PAULIT-ULIT na umaalingaw-ngaw sa kaniyang isip ang pagtangging iyon ng dalaga. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit pa niya pinag-aaksayahan ng oras upang isipin ang babaeng iyon.
'Ha! Akala mo napakaganda! Kung makapagsalita. Tsk!'
Para siyang tangang kinakausap ang sarili. Hindi niya kayang aminin na may babaeng tumanggi sa kaniya. Dahil iyon ang unang beses! Samantalang… ha!
'Hindi ba niya alam na babae ang humahabol sa akin?! Ni hindi ko na nga kinakailangang bayaran ng ganoon kalaking halaga! Sila mismo gusto akong makasama! Pero siya?! Sampung milyon! Tinanggihan niya?!'
'Teka nga! Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Hayssss! Grabe kang babae ka!'
Sa sobrang inis ni Norman ay naihagis niya ang unan. Simula kasi nang makausap niya kanina si Sunshine ay para na siyang siraulo. Pilit na umuukilkil sa kaniyang balintataw ang malungkot nitong mga mata. Hanggang sa makarating na nga lang siya sa suite na inookupahan niya ay ito pa rin ang laman ng isip niya.
Naupo siya buhat sa pagkakahiga sa kama at sinabunutan ang sarili pagkakita sa orasan na nasa dingding. Alas tres na ng madaling araw at hindi pa rin siya makatulog.
Bahagya siyang napatigil at…
"I swear! Ikaw mismo ang lalapit at magmamakaawa sa akin!" aniya na itinaas pa ang hintuturo.
Napangisi siya sa kaniyang naisip. Kapagdaka'y muli siyang nahiga hanggang sa siya'y makatulog.
IMPIT NA UNGOL ang pinakawalan ni Norman nang maalimpungatan kinaumagahan dahil sa naririnig niyang sunod-sunod na pagtunog ng kaniyang cellphone, ngunit tinatamad siyang sagutin iyon.
Nakadapa habang yapos ang isang unan, inis na iminulat niya ang isang mata nang hindi pa rin tumitigil sa pagtunog ang kaniyang tawagan. Sinilip ang oras, ala una. Tiningnan niya ang bintana at kita sa bahagyang pagkakahawi ng kurtina ang tirik na araw sa labas na bahagyang nababanaag dahil sa siwang, ibig sabihin tanghali na, pero inaantok pa rin siya.
Kinapa niya sa side table ang telepono upang sagutin iyon.
"Hoy, 'insan! Wala ka bang balak mag-lunch? Tara na rito! Sabayan mo ako!" nakasinghal na bungad ni Lowelle.
"Mag-lunch kang mag-isa, inaantok pa ako," patamad niyang sagot dito.
"Puyat ka?! Bakit? Siguro may dinala kang chicks d'yan, ano?!"
"Get lost, Lowelle."
"Oh, bakit? Eh, maaga pa no'ng umalis ka sa resto kagabi, ah? Kung wala kang nabingwit na babae, bakit ka puyat?"
"Gg! Bakit? Hindi ba pwedeng hindi lang agad nakatulog kaya napuyat, ha? Ha? Ha? Ha?"
Malakas na halakhak ang isinagot sa kaniya nito na mas ikinairita niya. "Sige na sige na at mukhang puyat ka nga."
Ibinato ni Norman ang telepono nang mawala na sa kabilang linya ang kaniyang pinsan, saka muling isinubsob ang mukha sa unan at muling natulog.
Nang magising siya ay madilim nang muli sa labas. Nag-inat siya ng mga braso at bumangon sa pagkakahiga. Nagtatatalon muna nang ilang beses upang gisingin ang kaniyang dugo at diwa, bago hinagilap ang cellphone. Pagtingin niya ay may ilang messages siyang natanggap at missed calls? May limang tawag buhat sa kapatid niyang si Martin, dalawa galing rin kay Jasson, ang kanilang panganay at sa pinsang si Lowelle.
Binasa muna niya ang ilang mensahe roon.
Text message from:
'Hoy! You already skipped your brunch! Gumising ka na and have dinner!'
Recieved time: 6:22 pmText message from:
'Call me back…'
Received time: 5:30 pmText message from:
'Hey Norm, hindi mo sinasagot ang tawag namin ni Kuya, busy ba? Tumawag ka as soon as possible. Emergency.'
Received time: 5:25 pmIlan lamang iyan sa mga mensahe, hindi na niya binasa ang iba pa. Sinilip niya ang oras at napagtantong alas siyete na ng gabi.
Iiling-iling na naghagilap siya ng damit sa closet at nagtungo na sa washroom. Nang matapos ay saka siya lumabas ng suite at tinungo ang restobar.
"Tsk… tsk… tsk… grabeng tulog, ha? Sobrang pagod? Nakailang rounds ba?" salubong ni Lowelle sa kaniya pagkapasok niya sa opisina nito. Doon na kasi siya dumiretso at nagpahatid na lamang ng dinner.
"Anong rounds ang pinagsasabi mo r'yan? Itulad mo pa ako sa 'yo," kunot ang noong tugon ni Norman at naupo sa single sofa na malapit sa glass door ng beranda.
"Hahahaha! Hindi talaga tayo magkatulad! Masiyado kang mahina sa chicks!"
"Look who's talking?" aniya na tinaasan pa niya ito ng isang kilay. Dinampot niya ang isang malinis na wine glass na nasa center table at sinalinan iyon ng alak na nasa bucket.
Nakita niyang binitiwan ni Lowelle ang folder na binabasa at tinanaw siya buhat sa kinauupuan nito saka inihalukipkip ang mga braso sa dibdib at isinandal ang likod sa kinauupuan.
"Seriously, bakit nga pala isang buwan kang mag-i-stay rito? May tinataguan ka ba?" seryosong tanong ng pinsan niya.
Nilagok ni Norman ang alak saka inismiran ito. "Sino naman ang tataguan ko?" he asked.
"Then, what are you doing here?"
Tinapunan niya ito ng matalim na titig. Sa klase kasi ng tanong nito ay para bang hindi ito natutuwang nandito siya sa harapan nito.
"Hey, don't take it too serious. Wala akong masamang pakahulugan sa tanong ko, okay?" ani Lowelle.
"Tss… masama bang magliwaliw muna pagkatapos ng pagsusunog ng kilay? Nakakapagod din ang mag-aral nang mag-aral," he smirked.
"Ikaw naman kasi, kung nakapag-decide ka kaagad sa course na talagang gusto mo, eh, di sana ilang taon ka nang tapos."
"Aeronautics naman talaga ang gusto ko. Hindi lang iyon ang kinuha ko noong una dahil–" Hindi niya natapos ang sasabihin sana dahil nakita niya buhat sa glass door ang waiter na may dala ng pagkain niya. Tumayo siya at pinagbuksan ito.
Inayos ng waiter ang mga pagkain sa center table, habang nakamasid lamang siya. Maghapon siyang walang kain, pero para bang hindi siya natatakam sa masasarap na pagkaing nakahain sa harapan niya. Nakakasawa! Iyon ang pakiramdam niya sa hindi niya malamang dahilan.
Bumuntong-hininga muna siya bago umupo upang umpisahang tikman ang mga pagkain. Halos tinikman lang niya ang bawat putahe at ipinaligpit na iyon. All of a sudden he just lost his appetite.
"Pumasok ba siya?" wala sa loob na naitanong niya.
"Sino?"
"T-that girl!"
"Si Sunshine?"
"Who else?" iritado niyang sagot.
"Ha! Are you expecting her after I fired him?"
"Hindi na talaga siya pumasok, huh."
"Ikaw lang, ewan ko ba sa 'yo at iyon ang nakursunadahan mo. Umamin ka nga! May gusto ka sa kaniya, ano?" nanunukso ang mga tingin na tanong ng pinsan niya.
Pigil ang sariling napakamot siya sa kaniyang noo at pailalim na tiningnan ang pinsan.
"You know my type…" nakangiwi niyang tugon dito. Alam naman kasi ng pinsan niyang hindi siya attracted sa mga morena.
"Yah, but she's pretty and damn sexy! Kaya nga siya ang paborito ng mga parokyano rito. Kung iba nga lang ang ugali no'n, I mean kung mabilis lang masilaw sa pera 'yon, sa dami ng nag-aalok sa kaniya, mayaman na dapat 'yon."
"Iyong totoo, ikaw yata ang may gusto sa kaniya, eh?" nakangisi niyang tanong.
"Hindi ko itatanggi sa 'yo, noong una kong makita si Sunshine talagang natipuhan ko siya. Pero dahil nga sa ugali niya, mas nanaig ang respeto ko sa kaniya. Bukod doon mabait at magaling siyang makisama."
Tss… napapalatak na lang siya sa mga naririnig niya sa kaniyang pinsan. Dumaan pa ang ilang oras nang hindi nila namamalayan dahil sa kwentuhan ng kung anu-ano.
"Tara! Labas tayo, gusto kong magpahangin. I felt exhausted here," biglang aya sa kaniya ni Lowelle. Nakita pa niyang niluluwagan nito ang kurbata nang lingunin niya.
Sumunod siya rito nang lumabas ito. Nagtungo sila sa stage kung saan ginaganap ang fire dancing at mini concert bilang entertainment. Katatapos lang kumanta ng singer nang pum'westo sila sa harapan. Ina-announce na ng emcee ang susunod na magaganap at iyon ang fire dancing.
Natigilan siya nang tawagin na ng host ang grupo. Hindi niya maintindihan, pero umaasam siyang makikita niya sa mga ito ang babaeng iyon.
Pero nadismaya siya— dahil hindi na nila kasama ang babaeng gusto niyang makita.
Mag-isa lang ang dalagang nagpe-perform na kasama ng dalawang binata.
Maganda rin naman ito, magaling din…
Pero hindi niya maintindihan ang sarili. Wala siyang ganang manood, hindi tulad noong mga naunang araw na kasama pa ng mga ito ang Sunshine na iyon.
"YOU ARE?" tanong ng babaeng nasa mid 30's marahil ang edad, habang nakatingin sa resumè niya na hawak nito."Sunshine Valdez, Ma'am.""Hmmm… you came from Hell Grill Restobar at Palacio Grande. You work there for two years? When did you stop?""Recently lang po, Ma'am.""May I know why?" matiim itong nakatitig sa kaniya, para bang hinahalukay nito sa kaniyang kaibuturan ang katotohanan sa kaniyang isasagot."Ahm… my boss fired me." Yumuko siya pagkasabi no'n.Narinig niyang bumunt
"TATANGGAPIN ko ang trabahong iniaalok mo. Pero may kondisyon ako."Sumilay ang ngiti ng tagumpay sa mga labi ni Norman pagkarinig sa sinabing iyon ni Sunshine na nagpaulit-ulit pa sa kaniyang isip. Dahan-dahan siyang humarap sa dalaga at ipinaskil ang seryosong mukha."What is it?" pigil ang sariling ipakita ang tuwang nadarama na tanong niya."Ahh… n-no sex involve! P-pagsisilbihan lang kita! Susundin ko lahat ng ipag-ipag-uutos mo, p-pero hindi ang p-pagsilbihan ka sa kama!" nauutal na anang dalaga."Alam m—""Hep! Hindi pa ako tapos! Hindi ko kailangan ng ten million mo. You just need to pa
"Clean my room first, the first door on your left.""Ah… nasaan ang cleaning materials, sir?" malumanay niyang tanong."Next door to the bathroom, it's the storage room… and that would be your room. Just clean it later.""Y-yes, sir." Mabilis siyang tumalima.Pinasok niya ang storage room at gano'n na lamang ang pagkakunot ng kaniyang noo, dahil taliwas iyon sa kaniyang inaasahan. Masinop na nakasalansan ang mga gamit doon at ni alikabok ay wala siyang makita. At malaki iyon para sa isang storage room. Hinanap niya ang pinaglalagyan ng cleaning materials at kinuha ang mga kakailanganin niya. Pagkatapos ay tinungo na niya ang silid ng amo."Eehh?" anas niya nang maigala ang paningin sa kabuuan ng silid."Anong lilinisin ko rito?" mahina niyang usal. Paano ba naman ay napakaaliwalas ng kuwarto.Wala siyang makitang kahit kaunt
"Hi, Summer!" bati ng isang foreigner at nang lingunin iyon ng dalaga ay hindi niya napigilang hindi mapangiti. "Hello, Sir!" ganting bati niya. "You look pretty with your dress," papuri nito sa kaniya. "Thank you, Sir."
"Surprise!" "What are you doing here?" gulat na tanong ni Norman ng mabungaran niya sa loob ng suite na prenteng nakaupo sa sofa ang isang maganda at sopistikadang babae. Wala naman talaga siyang lakad, inihatid lang niya ng personal si Sunny pagkatapos ay dumiretso na siyang muli rito sa suite upang magkulong. Pero ito ang dadatnan niya? Tsk! "I'm on vacation. Then, I heard from someone that you are also here. That is why I'm here," malanding sagot ng babae. Tumayo ito at iniangkla ang mga braso sa batok ng binata. Iritadong binaklas ni Norman ang mga kamay ng dalaga at salubong ang mga kilay na naupo sa single sofa. "Who gave you the access here?" "Well, Lowelle knows me." Umupo ito sa tabi ng binata at walang salitang hinalikan ito. "Come on, Claire. I'm not in the mood," iritadong inilayo ni Norman ang mga labi sa dalaga
Kanina pa nakatayo si Norman, ilang dipa ang layo mula sa doktor at kay Sunshine. Kanina pa niya nakikita ang mga reaksiyon sa mukha ng dalaga habang kausap ang manggagamot. Bahagya lamang niyang naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito, ngunit base sa ekspresiyon ni Sunshine, batid niyang hindi maganda ang lagay ng ina nito. Nakita niya ang impit na paghagulgol nito habang nakatitig sa doktor. Ang pilit na pagpapakatatag ng dalaga kahit na nararamdaman niya ang panghihina nito. Hindi nakatiis si Norman, lumapit na siya sa mga ito. "If there's chances for her to surviv, we will leave it to you, doc. Just please do your best," wika ng binata sa manggagamot. Tinapik pa niya ito ng bahagya sa balikat at tinanguan.
MALALIM na buntonghininga ang pinakawalan ni Sunshine habang pinagmamasdan ang papalayong amo. Hindi niya gustong sirain ang araw nila, pero nasira niya iyon nang hindi sinasadya. Mabigat ang mga paang naglakad siya papasok sa hotel. Kaliwa’t kanan ang naririnig niyang tumatawag sa kaniya subalit wala siya sa mood para gantihan at pansinin ang mga ito. Pagpasok niya sa suite ni Norman ay sobrang tahimik ng paligid. Normal naman na tahimik ang suite ng binata, iyon nga lang iba ang katahimikang namamayani ngayon. Para bang ang bigat sa pakiramdam. Natitigilang napatitig na lamang si Sunshine sa nakapinid na pintuan ng silid ng amo. Gusto niya itong aluin. Naiintindihan naman niya ito, muntik na nga naman siyang mapaano kanina sa dagat, tapos nagawa pa niyang Habang naiwang natitigilan naman sa kinatatayuan ang dalaga. Tinatanong ang sarili kung bakit naitanong pa kasi niya iyon. At tulad ng mga nakaraang araw. Sa tuwing mawawala sa mood ang binata ay hindi na naman mag-iimikan ang d
PAPADILIM na nang umalis ang dalawa sa ospital dahil hinintay pa ang pagdating ng pinsan ni Sunshine at ng tiyuhing si Mang Roman na silang hahalili sa kanila sa pagbabantay.Bumalik ang mga ito sa hotel upang maglinis ng katawan. Pagkatapos ay inaya na ni Norman ang dalaga sa kabilang bahagi ng rooftop kung nasaan ang helipad kung saan naghihintay ang itim na chopper. Inalalayan nitong makasakay ang dalaga.Makikita ang pagkamangha sa mga mata ni Sunshine nang lumipad na ang kanilang sinasakyan. Ang gandang pagmasdan ng tanawin sa ibaba habang nag-aagawan ang liwanag at dilim. Ang manilaw-nilaw na ilaw na tila kasing liit ng langgam sa mga poste at kabahayan ay nagmistulang alitaptap.Nilibot nila ang kabuuan ng Bohol, hanggang sa dumako ang sasakyan sa mapunong lugar.Hindi mapapasubali ang sayang nararamdamang ng dalaga sa mga oras na iyon, dahil makikita iyon sa mga mata nitong tila kumikislap sa tuwa.Hindi rin maitatatwa ang pinaghalong lungkot at saya ang mababanaag sa mga mata