HINDI PA RIN sinasagot ni Diane ang tawag ni Kendra. Nag-aalala na talaga siya sa pinsan. Naisipan niyang dumaan sa ZL Lounge, baka nando’n ito.
Mabilis na pinarada niya ang kotse at nagmamadaling pumasok.
Inilinga niya ang mata at hinanap kung nandito ang sadya. Tiningnan niya ang lalaking nasa counter. Wala nga pala si Dave ngayon. Nilapitan niya ito at tinanong kung nandito ba si Diane.
“Ilang araw na pong hindi pumapasok Ma’am, eh. Wala rin naman pong nasabi si Sir Ezekiel kung nasaan po.”
Mukhang mabigat din ang dinadala ng pinsan niyang iyon. Ngayon, malinaw na sa kanya kung bakit hindi ito pumasok. Hindi man lang siya nito tinawagan.
“Gano’n ba, sige salamat, huh!” ’Yun lang at
“WOW! KUNG NAGING lalaki ako. Mai-in love na talaga ako sa ’yo,” pabirong sabi ni Kristen pagkatapos mag-perform ni Kendra sa stage. “Loko ka. Eh di parehas na kayo ng kuya mo na dalawa ang katauhan! Kinikilabutan ako sa ’yo,” biro ni Kendra dito. Nakita niyang palapit ang kapatid nito. Nakangiti. Nakangiting panalo. “Hello, dear! Hindi ko in-expect na gano’n ka pala kagaling! Kaya nakuha mo agad ang boss ko, eh! He wants you to sign a contract with us,” masayang sabi ni Jana sa kanya na ikinagulat niya. “Talaga? Gusto ng boss mo na kumanta ako rito?” masayang tanong niya sa kapatid ni Kristen nang lapitan siya nito. Gusto tuloy niyang makilala ang boss nito. Gusto niya rin ang pagkanta, ngayon parang nagkaroon siy
ISANG MATAMIS NA ngiti ang iginawad ni Kendra sa guard nang papasok na siya. “Good morning po, Ma’am Kendra! Ang ganda ng gising natin, ah!” nakangiting sabi nito. “Good morning din, manong! Sakto lang naman,” pabirong sagot niya. Napatingin siya sa kaliwa niya nang may biglang tumabi. Si Kristen pala. Matamis na nginitian niya ito. “Hoy, babae, ano ba talagang meron sa inyo ni Sir?” bulong nito. “W-what?” nagmaang-maangang sabi niya rito. “Sus, I saw you two kiss—” Hindi na nito iyon natapos dahil tinakpan na niya ang bibig nito. Nakita ba sila nito kagabi? Bigla siyang pinamulahan ng mukha.
HINDI NIYA MAINTINDIHAN ang naging reaksyon ng binata. Bakit gano’n? Akala niya okay na. Biglang kumirot ang dibdib niya. Kasabay noon ang pag-ipon ng mga luhang gusto nang lumabas. Pinigilan niya lang ito. Parang bombang gusto nang sumabog. Walang sabi-sabing tumayo ito at mabilis na nagbihis. Hinintay niya munang lumabas ito bago pinakawalan ang mga luha. Tiningnan niyang muli ang pintuang nilabasan ng lalaking mahal. Parang tanga pa siyang nagbilang kung babalik ba ito sa kanya o hindi. Napahagulhol ulit siya. Pinahid niya ang mga luha at tumayo. Pinulot niya isa-isa ang mga damit na nakakalat at muling isinuot iyon. Pagkatapos niyang magbihis ay lumabas na siya. Inayos niya muna ang sarili saka pinihit ang pinto ng kuwarto.
HINDI MALAMAN NI Kendra kung babalik na lang ba siya o tutuloy pa sa banyo. Doon lang kasi sa bandang iyon ang hindi maingay. Hindi na siya nakagalaw nang lumingon ito sa gawi niya. Napakunot-noo naman ito. Parang ayaw yata siya nitong makita. Maya-maya ay narinig niya ang boses ni Diane sa kabilang linya. Oo nga pala, nawala na tuloy sa isip niya na may kausap siya. Humarap siya sa pader at kinausap ang pinsan. Naiinis siya sa sarili dahil hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng pinsan sa kabilang linya. Nakikita niya kasi sa gilid ng mga mata niya na nakatingin pa rin sa kanya ang lalaking gumugulo ng puso’t isipan niya. Napalingon siya sa gawi nito nang bumukas ang pinto at lumabas ang nobya nito. Nagtama ang mga tingin nila ni Darlene. Maya-maya ay ibinalik nito ang tingin sa binata.
KINAGABIHAN, ALAS-OTSO NA nang nagising si Kendra. Hinanap niya kay Diane ang biniling pregnancy test. Ibinigay naman nito iyon sa kanya at sumunod ito sa kuwarto niya. Makaraan ang ilang minuto, matapos patakan ng ihi ay pumikit siya. Sobrang kinakabahan siya. Ngayon lang rumaragasa ang kaba niya. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at muntik na siyang mabuwal sa pagkakaupo sa toilet bowl nang makita ang resulta. “Positive, magkakaanak na kami!” sigaw niya sa isip. Bigla siyang nalungkot. Sana kaya siyang panindigan ng binata, sana wala itong nobya. Ang daming sana. Samo’t sari na naman ang pumapasok sa isipan niya. Paano na sila ng magiging anak ni
HINAYAAN NA LANG niya ang binata sa pang-aasar sa kanya. Pagkaluto ay naghain na siya at inihanda ang gagamiting plato at kubyertos. Hindi naman niya ito niyaya dahil kusang umupo ito at nagsandok na ng kanin. Naglagay siya ng maliit na mangkok sa tabi nito kanina kaya doon nito Inilagay ang sabaw. Napatingin ito sa kanya pagkatapos ng isang subo nito. “P’wede ka nang mag-asawa,” nakangiting bulalas nito. “Matagal na,” seryosong sabi niya. “Then, marry me!” Hindi pa rin naalis ang ngiti nito at muling sumubo. Natigilan siya saglit pero bumalik din siya sa huwisyo. “’Wag akong buwisitin mo, Kent! Alam ko naman ang kasunod niyan, It’s a prank!” sa
MAAGA SIYANG NAGISING kinabukasan. Napangiti siya nang makita ang mga kamay ng binata na nakayakap sa kanya. Akala niya ay panaginip lang ang mga ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga sinabi ng binata sa kanya. Pero heto si Kent ngayon, natutulog nang may mga ngiti sa labi. Hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti rin. Hinalikan niya ito nang marahan, pero nagulat siya nang magmulat ito ng mga mata, kaya bigla niyang inilayo ang mukha at nagtalukbong ng kumot. Natatawang hinila ng binata ang kumot na nakatakip, dahilan para malantad ang buong katawan niya. “Akin na nga iyang kumot!” sabi niya at pilit na inagaw sa binata iyon, pero inihulog na nito ang kumot sa sahig. Parehas na silang walang takip sa katawan, pero ang lalaking ito, tuwang-tuwa pa. Siya naman ay pulang
MABILIS NA LUMIPAS ang maghapon. Hindi siya nakaramdam ng pagod, dahil siguro inspired siya. Napatingin siya sa isang staff na may dalang bulaklak, papunta ito sa gawi niya. Napakunot-noo siya dahil kagaya ito ng mga naunang naipadala sa kanya na bulaklak. Sa kanya ba ito? Napatingin sa kanya ang mga kasamahan. Nakangiti na naman ang mga ito. Nahiya tuloy siya. Baka isipin ng mga ito, nakikipaglandian lang siya sa oras ng trabaho. “Ma’am, pinabibigay po sa inyo. Wala pong sinabi ’yong delivery boy kung kanino galing, eh.” Napakamot sa ulo ito noong tinanong niya. Nagtataka na siya kung sino ang nagpapadala no’n. Tumayo siya at inabot na lang niya ang bulaklak na hawak nito at hinanap ang card. As usual, wala pa ring card. Pamisteryoso naman masyado