Share

Kabanata 7

MARAHAN niyang inupos ang sigarilyong hindi pa nangangalahati at muli, kumuha

nanaman ng panibago. Ganito siya kapag balisa at tensyonado. Nakatayo siya at

nakatingin sa bintana. Nahulog siya sa malalim na pagiisip. _Shit!_ This

cannot be. No woman can ever do this to him.

Napatingin siya sa singsing na binili niya noong isang araw, nakuyom niya ang

kanyang kamao nang matandaan kung paano ang pagtanggi na ginawa sakanya ng

dalaga. Natawa siya ng pagak. Ganoon na lamang ba ang ayaw sakanya ng babae?

Hindi niya sukat akalain na tatanggihan nito ang proposal niya.

Anong klaseng babae ito? _Huh_! Ngayon lang siya nakakita ng babaeng umayaw

magpakasal pagkatapos nang nangyari. Kung sa tingin nito ay one night stand

lang iyon, puwes sakanya hindi. It's not a game. For pete's sake, nakuha niya

ang pinakaiingatan nito. Isa pa, they didn't use any protection noong nangyari

iyon. So there's a possibility na mabuntis niya ang dalaga.

Hindi maaaring lumaki ang bata ng walang kompletong pamilya. Hinding hindi

niya ipaparanas sa magiging anak niya ang naranasan niya noong bata pa siya.

_"Ano ba, Imelda? Hindi ka ba titigil sa kakabunganga mo? Sawang sawa na ako

sayo. Sawang sawa na ako sa buhay na 'to!" galit na sigaw ng Ama niy_ a

_Napausog naman siya noon sa gulat. Hindi niya sinsadyang marinig ang usapan

ng magulang. Narinig niyang umiyak ang Ina niya._ _"Kung ganoon, mas mabuti

pang maghiwalay nalang tayo. Tutal hindi naman natin mahal ang isa't isa. Noon

pa, may mahal na tayong iba. Magdivorce na tayo, para parehas na tayong maging

malaya." ganting sigaw ng Ina niya_

_Nakita niyang naipunas ng Ama ang kamay sa mukha at gigil na tumingin

sakanyang Ina. "Ito ba ang gusto mo?!"_

_Nakataas noong sumagot ang Ina niya "Oo! Diba ito rin naman ang gusto mo? Ang

maghiwalay na tayo? Bakit hindi pa natin gawin. Tutal, nagpakasal lang naman

tayo dahil sa business merging."_

Bata pa lang siya, namulat na siya na love doesn't exist. Living proof niyon

ang kanyang magulang. Natawa nanaman siya ng pagak nang maalala kung na hindi

man lang siya naisip ng magulang noon nang maghiwalay ang mga ito. Maaga

palang mulat na siya sa realidad ng buhay. Nang lumayas ang Ina niya sa

tahanan nila, napagpasyahan na rin niyang lumayas. Hindi rin naman nagabala

ang mga ito na hanapin pa siya. Maybe, isa nga siyang burden.

Namuhay siyang mag-isa sa kalsada noon. Naranasan niya ang hirap, gutom at

walang masilungan. Until one day, sa pagragasa ng malakas na bagyo, hindi niya

napansin ang paparating na sasakyan at nabunggo siya. Nagising nalang siya

kinabukasan na nasa isang marangyang lugar. At nakilala nga niya si Andrew

McBride. Ang Ama ni Denise. Ito ang nagligtas, nagpaaral at nagbihis sakanya.

Inangat siya nito sa kahirapan.

Muntik pa nga siya nitong ampunin, ngunit sa huli hindi siya pumayag dahil

balang-araw, kapag mayaman na siya, nais niyang pagsisihan ng mga magulang ang

ginawang pagtalikod sa responsibilidad sakanya. Naging malapit na kaibigan at

Ama-amahan niya ang matanda. Kung hindi dahil dito, hindi niya mararating kung

anong mayroon man siya ngayon. Without Andrew McBride, he's nothing.

Napakalaki ng utang na loob niya rito, kaya kung dumating man ang panahon na

humingi ito ng kahit anong pabor sakanya ay gagawin niya. Hanggang sa dumating

ang araw na nakilala niya si Lauren. Pinangako niya sa sarili na gagawin niya

ang lahat para mahanap ito. Hindi na siya nito binigyan ng tamang tulog simula

nang may mangyari sakanila. Hindi na nito pinatahimik ang natutulog na diwa

niya.

Kaya kinaumagahan, bago siya magtungo sa La Pacita Hacienda, dumaan muna siya

sa isa sa sikat na jewelry shop at bumili ng engagement ring. Standard size

ang kinuha niya dahil hindi naman niya alam ang sukat ng babae. Incase na

aksidenteng makita niya ito, agad niya itong maaalok ng kasal. Bumiyahe na

siya papuntang Quezon pagkatapos niyon.

At mukhang mapaglaro ang tadhana, dahil mukhang nakatakda talaga silang

magkita muli dahil mantakin ba niyang ang anak na tinutukoy ng kaibigan at si

Lauren ay iisa? Ang mas kinagulat pa niya, hindi nito sinabi ang tunay na

pangalan. Nakaramdam siya ng paghihimagsik. How dare she lied to him.

Gusto na rin niyang magpakasal, he's not getting any younger. At sa tingin

niya si Denise ang magiging ideal wife niya. Tutal, there's a big chance that

she might be pregnant, she's also smart at anak ito ng matanda. Kahit sa

ganitong paraan man lang ay matulungan niya ang huli. Alam niyang boto ito

sakanya para sa anak nito.

One more thing, Denise gave him restless nights. Halos hindi siya makatulog

dahil kahit saan siya bumaling, mukha nito ang nakikita niya. Nababaliw siya

rito. At ang isiping maaring buntis ito, at magpakasal ito sa iba ay hindi

niya matatanggap.

Dahil sakanya lang si Denise. Sakanya lang. Ang mainit na gabing pinagsaluhan

nila ay hindi lamang isang gabi. Dahil it is a night to remember. It is a

night with him, it's a night with a billionaire. At magmula ng araw na iyon,

hindi na maibabalik pa sa natural ang lahat. Because that night, everything

changed...

Gagawin niya ang lahat upang mapapayag si Denise na magpakasal sakanya, no

matter what it takes. Kayamanan nito? Nah. He doesn't care about her goddamn

money and properties. Higit na mayaman siya sa dalaga. Wala siyang pakialam

kahit umayaw pa ito sakanya, magpapakasal ito sakanya, it's either by hook or

by crook...

"You will be mine, Denise. Just _fucking_ mine." madiing sabi niya at binato

ang sigarilyo sa ash tray.

Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Rodolfo Vitor
good novel
goodnovel comment avatar
Gina Lalantacon
unlock please
goodnovel comment avatar
Lolit Sotillo Acac
unlock Please
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status