Share

Chapter 9

"Mayumi!"

"What?! Just say it! You can trust me, Dens.." Alam kong nauubos na ang pasensya niya. Pumikit ako, huminga ng malalim," I THINK I'M INLOVE WITH MY SISTER!!!" Para akong nabunutan ng tinik.

"WHATTTTT????" Sigaw nito. Tinakpan ko agad ang bibig niya.

"I know! I know! pero kahit ako hindi ko din maintindihan, Mayumi... So what should I do?? Hindi ko na kayang kasama si Lei sa iisang bahay.. Worst isang kwarto, isang kama at isang kumot.."

Napaupo ito sa sahig at napatakip sa kanyang mukha. Mas naging problemado pa ata siya kaysa sakin.

"Oh my God.. Anong gagawin mo? So all this time, she's the reason why you are behaving like that?!" Napaupo din ako sa harap niya. Ibig sabihin napansin din nya ang pagbabago ko.

"Hindi ko na alam ang gagawin.. I'm going to die, Mayumi.."

"OH SHET! That's..... That's insane, Dens. But how? she's your damn sister! For god sake!"

"I know! You don't have to remind me... Alam ko at ginagawa ko lahat ng makakaya ko para mamatay ang maling feelings na to, Mayumi. That's why I ended up here too.." Sunod ay niyakap niya ako ng mahigpit na siyang nagpaiyak naman sa akin. Big deal para sa'ken na nailabas ko ang matagal ng bumabagabag sa dibdib ko without receiving any insult or judgement. Mayumi is a true friend...

"Perhaps, you need someone.. so you can divert that forbidden love you have for your sister.. So Jhanrex is not an option because I guess you're a lesbian or are you?"

"Hindi ko din alam, Mayumi. Or ikaw na lang kaya? Maging tayo na lang..." Pagbibiro ko. Agad naman umasim ang mukha nito. "Eewwww...Gross!! Kadiri ka... I'm straight nuh!"

Tumawa ako ng malakas. "Ayan, itawa mo lang," sambit nya. Hindi nagtagal napalitan din ng hagulgol.

"Alam mo ba kung bakit ako naglalasing ngayon?" Natuon ang tingin sakin ni Mayumi. Seryoso na din ang mukha nito at tila sasabayan pa ako sa pag iyak. "Kasi tingin ko nagkakagusto na siya. At- at halos mabaliw ako, maimagine ko pa lang na masaya silang dalawa.." Pipiyok piyok kong sabi.

"Go on... Cry until it doesn't hurt.. Alam mo naman kung san ang bahay ko. You are always welcome here, Dens. Kapag feeling mo sasabog ka na, pumunta ka lang dito. Lilipas din yan for sure. Trust the process, Bestie..."

Kumunot ako kasabay ng pagpahid sa luha ko.."Eewww bestie?? Just call me by my name.."

Bigla niya akong binatukan. Naalog ata ang utak ko sa lakas nun. Sana pati puso ko naalog na lang din.. "We're besties simula grade school pa lang, remember? Lagi kang andyan for me lalo na kapag inaasar ako ng mga bwisit nating classmate.. Diba.." Tama siya. Parehas sila ni Lei na laging pinagtitripan noon dahil sa pagiging weirdo nila.

"Mayumi, kailangan ko na atang umuwi. Thank you ha kasi lumuwag yung pakiramdam ko kahit konti. Sobrang bigat na kasi at parang mauubusan na ko ng hininga..."

"Wala yun. Anu ka ba. Kaya mo yan. Basta andito lang ako. Chat mo lang ako kapag need mo ng kausap."

"Kuya bayad.." Pagkababa ko ng Taxi nakita ko ang bahay namin. Dapat excited ako dahil ito ang pahingahan ko pero baliktad. Nagiging dahilan ang bahay na to para mapagod ako.

Huminga ako ng malalim. Alam kong mahabang sermun nanaman ang kakaharapin ko pero sisiw na lang sakin ang bagay na yun. May mas intense pa ba sa pinagdadaanan ko.

"Bakit ngayon ka lang?! At san ka nanggaling?! Hindi mo na ba talaga kami nirerespeto ng Mom mo? Huh! Dennise??"

Rinig ko ang mga salita ni Dad pero mas namumutawi pa din yung sakit na nararamdaman ko. Hindi ako sumagot at hinayaan ko lang si Dad. Umiiyak na lang ako pero di dahil sa sermun niya.

"Ano?! Ngayon ikaw pa ang may ganang umiyak?!"

"Tama na yan, Sid.." Lumapit si Mom at niyakap ako. Mas lalo akong naging emosyunal. Sa mga ganitong pagkakataon dapat si Mom ang sandalan at takbuhan ko pero hindi ko magawa. Anung iisipin nila saken kung sabihin kong in love ako sa kapatid ko.

"Mom.. Can I stay in our other relatives? Please.." Nakatingin ako kay Mom at nag-aantay ng isasagot niya. Kung papayag siya baka makatulong para makalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Lei.

"No!"

"Bakit gising ka pa, Leiluna?" Napatingin kami lahat kay Lei na nasa dulo ng hagdan pero agad din akong bumawi at bumalik kay Mom.

"Mom, please.."

"Bakit? Ano bang problema, anak? I'm your mom. You can tell anything to me. Hindi mo kailangan sarilihinin kung ano mang gumugulo sayo, Dennise. We are family.." Napayuko ako. Imposible nga pala ang gusto ko dahil wala naman kami ibang kamag anak. As far as I know.

"Umakyat ka na at magpahinga..." Utos ni Dad na nahabag na lang ata sakin or sa itsura ko kaya tinapos niya ng pagalitan ako.

Medyo natutumba pa akong lumakad at umakyat ng hagdan. Dinaanan ko lang si Lei at hindi tinignan. I hate her. I hate myself.

"Dens..."

"Not now, Lei."

"So kailan?? I'm your sister.. Your best friend.. Kung hindi mo masabi sa kanila, sa akin pwede mong ilabas. Dahil ba to duon sa lalaking yun?" Yamot akong bumalin sa kanya. "Stop talking about him, Lei. Hindi naman to tungkol sa kanya.."

"Ei tungkol saan? kanino? Hindi ka naman ganyan dati. Nag-aalala ako sayo.. Pinipilit kong makatulog pero hindi ka mawala sa isip ko. Sabihin mo saken kung anong pwede kong maitulong.. Pakiramdam ko wala akong kwentang kapatid.."

Napapailing na lang ako sa mga sinasabi niya. As if naman may solusyon siya sa problema ko kung siya nga mismo yung problema.

Hindi ko na siya pinansin at naligo na lang ako baka sakali mahimasmasan ako.

[MAREA LEILUNA TRINIDAD]

Kahit di nya sabihin di maalis sa isip ko na baka ang lalaking yun ang dahilan kaya may naisip akong gawin. Bahala na pero gagawin ko talaga.

Paglabas ni Dens ng banyo, matamlay itong nahiga ng nakatalikod sa akin. Hindi ako sanay na ganito siya. Hindi ako sanay na hindi na siya nag oopen up sa akin. Parang di na kami gaya ng dati at napapadalas na din ang pag aaway namin. Kung kailan naman kami nagkaisip saka naman naging ganito.

Pagkapatay ko ng lampshade, umayos na ako ng higa at yumakap sa kanya. Madalas niya yun gawin sa akin noon kapag hindi ako okay at gumagaan ang pakiramdam ko kaya sana ganun din siya.

Naramdaman ko namang pinisil niya ang kamay ko at niyakap ito, senyales na kailangan niya ako. Mas lalo akong dumikit sa kanya.

"Andito lang ako palagi, Dens. You are not alone. Always remember that.." Bigla siyang kumalas sa pagkakayakap ko. Akala ko itataboy niya ako pero ng makaharap ito, sumuksok siya sa dibdib ko saka humagulgol. Naramdaman kong hindi maliit na bagay ang dinadamdam niya.

Nasasaktan akong nasasaktan siya at wala akong magawa para pagaanin ang bigat na pinapasan niya.

"I love you, Lei. I'm so sorry.. Sorry talaga.." Umiiyak nitong saad. Basa na ng luha niya ang dibdib ko pero okay lang at least nailalabas niya kung anuman yung hinanakit niya.

"I love you more, Dens. Bakit ka ba nag sosorry? Kahit madami tayong away these past few days hindi naman magbabago na magkapatid tayo. Hindi mawawala yung pagmamahal natin para sa isa't isa. "

Hinahagod ko ang likod niya hanggang sa makatulog siya. Pwedeng sa kalasingan or sa kaiiyak niya. Humanda talaga sakin ang lalaking yun! Sinaktan niya ang kapatid ko, lintik lang ang walang ganti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status