Share

4

"Get off me!!" Himutok niya. Binuweltahan naman ni Aya ang isa.

Nagsimulang umingay ang paligid.

"Oh my God.. Yung dalawang heartthrob..." Ang mga ungas na to heartthrob? Pweh!! Malabo ba paningin nila.

"Saan ang pusta niyo!?"

"Sa mga ladies ako syempre. Prone to girl to!" Narinig ko pang pag tili ng isang bakla.

[3RD person pov]

"Anong kaguluhan to??" Wala pa din paawat sa apat kahit may Professor ng dumating.

"Ms. Jensen! Enough.." Sambit ni Jezra habang palapit sa gawi ng dalawang nagrarambulan. Salampak na sila sa sahig.

"Sinabi ng tama na yan! Mahiya ka naman!" Pilit inaalis ni Jezra ang pagkaka sabunot ni Maureen sa lalaking katunggali.

Isang malakas na sampal ang ikina tigil ni Maureen. Hindi niya inaasahan iyon. Madilim ang mukha niyang bumalin kay Jezra, napasapo pa siya sa kanyang pisngi na ngayo'y namumula na.

"What the fuck is that for??? How dare you lay a hand on me???"

Naka tayo na ngayon si Maureen habang ang lalaki inaayos ang sarili, sinuklay ng daliri ang kanyang sabog na buhok.

"Ayaw mo kasing tumigil. Sinabi ng tama na." Hinila siya ni Jezra dinala sa walang tao. Sumunod naman si Aya.

"What are you doing? Huh? Naghahanap ka talaga ng gulo? Kung gawain mo yan sa former university mo, pwes hindi yan pwede dito." Tahasang hayag ni Jezra.

"And what do you care? Huh?!" Sagot ni Maureen. Hindi din ito patatalo sa samaan ng tingin.

"You listen to me, spoiled brat.." Napa singhap si Maureen na tila hindi sang ayon.

"..The admin knows that you are my wife—Dala dala mo ang apelyido ko-"

"And so??? What do I care about your fucking surname? Eeewww.." Hindi naman maka paniwala si Jezra sa tinuran ni Maureen.

"Maka singit lang po, Ma'am. Hindi niyo man lang ba pakikinggan yung side ni Mau??" Saad ni Aya.

"Walang dapat pakinggan dahil kilala ko ang isang to. Stubborn, spoiled brat kid."

Napa hilig ng ulo si Maureen. Gusto niya ng sumabog pero may mas kailangan pa siyang asikasuhin.

"You know what, Aya. Hindi mo dapat sinasayang ang laway mo sa isang to."

Pinasadahan niya ng buong tingin ang huli. Saka siya naunang umalis matapos kindatan si Aya.

Nagets naman na ni Aya ang pahiwatig ni Maureen.

Kanina kasi habang papunta sila ng Cafeteria naka tanggap ng chat si Mau kay Margaux.

Pumayag itong makipag usap ng personal ng bandang hapon.

"Hindi pa ko tapos sayo, Ms. Jensen!" Pahabol na sigaw ni Jezra. Pinigilan ito ni Aya ng balak habulin si Maureen.

[Jezra Renze Rendez POV]

"Kinukunsinti mo yung kaibigan mo, alam mo ba yun?"

"What?? Gosh.. Ang malas nga ni Mau at ikaw ang naging asawa niya. Ang kitid mo naman Ma'am mag isip."

Nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya. Diniinan pa niya yung pagtawag sakin ng Ma'am.

Sa tono ng pananalita niya mukhang hindi lang sila basta magkakilala sa pangalan ng spoiled brat na yun.

"Do you know kung bakit galit na galit si Mau sa dalawang ugok na yun? Mga student mo yun diba? They were talking bad shit behind your back. Inulit lang nila sa Cafeteria kaya na trigger nanaman si Mau. She's concerned about you. Those assholes were plotting something terrible for you."

Hindi ako agad nakapag salita dahil naisip ko ang pagkaka sampal ko kay Maureen. That's a wrong move, I know, pero nabigla lang din kasi ako.

Naka ramdam ako ng konting guilt pero pwede naman kasing daanin sa maayos na usapan ang lahat.

Natutunan o kinasanayan ko yun sa dating nobyo ko. Dapat palagi ko daw panatilihin ang posture sa kahit anong sitwasyon.

Dumating pa nga sa puntong minsang nabastos ako ng isa sa mga kaibigan nito pero hindi gaya ni Maureen dinaan sa mabuting paraan ng dati kong nobyo ang lahat para maayos.

"You know what po. Mau was right. I'm just wasting my precious time here." Tumalikod na ito at naiwan akong nasa himpapawid ang isip.

Si Maureen ang unang taong nakipag away ng ganun ng dahil sa akin. Sa madaling salita pinagtanggol niya ko??

SABADO, walang pasok si spoiled brat at wala din akong errand sa school.

Mula kaninang umaga hanggang ngayon na almost 6 PM na ay hindi pa din lumalabas si Maureen sa kwarto niya.

Yes.. Nagawan namin ng paraan mabuksan ang isa sa mga saradong pinto. We made a deal. Magtatabi lang kami kapag kinailangan.

Tao pa din naman ako na may puso at marunong mag-alala kaya inakyat ko na siya.

Isa pa.. Hindi pa ako nakaka hingi ng sorry sa pag sampal ko sa kanya.

Isa, dalawa at tatlong katok ay wala pa din siyang sagot. Marahan kong pinihit pabukas ang pinto.

Hindi naka lock. Kaya nga nabuksan ko. Tulog siya pero isang bagay ang nagpahinto sa akin.

She's just wearing a loose shirt, nothing inside kaya bakat at halatang halata ang malulusog niyang dibdib.

Bumaba ang tingin ko sa maputi at mahaba niyang hita. She's only wearing undies down there.

"Hey! Spoiled brat! Are you not hungry?" Kumunot ako dahil wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.

Gumalaw lang ito pero para ayusin ang kumot sa katawan niya.

"Kinakausap kita! Wag kang bastos. Mind you.. I'm older than you maybe you forgot.." Nauubos na ang pasensya ko. Mabuti sana kung hindi ako ang kasama niya.

Paano kung may mangyari sa kanya? Kasalanan ko pa.

"Ano ba!" Nahapit ko siya sa braso na siyang ikina atras ko din.

"You're fucking burning." Kunot ang noo kong napaupo sa kama sa tabi niya.

Kinapa ko ang leeg niya at tama nga ako. She has a high fever.

Nag urumintado agad ang dibdib ko sa pag-aalala.

"Bakit hindi ka man lang nagsabi?"

"Ano bang pakialam mo?! Hindi mo nga kinuha yung side ko vs. sa mga ungas na student mo..." I was taken aback sa sinabi niya.

"...Get out of my room!!" Pero siya na nga itong inaalala, siya pa din talaga itong mataas ang apog.

"Do you want your girl to come over?"

"Seryoso ka ba diyan? Baka naman may binabalak ka." Kumunot ang noo ko. Wow ah. Ako pa talaga ang pinag isipan ng masama.

"As if mag aaksaya ako? So ano? Suit yourself." I gesture to her, zipping my mouth. Alam kong gets niya na yun kaya lumabas na ako ng kwarto niya.

Wala pa ngang isang oras may narinig na akong pagdating ng kotse. Ayan na malamang ang girl niya.

Wala din naman kasi akong balak mag alaga ng stubborn na bata. Hmm.

Narinig ko ang pag doorbell kaya tumayo ako para pag buksan ito.

"Where is she?" In fairness, maganda ang isang ito. Hindi mo rin masisisi yung isa kung mabulag siya sa batang to na kaharap ko ngayon.

Tinuro ko ang hagdan papunta ng taas. "Sa right side." Mabilis siyang nilisan ako para puntahan si Maureen.

Bumalik naman ako sa panunuod. Okay na sana kung hindi lang tumunog ang phone ko.

Nagsalubong ang kilay ko. Number lang kasi. "Hello."

"H-hello.." Fuck! What the hell is he calling me?? How did he get my number?

Maagap kong binaba ang tawag. Hindi ko makakalimutan ang boses na yun. It's been what? Two years?

What must be the reason for his call? Why now?? After all that happened? He got the audacity to shake my already peaceful world now?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status