Share

Chapter 9

Tanging si Lara lang ang laman ng isip ni Stefano habang nilalaro niya ang phone na hawak habang nakikinig sa kaibigang si Zion na nagpapaliwanag sa kanilang harapan, sa conference room ng kompanya nito. May ari ng malalaking finance company at mga banko ang kaibigan nilang 'to, kaya ito ang inatasan nilang magpaliwanag para sa agenda ng pagtitipon nilang lima ngayon. Malawak ang kaalaman ng kaibigan nila sa stock exchange kung saan dito sila kumukuha ng ideya kung anong magandang securities exchange ang bibilhin nila. Para naman sa kanya, mas gusto niyang bumibili ng shares of stock, pareho sila ni Dominique. Habang sina Julia at David naman ay mas gusto ang bonds, kung saan nagpapahiram ang mga 'to. Mas gusto ng dalawa ang nanggigipit ng mga kapwa nila negosyante.

"Bud, 'di ba hawak mo na ang industrial company ng father-in-law mo? It's under your name, right?" pagkuha ni David sa kanyang atensyon.

"No. I named it under my wife's name. So, she is now the owner of her father's company
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
thank you author waiting for the update
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status