"Di na yun makakabalik dito" sabi ni Kuya Marlon at umalis, kumaway lang ito at umalis na, nilagyan ko ng oitment ito, para mamaya mawala na yung pamumula, di pwedeng makita nila lolo't lola na namumula ito, mag aalala yun.
Naiinis ako bakit ako ang pinagbalingan nun babaeng yun, kung may problema sila, di ako dapat sinaktan, tinignan ko ng masama yung pinto ng office nito na parang si Aries yung tinitigan ko.Si Sir Ethan lumapit sa akin isa ito sa mga Manager namin, "Are you okay Florence nabalitaan ko yung nangyari" sabi nito sakin at simipat ang mukha mo, tumango lang ako ang bilis naman ng chismis."Sino ba yun" tanong nito sa akin, "Girlfriend po ni Sir Aries" sagot ko dito, hinawi pa nito yung buhok ko, yun yung eksenang nakita nilang tatlo."Good morning sir" bati nito sa tatlo, tinignan lang ako nito with cold stare gago ka ba gusto ko tong sigawan."For a recond she's not my girlfriend, I don't have any business with her" sabi nito at tumalikod sa akin, e bakit parang kasalanan ko, nanggigil akong sa kanilang dalawa."O my sis, you okay nabalitaan ko yung nangyari?" lapit ni Anne sa akin, di masyadong namumula ang pisngi ko,, nakangusong tumingin ako dito, hinimas himas pa nito ang magkabilang pisngi ko "Kawawa naman yan, sino yung gagantihan natin" galit na galit na tanong nito sa akin, she even squish my face."Sabihin mo sis, ipapaabang ko siya sa trapa ko dyan sa kanto" sabi nito niyugyog pa ako nito, nagulat kami ng may tatlong lalaking tumayo sa harap namin."Good afternoon sir" sabi ni Anne sa mga boss namin it's Aries, Aiden and Austin, bakit nandito sila sa cafeteria, nakakaloka."Hmm, good afternoon din, pero okay lang ba si Florence, you squishing her face" sabi ni Aiden, ang gaga lalo pang dininan ang paglamutak sa mukha ko.Nakatingin kami dito sa tatlong lalaki sa harap namin"Were eating her" masayang sabi ni Austin sa amin."H-ha?" tanong ko dito, "We're eating her, is there a problem?" nakakunot noong sabi nito sa akin, namumuro na to sa akin e, di pa ako nakakamove on sa pag sampal ng babaeng yun sa akin."Ang sungit nito, yes dito kami kakain" sabi ni Aiden sa akin at ngumiti, apakagwapo po, isang tipid na ngiti lang ang binigay nito sa akin."Upo po kayo sir, dito po" sabi ni Anne, tinulak pa ako nito para makadaan ang mga boss namin, kanina pa may nanakit sa akin ng physical."Manang, dito po kakain mga boss natin" sigaw ni Anne sa cook namin, libre ang lunch namin sa office, palaging tatlong putahe ng ulam ang luto dito sa cafeteria namin, nagbabaon naman kami minsan, pero pabor sa amin bawas gastusin ito.Agad naman dinaluhan ng mga ito ang mga boss namin, "Good afternoon sir" bati nila sa tatlong binata na nakaupo."Good afternoon, yung tatlong putahe at tatlong rice, please" sabi ni Aiden, napakabait talaga nito.Napatingin ako dun sa grumpy boss ko, nagtama ang mata namin kaya nag iwas ang ng tingin, binitbit namin yung plato namin dalawa ni Anne, balak namin umupo sa kabilang table, nakakahiya naman makitable sa tatlong to."San kayo pupunta?" tanong ni Austin sa amin, "Dito po sa kabila sir" sagot ko dito."Dito na kayo kumain, siksikan sila don o" sagot naman ni Aiden, "Come on don't be shy" dagdag pa nito, nagkatinginan lang kami ni Anne."Sit down and eat" maawtoridad na sabi ni Aries, dahan dahan naman kaming napaupo, dahil nahihiya na kaming lumipat.Nagsimula na kaming kumain, pero feeling ko di ko malunok ang kinakain ko, "This is good ha" komento ni Austin, tumango lang kami, masarap talaga magluto yung mga cook namin dito sa cafeteria."You can talk, isipin niyo wala kami dito" biro ni Aiden sa amin ni Anne, napangiti lang ako."How's your cheek okay na ba?" tanong nito sa akin.Napatango naman ako at hinipo ang pisngi ko, "Kawawa naman ang sissy ko" sabi ni Anne at hinimas ang pisngi ko, hahalikan pa sana ako nito, iniwas ko lang napatouchy talaga nito, lagi niya sinasabi na love language niya daw yun."Stop it" sita ko dito hinarang ko pa gamit ang kamay ko, pero pinipilit nito."Ang damot mo, kiss lang e" sabi nito pero sinamaan ng tingin ang kaibigan ko, nakakalimutan ata nito nasa harap kami ng mga boss namin."That's a cute friendship" nakangiting sabi ni Aiden, "Sorry sir, love ko kasi to e" sabi nito sa akin at niyakap ako, I just rolled my eyes, i'm so done with this girl."Hey, Anne stop annoying Florence, or she will kill you" sabi ng mga kaopisina sa kabilang table. Alam nila na nagbabardagulan kaming dalawang magkaibigan.Inirapan ko ito, pero di nagpatinag, "Ang sweet sweet ng pangalan mo, pero ang sungit mo" sabi ni Anne sa akin, pabulong lang ito pero di nakaligtas sa pandinig ng mga boss namin."Kakasama mo yan kay Kuya Aries, wag ganun Florence, so be my EA, kakausapin ko Sir Bernard" sabi ni Austin sa akin.Sinamaan lang siya ng tingin ni Aries, si Aiden naman pinalo siya sa braso, "Will you stop, Austin" sabi ni Aiden sa kapatid."The offer is still open Florence" sabi nito at tumayo, "Everyone pwede kayong kumuha ng ice cream, sagot ni Sir Aries Agoncillo" sabi nito sa lahat, nagpalakpakan naman lahat, si Aries naman masamang nakatitig sa kapatid, si Aiden naman iiling iling naman.Hindi naman ito nakatanggi, so ang ending lahat kami may ice cream naubos tuloy yung tinda nilang ice cream nila manang, "Thank you sir" sabi ng lahat dito, tumayo na mga ito, "Florence, ikaw ng bahala" sabi nito sa akin tumango lang ako, alam naman nila na ako ang executive assistant nito, "Yes sir" sagot ko dito."I'll bring the payment later manang" sabi ko dito, tumango lang ito."Enjoy your ice cream" sabi ni Austin, ngumiti naman si Aiden, pero si Aries the usual face niya na serious, hirap na hirap ibigay ang ngiti. Nagpasalamat naman kami sa kanila, at tuluyan ng umalis ng cafeteria."Alam mo ang gagwapo nila no" sabi ni Anne habang naghihintay kami ng elevator, tumango lang ako, gwapo naman talaga ng mga ito, di mo maitatanggi ito."Sino pinakagwapo para sayo?" pangungulit ng kaibigan ko, "Hmmm, for me si Sir Aries" sagot ko dito, napataas ng kilay, "Totoo ba?" tanong nito, "Kala ko for you si Sir Aiden" sabi nito sa akin."Mas gwapo pa din siya, kahit grumpy monster siya" sagot ko dito, natigilan si Anne at tumingin sa likod ko, napalingon ako and it's Aries, and his staring at me.Natigilan ako, tangna kanina pa ba siya dyan, narinig niya ba kami, jusko lupa bumaka at kainin mo na ako.Nagbukas ang elevator, agad kaming pumasok, kasunod siya nakapwesto kami sa likod nito, napakapit naman ako sa kamay ni Anne, jusko lord, nag open yun elevator sa 5th floor, dun bababa si Anne, halos di ko bitawan ito "Sige po sir" paalam niya kumaway lang ito sa akin.Napapikit naman ako, bakit ang tagal bumukas ng elevator, feeling ko di ako makahinga.Napakapit na lang ako sa handle sa loob ng elevator, nagulat ako ng humarap ito sa akin, "B-bakit po?" nauutal kong tanong dito."What did you call me, a grumpy monster?" tanong nito sa akin, he even crossed his arm while looking at me, napatingin ako dito, he even had a small smile on his lips mukha ito nag eenjoy, ako feeling ko mukha akong inahin na di mapaanak."H-hindi sir" sabi ko dito, ako yung tipo ng tao na nahuli na e nagdedeny pa, he stepped closer to me, napasinghap naman ako, naamoy ko yung pabango nito, so manly, ta
"Florence?" tawag nito sa akin, di ako tumitingin dito, umusod pa ako sa gilid ng elevator."Look at me?" sabi nito, pero umiling ako, "Florence" tawag muli nito sakin, pero parang kakaiba yung pagkakatawag niya pangalan ko, ang bilis ng tibok ng puso ko, lord help me.Unti unti akong tumingin dito, nagtama ang mga mata namin, gusto kong bawiin ang tingin ko pero di ko magawa, nakatitig ito sa akin napalunok ako.Gumising ka Florence, gusto niyang sampalin ang sarili para lang magising, "Why grumpy monster?" tanong nito sa akin, napakurap ako."Because you're always grumpy" deretsong sagot ko dito, napakagat ako ng labi at yumuko, mga ilang segundo tumahimik it, bumukas ang pinto ng elevator lumabas ito, sinilip ko ito, pero nilingon ako nito, this time his smiling widely, that's a cute smile though.Tumalikod ulit ito at naglakad papunta ng office, napangiti ako, pero napahawak ako sa dibdib ko, no Florence you don't have a crush on him, no way.Habang busy ako sa trabaho, may kumato
Nagulat siya na nandun kami nila Aries, and in instant from being prim and proper naging witch ito, bakit ba galit na galit sa akin ito, I don't remember anything na may nagawa akong masama dito."Bitch" sabi nito sa akin, nanliliksik ang mata nito, nakita ko na nakatayo sa harap ko si Audrey at Axel, pero di ito nagpapigil."Don't ever lay your hands on her" narinig kong sabi ni Aries, nanlilisik din ang mata nito, nakita ko in a second ang takot sa mata ni Dannie."Don't make a scene here" sabi ni Audrey kay Dannie, "This bitch" sabi nito sa akin pigil pigil lang ni Axel at Audrey."Stop calling her like that" suway ni Axel sa dalaga, nakatayo lang ako sa gilid, di ako makakilos feeling ko kakapusin ako ng hininga sa eksena."Yeah, you don't know her, how dare you call her like that" gigil na gigil na sabi ni Audrey dito.Pero pumalag ito para lang makalapit sa akin, pero umigkas ang kamay ni Audrey dito, napatakip ako ng bibig, nagulat naman ito sa ginawa ni Audrey."How dare you s
I heard Audrey chuckled, "You can talk Aries, alam ko na ang pretty ng Florence ko" sabi nito, "Can I change now" sabi ko kay Audrey."Hmm, ano ba yan sige na nga" sabi nito ngumiti ito sa akin, ngumiti din ako dito."Halika na" pag aaya nito sa akin, dahan dahan akong bumaba kasi nanghihina yung tuhod ko, ramdam na ramdam ko yung mga tingin ni Aries sa akin.Nakapagpalit na ako ng damit, inaayos ni Audrey yung dress na sinuot ko, "This is yours" sabi nito at inabot ang paper bag."Naku wag na Audrey, nakakahiya okay na yung nasukat ko siya" tanggi ko dito."Sige na, this is my friendship gift" sabi nito sa akin, napalingon ako kay Aries and Axel."Magtatampo siya pag di mo tinanggap" nakangiting sabi ni Axel sa akin."Nakakahiya kasi" sagot ko dito, "I mean ang ganda nun dress" dagdag ko pa."Sige na" sabi nito sa akin, napakamot naman ako ng batok, "Sige na tanggapin mo, makulit yan si Audrey Grace" biro muli ni Axel, sinimangutan naman siya nito, kaya pinisil nito ang ilong ng dala
Habang nasa dining table kami, di nauubusan ng kwento tong si Angel, at ang kawentuhan niya si Aries."Ang daldal mo apo, hindi makakain si Sir Aries sayo" saway ng lolo ko dito."It's okay lolo" sagot niya dito at ngumiti, nakakangiti naman pala ito bakit sa akin ang damot damot ng ngiti hmmp."Naku manang mana sa tita mommy niya, napakadaldal" pagkukwento nito sa mga kasama namin sa table."Nun bata ito, jusko di nauubusan ng kwento at ng energy" dagdag pa ng lola ko, yung mukha ramdam na ramdam ko yung pamumula."Lolo, lola tama na, boss ko po yung kausap niyo nakakahiya" saway ko sa mga ito, mukha namang amuse amuse ito."Madaldal ka pa din naman hanggang ngayon" pang gagatong ni Kuya Marlon sa akin, yung hiya ko hanggang dulo ng buhok ko."Ang sarap po nitong sinigang na baboy mo lola" sabi ni Kuya Marlon sa lola ko."Pero mas magaling tong apo ko magluto, masarap ito magluto" pambibida nito sa akin, jusko ang lola ko."Ay talaga, aba pwede na palang mag asawa" pag sakay ni Kuya
Maaga akong nagising, kahit late na akong nakatulog. "Good morning Sir Aries" bati ng mga kasambahay namin sa akin."Morning" bati ko dito at tipid na ngumiti, "Uy you're not grumpy ha" sabi ni Austin pababa, he is so annoying.Naupo na kami para makapag breakfast, na maaga daw umalis si Aiden, di ko alam sa naman nagsuot yung taong yun."Kuys" sabi ni Austin, kinatok pa nito ang lamesa, tumingin ako dito, with my grumpy face."Wala pa nga akong sinasabi" nakasimangot na sabi nito sa akin, "What do you want?" tanong ko dito."I need my card, can I have them back, I'm working na come on" sabi nito, "You have your card" sagot ko dito, "Yes, but it's blocked, come on how will I use it" sabi nito sa akin."I'll talk to the bank later" sagot ko dito, "Yown, thanks bro" nakangiting sagot nito sa akin."We have a deal Austin, ayusin mo buhay mo" sabi ko dito at sinuntok sa braso, "Oo na, oo na umalis ka na" pagtataboy nito sa akin, dumeretso ako sa kotse ko, ako ang nagdadrive pag papasok ak
"Kumalma ka Florence, hindi pwedeng magkacrush ka sa grumpy monster na ito" bulong ko sa sarili ko, huminga ako ng malalim at nag simula na ulit magtrabaho.Ala singko na, nag aayos na ako ng gamit ko, pero di pa din lumalabas yung boss ko sa loob ng lungga niya, kinatok ko ito, "Excuse me sir, it's already five p.m" sabi ko dito, "Di pa po ba kayo uuwi?" tanong ko dito, lumingon lang ito sa akin, "You can go home now, i'll just finish it" sagot nito sa akin, medyo hinilot pa nito ang mata at sentido nito "Gusto niyo po ba ng gamot?" tanong ko dito, mukhang masakit ang ulo nito, concern na concern naman ang ate girl ko, sabi ng konsensiya ko."No need, you can go home now, thank you Florence" sabi nito tumango lang ako at lumabas na ng opisina niya.Nagsabay pa kami ni Anne na umuwi, on the dot kami nakauwi ngayon, madami kasing work kaya minsan nageextend kami ng ilang minuto.Kinabukasan, mag aalas nuebe na ay wala pa si Aries, tinawagan ko ito, dahil may mga meeting siya today, "H
Quarter to eight nasa office na ako, di ko alam kung papasok na si Aries, mukhang may sakit talaga yun kahapon, okay na kaya siya? concern na concern ka naman dyan sa boss mo, sabi ng isang parte ng isip ko. Kahit naman grumpy monster yun concern pa din ako.Nagsimula na akong magtrabaho, madami meetings na nacancelled dahil nagkasakit ito, panay tingin ko din sa phone ko kung nagtext ba ito, baka may iutos ito.Maya maya nakita ko ito, naglalakad papasok ng office, agad akong tumayo at binitbit ang aking tablet, "Good morning sir" sabi ko dito at sinalubong ito."Morning" sagot nito with his grumpy face, wala ng sakit sis grumpy na naman.Naupo ito sa swivel chair niya, nakatayo ako sa harap nito, "You want coffee, sir?" tanong ko dito, tumango lang ito, kaya nagtimpla ako ng kape at nilagay sa table nito."Thanks, please schedule my meeting with Mr. Cortez tomorrow" sagot nito, mukhang chinicheck ang mga schedule niya na nacancelled kahapon."Yes sir" tipid na sagot ko dito, tinitig