AODIE"NANDOON siya sa tagong bahay," tugon ni Benjie sabay nguso. "Hindi mo ako namiss, Cold? Namiss pa man din kita!" habol n'ya na may pagtatampo pa din."Cut that drama, Benjie! Status here? Any leads?" tanong nito na tumingin sa akin.Umiling lang naman ako para sabihing wala akong balita o ano pa man."Walang may alam sa aming dalawa dahil si Gio ang umaasikaso lahat. S'ya na lang tanungin mo, tutal takot naman iyon sa'yo," saad ni Benjie na puno ng pagkairita."I saw him earlier but I didn't bother to hear him out," usal naman ni Cold na ikinangiti ni Benjie."Ow! Syempre, Aodie muna bago Gio, 'no?" pang-aasar nito kaya naman nakatikim s'ya ng masama at malamig na tingin kay Cold.Buti nga!"Anong balak mo?" tanong ko kay Cold kaya napunta na sa akin ang atensyon n'ya."Nothing, I let Gio lead this time. He's the one who knows what happened here. My top priority is Don Marcelino and you." saad n'ya, "let's go to Don Marcelino now, stop cleaning that wall. Let them clean that,"
AODIE"DON'T YOU EVEN dare do anything behind my back because if I find out, I won't hesitate to kill you," pahuling bilin ni Cold sa amin.Hindi man direkta nitong sinasabi pero alam kong may pinapatamaan itong tao.Sino kaya?Matapos ang mahabang paalala at bilin ni Cold. Muling nagkanya-kanya ang mga kasama namin para kumuha ng mga baril at iba pang gagamitin."Aods! Ito gamitin mo," saad sa akin ni Benjie sabay abot ng isa M24 na baril.Tinignan ko ito ng masama, ayoko ng baril na iyan e!"Ung close range lang, UMP na lang para maangas o kaya Uzzi," saad ko.Sumimangot naman ito at kinuha ang UMP na paborito kong gamitin pag close range lang at inabot ito sa akin."Oh! Handa ko mga bala n'yo ni Cold," saad nito na ikinangiti ko.Advantage talaga na kaibigan ko ang gunman namin, lagi akong ligtas sa paghahanda ng mga bala ko.Napaigtad naman ako nang may umakbay sa akin."I will go to Don Marcelino, you want to come?"Agad akong humarap dito at pinakatitigan s'ya."Why are you talk
AODIE"HOW many?"Walang emosyon na tanong ni Cold kay Gio nang makarating kami ng mansyon."Kinse ang nawala sa atin," tugon nito.Tumango lamang si Cold at hindi na nagsalita pa.Naramdaman ko na lang na kumukuyom ang kamao nito. Nasa tabi ko lang siya kaya naman ramdam kong may hindi tama sa kan'ya."Maghanda ulit kayo. The next day, another warehouse," usal nito at isa-isa kaming tinignan. "This time! No one will die!" madiin at klaro nitong saad.Tumayo ito at naglakad paakyat ng bahay.Hindi man ipakita ni Cold ang ekspresyon o simpatya n'ya sa mga nawala sa akin. Alam kong ayon ang nararamdaman n'ya ngayon.Kanina pa lang nang nasa sasakyan kami, may hindi na tama sa kan'ya kaya nga tahimik na lang din ako no'n."Aodie,"Napatingin ako kay Benjie nang tawagin ako nito, naglalakad ito palapit sa amin."Bakit?""Okay ka lang? Bakit mukha kang gusgusin?"Alam kong pinapagaan n'ya ang sitwasyon namin kaya nagbibiro ito pero hindi naman ako natatawa dahil may kaunting pag-aalala ako
AODIEKINABUKASAN, maaga akong nagising kahit na masakit pa ang katawan ko. Ramdam ko pa ang mga bugbog na galing sa pagkadapa ko kagabi.Pero dahil gusto kong magising ng maaga, pinilit kong bumangon.Kailangan kong magpalakas, naisip ko na hindi lang dapat ako dedepende kay Cold, dapat ay kahit pa hindi ako aalis sa tabi niya, maasahan pa din niya ako sa lahat ng bagay.Bukod doon, bibisitahin ko si Don Marcelino.Mabilis akong naligo at nagsuot ng black pants na stretchable, black sando at black na boots. Tinali ko din ang mahaba kong buhok para hindi sagabal sa training na gagawin ko pagkatapos kong puntahan ang Don.DALAWANG katok ang ginawa ko bago ko hawakan ang doorknob at buksan iyon.Muli kong nakita si Don Marcelino na nakaupo at mukhang kahit papaano ay may improvement sa kalusugan niya.Iniwan muna kami ng nurse nito at sinabing babalik na lang siya."Magandang umaga ho," bati ko habang lumalapit dito.Katulad ng dati ay nagmano ako dito bago umupo sa upuang nasa tabi ng
AODIEHALOS mabingi ako sa tawa ni Benjie nang makababa ako sa dining para kumain.Nandoon pa sila ni Cold at hindi pa kumakain dahil inaantay daw ako."Oh! Cold, magpalit ka na ng pabango mo dahil sabi ni Aodie, ang baho daw at nakakasuka ung amoy," natatawang pang aasar ni Benjie kay Cold na maitim na ang aura.Hindi ko naman sinasadya yung nangyari e. Nadala lang ako dahil biglang nang intriga itong si Benjie kaya ayon ang nasabi ko."Tumigil ka na nga!" singhal ko dito sabay upo at agad na kumuha ng pagkain sa harap ko.Hindi naman din ako makalingon kay Cold dahil baka mamaya e, singhalan ako nito ng tingin.Halos hindi ko na manguya ang pagkain ko dahil sa kaba ay awkward ng atmosphere sa loob ng dining parang gusto ko na lang nalunukin lahat ng pagkain ko at umalis.Bigla naman ako napaubo dahil ako'y nabilaukan sa biglaang pagtayo ni Cold.Ito na rin mismo ang nag abot sa akin ng tubig dahil si Benjie ay tawa pa din nang tawa! Mamatay sana siyang tumatawa!"See you at undergro
AODIEKASALUKUYAN pa din kaming nasa kotse ni Cold at naghahanap ng maganda magpaghihintuan ng kotse niya.Nandito kami sa isang parang public place sa Manila.Hindi ako maalam dito kaya naman sunod-sunoran lang ang peg ko sa kan'ya."Saan ba tayo pupwesto? Nahihilo na ako," reklamo ko sa kan'ya.Tumingin lang ito sa akin bago bumalik sa paghahanap ng parking.Napanguso na lang ako at humanap na din ng parking.Hanggang sa nakakita ito sa isang gilid ng pwedeng pagparking'an.Sa wakas!"Just knife, Aodie," mahina nitong saad sa akin nang makita na ilalagay ko sa likod ko ang baril ko. "We don't want to attract them," usal pa nito kaya naman tumango na lang ako at iniwan iyon.Nakita ko din na naglagay siya ng balisong sa bulsa ng pants niya at small knife naman sa paa niya.Matapos no'n ay sabay kaming bumaba.Inantay ko lang itong makarating sa pwesto ko bago kami pumasok sa isang public market.Nakaakbay siya sa akin at ako naman ay nakahawak sa tagiliran niya.Mukha kaming magjowa
AODIENANG makabalik kami sa mansyon. Wala pa ang iba at mukhang kami ang naunang makauwi.Agad din kaming sinalubong ni Benjie na nagtataka marahil dahil pareho kami ng damit. Hindi na kasi ako nagpalit pa ng damit dahil maayos naman ang suot ko."Bakit?" makahulugang pauna nito at tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. "Bakit ang agad n'yo ata?" pag uulit niya pero may dagdag na.Tumingin lang si Cold dito bago kinuha ang phone niya."We gather all the information we need," saad nito kaya napatingin sa akin si Benjie.Tumango lang ako dito bago humarap ulit kay Cold."Tama kaya na ngayon tayo pumunta? Baka may mga madamay… bukod doon kung ngayon tayo pupunta double ang kakalabanin natin dahil may mga transaksyon sila," usal ko dito.Binaba nito ang telepono niya at tumingin sa akin nang malamig at nakakatakot kaya naman napaatras ako."Mas maganda iyon dahil double ang masusupil natin na mga kalaban kung magkataon," walang emosyon nitong usal.Tumalikod ito sa amin ni Benjie at nag
AODIE"MERON kaming nalaman sa pinuntahan namin, may transaksyon daw ang minanmanan namin kanina sa isang grupong papatumabahin natin," usal nila Gio kaya naman hindi namin naiwasan ni Cold na magtinginan."Anong grupo?" tanong ni Cold."Grupo ninyo," agad na tugon ni Gio. "Mas maganda kung ngayon tayo kikilos! Mapapabilis dahil doble ang matotodas natin," habol nito.Magsasalita na sana ako nang halos lahat ng mga kasama namin ay sumang-ayon sa sinabi nito."Tama! Dalawa agad sa isang gabi!""Let's follow Gio's suggestion this time!""Mabilis nating matatapos pagdalawa sa isang gabi!"Iilan lang iyan sa narinig ko na sinundan na ng iba.Napatingin naman ako kay Cold na seryoso lang ang tingin. Kung kanina nila sinabi iyan baka ngayon ay naghahanda na kami paalis pero dahil naconvince ko na si Cold hindi na matu–"Fine! We will go there tonight!" walang buhay na usal Cold kaya nanlalaki ang mata kong nakatingin sa kan'ya.Kokontra pa lang sana ako pero hindi ko na nagawa dahil nagsiga