ALENAFive Years Later"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Alena? Uuwi kayo ng Pilipinas? Kung ako kasi ang masusunod mas mabuti na dito na lang muna kayo mag stay ni Sean Jacob sa Switzerland. Mas panatag ang kalooban namin ni Anastasia at Kuya Damon dito sa Switzerland." wika ni Kuya William. Sa nakalipas na limang taon, nagdesisyon sila Ate at kuya na dalhin ako dito sa Switzerland kasama si Nanay Clara. Gusto kasi nilang kalimutan ko na ang mga mapapait na alaala na nangyari sa akin sa Pilipinas. Isang nakaraan na nagbunga ng isang anghel. Ang aking anak na si Sean Jacob. Alam ko sa aking sarili na kaya ko ng harapin ang buhay sa Pilipinas. Tama na ang limang taon na umalis ng bansa kung saan ako lumaki at nagkaisip. Sa nakalipas ng limang taon, pagkatapos kong isilang ang aking anak ay hinasa ako nila Kuya's at Ate sa lahat ng bagay. Lalong lalo na sa mga bagay na dapat ay kaya kong ipagtangol ang aking sarili. Tinuruan nila akong maging matapang at malakas. Paulit-ulit nilang s
JUSTINEAbala ako sa loob ng aking opisina ng biglang pumasok sina Marco at Casper. Sa nakalipas na limang taon hindi sila umalis sa aking tabi lalo na noong mga panahong lugmok at nagsisisi ako sa mga kasalanan na nagawa ko kay Alena. Yes, sobrang laki ng aking pagsisisi sa nagawa kong kasalanan. Kung maibabalik ko lang sana ang lahat. Hindi sana ako nagtake-advantage dito. Masyado pa itong bata para maranasan ang panloloko na ginawa ko dito.Hindi ko alam kung nasaan na ito ngayon. Tuluyan itong naglaho at walang sino man ang nakakaalam kung nasaan na si Alena. Ang huling pagkikita namin ay sa coffee shop ng Santa Elena. Nagkaroon naman ako ng pagkakataon na makaharap si William Alvarez pero wala akong nakuha na kahit anong impormasyon dito. Nasapak pa nga ako nito eh. Halata ang galit nito sa akin. Hindi ko ito masisi. Alam ko kung gaano ito ka-protective sa mga kapatid. Kinausap ko din si Anastasia Alvarez pero sinampal lang din ako nito. Nakatikim din ako ng masasakit na salita
JUSTINE"Talaga? Sige Pare, pupunta ako sa fashion show na iyan. Excited na akong makita siya." sagot ko kay Casper habang hindi mapakali. Palakad-lakad ako sa buong kwarto na parang nababaliw. Gusto ko ng hilahin ang araw upang dumating na ang araw ng fashion shaw. Sa wakas, may pag-asa na ulit ako upang makaharap ulit si Alena." Ok Pare. Magpapakuha kaagad ako ng VIP tickets. Baka kasi mag sold - out na eh." sagot ni Casper sa kabilang linya."Sige Pare.. Salamat.." sagot ko dito.Pagkatapos makausap ang kaibigan ay nagpasya akong pumunta ng balcony. Kinuha ko ang kaha ng sigarilyo na nakapatong sa lamesita at kumuha ng isang stick para sindihan. Agad akong napapikit ng humagod ang usok ng sigarilyo sa aking lalamunan. Humithit at bumuga ako ng makailang ulit habang nakatingin sa malayo. Mapakla akong napangiti. Patuloy pa rin akong sinusundan ng bangungot ng nakaraan. Kahit gaano pa ako ka-successful ngayun wala pa ring halaga ang lahat. Kulang pa rin. Kulang pa rin ang lahat-lah
ALENAFASHION SHOW DAYIsa ako sa mga model ni Ate. Abala ang lahat pagpapalit ng damit. Mini-make-upan na ako ng make-up artist ng bigla akong lapitan ni Ate Anastasia."You look gorgeous bunso.. Sabi ko na nga ba eh bagay na bagay sa iyo ang dress na iyan." humahangang wika ni Ate sabay hagod ng tingin nito sa akin"Thank you Ate... Magaling ka din kasing designer kaya ganoon." ngiti kong sagot dito."Kahit gaano pa kaganda ng isang damit kung hindi kayang dalhin ng nagsusuot magmumukha pa rin itong basahan." naka-ismid na wika ni Ate. Natawa naman ako sa sinabi nito. Kahit kailan talaga napakapranka nitong kapatid ko.First time ko itong gagawin kaya hind mawala-wala ang kaba ko. Ako ang last na rarampa sa entablado kaya naman parang gusto ng umurong. Naka-oo na kasi kay Ate kaya nahihiya na din akong umayaw. Baka mamaga madis-appoint sa akin ito."Sige na bunso magready ka na, ikaw na ang suaunod. "excited na wika ni Ate. Bumuntong-hininga muna ako ng malalim bago dahan-dahan na n
ALENAHindi ako nakaimik sa sinabi ni Justine. Nahihirapan ako sa sitwasyon kong ito. Kung alam lang nito. Gustong-gusto na din siyang makilala ni Sean Jacob. Pangarap ko din naman na mabigayan ng kompletong pamilya ang aking anak. Pero ano ang magagawa ko. Nananaig sa puso ko ang matinding takot. Takot na baka masaktan ulit kapag nasa paligid lang si Justine."Please Alena..please hayaan mo akong makilala ng anak ko." pagmamakaawa ni Justine. Lumapit pa ito sa akin para hawakan ako sa mga kamay."Justine, hindi ko alam. Natatakot ako." sagot ko dito."No, huwag kang matakot.. Hindi ko na hahayaan pang mangyari ulit ang mga nangyari noon. Pangako Alena.. Hindi na kita sasaktang muli. Mahal na mahal kita." masuyong wika ni Justine. Natigilan naman ako sa sinabi nito. Maang akong napatitig dito."I said Mahal kita Alena. Hindi ko alam kung paano nag-umpisa . Pero naramdaman ko na lang ito noong mga panahong wala ka na sa hasyenda." masuyong wika ni Justine. Napakurap-kurap ako sa pagka
ALENANatuloy ang pag-iisang dibdib namin ni Justine ng dumating ang yate namin sa Puerto Prinsesa. Wala ng marami pang tanong. Agad kaming ikinasal ng judge na kakilala ni Justine. Pagkatapos ay buong puso kaming nagpasalamat at sa Palawan na lang din namin ginanap ang aming honeymoon.Masaya ako dahil nagiging mas maalaga sa akin ni Justine. Sinusulit namin ang buong araw na magkasama kami. Lambingan, kulitan at tawanan. Iyan ang lagi naming ginagawa. Pakiramdam ko ako ang pinakamasayang tao sa mundo. Pero biglang natapos ang lahat ng Nagpasya kaming bumalik ng Maynila.Nanaig ang agam-agam at takot sa aking sarili ng pauwi na kami sa bahay kung saan kami tumutuloy ng aking anak na si Sean Jacob. Alam kong malaking gulo ang aking madadatnan lalo na at halos isang buwan din akong nawala. Alam kong magagalit ang aking mga kapatid pero kailangan ko silang harapin. Hindi pwedeng habang-buhay akong magtatago at isa pa namimiss ko na din si Sean Jacob. Alam kong hinahanap na ako nito.Pag
ALENAKakatapos lang namin kumain at maglipit ng mga pinagkainan ng marinig ko ang pagtunog ng doorbell. Agad naman akong lumapit sa pintuan at sinilip kung sino ang nasa labas.Agad kong binuksan ang pintuan ng mamukhaan ko kung sino ang nasa labas. Si Joan, ang aking best friend. "Joan?" agad na tanong ko dito na may masayang ngiti na nakaguhit sa aking labi. Agad ko itong niyakap."Alena??.... Alena ikaw nga!" gulat na wika naman ng kaibigan ko."Kumusta ka na? Ang tagal mong hindi nagpakita." Naiiyak na wika nito sa akin. Ngumiti ako dito at inayang pumasok muna. Nagulat pa ako ng makitang maraming itong dala. May mga kasama ito na siyang taga-bitbit ng sangkatutak na shopping bags. "Pasensya ka na Alena kung medyo natagalan ako. Ikaw siguro ang tinutukoy ni Senyorito Justine na kailangan bilhan ng mga gamit." nakangiti nitong wika habang sininyasan ang mga kasama nito na ipasok na lahat ng dala. Agad naman tumalima ang mga kasama nito at isa-isang nagpasukan. Pagkatapos ay agad
ALENANandito ako ngayun sa living room. Halos alas-sais na ng hapon pero wala pa rin si Justine. Hindi din ito tumawag o nagtext man lang. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang komprontasyon na naganap sa amin kanina ni Valerie.Masakit isipin na malaya palang nakakalabas pasok si Valerie sa Lugar na ito. Parang kinukurot ang puso ko sa isiping posibleng may nangyayari pa rin sa dalawa. Hindi ko alam kung tama ang naging desisyon ko na magpakasal dito.Mabilis akong nagtiwala ulit kay Justine. Hindi ko man lang inalam kong ano ang status ng relasyon nito sa kanyang dating fiancee. Hindi din ako nakinig sa lahat ng payo ng aking mga kapatid. Mabilis akong nagpadala sa aking emosyon at nararamdamang pagmamahal dito. Alam kong wala akong dapat ibang sisihin kapag masatan ulit ako kundi ang sarili ko lamang. Masyadong naging matigas ang aking ulo at mabilis kinalimutan ang mga nagawang kasalanan sa akin ni Justine noon. Nasa ganoong pag-iisip ako ng biglang bumukas ang pinto ng unit namin.