Share

Kabanata Labing-Walo

Agad na nagmulat ng mata si Anya. Nagulat o nabigla? Alin man sa dalawa ay hindi agad siya nakakilos. Awtomatiko na kumabog ang dibdib niya. Kilalang kilala niya ang nag mamay-ari ng naturang tinig mula sa kanyang likuran. Ilang beses siyang napalunok bago marahang lumingon. Magiging katawa-tawa kasi siya kung mistula siyang magiging tuod sa kanyang pagkakatayo. Nahugot niya ang hininga nang tuluyang mamasdan ang may-ari ng malagom na boses.

Si Clark ay naroon at nakasandal sa poste.

Base sa suot nitong puting sando na Nike ang tatak, na tenernuhan ng itim na jogging pants at signature running shoes ay mukhang kagagaling lang ng lalaki sa malayuang pagtakbo. Natulo pa sa guwapo nitong mukha ang mga butil na pawis at sa balikat ay nakasampay ang isang katamtamang puting tuwalya.

Pakiramdam ng dalaga ay nanigas ang kanyang mga binti para siyang itinulos sa pagkakatayo. Na mas higit na pinalubha nang unti-unting humakbang palapit sa kanya ang binata. Jusko!Bulong niyang hindi malaman an
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status