Share

Chapter 5 Encounter With Him

Sky University

Bumaba si Star sa isang itim na sasakyan papasok ng school. Napag desisyonan nilang tatlo na magkanya kanya nalang dahil iba ang oras ng pasok nila. Mayroon siyang morning class habang sina Moon at Sun mayroong afternoon class. Pinarada niya ang sasakyan bago naglakad papasok time check 7:00 am. Naglalakad siya sa hallway ng may napansin siyang kakaiba sa paligid. Sobrang dami ng mga kababaehan na pumipila sa hallway at may dalang kung ano anong bagay.

" Star come here" tawag ni Christine sa kanya

" Anong nangyayari dito?"

Mayroong naglalakad na dalawang lalaki sa hallway at nagsimulang magsigawan at magwala ang mga kababaehan. Tumingin si Star kay Christine na nakatingin sa dalawang lalaki na naglalakad.

" Sino ba ang mga yan?"

"He is the King of Sky University at ang kasama ang kanang kamay niya" sabi ni Christine na halatang kinikilig.

" King?" kunot noo'ng tanong ni Star

" Hmm.... King dahil leader siya ng isang fraternity"

" What allowed ba yun?"

Lahat ng attensiyon nabaling sa kanila. Ngumiti ang mga nakapilang kababaehan kay Star kaya hinatak siya ni Christine paalis. Umakyat sila sa second floor ng building habang naglalakad pinapaliwag ni Christine sa kanya ang lahat.

" Star listen allowed yun sa school as long as hindi sila gumagawa ng gulo. At isa pang dahilan maraming babae ang nagkakagusto sa kanya kaya tinawag nila siyang King"

" Tama ka he is quite handsome" pagsang ayon ni Star

" I agree pero dati yun dahil ikaw na ngayon ang pinakagwapong lalaki sa bu

" Hindi ako ganoon"

Star is not aware kung gaano kalakas ang sex appeal niya. Pagpasok nila sa classroom mayroong mga regalo na nakalagay sa table ni Star.

" Good morning " bati ni Nathan

" Star open your gift" sabi ni Jackson

" Saan to galing?"

Tinuro ng dalawa ang mga kababaehan na nasa labas ng room nila. Lahat sila may dalang camera at nakatuon ang attensiyon kay Star.

" I need to thank them" sabi ni Star bago naglakad palabas pero bago pa siya tuluyang makalabas tinawag na siya ni Christine.

" Star hindi mo kailangang gawin yun kapag ginawa mo yun kukulitin ka nila"

" Tama si Christine " pagsang ayon ni Nathan. Umakbay sa kanya si Jackson habang nakangiti.

" Nakakainggit ka talaga Star kahit na ang tinaguriang King of Sky University napapatingin sayo"

Tumingin si Star sa labas ng classroom at nakita si King na nakatingin sa kanya. He has a fierce eyes na medyo intimadating kapag makatingin. Umiwas ng tingin si Star at umupo sa chair niya. Mayroon siyang naramdamang kakaiba sa mga tingin na yun.

Lunch Time

Naglalakad si Star papunta ng canteen ng nakasalubong niya si King. Tinitigan siya ito sa mga mata at hindi inalis ang tingin sa kanya hanggang sa makalampas siya. Lumingon si Star sa kanya at napahawak sa dibdib nito.

" Ohh he is so intense" bulong ni Star bago nagpatuloy sa paglalakad. Kumain siya sa canteen kasama si Christine, Nathan at Jackson.

"Star very good ka ngayon" puri ni Jackson

" Oo nga, hindi ko akalain na ang isang Star Imperial may dalang 1 hundred peso bill sa wallet niya" asar ni Nathan

" Humingi ako ng pera kay Kuya Kairus"

" By the way Star, alam mo ba na crush na crush ni Christine ang nakakatanda mong kapatid"

Naibuga ni Christine ang iniinom niya sa mukha ni Jackson. Tinapunan niya ng death glare si Jackson na nakaupo sa tabi harap niya.

" For real?" gulat na sabi ni Star

" King dito kayo" sigaw ng isang babae nabaling ang attensiyon nilang lahat sa limang lalaki na pumasok sa canteen lahat sila nakasuot ng necktie .

Tumingin si Star sa mukha ng tatlo niyang kasama na parang nakakita ng multo. Kahit na ang ibang tao sa canteen tumigil sa pagsubo at tumingin sa lima.

" May problema ba?" tanong ni Star sa mga kasama niya. Uminom ng juice si Christine habang si Nathan kumuha ng cellphone niya sa bag. Si Jackson naman nilapit ang mukha sa kanya.

" This is the first time na kumain sila dito" bulong ni Jackson.

" Why are you so close?"

Bwahhhhhh!! You're really interesting Star" natatawang sabi ni Jackson.

Nagpatuloy si Star sa pagsubo ng pagkain at binaliwala niya ang pakiramdam na mayroong malalamig na mata na nakatitig sa kanya. At exactly 1: 00 pm natapos ang morning class. Naglalakad sa hallway si Star ng may nakita siyang isang babae na nakaupo sa sahig ng hallway. Nasa harap nito si King at ang mga kasamahan niya.

" Sa susunod mag iingat ka"

Nakita ni Star ang mga nangyayari kaya tumakbo siya sa para tulungan ang babae.

" Are you okay?"

Inalalayan niya ang babae na tumayo

" Thank you" sabi ng babae habang namumula ang pisngi nito. Humarap si Star sa lalaking tinatawag nilang King Of Sky University.

" Hindi mo dapat ginagawa yun"

" Ginawa ang alin?"

" Nakita ko siya na nakaupo sa sahig. I'm sure may ginawa ka sa kanya"

" Nakita mo ang mga nangyari?" kalmadong tanong ni Ken tumango si Star. Lumapit sa kanya si King at nilapit ang mukha nito sa mukha niya.

Humakbang si Star paatras hanggang sa ma corner siya ni King. Hinawakan niya ng mukha ni Star at hinaplos haplos ang buhok nito gamit ang kanang kamay niya.

"Sa susunod huwag kang makialam kung hindi mo alam ang buong pangyayari" sabi niya bago binitawan si Star

" Lets go"

Umalis sila habang si Star nanatiling nakatulala .

" Star are you okay?"

Biglang natauhan si Star bago pinikit ang mga mata nito at nagdasal.

" Please, huwag mong hayaan na mangibabaw ang galit sa puso ko" sambit niya ng paulit ulit. Tiningnan siya ng babae na may pagtataka.

" Miss, alam mo ba kung sino ang pangalan ng mayabang na yun?"

" He is Ken Chan third year automotive engineering nasa third floor ang classroom nila"

Nang masigurado ni Star na hindi nasaktan ang babae nagpaalam na siyang umalis.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status