Share

Chapter 4

SHAINA

"Kakain na tayo ng dinner, Shaina," malumanay na sabi ni Manong Caloy sa akin kinagabihan. Nandoon lang ako sa loob ng bahay ni Sir Jacob. Lumapit si Manong Caloy sa akin para sabihin 'yon na kakain na kami ng dinner na dalawa. Iniwan ko na muna siya doon sa kusina kanina habang nagluluto siya dahil ayaw naman niya akong patulungin. Doon muna ako sa taas.

Mabilis naman akong tumango kay Manong Caloy pagkasabi niya na kakain na kami.

"O, sige po. Dumating na po ba si Sir Jacob?" tanong ko nga sa kanya kung dumating na si Sir Jacob. Sigurado ako na dumating na ito dahil gabi na nga. Hindi naman ito matutulog doon sa opisina ng kompanya niya.

"Hindi pa. Hindi pa dumarating si Sir Jacob. Wala pa siya," mabilis naman na sagot ni Manong Caloy sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Hindi pa pala dumarating si Sir Jacob. Akala ko pa naman ay dumating na ito. Niyaya na nga niya akong kumain ng dinner.

"Talaga po? Wala pa po siya?" hindi naniniwalang tanong ko sa kanya na kaagad naman niya akong tinanguan.

"Oo. Wala pa siya. Hindi pa siya dumarating, Shaina. Baka mamaya pa 'yon darating kaya mabuti pa na kumain na tayo ng dinner para pagdating niya ay siya na lang ang pi-puwestuhan natin," maiksing paliwanag ni Manong Caloy sa akin na tinanguan ko naman. Hindi pa talaga dumarating si Sir Jacob at 'yon ang totoo. Mali ako sa inaakala ko na dumating na siya.

"Ah, ganoon po ba? Akala ko pa naman po ay nandito na siya ngunit wala pa pala. Nagkamali ako sa inaakala ko," nakangusong tugon ko nga sa harapan ni Manong Caloy.

"Oo. Kaya habang wala pa siya ay kumain na tayo ng dinner, Shaina. Nakapagluto na ako ng dinner natin. Kakain na lang tayo. Maliwanag ba 'yon sa 'yo, huh?" sagot ni Manong Caloy sa akin. Tumango ulit ako sa kanya. Hindi na ako nagsalita pa. Sumunod na lang ako sa kanya at kumain kami ng dinner na dalawa. Tahimik lang kaming kumakain ng dinner. Hindi naman kami nag-usap ni Manong Caloy habang kumakain kami sapagkat hindi maganda 'yon na nag-uusap habang kumakain. Hindi naman gaanong karami ang kinain ko na pagkain. Sakto lang 'yon, eh.

"Hindi ka pa ba matutulog, Shaina?" tanong niya sa akin makaraan ang isang oras. Hinihintay pa rin namin si Sir Jacob na dumating. Tapos na rin kaming dalawa kumain ng dinner.

Huminga muna ako nang malalim bago sumagot sa tanong niyang 'yon sa akin. "Mamaya na po siguro. Wala pa po si Sir Jacob, eh. Hinihintay ko rin po na dumating siya," sagot ko nga kay Manong Caloy na napakunot-noo pagkasabi ko. Gusto ko lang kasi na masigurado na nakauwi na nga si Sir Jacob sa bahay niya lalo na gabi na nga.

"Shaina, hindi mo naman kailangan pa na hintayin siya, okay? Magpahinga ka na ngayon. Matulog ka na. 'Di ba sabi niya sa 'yo kanina na huwag ka na munang magtrabaho? Magpahinga ka na muna ngayon kaya 'yon ang gawin mo. 'Wag mo hintayin si Sir Jacob na dumating. Ako na ang bahala sa kanya pag-uwi niya. Ang gawin mo ay tumungo ka na sa kuwarto mo para magpahinga na doon. Baka magalit pa siya sa akin kapag nakita niya na hindi ka pa nagpapahinga. Ang alam pa naman niya sa 'yo ngayon ay nagpapahinga ka kaya magpahinga ka na. Iwan mo na ako dito dahil ako na ang bahala. Maliwanag ba sa 'yo ang sinasabi ko, Shaina?" sabi ni Manong Caloy sa akin.

Ayaw ko rin naman na mapagalitan ni Manong Caloy lalo na ni Sir Jacob kaya ay tumango na lang ako. Sumunod na lang ako sa sinasagot niya. Tinanguan ko si Manong Caloy at nagsalita, "Okay po. Babalik na po ako sa kuwarto ko para magpahinga na. Baka po magalit sa akin si Sir Jacob kapag nakita pa niya ako na naghihintay sa kanya at hindi pa nagpapahinga. Iyon pa naman ang inaasahan niya sa akin. Good night po."

"Good night din sa 'yo, Shaina. Magpahinga ka na. Maaga ka pang gigising bukas dahil bukas ang simula ng pagtatrabaho mo dito sa pamamahay ni Sir Jacob," sagot rin ni Mang Caloy sa akin. Nginitian ko naman siya pagkasabi niya. Muli akong tumango sa sinabing 'yon ni Mang Caloy.

Iniwan ko na nga siya na mag-isang naghihintay sa pagdating ni Sir Jacob. Dali-dali akong tumungo sa kuwarto ko.

Pagkapasok ko ay nakaramdam ako ng lungkot. Naalala ko ang mama ko at mga kapatid sa probinsiya. Na-miss ko bigla silang lahat. Ano kaya ang ginagawa nila sa ganitong oras? Iniisip siguro nila ako? Gusto ko silang makita pero hindi ko pa sila puwedeng makita. Matagal-tagal pa bago ko sila makikitang muli. Bukas pa lang ako magsisimula sa trabaho ko bilang isang kasambahay. Naalala ko rin si Tita Delia. Ano kaya rin ang ginagawa niya doon sa kabilang bahay na pinagtatrabauhan niya? Baka may ginagawa pa siya doon.

Humiga na ako sa malambot ko na higaan at ipinikit ang aking mga mata para matulog. Dahil pagod ako sa mahabang biyahe namin patungo dito sa Maynila ay nakatulog naman na nga kaagad ako.

Maagang nagising ako kinabukasan. Iniabot sa akin ni Manong Caloy ang magiging uniporme ko bilang isang kasambahay. Excited akong suotin 'yon.

Naligo muna ako bago ko sinuot ang uniporme ko 'yon bilang isang kasambahay. Kasya naman sa akin ang uniporme na 'yon. Sakto lang naman 'yon. Pinagmamasdan ko ang aking sarili sa harap ng salamin na nasa loob ng kuwarto ko. May malaking salamin kasi doon.

"Ito ang unang araw ng pagtatrabaho ko sa bahay na 'to. Sana talaga ay magawa ko nang maayos ang aking trabaho para hindi ako mapagalitan ni Sir Jacob. Hindi dapat mangyari'yon," bulong ko sa aking sarili habang nakaharap ako sa malaking salamin. Naalala ko lang kasi ang sinabi sa akin ni Manong Caloy tungkol sa mga ayaw ni Sir Jacob. Ayaw ko na mapagalitan niya ako kaya kailangan ay maging maayos ang aking performance sa pagtatrabaho sa loob ng bahay niya.

Inayos ko pa ang hitsura ko bago ako tuluyang lumabas sa aking kuwarto para magsimulang magtrabaho.

"This is it. Good luck to me," sabi ko pa sa sarili ko habang dahan-dahan ko na binubuksan ang pinto para lumabas na.

Mula ulo hanggang paa akong tinititigan ni Mang Caloy nang lumapit ako sa kanya sa kusina. Nagluluto siya ng breakfast ni Sir Jacob.

"Okay naman po ba ang suot kong uniporme?" tanong ko nga kay Manong Caloy.

Huminga muna siya nang malalim at saka nagsalita, "Oo. Okay naman ang suot mo. Tamang-tama naman ang ibinigay ko sa 'yo na uniporme mo. Hindi naman siya maliit o malaki. Sakto lang naman siya, Shaina."

Tumango naman ako kanya pagkasabi niya. "Ah, okay po. Salamat po. May gumamit na po ba nitong uniporme na suot ko po?" tanong ko pa sa kanya kung may gumamit na nitong suot kong uniporme.

"Wala pa, Shaina. Wala pang gumagamit ng suot mo na uniporme na 'yan. Ikaw pa lang ang sumusuot n'yan, eh," sagot nga niya sa akin. Natuwa naman ako nang sabihin niya na wala pang gumamit ng uniporme na suot ko ngayon.

"Talaga po ba na wala pang gumagamit nito kahit isang beses lang?" tanong ko pa sa kanya bilang paninigurado.

"Oo. Wala pa talaga, Shaina. Bago ang mga ibinigay ko sa 'yo na uniporme. Marami n'yan doon sa stock room dahil doon pinapalagay 'yan ni Sir Jacob. 'Yung mga ginamit ng dating kasambahay dito ay dala-dala na nila pag-alis nila, eh, kaya lahat ng mga nandito na uniporme para sa mga kagaya mo kasambahay ay lahat bago," paniwalaan ni Mang Caloy sa akin na mabilis ko naman na tinanguan. Naniniwala naman ako sa sinasabi niya na totoo nga 'yon.

"Ganoon po ba? Maraming salamat po sa pagsagot ng mga tanong ko. Gusto ko lang po maliwanagan kaya nagtatanong po ako sa 'yo. Wala naman po sigurong masama na magtanong," sagot ko kay Manong Caloy na may kasamang pasalamat. Tumango naman siya at sumagot, "Wala naman talaga, eh. Malaya kang magtanong kung ano'ng gusto mo na itanong na gusto mo na maliwanagan kung may gusto ka na malaman o makumpirma, Shaina."

"Opo. Maraming salamat po ulit," pasalamat ko muli sa kanya at nginitian siya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status