Share

Chapter 52

Syempre, para umalis siya at umuwi sa bahay para magpahinga ay um-oo ako. 'Yun din naman talaga ang gagawin ko.

Hindi naman ako pupunta sa kwarto ni hagdan dahil ang sabi niya ay siya na daw ang pupunta sa akin  mamayang madaling araw.

Andrew

"Kamusta si Andrea, 'ma?" Tanong ko habang kumakain kami nang hapunan.

Umalis na kami nang ospital dahil 'yun ang gusto ni Andeng. Gusto daw niya na sa bahay kami magpahinga at 'wag doon sa kwarto niya.

Wala naman daw kasi kaming matutulugan doon. Kahit na nagpumilit sila mama ay ayaw niyang pumayag.

Kaya wala na kaming nagawa kung 'di ang umuwi at sa bahay magpalipas nang gabi.

Bumuntong hininga muna si mama bago sumagot. "Ayus naman daw siya." Sabi niya saka bumuntong hininga ulit. "Bakit ba ang tigas nang ulo nang kapatid niyong 'yon?"

"Likas na kay Andrea 'yon, nagtataka ka pa ba?" Tanong ni papa.

"Alam ko naman. Pero ngayong nasa ospital siya, pangalawang sunod na nga, eh. Bakit ayaw niya pa ring makinig sa 'kin?"

"'Ma, nakikinig naman siya sa 'yo, ah?" Wika ko.

"Bakit ayaw niya na doon ako matulog, tayo?"

"'Ma, ang gusto kasi ni ate maging komportable ang pagtulog natin." Sagot ni Andrei.

"Mas magiging komportable ang tulog ko kapag binabantayan ko siya."

"'Ma, nakita niya kasi na naka-upo lang kayo ni papa sa sofa nung nakaraan. Kaya ayaw na niyang pumayag ngayon na doon kayo matulog." Si Andrello naman ang sumagot.

Naubusan na yata nang idadahilan si mama kaya tumahimik nalang at nagpatuloy sa pagkain.

Naiintindihan ko naman ang punto ni Andeng. Ayoko rin naman na makita sila mama na natutulog sa sofa o kung saan man na nakaupo at hindi komportable.

Si mama naman ay naiintindihan ko rin. Gusto niyang alagaan at bantayan ang anak niya pero, pasensyahan nalang dahil ayaw ni Andeng na nakikitang hindi komportable ang mga magulang niya at ang buong pamilya niya.

Sa tigas nang ulo nun na mas matigas pa sa bato at bakal ay hindi mananalo ang kung sinuman, ewan ko lang kung si Alistair ay nananalo sa kaniya.

Andrea

Natahimik ang buong kwarto ko nang umalis sila mama. Si Andrei lang naman ang nagpapa-ingay nito, eh. Nadadamay lang sila mama dahil nagbibiro at nang-aasar si Andrei.

Dapat kasi ay dalawa man lang ang kama dito sa ospital, eh. Para naman 'yung magbabantay ay may tutulugan.

Bobo naman nang naka-isip na gawing isa lang ang kama. Hindi ba nila naisip na may magbabantay din sa pasyente?

Saan nila gustong patulugin? Sa sofa? Paano kung mataba at hindi kasya? Mga bobo talaga.

Natigil ako sa pang-iinsulto sa naka-isip nang konsepto nang ospital nang may isang doktor na pumasok sa kwarto ko.

Oras na siguro para turukan nang gamot ang dextrous na nakakabit sa akin.

Kahinahinala ang doktor na 'to, ah. Bakit nakatakip pa nang facemask ang bibig niya?

Tinignan ko siya nang may mapanuring mga mata. Hindi maganda ang pakiramdam ko dito.

Parang may mali na hindi ko alam. Nang tuturukan na niya ako nang injection ay tinanggal ko ang facemask na nakasuot sa kaniya na kinabigla niya.

Parang pamilyar sa akin ang mokong na 'to. Saan ko ba 'to nakita?

"Oras na po para sa gamot mo, ma'am." Wika niya.

"Bakit kailangan mo pang magsuot nang mask?" Tanong ko sa kaniya.

"May ubo po kasi ako." Sagot niya saka umubo.

Akala mo namang maloloko mo ako. Nang tuturukan na niya ako ay sinipa ko siya saka ko tinanggal ang dextrous na nakakabit sa akin.

"Sinong niloko mo? G*go!" Bulyaw ko saka ko siya sinapak.

Kinuha ko ang injection mula sa kamay niya saka ko iyon itinurok sa kaniya. Namnamin mo ang sarili mong injection.

May narinig ako na pumasok sa kwarto ko kaya agad ko itong nilingon. Ano ba 'yan? Ano bang security ang meron dito sa ospital na 'to?

"Sumama ka nalang nang hindi ka na mahirapan." Aniya saka lumapit nang kaunti sa akin.

"Bakit ako sasama sa inyo kung kaya ko naman kayong pataying lahat ora mismo?" Tanong ko.

Ngumisi siya sa akin. Isang napakapangit na ngisi bago humakbang ulit nang isa pa papalapit sa akin.

"Hindi ka talaga marunong matakot. Paano kung tuluyan na kita ngayon?" Wika niya saka naglabas nang baril.

Agad ko iyong sinipa saka ko siya sinikmuraan. Umikot ako nang isa upang sipain siya sa mukha.

Ang yabang yabang, 'yun lang pala hindi na kaya, tss.

Ang mga natira pa ay sinamaan ko nang tingin. Pamilyar sila sa akin. Mga punyetang animal! Sila ang taong nagbababaril sa kwarto ko noong unang naospital ako.

"Kami kayang lahat, kaya mo?" Tanong nang isa sa kanila.

Nginisian ko sila saka ako humakbang papalapit. Ako na ang hahakbang. Nahihiya ako sa kanila, eh.

Dinalaw na nga nila ako tapos sila pa ang galaw nang galaw. Ang dapat sa kanila ay nagpapahinga lang.

"Ibahin natin ang tanong. Kaya niyo kaya akong lahat?" Wika ko.

Nagtawanan naman silang lahat.

"Kung 'yan ang tanong, ang sagot namin ay oo. Sa liit mong 'yan, hindi ka namin makakaya?" Sabi nang isa saka sila muling nagtawanan.

Mayayabang. 'Wag lang sana silang lampa gaya nang dalawa. Ako naman ang tatawa kapag ganun sila.

Napatango tango ako. "Naliliitan pa kayo sa 'kin, ah. Baka gaya din kayo nang dalawa niyong kasama na lampa?" Nakangising tanong ko.

Nawala ang ngiti at ngisi sa mga labi nila at napalitan nang pagka-insulto. Mukhang nainsulto sila sa sinabi ko.

"Ang yabang mo, ah. Sino ka ba sa tingin mo?" Naghahamong tanong nang isa.

Ngumisi ako sa kanila bago sumagot. "I'm Lethal. The Queen of Dauntless." Sagot ko na nakapagpatigil sa kanilang lahat.

Ang kaninang mayayabang nilang aura ay nawala at napalitan nang takot.

Ngumusi ulit ako sa kanila. "Bakit parang natigilan kayo?" Tanong ko.

Ang isa sa kanila ay nangangatog na ang mga tuhod.

"Lalaban ba kayo o papatayin ko na kayong lahat ngayon na?" Tanong ko sa kanila.

Agad silang nagsiluhod sa harap ko at pinagkikiskis ang mga kamay habang nakaluhod.

"Patawad po. 'Wag mo po kaming papatayin." Nagmamaka-awang sabi nang isa.

"Ayoko pa pong mamatay." Halos mangiyak-ngiyak na sabi nang isa pa.

"Napag-utusan lang po kami." Ani nang isa pa.

Magsasalita na sana ako nang biglang may isang matigas na bagay na pinukpok ang tao sa likuran ko kaya agad akong nawalan nang malay.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status