Muntik ko nang maitulak si Emmanuel sa gulat nang pagmulat ko nakayakap na ako sa kanya. Banayad ang kanyang bawat paghinga. Ang kanyang kanang kamay ay nakapatong sa kanyang noo at ang isa ay ginawa niyang unan. Umingos ako at dahan-dahan na bumitaw nang yakap at tumalikod nang higa sa kanya. Kaya pala masarap ang tulog ko dahil kumportable ako sa kayakap ko na akala ko unan. Ang matigas na hubad na katawan pala iyon ni Emmanuel.Nanatili muna akong nakahiga ng sampong minuto bago naisipang bumangon. Anong oras na ba? Nagtungo ako sa kusina at nagluto. Bacon at omelette ang niluto ko since may shrimp pa naman akong natira kagabi. Pinainit ko iyon at ginawa kong fried rice ang tira kong kanin kagabi. Sayang kung itapon, maraming tao ang nagugutom tapos ako magsayang lang ng pagkain.Nilapag ko iyon lahat sa lamesa pagkatapos maluto ang lahat at bumalik sa kwarto para maligo. Ngunit nasa banyo si Emmanuel kaya sa banyo dito sa kusina nalang ako naligo. Since may lakad ako ngayon, 'yong
Nahihiya na ngumiti ako kay Bethany na hanggang ngayon ay tulala parin. Nasa harap ng counter lang ako nakatingin, umiiwas sa mapanusok na tingin ng mga empleyado. Sa ilalim ng nakayuko kong ulo sinamaan ko ng tingin si Emmanuel. Natutuwa ako na sinabi niya sa publiko na asawa niya ako pero hindi niya ba naisip na baka pag piyestahan ako ng mga tao lalo na ang media kapag nalaman nila ito?Oh my god! Hindi ko maisip kung sakaling mangyari man ito. Ginulo ko ang buhay ni Emmanuel ayoko nang dagdagan pa iyon lalo na at hindi maganda ang background status ko. Ayoko ma ungkat ang tungkol sa pamilya namin lalo na ang pagkamatay ni mama. Masakit parin sa akin ang nangyari at hanggang ngayon hindi parin iyon nabigyan ng hustisya. Hindi bale na ako ang mapahiya huwag lang madamay si Emmanuel."Escort her to my office."Ani nito kay Bethany at sinagot ang tawag. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin bago ako tinalikuran. Biglang sumama ang loob ko sa kanya. Binalik ko ang tingin kay Bethany na
Subra akong nagulat sa sinabi niya lalo na ang paghubad niya sa harapan ko. Sa loob ng isang buwan na pag-iwas niya sa akin, haharapin niya ako at ito ang sasabihin niya ang maghubad ako? Alam ko kung ano ang gagawin niya pero bakit pakiramdam ko isa akong parausan na basta niya lang diktahan na maghubad sa harapan niya at gawin ang lahat ng iutos niya. "Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay 'yong inuulit ko ang sasabihin ko," malamig na sambit niya. " Hubad at humiga ka sa kama."Hindi ako natinag. Nakatitig lang ako sa hubad at maskulado niyang katawan. Napalunok ako nang bumaba ang tingin ko sa pagitan ng dalawang hita niya. Napaatras ako nang mapagtanto kung gaano na iyon ka tigas at tayong-tayo handa nang sumabak sa laban. "Hubad."Napapitlag ako nang tumaas ang boses niya. Simpleng salita ngunit nagpanginig sa buong kalamnan ko. Hindi ako takot sa mangyari sa amin kundi takot ako sa klase ng pananalita niya. Ma awtoridad. Na kapag hindi mo sinunod mangingig ka sa takot sa maaring gawi
Hindi ko maiwasan na hindi pagmasdan si Emmanuel habang kumakain. Seryoso ang kanyang mukha, sa plato lang ang tingin at tahimik na kumakain kaya malaya ko siyang mapagmasdan. Nanibago ako sa kilos niya ngayon. Nalilito kung bakit bigla siyang naging mabait. Kaya sulitin ko muna ang ganitong pagkakataon dahil baka bukas ay balik na naman siya sa dati niyang pagtrato sa akin na parang isang hangin.Sa loob ng isang buwan na pagsasama namin hindi ko parin kilala ang tunay na isang Emmanuel Montefalco. Bukod sa hindi maganda ang trato niya sa akin ay wala na akong ibang alam kung ano at sino talaga siya. Ang sabi sa article na nabasa ko isa siyang mafia, kaya siguro hindi kami mapag-abot dalawa noong mga nakaraang araw dahil baka busy siya? At ngayon lang siya may free time kaya napa aga ang uwi niya. Totoo ba talaga na isa siyang mafia? O, baka sabi-sabi lang para may maisulat na article. Hindi rin naman kasi ito sinagot ni Emmanuel. Nang matapos akong kumain ay siya na ang nagligpit n
Maayos na ang pakiramdam ko pagkagising ko kinaumagahan. Magaan na ang pakiramdam ko. Hindi na ri masakit ang aking ulo. Hindi na ako nahihilo at wala na ang pananakit ng katawan ko pero ramdam ko parin na may kaunting pamamaga pa sa maselang parte ng katawan ko. Bumangon na ako at naligo. Wala si Emmanuel siguro nasa trabaho na siya. Pakanta-kanta pa ako habang naliligo, wala lang ang ganda lang ng mood ko. Linggo ngayon at wala akong trabaho, kung katulad lang ng dati siguro nasa galaan na kaming tatlo ni Cathalea at Ashnaie na miss ko tuloy silang dalawa matagal na rin ang huli naming pagkikita. Na miss ko ang asaran at kulitan naming tatlo. Ang mag food trip. Mag shopping tapos libre ni Ashnaie. Sa next weekend surprisahin ko silang dalawa sa trabaho nila gusto kong makabawi sa mga araw na hindi ko sila kasama. Pa kanta-kanta parin ako hanggang makalabas ng banyo. Wala akong dala na extra towel at ang towel na pinang punas ko sa basa kong katawan ay pinulupot ko sa basa kong buho
Buong maghapon hindi ako lumabas ng kwarto. Dinamdam ko parin ang sinabi ni Emmanuel. Ewan ko ba, naging emosyonal ako pagdating sa kanya. Bawat salita niya masakit sa akin. Tagos sa puso . Pero kahit ganon, ang puso ko iniibig parin siya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit minamahal ko parin siya sa kabila ng hindi maganda na trato niya sa akin.Hindi ako nag tanghalian dahil busog pa ako sa dami ng kinain ko kanina, ewan ko kay Emmanuel kung ipinagluto ba niya ang sarili niya. Alas dos na ng hapon, buryong-buryo na ako dito sa loob ng kuwarto. Gusto ko sana magsulat pangtanggal ng pagka buryo pero natatakot ako baka bigla nalang pumasok si Emmanuel dito. Alam ko naman na wala siyang pakialam pero baka malaman niya na kumuha ako ng bond paper sa office niya, sabihan pa ako ng masama dahil pumasok ako doon nang hindi nagpapaalam.Napilitan akong lumabas ng makaramdam ako ng pagka uhaw. Ang tahimik ng bahay parang walang nakatira. Pagdating ko ng kusina walang bakas na naglu
Hindi ko alam kung saan sila nagpunta kaya matyaga ko siyang hinintay sa harap ng shawarma house dito banda sa exit. Nakaramdam ako ng gutom kaya nag order ako ng shawarma rice, may pera naman akong dala. Hindi ko siya tinext baka istorbo pa ako sa ginagawa nila kung gumagawa man sila ng milagro ngayon. Sa halip ng send ako ng picture ng grocery ko sa group chat naming tatlo.SPOILED.Caption ko sa picture na sinend ko. Online silang pareho ngunit hindi nila tiningnan ang mensahe ko. Napanguso ako na ibinaba ang cellphone ko at nagpatuloy sa pagkain. Ilang minuto pa akong nakaupo, ubos ko na rin ang order ko pero waka parin si Emmanuel. Isang oras na ah. May plano pa ba siyang balikan ako dito? Kasama niya lang ang girlfriend niya kinalimutan na ako.Matyaga ko siyang hinintay kahit namamanhid na ang puwet ko sa kakaupo ngunit dalawang oras na wala parin siya. Ubos na ang pasensya ko. Buntong hininga na tumayo ako at nagpasyahan nalang na maunang umuwi. Pakiramdam ko bumalik ang lagnat
Pinigilan ko ang sarili ko na yakapin siya sa pananabik. Nanatili parin akong nakatalikod sa kanya, hindi parin ako makapaniwala na bumalik na siya. I swallowed hard bago humarap sa kanya. He is wearing a black long sleeve, nakatupi hanggang siko ang manggas. With black baston jeans and a Balenciaga shoes. Para siyang galing sa lamay sa suot niya.Pinakatitigan ko ang kanyang seryosong mukha. Bahagyang nagkasalubong ang kanyang makapal na kilay. Binasa niya ang kanyang mapupulang labi at umiling na umiwas ng tingin sa akin. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalapit siya sa pintuan ng apartment ko. Sinipat niya ang kandado ."Ano bang mayroon dito at hindi ka nakikinig sa'kin na huwag ng babalik dito?"Pormal na tanong niya at malakas na binaklas ang kadinang pinagkabitan ng kandado. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng matanggal iyon. Paanong? Ganoon siya ka lakas?"Aware ka ba na sa ilang buwan o taon mong nakatira dito, ganito lang kadali baklasin ang pintuan mo?" ani nito at pumas