihintay ng matagal dito.Nabigla ak
Nang makarating kami ni Darrel ng Condo ay nauna na naman siyang naglakad. Nakasunod lang ako sa kaniya habang nakayuko. Hanggang sa makarating sa unit ay hindi padin kami nag kikibuan.Nalimutan ko hindi pala talaga kami nag uusap. Hayyss. Bahala siya sa buhay niya.Pagkapasok na pagkasok namin ay dumeretso agad ako sa kwarto para magbihis. Naisipan kong kausapin siya kaya pagkatapos ay lumabas ako ng kwarto."Hindi pa yata siya lumalabas," bulong ko.Kumatok ako sa pinto ng kwarto niya para tawagin siya."Darrel." Tawag ko."Pwedi ba tayong mag usap?" tanong ko mula sa labas ng pinto. Kumatok padin ako. "Darre--." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto."What do you want?" malamig niyang tanong habang nakakunot noo."Pwedi ba tayong mag usap?kahit saglit lang?" napayuko ako habang nagsasalita. Hindi ko naman gusto
Pagdating namin sa pinakamalaking mall dito sa Manila ay pumasok agad ako sa Expression. Bumili ako ng dalawang yellow at isang black na cartolina. Isang glue at gunting, pero pagtingin ko sa nakabuntot sa likod na si Darrel ay nakasimangot lamang ito."Ba't naka simangot kana naman?" malakas kong tanong."Hindi na kita fan? kay Yohan kana? Dapat sinusuportahan mu'ko!" sabi niya sabay irap kasabay ng pagkunot ng noo niyang mapuputi at lalong paniningkit ng mga mata niyang singkit.Bahagya ako tumawa. Ang cute niya tingnan."Ang suplado at lagi ka nalang galit. Na-realize ko na hindi na kita gustong supportahan." Sagot ko sa kaniya.Nagbayad muna ako sa counter at tsaka lumabas. Naka sunod lang siya sa'kin pero ng may makita kaming paparating na estudyante ng Thorn University ay nagtago ito sa isang boutique at nagpatuloy ako sa paglalakad. Bahala siya sa buhay niya."’Di ba ikaw ‘yung girlfriend
"May favoritism ka nuh? No'ng hinila ka ni Darrel tinapon mo agad ang pangalan ko, parang tinapon mo na din ako, ang sakit naman no'n." Sabi niya. Umarte pa siya na parang nasasaktan. Humawak siya sa puso niya at dumaing ng sakit."Nabigla lang talaga ako sa kaniya, hindi ko kaya iniexpect 'yun," sagot ko. Nagpa ikot-ikot ako sa kilig habang ngumingiti."Dream come true 'yun." Pagtingin ko sa kanya ay sa kawalan lang siya naka tingin kaya nagtaka ako."Uyy nakikinig ka ba?" I asked him."Ha?Ano yung sinabi mo?" tanong niya pabalik habang natataranta."Hindi ka naman nakikinig eh, 'wag na nga lang." Nauna na akong naglakad papuntang parking lot kaysa sa kaniya. Hihintayin ko si Darrel."Hintayin mu'ko, Pen." Sigaw niya habang humabol sa'kin, nang maabotan ay inakbayan niya ako."Sorry na, may inisip lang ako." Pagdadahilan niya. Ginulo ang buh
Nakatayo kaming dalawa ni Darrel sa harap ng pinto na magkalayo habang hinihintay ang pagdating ng mga parents namin. Nami-miss ko na sina Mom at Dad kaya excited akong makita sila."Tsk!" napatingin ako ng masama kay Darrel habang umiiwas siya ng tingin."Edi wow." Sabi ko.Nakarinig kami ng doorbell hudyat na nandito na sila. Dali-dali akong nagpunta ng pinto para buksan ito pero hindi lang ako ang nakahawak kundi pati nadin kamay niya. Gulat na gulat akong napatingin sakanya habang nakatulala siya sa'kin. Nasa ilalim ang kamay ko at nasa ibabaw ang kamay niya. Parang tumigil ng ilang segundo ang oras at nagpatuloy ng makarinig ulit kami ng doorbell kaya sabay kaming dalawa bumitaw at nag iwas tingin. Nakakainis namumula ako. Ang init ng pisngi ko. Ang gwapo niya kasi, ang aga-aga.Narinig kong nagbukas ang pinto habang nakatalikod ako. Binuksan siguro ni Darrel."Bakit antagal niyong
Nakahilata ako sa kama habang nakatingin sa kisame. Parang ang saya ko yata ngayon. Sobrang na-miss ko lang talaga siguro ang presence ni Mom at Dad at medyo naging maingay ang condo.Napalingon ako kay Mom. Pumasok pala siya ng kwarto, "Peny anak! Hindi pa ba kayo magkatabi matulog ni Darrel?"Hindi ko mapigilang manlaki ang mga matang tumingin sa kaniya, "Wala naman pong nagsabi na kailangan naming magkatabi." Sagot ko.Naku 'pag sinabi nila kay Darrel 'to tiyak magwawala 'yon. Napakagat-labi ako habang iniisip ang maaring reaksiyon niya.Biglang sumilip si Tita sa kwarto ko kaya napatingin kaming dalawa ni Mom. "What are you talking about, ladies?" malambing na tanong niya. Mukang bagong ligo siya."Hindi magkatabi matulog ang mga anak natin, Jessel." Sumbong ni Mom kaya napanguso ako habang umiiwas ng tingin."Hindi kayo magkatabi? I told him last time, ikakasal na din naman kayo." N
Magkakasama kaming lahat kumain. Sina Tito at Tita, Mommy and Daddy at kaming dalawa ni Darrel. Uuwi na yata sila mamaya. Namimiss ko na talagang umuwi sa'min."Mom, Dad, uuwi na po ba kayo mamaya?" tanong ko. Napanguso akong tumingin sa kanila. Marahan kong hiniwa ang porkchop na ulam."Yes, anak. Marami pa kaming aasikasuhin ng Daddy mo." Sabi ni Mom tinapik ni Dad ang likod kaya napatingin ako sa kaniya. Bahagya siyang ngumiti kaya nanlumo ako habang kumakain."Puwedi po bang mag extend kayo kahit one night lang? Dad, please." Malambing kong pakiusap habang nagpapacute."Sorry, Peny. But we really need to do this besides nandito naman si Darrel. Why don't you go shopping or stroll outside? ‘Di ba Darrel?" baling ni dad sa kaniya, “Please make my Peny happy." Napatingin si Darrel sa'kin at tumango sa kaniya."Yes po, tito. Ako na po ang bahala sa kaniya.""Mudos
Nagpatuloy ang mga araw na lagi nalang kaming nagbabangayan. Ang trato niya? Gano'n padin, laging galit. Hindi ko alam kong ano ba talaga ang problema niya. Pero minsan mabait naman, MINSAN lang. Napaka-moody no'n kaya nga lagi ko siyang binibiro eh ang dali niya ma pikon. "Good morning, hubby." Ngumiti ako ng kay lapad-lapad sa tapat mismo sa mukha niya. Ang gwapo niya talaga."Hubby mo mukha mo!" tinulak niya ang ulo ko gamit ang isa niyang daliri at tumalikod. Napangisi naman ako habang sumusunod ang tingin sa kaniya. Ito 'yung mga ginagawa ko para magalit siya."Bakit magiging asawa naman talaga kita ah?" maang-mangan kong sabi habang sumusunod sa kaniya."Ayaw ko sa'yo." Plain