Pakiramdam ni Ling Yiran ay para bang mag-aapoy ang dulo ng diliri niya. Hindi niya rin alam kung bakit, pero parang biglang sobrang init ng pakiramdam niya at parang sasabog na ang puso niya sa sobrang bilis ng tibok nito. “Nako! Ano bang nangyayari sa’kin?!” Dali-dali niyang hinila ang kamay niya mula kay Ying Jinli. Nang sandalling ‘yun, para na siyang mansanas sa sobrang pula ng kanyang mukha. “ Ah… sige… kumain na tayo… lalamig na ang pagkain.” At pagkatapos niya itong sabihin, nagmamadali siyang yumuko at kumain. Samantalang si Yi Jinli naman ay abot-tenga ang ngiti habang pinagmamasdan si Ling Yiran na halos sumubsob na sa kinakain nito ang mukha. “Ate, may gusto ka ba sakin?” “Gusto kita, “ Walang pag-aalinlangang sagot ni Ling Yiran. “Gusto rin kita, Ate. Sobra,” Nakangiting sagot ni Yi Jinli. Hindi na niya maalala kung kailan, pero matagal na rin noong huling beses na may nakakuha ng atensyon at interes niya. ... Pagkatapos ng inspeksyon ng Urban Management Bure
Hindi maipinta ang itsura ni Hao Yimeng sa sobrang gulat. “A…a…ano? Gustong makita ni Yi Jinli si Ling Yiran?” Bilang miyembro ng Hao family, alam niya na wala naman talagang malalim na namagitan kay Yi Jinli at sa kapatid niya, at kaya lang naman ito pinili ay dahil para sa dalawang pamilya, ang kapatid niya lang ang pinaka swak na maging asawa ng mga Yi. Kaya noong lamay ng kapatid niya, kalmado lang ang itsura nito na para bang normal na kakilala lang nito ang namatay. Kaya nga mula noon, sa tuwing sumasagi sa utak niya si Yi Jinli ay iniisip niya kung ano ba eksakto ang mga nagpapalungkot, nagpapagalit, o nagpapasaya sa taong ‘to. Pero ngayon…kitang kita niya ang galit sa mukha nito, na ngayon niya lang nakita sa tanang buhay niya. At dahil yun….Kay Ling Yiran?! Yung babaeng mas maliit pa ang tingin ng lipunan kaysa sa langgam?! Hindi siya makapaniwalang tumingin kay Xiao Zigi para sana tanungin kung anong nangyayari, pero kagaya niya, halatang gulat na gulat din ito.
Hindi nagtagal, may isa nanamang tao ang dumating na lalo pang gumulat sa mga tao. Si Gao Congming-ang personal secretary ni Yi Jinli. "Secretary Gao!" Nagmamadaling bati ni Manager Wang. Tinignan ni Gao Congmin si Shen Wanhao mula ulo hanggang paa, na para bang nakatingin siya sa isang patay na nasa loob ng kabaong. "Itong walang hiyang lalaking 'to. Sa lahat ba naman ng taong kakalabanin mo, yung gusto pa ni Young Master ang napili mo." Nagkataon lang na noong araw na 'yun, saktong nandun din si Young Master Yi kaya nakita nito ang nangyari kay Ling Yiran. "Kung anong ginawa niya sa babae, gawin niyo rin sakanya." Utos ni Gao Congmin sa security guard na nakatayo sa tabi niya. Nagmamadaling tumungo ang security guard, at noong sandali ring iyon, may dalawang malalakas at malalaking katawan na mga security guard ang kumaladkad kay Shen Wanhao papunta sa artificial fishpond, at kagaya ng ginawa nito kay Ling Yiran, paulit-ulit na nilublob ang mukha nito sa tubig. Habang
Napatingin si Ling Yiran sa likod ng kanang kamay niya. Ang namumulang sinasabi ni 'Jin' ay yung inapakan ni Zhao Mantian kanina. "Ah.. ito? May nasanggi lang ako kanina habang nagwawalis, " nakangiting sagot ni Ling Yiran dahil ayaw niyang mag-alala si 'Jin'. "Ah, ganun ba?" Tinignan ni Yi Jinli ng diretso sa mga mata si Ling Yiran, "Ate, kapag may nangbubully sayo, sabihin mo lang sakin ha! Ipagtatanggol kita." Seryoso siyang ipagtatanggol niya si Ling Yiran at tuturuan ng leksyon ang mga taong nang-aapi rito, hanggang balang araw, lahat ay matatakot ng saktan at apihin ito. Noong sandaling 'yun, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Ling Yiran. Bakit pakiramdam niya ay alam na alam ni 'Jin' ang nangyari sakanya? "Kaya kong protektahan ang sarili ko," Sagot ni Ling Yiran "Paano kung hindi?" Tanong ni Yi Jinli Paano kung hindi? Alam niyang wala rin namang magagawa si 'Jin' kaya bakit niya pa sasabihin? Ngumiti nalang si Ling Yiran dahil ayaw niyang masaktan at bumaba ang ku
"Kung gusto yan ng ate ko para sakin, gusto ko na rin niyan," sagot ni Yi Jinli. "Ano ka ba. Wag yung gusto ko, dapat yung gusto mo talaga. Kung ayaw mo nito, maghahanap pa ako ng ibang style," "Wag na, maganda talaga yan. Yan yung gusto ko." "Talaga? Osige, bilhin na natin 'to." Nakangiting sagot ni Ling Yiran habang chinicheck out ang sweater. Tumingin si Yi Jinli kay Ying Liran, at biglang naging seryoso ang boses niya, "Ate, bakit sobrang bait mo sakin?" Ilang damit na ang binili nito para sakanya at binigyan rin siya nito ng cellphone, pero mula noong magkakilala sila ay hindi niya pa nakitang may binili ito para sa sarili nito. "Diba nga magkapatid tayo? Kaya mabait ako sayo," Sagot ni Ling Yiran na para bang normal na magkapatid lang talaga sila. Sa totoo lang, sa tuwing naririnig ni Yi Jinli ang ang salitang "kapatid" o "magkapatid" ay medyo naiilang siya. 'Nakalimutan na ba talaga niya na lalaki din ako?' — Pagkatapos mapahiya sa club, ginulpi rin si Shen Wanha
Sa puntong ito, halos isumpa na ni Miao Jiayu si Zhao Mantian sa sobrang galit niya rito. Mayroon siyang kaibigan galing sa personnel department na naichismis sakanya na mayroon daw isang mataas na tao sa Sanitation Service Center na abusado sa posisyon. Kaya ginamit niya 'yun para mai'set-up si Ling Yiran, pero si Zhao Mantian pa rin ang mastermind! "Hindi kita pinilit na gawin yun. Diba gusto mo rin namang makitang napapahiya si Ling Yiran? Bigyan lang kita ng ideya, pero ikaw pa rin ang gumawa 'nun. Wala akong kinalaman jan, Jiayu, " Naiiritang sagot ni Zhao Mantian. Ang dating sanggang dikit ay ngayo'y parang mga asong nauulol na inaatake ang bawat isa. Matapos tanggihan ni Zhao Mantian, hindi pa siya tinigilan ng karma dahil pagkauwi niya sa bahay nila ay halos itakwil siya ng buong pamilya niya sa sobrang galit ng mga ito. Pero bandang huli ay nagkasundo-sundo rin naman sila, at nagdesisyon ang mga ito na manulsol nalang ng kahit sino para lang makabalik siya sa trabaho n
"Pero... pero dahil sakin kaya ka napahiya sa lahat, lalo na yung kay Shen Wanhao.." "Sila ang may gawa 'nun. Wala ka namang kinalaman dun, diba?" "Siyempre ako pa rin yun!" Parang batang umiiyak si Miao Jiayu sa harap ni Ling Yiran. Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa buong buhay niya na umako siya ng kasalanan na hindi lang naman siya ang may gawa. "Ah.. Okay. Kung wala ka ng ibang sasabihin, mauna na ako kasi marami pa akong trabaho." Sagot ni Ying Liran, na parang hindi apektado sa mala-basang sisiw na itsura ni Miao Jiayu. Nilampasan niya lang ito at naglakad papunta sa wawalisan niya. Kahit na walang ideya si Ling Yiran kung bakit pinuntahan siya ngayon ni Miao Jiayu para magmakaawa sa harapan niya, ay wala siyang balak na patawarin ito at basta-basta nalang kalimutan ang mga nangyari sakanya noong araw na yun. Habang nagwawalis, may biglang sumulpot sa harapan niya at nang tignan niya ito, nakita niya si Guo Xinli na nakatayo at nakatingin sakanya. Medyo namumula
'Ahhh. baka malisyoso lang ako!' Sobrang naiilang na si Guo Xinli sa nakikita niya kaya nang makita niyang bumalik na si Ling Yiran sa pagwawalis ay nagmamadali siyang nagpaalam, "Yiran... sige mukhang marami kang ginagawa. Mauna na ako." Nang makita ni Yi Jinli na medyo nakalayo na si Guo Xinli, bigla siyang tumingin kay Ling Yiran at hinawakan ang baba nito, "Ayokong makakita na may ibang lalaking kausap ang ate ko." "Ano bang sinasabi mo jan? Wala akong gusto sakanya no!" Sagot ni Ling Yiran, na halos maiyak na sa sobrang tawa. "Pero ibig sabihin ba 'nun, wala na rin siyang gusto sa ate ko?" Tanong ni Yi Jinli. Hindi alam ni Ling Yiran kung isasagot niya. "May gusto ba yung lalaking yun sa ate ko?" "Hmm... Oo. Pero nagpatulong na ako kay Manang Xu na ibasted siya, kaya hindi ko alam na pupuntahan niya pala ako ngayon dito." "Hindi bagay yung lalaking 'yun sayo. Kung ayaw mo sakanya, dapat sabihin mo sakanya ng diretso," naiinis na sagot ni Yi Jinli. At dahil sa rea