HALOS mag-isang oras din bago natapos si Anna sa kanyang paliligo kung hindi pa nakaramdam ng gutom ay hindi pa ito aahon sa pagkakababad sa bath tub. Nagmadali itong magbihis dahil sa labis na gutom na kanyang nararamdaman lalopa’t hindi pa siya kumakain ng hapunan kung saan lampas na lampas na siya sa oras ng pagkain. Napahimas si Anna sa kanyang tiyan dahil sa pagkalam ng kanyang sikmura. “Shit! Gutom na gutom na talaga ako,” ungot niyang angal dahilan para dali-dali siyang lumabas ng cabin para pumunta sa dining area ng resort nang maagaw ang kanyang paningin ng makukulay na ilaw at malakas na tugtugan. “Anong meron?” nagtataka niyang tanong sa kanyang sarili. Nagsimula siyang maglakad papunta sa kung saan nanggagaling ang malakas na tugtugan maging ang makulay na ilaw na mukhang nagkakaroon ng kasiyahan. Habang naglalakad siya papalapit sa kung saan may kasiyahan ay mas lalong naging malinaw at malakas ang musika sa kanyang tainga. Nang tuluyan na siyang makalapit ay tuluyan s
NAGPATULOY ang mainit na paghalik ng binata sa kanyang malambot na labi hanggang sa dahan-dahang naglakbay ang kamay nito at hinahaplos at himas ang kanyang braso, likod at p’wet. Alam niyang may mali sa nangyayari nang sandaling iyon ngunit hindi niya alam ang nangyayari sa kanyang katawan at tila may sarili itong isip at hindi magawang umangal sa nangyayari. Ang init na kanyang nararamdaman kanina ay mas lalong dumagdag lalo na ng tanggalin ng binata ang suot niyang saplot. Nang sandaling maalis na ng binata ang suot niyang pang-ibabaw ay pinakawalan nito ang kanyang mga labi at tinignan ang buo niyang katawan. “You look so beautiful,” puri nitong saad habang pinagmamasdan ang kanyang katawan na tanging bra at panty na lamang ang suot. Imbes na makaramdam ng hiya si Anna nang sandaling iyon ay tila sinapian siya ng masamang demonyo lalo na kung paano siya titigan ng binata. Madilim man ang buong paligid ay kitang-kita naman ng dalaga ang mga mata ng binata na punong-puno naman ng p
*** NAGISING si Anna na masakit ang kanyang ulo at higit sa lahat ang kanyang katawan. Idinilat niya ang kanyang mga mata saka pilit na bumangon sa kanyang pagkakahiga. Pakiramdam niya kapag lalo pa siyang nanatili sa kanyang pagkakahiga ay mas lalo niyang mararamdaman ang pananakit ng kanyang katawan. “What the hell did happened last night?” tanong niya sa kanyang sarili habang hinihilot ang kanyang sintido. “Ah!” d***g niya nang maramdman ang pangingirot ng kanyang katawan. Iginala niya ang kanyang mata at doon lamang siya natauhan nang mapansin na iba ang ayos ng k’warto. Iginala niya ang kanyang mga mata at nang unti-unti nang naging malinaw sa kanyang paningin ang nasa kanyang buong paligid ay doon lamang siya natauhan. Nakita niya ang nagkalat niyang mga damit na siyang lalong ikinalaki ng kanyang mga mata. “What the fuck?” bulalas niyang mura at napatingin sa kanyang sarili sa ilalim ng kumot at nakita niya ang kanyang sarili na walang saplot. “What the hell did I do?” gula
HINDI MAPALAGAY si Anna hanggang sa makabalik siya sa kanyang cabin. Hindi niya lubos akalain na nawala ang kanyang virginity na hindi niya man lang nalalaman. “Normal lang ba talaga na hindi mag-bleed?” tanong niyang muli sa kanyang sarili. “Hindi kaya may problema sa akin kaya hindi ako nag-bleed?” Parang baliw si Anna na kinakausap ang kanyang sarili habang hinahanap ang kasagutan sa internet kung bakit hindi siya nag-bleed kahit na iyon ang una niyang karanasan. Matapos ang isang oras ng kanyang pagsasaliksik ay doon niya nalaman na maaari pala talagang hindi mag-bleed ang babae kahit na iyon ang unang beses niya sa pakikipagtalik dahil sa ilang kadahilanan. Nang mabasa niya ay doon niya lang naunawaan ang lahat at nakahinga nang maluwag dahil sa wala naman siyang abnormalidad sa kanyang pagkababae. “Salamat naman,” wika ni Anna na may pasasalamat ngunit bigla niyang sinampal ang kanyang sarilii dahilan para matauhan siya sa kanyang sinabi. “Ano bang sinasabi ko? Bakit ako nagp
FRUSTRATION AT GIGIL ang ibinuhos ni Anna sa kanyang pagsusulat sa nakalipas na isang buwan at kalahati. Sa labis na inis ay nabalot ng pananakit ang kanyang buong nobela. Tinorture niya ang kanyang pangunahing tauhan hangga’t sa maging ang mambabasa noon ay masaktan din. Hindi ganoon ang literal na paraan ng kanyang pagsusulat ngunit sa pagkakataong ito wala siyang magawa kung ‘di ilabas lahat ng sama ng loob at bigat sa kanyang dibdib. Hindi naman na bago para sa isang manunulat ang ganitong paraan ng pagsusulat kung saan ginagamit ang kanilang personal na karanasan para isulat ang kanilang mga akda at ganoon din si Anna. “Ladies and gentlemen, Delta Airlines welcomes you to Pasay, Metro Manila. The local time is 10:00 am. For your safety and the safety of those around you, please remain seated with your seat belt fastened and keep the aisle(s) clear until we are parked at the gate,” anunsyo ng flight attendant. Napatingin si Anna sa labas ng bintana ng eroplano at nakita niya na a
“SUCCESS para sa bagong libro ni Anna!” sigaw ni Krystal habang nakataas ang baso niyang may laman ng alak. “Success!” Sabay-sabay na sigaw ng mga katrabaho nila at kumalatong ang mga baso dahil sa pagbabanggaan ng mga nito. Napangiti naman si Anna sa kanyang nakita. “Thank you. Salamat sa support na ibinibigay niyo sa akin sobrang nakakataba ng puso,” pasasalamat ng dalaga. Inakbayan naman siya ni Krystal na may malawak na ngiti. “Aba! Syempre susuportahan ka namin! Ikaw kaya ang magdadala ng Nobel Prize Award para sa DRB!” At sabay-sabay na sumang-ayon ang lahat na naroon dahilan para makaramdam si Anna nang labis na hiya. “Krystal, ano bang sinasabi mo? Nakakahiya sa makaririnig,” nahihiyang awat ni Anna kay Krystal. “Anong nakakahiya sa sinasabi ko? Naiuwi mo nga ang Katie Fforde Debut Romantic Novel Award galing U.K, Nobel Prize Award pa kaya?” saad ni Krystal na buong-buo ang kumpyansa. “Krystal ang tagal na noon.” “Matagal man pero nagawa mong makuha iyon kaya hindi mala
Sinuri ng dalaga ang mukha ng binata dahilan para makaramdam ng tensyon si Bien at makalipas ang ilang saglit ay saka nagsalita si Anna. “Ang lamig-lamig pero pinagpapawisan ka. Sigurado ka ba talagang ayos ka lang?” tanong ng dalaga na hindi mapanatag nang sandaling iyon. Kinuha ni Bien ang dalawang kamay ni Anna at ikinulong iyon sa kanyang mga palad saka binigyan nang matamis na ngiti ang dalaga. “I’m really fine, Anna,” mahinahong saad ni Bien at hinawakan ang pisngi ng dalaga at hinaplos iyon gamit ang kanyang hinlalaki. “Are you really sure?” paninigurong tanong ni Anna na hindi nawawala ang pag-aalala sa kanyang mukha. Inilapit ni Bien ang mukha nito sa dalaga na halos isang pulgada na lamang ang layo at mahahalikan niya na ang kanyang kasintahan. “You don’t have to be extremely worried about me because I am fine,” nakangiting tugon ni Bien sa kanyang kasintahan. “Let’s go to our room where you can rest. You’d had a long day, and it’s not good for a lady like you to be stre
ILANG ARAW na napapansin ni Anna na kakaiba ang mga ikinikilos ni Bien maging ang pakikitungo nito sa kanya ay tila ba hindi na tulad ng dati. Kasalukuyang nagbabasa si Anna ng libro sa study room ni Bien kung saan naroon din ang binata at abala sa pagsusulat nito. Pinagmasdan niya ang kanyang kasintahan at sinuri ito kung may pagbabago ba sa physical nito dahilan para maapektuhan ang emosyonal na pakikitungo nito sa kanya simula ng siya’y dumating. “Guni-guni ko lang ba ang lahat?” tanong ni Anna sa kanyang isipan habang patuloy na pinagmamasdan ang kanyang kasintahan. “Hindi kaya nagsasawa na siya sa akin?” Biglang sumagi sa kanyang isipan ang mga katanungang iyon. “Hindi kaya?” mahina niyang usal. Biglang napailing si Anna nang matauhan sa kanyang naisip. “Impossible! Hindi niya magagawa sa akin ang bagay na ‘yon,” mahina at mariing saad ni Anna sa kanyang sarili na napailing muli para ituwid ang kanyang isipan. “Hindi magagawa ni Bien ang bagay na ‘yon, hindi.” Bagamat nas