Chapter 4
Inip na inip na si Brandy sa paghihintay. Bago mag nine am nasa restaurant na sya.Sangahan at mamunga pala ha! Sinungaling! Antipatiko! Bastos!Ngitngit na ngitngit na sya dahil almost 45 minutes na sya sa paghihintay sa bar and grill na yun pero ni anino ng hayup na ka meet niya ay wala syang makita ni masulyapan man lang.Balak siguro syang pagmukhaing tanga talaga.She's pissed. She grabbed her bag and stood up. Nakakahiya. Kanina pa sya pinagitiginan doon dahil tingin sya ng tingin sa relo pero wala naman pala syang hinihintay. Tambay talaga! Walang isang salita.Nag-iwan sya ng pera sa mesa kahit tubig lang naman ang ininom nya. Saka sya bwisit na bwisit na naglakad palabas ng bar and grill na yun na kahit umaga ay bukas. Hindi lang naman yun ordinaryong bar at grill. Isa rin yung restaurant kaya pwedeng kamain at uminom kahit umaga. Laman na sya no'n tuwing gabi. O hindi naman gabi gabi, kung kelan lang nagse self pitty sya ay umiinom syang mag-isa at sa pag-uwi nya ay sermon ang inaabot niya.So she always concludes that it's better to be a rebel than a Maria Clara. At least napapansin sya ng daddy nya sa paggawa ng mga kamalian.Marahas niyang itinulak ang pinto at sa pagkagulat niya ay muntik niya pang tamaan ang isang matandang lalaki na papasok na rin. Buti na lang may lalaking nakasalag niyon sa likod ng mga nag-uumpukan na kostomer na papasok din."Tsk! High blood agad ang girlfriend ko, na late lang ako." anang lalaki na nakaagaw ng atensyon nya at muntik syang mapatanga nang mapagsino yun.She can't miss anything about his voice. Kahit isang beses pa lang silang nagkita, kilala nya ang boses na iyon."Mag-ingat ka naman ineng. Papatayin mo yata ako nang maaga." sabi ng matandang lalaki sa kanya.Nakita niyang inakbayan iyon ng fske bf niya at iginiya papasok."Pasensya na po kayo lolo, buntis po kasi ang girlfriend ko kaya po ganyan sya. Selosa po kasi yan, na late ako sa date namin." anitong tinatapik tapik ang balikat ng matanda.Gumilid sya para paraanin ang lolo kahit naiimbyerna sya sa kasinungalingan ng lalaki."Sorry po L-lolo." yumukod sya nang kaunti at nginitian ang matanda.Di naman talaga nya sinasadya. Ganoon lang sya tuwing nagagalit. Wala syang pakialam sa nakapaligid sa kanya.Tumango naman ang matanda sa kanya.Napasulyap sya sa lalaking nakaakbay sa lolo at kinindatan sya nito.Ang gwapo na naman ng walang hiya. Naka gray na semi fit na t-shirt ang lalaki. Bakat na bakat ang dibdib nito. Di nya pala kaagad nakilala kasi naka sumbrero ang damuho at sa pagpasok ay nangangamoy na naman ang pabango.Humalukipkip sya sa kinatatayuan. Ewan niya kung bakit di niya mahatak ang sariling mga paa palabas, samantalang kanina ay desididong desidido na sya na makaalis doon.Ibinaling niya ang paningin sa labas habang nag aasiste ang lalaki sa matanda. May nalalaman din naman palang kagandahang asal ang bwisit na tambay."Kala ko ba aalis ka na. Bakit nakatayo ka pa riyan?" tanong nito na ikinapintig ng tainga nya.Nalipat kaagad dito ang mga mata niya at nabubwisit sya sa tono nito na parang ang ibig sabihin ay porket nakita na nya ito ay wala na syang balak ituloy ang naantalang pag-alis sa lugar na yun. At ang mas ikina bubwisit niya ay ang pagkakangisi nito habang nakatitig sa mukha niya."Bwisit ka!" tutuhurin niya sana ito pero mabilis itong nakailag.Nang hindi niya tamaan ay sasapakin nya sana pero mabilis din na sinalag ang kamay niya."Tsk. Kulang sa training babe." anito na nangingiti pa. Hinampas niya ito ng bag sa tyan at tinamaan niya."Aw." angal nito.She smirked. "Kulang sa training sa pag-ilag."Tumawa ito nang malakas at nakaagaw ng atensyon ng lahat pero binalewala lang nito.Hinila niya ang kamay mula rito dahil para syang isda na kinukuryente sa pagkakahawak ng lalaking antipatiko."Taray naman. Malinis naman ang kamay ko. Hinawak ko lang yan sa--" anito na sadyang binitin ang salita habang tatawa tawa.Mabilis niyang kinalkal sa bag ang sanitizer at pinahiran ang braso.Hinawak saan? Sa kwan! Eeehh!Lalo itong tumawa. "Arte. Hinawak ko sa pintuan nitong bar. Can we please be seated now?"Napaarko ang kilay niya kasabay ng pagtingala sa lalaki at napatigil sa paglagay ng sanitizer. Tambay nag e English?Parang ito man ay natigilan din pero kaagad na bumawi."Galing ko mag English ano? Crush mo na naman ako." anito at walang kapaa paalam na hinaklit sya papunta sa isang bakanteng mesa.Parang gusto pa niyang mandiri na naman sa kamay nito na baka nga kung saan saan naman talaga inihawak.Ipinaghila nga naman sya ng upuan pero sapilitan naman syang iniupo doon na halos durugin ang balikat niya. Harsh lang?Humila din ito ng upuan at itinabi sa kanya saka naupo ng nakabukaka at prenteng sumandal sa silya pagkatapos damputin ang menu.Kala mo naman mag oorder.Wala sa loob na napadako ang mga mata niya sa may zipper ng pantalon nito at di niya alam kung bakit bigla syang nahiya sa pagkakasulyap sa kaumbukan na yun. Diosko! Nagdidiliryo yata sya kahit wala siyang lagnat.Ibinaling niya ang tingin sa kabilang side ng table. Naiilang sya sa posisyon nito na nakabuka ang mga hita at nakadikit sa binti niya ang tuhod.Nananadya ba ang kumag na ito talaga? Bahagya syang umusog para maiiwas ang mga binti niya sa lalaki."Wag kang masyadong mag-alala. Di ka mabubuntis ng tuhod ko. Pwera na lang kung lumuhod ako sa pagitan ng--" anito na nakatingin pa rin sa menu."Bastos ka talaga!" singhal niya sa lalaki at sya rin ang napatigil nang pagtinginan sya ng mga tao roon.Ngali ngali na niyang pukpukin ng baso ang isang ito.Kinuha niya ang menu na kanina pa nito tinitingnan. Tatawa tawa na naman nga talaga sa sariling kabastusan."Kanina ka pa. Di ka naman umu-order." naiinis na sabi niya sa lalaki at padabog niya na ibinaba ang menu sa mesa."Wala naman sa menu yung order ko, nasa tabi ko na." anito na diretsong tumitig sa mga mata niya at tinaasan baba sya ng kilay.Hayun na naman ang pesteng puso niya. Kumakalabog nang husto. Napapano na ba sya?"Ano bang trabaho mo?" pilit niyang inayos ang sarili. Kapag nagpadala sya sa kahambugan ng lalaki na to mas lalong masisira ang buhay nya."Marami." sagot kaagad nito na hindi inaalis ang pagkakatitig sa mukha niya.Shit! Matutunaw na yata ako.Kumunot ang noo niya. "Anong marami?"Bahagya itong lumabi at nagkibit balikat."Depende sa gusto mo maging trabaho ko--" anito.Tumango siya. Good. Marunong naman palang maging hired talaga. Alam kung saan ang lugar. Magsasalita na sana sya ulit nang bumuka na naman ang bibig nito."Pwede akong maging driver, bodyguard, callboy, ama--ng magiging anak mo." ngumisi pa ang bwisit."Waiter!" wala sa loob na natawag niya ang lalaking waiter na nakatayo sa may di kalayuan."Ma'am?" tanong nito ng makalapit."May Zonrox ba kayo? Pwede pakibigayan ang kasama ko. Gusto ko na syang mamatay." sabay irap niya.Humalakhak na naman ito."Grabe talagang pagmamahal sakin ng girlfriend ko. Zonrox lang? Muriatic acid dapat para tunaw pati colon ko." anito na lalo niyang ikinasimanagot.Pilosopo talaga.Napakamot ng ulo ang waiter."Bigyan mo ng molten chocolate cake ‘yong girlfriend ko. Kulang kasi sa tamis. Saka carrot juice na lang baka masobrahan naman kasi sa asim." sabay pasada ni Nyx sa kabuuan niya."How about you sir?" tanong ng lalaki."May babae ba kayo rito?" sabay kindat nito sa waiter na natawa nang bahagya sa biro nito.Biro ba talaga o sadyang babaero lang ito? Pero mas di nya inasahan ang dinugtong ng walangya."Iyong mas maganda sa kasama ko pero mukhang wala ng gaganda pa rito." anito na naningkit pa ang mga mata na sumulyap sa kanya.Itinaas niya ang isang kilay pero naman gusto na niyang mamula nang husto. Halatang magaling mambola ang lalaki. Magaling magpaandar."Sige na lumayas ka na. Bigay mo na lang ‘yong order nya. Sakin ice cream cake and root beer." sabi pa nito sa waiter na kaagad tumango at binanggit ang order nila."Molten chocolate cake and carrot juice. Ice cream cake and root beer." sabi ng waiter.Tumango si Nyx. Inilagay nito ang dalawang kamay sa may bulsa ng pantalon na parang nakapameywang habang nakaupo, saka bahagyang lumabi at tumingin sa sahig. Parang may iniisip ito na kung ano pero di niya makuha.Ang yabang yabang ng dating ng porma nang pagkakaupo nito pero nag uumapaw sa kagwapuhan kahit parang nagseryoso ang mukha.Wala sa hitsura nito ang nag-iisip ng kung anu anong katinuan kaya malamang babae ang iniisip nito."So--" basag niya sa pagkatulala nito.He looked at her and arched his brows."Bukas ng gabi na ‘yong party na aatendan ko--natin. Please magsuot ka ng formal. Seven pm dapat nasa Esmeralda Hotel ka na sa function hall. Hintayin mo na lang ako roon o baka ako na naman ang maghintay sayo." sabay irap niya.She heard him chuckle. "May inasikaso lang ako kaya na late ako babe. Bukas di na ako mali late. O ma late man ako, mga five minutes lang."" Stop calling me babe." ingos niya sa lalaki."O di sige. Miss maganda na lang. Ikaw din baka mabuking ka na fake ang boyfriend mo. Alangan naman tawagin kitang Miss maganda sa harap ng mga kasosyalan mo." nagkibit balikat ito.He has a point."Fine. Pero doon mo lang ako pwedeng tawagin na b-babe. What's you name anyways?" tanong niya sa lalaki na hindi na yata maitikal sa kanya ang paningin."Jacob Nyx dela Merced." anito.Tumango sya. "Tambay ka di ba? Keep it that way. Idisappoint mo silang lahat. Gusto ko pagalitan na naman ako ng daddy ko." hindi nya sinasadyang sabihin iyon pero lumabas na lang.Mabuti na rin yun na alam ng lalaki ang gusto niya.Nag-iwas siya ng paningin nang ilapag ng waiter ang order nila.Bukod doon wala na syang dapat na sabihin pa. Not to this stranger na daig pa ang kung sinong makaasta.Chapter 5Nakusot ang noo ni Nyx sa sinabi ng dalaga.Mapagalitan? Sinong anak ang gugustuhin na mapagalitan ng magulang kung hindi yata drug addict ang babaeng ito?Sa una pa man lang na tingin niya sa litrato nito at sa lahat ng litrato na nakita niya sa google ay iisa ang ipinakikita ng mga mata nito... Kalungkutan.He's not an idiot. Trabaho niyang makiharap at makihalubilo sa ibat-ibang tao kaya sa unang tingin ay alam niya kung okay ba o hindi ang isang tao. Sanay syang kilatisin ang kaaway niya para magtagumpay sya sa huli, know their weaknesses and strengths at alam nya na hindi sya mali sa katauhan ng Brandy na ito. She's weak and lonely.Di kasi sya maniniwala na masama ang ugali ng ganitong klase ng babae. Sa tagal nya sa trabaho bilang agent ay alam niya kung sino ang sino at kilala niya ang tao sa loob ng mga panlabas nilang katauhan at pag-uugali.Nabalik ang atensyon niya rito nang muli itong magsalita."And don't you ever think na sosyalan ‘yon. Sila lang ang mag
Chapter 6Pagmulat ni Brandy ng mga mata ay isang gwapong mukha ang bumungad sa paningin niya. Kanina kausap nya ito pero bakit ngayon at nakahiga sya at ito ay...?Napabalikwas sya."Rapist!" sigaw niya at napayakap sa sariling katawan.Napatayo ito mula sa gilid ng stretcher at lumipat sa upuan."Oy, oy! Sobra yan ha! Kung rapist ako sana hubad ka!" anito sa kanya.Nasuri niya ang sarili. May damit sya at wala naman masakit sa kanya. Hindi naman nga sya ni rape."Magaling ka na nga. Mataray ka na ulit." napapailing na sabi pa nito.Napaisip siya. Oo nga pala, naallergy sya. Hindi naman niya akalain na nagtanong ito sa chef kung may peanut. Ang akala niya ay pupunta ito sa banyo o kaya ay may nakitang magandang babae kaya lumapit sa waiter.Wala naman talaga syang balak kainin ang cake kasi di sya sigurado kung may peanut nga o wala pero naimbyerna sya na parang ang sadya lang nito ay ang magandang chef na yun at tinalikuran pa sya at iniwan.Buwis buhay sya. Di nya namalaya
Chapter Seven❤️How many times did he almost make himself get caught? Ilang beses syang nag english at kitang kita niya kung paano na ikinagulat yun ni Brandy. Wala itong pagkakaalam sa tunay niyang pagkatao at tama na nga na tambay ang alam nito para hindi siya malihis ng daan. Paano sya makakapag-apply sa daddy nito kung may maipapakita syang magandang buhay?Pero hindi. Mali. Dapat ay maging proud iyon sa kanya bilang boyfriend ni Brandy. Hindi nya susundin si Brandy sa gusto niyon na purong tambay ang kalabasan niya sa paningin ni Brando Daniel Ynarez. Kailangan niyang maging successful either as boyfriend or bodyguard. Kailangan na makaisip sya ng paraan para matupad iyon.He's lost at nararamdaman nya yun. Kapag tumitingin sya sa mga mata ng kaisa isang anak na babae ni Daniel Ynarez ay parang mas gusto nyang alamin kung ano ang ikinalulungkot nito. Alam nyang may mali sa pagkatao nito but somehow when he already found his way to enter Daniel Ynarez's world, malalaman din ny
Chapter Eight❤️Rinig na rinig kaagad ni Brandy ang tugtog nang bumungad sya sa pintuan ng bar.Sa hindi inaasahangPagtatagpo ng mga mundoMay minsan lang na nagdugtong,Damang dama na ang ugong nitoNahawi ang mga lalaki nang pumasok siya sa loob. She's known as the most beautiful bitch sa Sasha Bar and Grill. Mapanakit siya sa taong ayaw niya na lumalapit sa kanya.Naupo kaagad sya sa isang bakanteng mesa at kaagad naman na may lumapit sa kanyang waiter dala ang alak nyang palaging iniinom. Di naman sya nagpapakalasing, just enough to make herself calm and peaceful para pag-uwi nya diretso tulog na sya.Dagdag na rin na pampaantok ang mga senti songs na tinutugtog ng live band doon kapag ganoon na medyo late na. Nagsasayawan na lang ang mga naroon na magkakayakap at ang iba nga eh naghahalikan na. She doesn't mind. For her, it’s still a decent bar after all ccx compared to the others.Panay ang tingin sa kanya ng mga kababaihan doon mula ulo hanggang paa pero wala syang
Chapter Nine❤️"Demmit! Nakipag basag ulo ka na naman?!" singhal ni Daniel kay Brandy nang pumasok sya at gising pa rin ang daddy niya.Magtutuluy tuloy na lang sana sya pero napansin pala sya nito. Halos dalawang oras lang naman syang nawala. Di nya akalain na nagbabasa pa rin ito pagbalik niya.At ngayon ay nakatingin ito sa labi niya na may sugat.Hindi sya umimik kahit namumula ito sa galit pero nag salita ito ulit."Mana ka talaga sa---" anito na kaagad na pinutol nya."Kanino daddy? Lagi mong sinasabi yan pero di mo sinasabi sakin kung kanino ako nagmana." nangangatal ang tinig nya pero nakatingin pa rin sya nang diretso sa mga mata ng ama niya na mabalasik ang anyo, at lalong nadagdagan dahil sa isinagot niya na kahit malambing ang pagkakasabi niya at mababa ang tono ng boses niya ay galit pa rin ito."Matulog ka na!" bulyaw nito sa kanya. "I don't have time for drama!"" You're so unfair daddy, just in case you don’t know that." di na rin niya napigilan ang sariling e
Chapter Ten❤️Dahil sa mapagmahal na kamay ng yaya ni Brandy ay wala na ang pamamaga ng mukha niya. Wala itong tigil sa kaaasikaso sa kanya hanggat hindi humuhupa ang pisngi niya.She made herself to be the most beautiful daughter for the party, na kahit sikat sya sa mga halos hubad nyang litrato, at least ngayon makita naman ng tao na maganda pa rin sya kahit may damit. She chose to wear a decent cocktail dress, hindi iyong masyadong bold and daring. Pero mas may bold pa ba sa dibdib niyang naka expose pa rin sa heart shape cocktail dress na pinasadya niya? It's part of her. Di nya yun maitatago at di rin naman siguro nya kasalanan na binigyan sya ng Dios ng magandang katawan.Wala silang imikang mag-ama nang sumakay sila sa kotse. Magkatabi nga sila pero parang wala naman siya roon sa paningin ng daddy niya hanggang sa magsalita ito."Bakit sa akin ka sumabay? Di ba I told you na dapat may boyfriend kang kasama?" malumanay naman ang pagkakadeliver nito pero nandoon pa rin ang
Chapter Eleven❤️ Napangiti si Nyx nang makita na nakapikit pa rin si Brandy kahit pinakawalan na niya ang labi ng dalaga. He gazed at her for a little while. Ngayon lang nya natitigan ang mukha nito sa malapitan. He can almost hear her heartbeat and he can sense that she's holding her breath. Baka kung di nya itinigil ang paghalik dito ay tuluyan na itong mawalan ng hangin.First kiss of a rebel? Good job Nyx."Hey... Open your eyes." aniya kaya mabilis na nagmulat ng mata si Brandy.Napatitig ito sa mga mata niya and his simple smile turned into a wide grin. Nasiyahan sya doon sa halik na iyon. It feels different.Sasapakin din ba sya nito tulad ng mga bali balitang nagkakalat na mapanakit ito sa mga nagte take advantage?"Ganda mo ah!" bati niya sa dalaga na parang nahipnotismo pa.He ran her fingers on her cheek.At nang makabawi ay pasimple syang kinurot nito sa kamay.Inalis niya ang pagkakahawak sa mukha nito at prente syang naupo sa katabi at iniabot ang pitaka nito
Chapter Twelve❤️ Hila-hila ni Nyx si Brandy hanggang makasuot sila sa isang abandonadong hospital building. Nakita siguro nitong parang hinihika na sya kaya napilitan na lang na magtago sila sa lugar na yun na di nya alam kung safe nga ba.It was one of the most talked hospital na may mumo raw. Napapanood niya sa TV ang mga paranormal experts na pumupunta roon at nagpeperform ng paranormal activities. Alam niya ay for renovation na yun kaya siguro may mangilan ngilan na ilaw na kumukurap kurap ang iba, kaya mas lalo syang natatakot.Nayakap niya ang braso ni Nyx sa nerbyos at nagsumiksik dito dahil nagsitayuan ang mga balahibo niya. Sige pa rin ang hakbang nito nang malalaki at panay ang linga sa likod. Siya ayaw nyang lumingon dahil baka multo ang makita niya."I like that." anito na nakangisi pa nang sulyapan niya.Di sya umimik. Basta natatakot sya, ano bang pakialam niya?"Puta!" mahinang mura nito sabay haklit sa kanya papunta sa gilid ng nakausling poste sa pader."A