Fatima POV
Hindi ko mapigilang kumirot ang puso ko kapag nagsasalita ng masasakit sa akin si Gayrill, hindi ko na kase talaga alam kung saan nagmumula ang galit nito sa akin na abot hanggang langit. Sa pagkaka tanda ko naman ay wala akong nagawang kasalanan dito.
Tinapos ko ang breakfast kanina kahit hindi ko na talaga kayang lunukin. Mahirap na at baka magtampo sa akin si Tita.
"Ano na Fatima, bakit ba kanina ka pa tulla diyan?" Tanong ng kaibigan ko na si Jaya.
Sa aking pag-iisip ay hindi ko na namalayan na nandito pala kami ni Jaya sa garden ng school. Free time namin at mamaya pa ang sunod na class namin.
Napabuntong hininga ako. "Wala nag-iisip lang ako kung saan ako pwedeng maka hanap ng pagpapartime job."
"Oh! Bakit naman? Akala ko ba ay prinsesa ka na sa mansion ng Della Villa?" Tanong nito muli.
Tumingin naman ako dito. "Anong prinsesa ka diyan, itiniring lang akong parang anak pero hindi naman talafa kailangan ko pa din na kumilos sa mansion."
"Alam ko na kung bakit ka nag-iisip na magtrabaho siguro ay iniinsulto ka na naman ni Gayrill ano?" turan nito.
Napahilamos naman ako sa muka at parang stress na.
"... Sabi ko na nga ba yung asungot na lalaki na naman 'yon," patuloy nito.
"May karapatan naman siya na magsalita sa akin dahil hindi naman talaga ako tunay na anak," may lungkot sa akin habang sinasaad ko.
"Pero hindi tama 'yon, kahit na hindi ko tunay na anak dapat nirerespeto ka niya o sadyabg napaka gago lang talaga ni Gayrill," may diin sa huli nitong sabi.
Napatawa naman ako. "Hinaan mo lang ang sinasabi mo at baka may makarinig sayo."
"Hayaan mo sila Fatima ano ba ang pakiaalam nila ku-"
Napatigil na ito nang takpan ko ang bibig niya sa pagsasalita. Baka kung ano pa ang marinig ng tao sa paligid at ma-chismis pa kami.
"Jaya, alam mo naman na maraming nakakakilala sa kaniya kaya hinaan mo lang boses mo," bulong ko sa kaniya.
Kita ko na umikot pa ang mata nito bago tumango. Tinanggal ko na din anv kamay ko at umupo na muli.
"Basta kung sakaling sumobra na ang gagong 'yon, tawagan mo ko back-up," ani nito.
Napangiti naman ako dahil napaka bait din ni Jaya sa akin. Alam nito ang lahat ng ginagawa sa akin ni Gayrill kay may inis din ito kapag pinag-uusapan namin siya.
Ring!
Napatayo na kami ni Jaya ng tumunog na ang bell ng school.
Nakaramdam ako nang maiihi. "Mauna ka na Jaya magbabanyo lang ako."
"Sige dalian mo."
Nagpaalam na muna ako at patakbo na pumunta sa banyo dahil ihing-ihi na ako. Wala naman masyadong tao sa baba ng building dahil mga nakapasok na ang mga ito sa kani-kanilang silid.
Nang makita ko na walang tao sa cubicle ay umuhi na ako kaagad, umabot ng tatlong minuto bago ako nakalabas ng banyo.
"Hi Noodles!"
Napalingon ako dahil may naringi akong tumawag sa akin. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin ng endearment na ganiyan dahil sa buhok ko na kulot.
Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali sa aking hula dahil ang nasa likuran ko lang naman ay sina Darius, Jack, Steve, William at Kaye ang barkada ni Gayrill, na naroon din at walang mababakas na emosyon habang nakatingin sa akin.
"Noodles saan ang punta mo?" naka ngising tanong ni Kaye.
"Pupunta na ako sa klase ko," sagot ko.
"Bring us food." Napatingin ako kay Gayrill sa inutos nito.
"Sinula na -"
"Do you want me to repeat mayself?" Taas kilay na saad ni Gayrill.
Tumitig ako sa kaniya upang sana umasa na hindi na nito ituloy ang inu-utos nito, ngunit seryoso ang hilatsa. Napabutong hininga na lamang ako at walang nagawa kung hindi sundin ang utos ni Gayrill.
"Headquarters." Dinig ko na saad nito.
Nanlumo naman ako sa sinabi nito dahil napaka layo ng headquarters nila sa aming building.
Tumalikod na ako at napapikit ng marinig ko ang mahina nilang tawanan.
Dagli na akong pumunta sa canteen at mabilis na pumunta sa counter para maka-order na.
"Take out or dine in?" Tanong ni Mrs. Santiago ang head ng canteen.
"Take out po."
Binigay ko ang order nila Gayrill at na-upo muna habang inaayos nila ang mga pagkain.
"Ito na ang order mo." Dinig ko na tawag sa akin kaya lunapit ako kaagad at binigay ang school I.D.
Naghintay pa ako ng ilang minuto at binigay na din nito ang I.D. Patakbo na akong lumabas sa canteen dahil kung hindi ako magmadali ay hindi ko na maabutan ang klase ko.
Bakit ba sobrang layo ng pagitan ng building at headquarters nila?
Tumingin ako sa orasan at nabigla ako ng sampung munto na akong late sa klase ko at mapapagalitan akl ni Mr. Demir kapag nagkataon.
Nakarating ako sa building at sumakay na sa elevator para mapabilis pa ang pag-akyat ko.
Nakita ko na ang pinto at binuksan ko na ito kaagad.
"Ay! Fatima? Ikaw ba 'yan?" Dinig ko na tanong ng kung sino sa loob ng silid.
Kahit hinihingal ay pinilit ko na makapagsalita. "Nandiyan na ba sila?"
"Huh? Sino? Ang varsity player ba?"
"Oo sila, nasaan sila nandito na ang pagkain nila," sabay abot ko dito ng paper bag.
"Tumawag sa akin si couch Jim at sinabing sa labas sila ng campus kakain kasama ang mga varsity player," ani nito.
"Pero sinabi ni Gayrill na..."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa napagtanto ko na ang ginawa ni Gayrill.
Halos manlumo ako lalo na ng marinig ko ang tunog ng bell hudyat na tapos na muli ang klase.
"Mukang niloko ka na naman nila," komento pa ng babae sabay labas nito ng silid.
Gusto kobg maiyak dahil sa ginawa ni Gayrill, bakit ba hindi pa ako nasanay na paglaruan nito?
Kung hindi pang-iinsulto ay ganito ang ginagawa niya, walang pakiaalam kung masaktan o mahirapan ako.
Ang inaalala ko kung paano ko ito ipapaliwanang kay Mr. Demir teror pa naman ito at mahirap paki-usapan.
What a Life?
Fatima POVSaktong 6:50 pm na ako nakarating ng bahay naghintay pa kasi ako ng bus at umulan pa kanina kaya medyo natagalan.Bagsak ang balikat ko na pumasok sa mansion naalala ko parin yung kanina. Pagkatapos ko kasing malaman na niloko lamang ako ni Gayrill ay sinubukan ko paring humabol sa klase pero wala na tapos na ang klase at naka alis na si Professor Dayuan ang history teacher ko. Ang sakit ng binti ko sa kakatakbo kanina dumagdag pa na ilang minuto akong nakatayo sa waiting shed sa tagal ng bus may sundo naman talaga ako dahil yun ang gusto ni tita Rose ngunit tumanggi ako dahil naiilang ako sapagkat hindi naman ako sanay na may mag hatid sundo sa akin sa University. Napabuntong hininga na lamang ako at papanhik na sa itaas ng may tumawag sa akin. "Hello maganda kong anak." Tawag sa akin ni tita Rose. Napatingin ako dito.
Fatima POV"As we decided to be a doctor we are responsible in any actions we do. Naka salalay sa ating mga kamay ang buhay nang ating pasyente, dapat lang na gawin natin ang lahat nang ating makakaya upang sila ay maging ligtas." Turo ng propesor ko. Ngayon nga ay nag-take down lang ako sa lesson namin. Kailangan kong makauwi nang maaga dahil ako ang pag pe-present sa mga Della Villa para mamaya. Kagabi ay na banggit ni tito Erwan na kailangan na pumunta sa Angels Heart Foundation kung saan ay nag do-donate ang pamilya. Hindi makaka punta sina tita dahil may importante silang pupuntahan kaya ako na lamang ang pina-presinta nila sa gaganaping event. "Maaga pa sama ka sakin," yaya sa akin ni Jaya pagka labas ng Professor namin. "Pasensya na kailangan ko kasing umatend sa ampunan may eve
Fatima POVKita ko ang pag-kunot ng makapal na kilay nito sa paglipas nang ilang segundo nitong pag-obserba sa akin. Teka? Bakita kunot na naman ang kilay nang lalaking ito? "What's with your dress? We're not going to church sa isang event tayo pupunta," inis na turan nito. Kita ko naman na parang stress na ito dahil sa paghawak niya sa kaniyang bridge ng ilong at naka pa mewang pa. "Sabi kasi ni tita pormal daw' kaya ito na ang sinuot ko", paliwanag ko. "Nevermind let's go." Lumakad na ito palabas. "Nevermind let's go," bulong ko sa sinabi nito. Tsk! Napaka sungit talaga akala mo laging may dalaw. Sumunod na rin ako agad dito sumakay na ako sa loob at handa nang pumunta sa event. "Buti na lamang ay nak
Fatima POVHuh? Napatingin ako sa babaing nag-tanong. On word to define her, georgeous.Sinong anghel ang nasa harapan ko? "By the way I'm Dianne Johnson" Nilahad nito ang kanyang kamay. Kinuha ko naman ang kamay niya, imported pati ang pangalan nito. Siguro ay sa ibang bansa ito lumaki kahit ang ganda nito ay hindi pang pinay. "A-ako si Fatima," sagot ko. "So are you his girlfriend?" tanong muli nito. Umiling naman ako sabay bawi sa kamay ko. "Naku-" sasagot na sana ako nang may sumingit."Dianne?" si Gayrill ito. "Ow! Hi Rill, long time no see." Hinalikan nito bigla si Gayrill. Napa-iwas ako agad at kunwaring walang nakita iniikot ko ang mata ko kung tapos na
Fatima POV"Malapit na pala ang kaarawan mo." Isang araw na sabi ni Jaya, kasalukuyan kami na nasa library nang school vacant namin ngayon at napagdesiayon namin na tumambay na muna. "Oo sa sabado na nga 'yon," sagot ko dito. Tinapik ako nito sa balikat. "Gusto mo samin ka mag celebrate tulad nang dati?" "Hindi ko alam kasi kanina sinabi ni tita na mamasyal kami," sabi ko dito. Sumimangot naman ito. "Sige na nga mag-iisip na lang ako nang gift sayo." Ngumiti na ako dito. Ilang minuto pa ay nag-bell na at pumasok na kami sa susunod na class namin. "Miss. Tolentino?" Sabay kami na napalingon ni Jaya. "Yes?" sagot ni Jaya. "Tungkol sa club pinapatawag ka ni Ma'am Camu." Lumakad na ri
Hi! I just wanna say hello to all my readers, (kung meron, chariz!). So, alam ko na mahirap talaga kumuha ng readers lalo pa kapag international platform ka magsusulat. Need nila ay ang mga english stories na pwedeng mabasa to all foreigners readers. Pero dahil malakas ang loob ko para mag-published ng story ay ginawa ko pa din (evil laugh). Gusto ko na maging isang magaling na manunulat, kahit hindi na sikat basta ay maging kilala ako bilang magaling na author. 'Yun lang, basta suportahan niyo po ang magiging takbo ng story. Salamats. This is your author alienbutt, saying keep safe and exercise for the better life. Add me on F******k : Dolores Slivestre Bye.
Fatima POV Bukas, bukas na ang kaarawan ko at buo na rin ang desisyon ko na umalis na sa mansion ng Della Villa. Alam ko na labis na masasaktan si tita dahil sa gagawin ko pero, ito lamang ang na-isip kong paraan upang mawala na ang galit sa akin ni Gayrill. "Ready ka na?" tanong ni Jaya sa tabi ko. Ngayon ay sabado at wala kaming pasok ni Jaya, nakasuot ako ng puting polo at pants dahil sasamahan ako ni Jaya sa pinapasukan nitong restaurant. Kailangan ko na kumita nang sarili kong pera hindi sapat ang pera na iniwan ni inang sa akin, kailangan ko na tumayo sa sarili kong mga paa at humanap nang bago kong tutuluyan pagkatapos. "Hayaan mo madali lang ang trabaho sa restaurant," ani ni Jaya. Hindi ko sinabi kay tita na aalis ako para sa trabaho dahil alam ko na pipigilan ako nito.
Fatima POVBukas, bukas na ang kaarawan ko at buo na rin ang desisyon ko na umalis na sa mansion ng Della Villa. Alam ko na labis na masasaktan si tita dahil sa gagawin ko pero, ito lamang ang na-isip kong paraan upang mawala na ang galit sa akin ni Gayrill. "Ready ka na?" tanong ni Jaya sa tabi ko. Ngayon ay sabado at wala kaming pasok ni Jaya, nakasuot ako ng puting polo at pants dahil sasamahan ako ni Jaya sa pinapasukan nitong restaurant.Kailangan ko na kumita nang sarili kong pera hindi sapat ang pera na iniwan ni inang sa akin, kailangan ko na tumayo sa sarili kong mga paa at humanap nang bago kong tutuluyan pagkatapos. "Hayaan mo madali lang ang trabaho sa restaurant," ani ni Jaya. Hindi ko sinabi kay tita na aalis ako para sa trabaho dahil alam ko na pipigilan ako niya ako. Nagpaalam lang ako dito na may pupuntahan kami ni