Share

Chapter 5

Mikaya's POV

Nabanggit ko kay lola ang nangyari at nagpaalam din ako sa kanya na kailangan kong lumuwas ng Maynila. She feel bad to hear the news dahil kahit naman hindi sila in good terms ni Mommy ay never naman silang nag-away ni Daddy.

I booked my plane ticket online. Hindi ko sana gustong isama si Sky pero naaawa ako sa anak ko dahil baka matagalan ako. Kaya I decided na isama na rin siya, kasama din namin si Aling Myrna para naman may katulong akong magbantay sa kanya. 

Hindi pa man kami nakakaalis ay marami ng bagay ang gumugulo sa isip ko. Kinakabahan ako, baka makita ako ni Justine at isipin pa niyang anak niya si Sky. Balita ko pa naman he has a new girlfriend now and they are planning to get married next year. Mabuti naman at hindi niya kinulong ang sarili niya sa nakaraan. Kaya ngayon I will try my best na iwasan siya dahil hindi ko kakayaning masira ulit siya ng dahil sa akin. I shouldn’t be involved in his life anymore dahil may kanya kanya na kaming buhay ngayon.

Kung hindi lang para kay Daddy hindi naman ako babalik sa lugar kung saan nasaktan ako ng sobra, kung saan nasira ako kasama ng mga pangarap ko. Masaya na kami sa probinsya eh. We have a peaceful life there, kami ng anak ko. Pero si Daddy yun eh, whatever happens tatay ko pa rin siya at walang anak na kayang tiisin ang magulang.  

Ligtas kaming nakarating sa Maynila. Si kuya Mandy ang sumundo sa amin sa airport kasama ng personal driver niya. Habang nasa biyahe pauwi sa bahay ay walang tigil sa kulitan ang dalawa. Tuwang tuwa siya kay Sky dahil sa pagiging makulit nito.

Nang makarating kami sa bahay ay tinulungan niya akong iakyat ang mga maleta ko sa taas, sa dati kong kwarto. Pagpasok ko sa loob ay parang walang nagbago, lahat ng gamit ko ay naroon pa rin at dahil nakatulog na si Sky sa biyahe ay pinalapag ko na ito  kay Aling Myrna sa aking kama, pagkatapos ay pinalitan ko ng damit. Mukhang napagod ang baby ko sa biyahe at sa pagiging makulit niya sa tito Mandy niya. 

Bumaba ako at dumiretso sa dining area para uminom ng tubig ng maabutan ko si Mommy na nagpeprepare ng pagkain. Napatigil siya ng makita niya ako. 

"Mikaya, anak."

Sambit niya habang umiiyak. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil anumang oras ay maiiyak na rin ako. My Mom is a soft hearted person at ganoon din ako. Sa kanya kaya ako nagmana dahil minsan kahit maliit na bagay ay iniiyakan ko talaga. 

"You changed a lot."

Pagkatapos ay niyakap niya ako ulit. I miss her hug. Ilang taon ko rin siyang hindi nayakap. I miss all the things about her. I really miss my Mom. 

"Mommy."

Maikling sambit ko sa kanya pagkatapos ay napahagulhol ako ng iyak. Para akong batang nakayakap sa kanya. After four years ngayon ko lang ulit nayakap ng ganito si Mommy.

Sabay sabay na kaming pumunta nila Mommy sa hospital. Hanggang ngayon hindi ko alam kung handa na ba akong makita si Daddy. Napatawad na kaya niya ako. After all those years, masakit pa rin sa akin ang nangyari pero kinalimutan ko na yun kaya nakapagsimula ako ulit. 

Pagdating namin sa hospital ay dumiretso agad kami room ni Daddy. I was shocked when I see him, lying on the hospital bed while having a lot of bruises. Pero ayun sa findings ng mga doctor ay mabuti na ang lagay nito at maaari ng idischarge in a week. Masaya kami sa naging balita ng doctor. I can’t wait to tell how stubborn his grandson is. Dahil sigurado akong matutuwa siya. Noon pa man he really wants a grandchildren pero kay kuya niya iginigiit iyun at hindi sa akin. 

"Daddy braso mo, alam mo naman kakagaling mo lang sa hospital diba?"

Sigaw ko sa kanya habang buhat buhat niya si Sky. Malaki na si Sky at mabigat na rin ito. 

"Grabe ang bigat bigat niya."

Natatawang sambit ni Daddy ng makalapit sa amin.

"Sabi ko naman sayo Dad eh, he’s getting heavier lalo na ngayon at kung anu ano ang pasalubong na dala ni kuya Mandy tuwing umuuwi dito sa bahay. He’s being spoiled here."

"Hayaan mo na, ngayon lang naman eh."

Sinulit namin ang family bonding na yun. Lumabas nga pala kami kasama ang pamilya. Last time na ginawa namin ang ganitong klaseng bonding ay 5 years ago pa, grabe ang tagal na pala talaga, mabuti na lang at naulit ulit ngayon. 

Kinabukasan ay sinama ako ni Daddy sa opisina, he said that he will give me a position in our company pero hindi ko iyun tinanggap. Hindi naman sa ayaw ko pero ayokong magkaroon ng dahilan para magstay ako dito sa Maynila. Masaya na ako sa probinsiya, tahimik ang buhay namin doon ng anak ko. At isa pa may business din ako doon, I already owned a cafe at mayroon na itong 5 branches sa kabilang bayan. Ang negosyong yun ay sapat na para sa akin para mabuhay kami ng anak ko. I don’t want to depend to them anymore. 

Paalis na sana ako sa office ni Daddy ng pumasok ang secretary niya. 

"Sir, nandyan na po ang mga del Rio."

"Escort them to the meeting area, susunod ako."

Pagkatapos ay umalis na ang secretary niya. 

'You want to come with me?" 

Tanong niya sa akin ng mapansin niyang pinagmamasdan ko siya. 

"No Dad, I'm fine here. Aalis na rin naman ako maya maya." 

Nakangiti kong sambit sa kanya.

"Okey fine, If you need anything just call the number that I gave you, okey?"

Tumango naman ako bilang sagot. So he has a meeting with del Rio’s. Nabanggit ni Bea Anne last time na del Rio ang last name ng magiging soon to be fiance ni Justine. Possible kayang pamilya ng girlfriend niya ang kameeting ngayon ni Daddy. Sa lahat ng pwedeng maging business partners bakit sila pa? I’m trying to avoid them pero mukhang tadhana ang nagdadala sa akin palapit sa kanila. 

I was on the parking area when someone catch my attention. Isang pamilyar na pigura. Hindi ako pwedeng magkamali dahil kahit nakatalikod siya ay kilalang kilala ko pa rin siya, it was Justine and he’s with someone. Nang magawi ang tingin niya sa akin ay napatigil siya. Dali dali siyang naglakad palapit sa akin samantalang mabilis ko namang hinanap ang aking sasakyan. Hindi niya ako pwedeng maabutan. I was afraid to talk to him, hindi pa ako handa. 

"Mikaya."

Sigaw niya habang patuloy akong lumalayo. Mabuti na lang at hindi ko sinama si Sky kahit na nagpupumilit ito. Mabuti na lang at ako lang ang nakita niya at hindi ang anak ko. Natatakot akong makita niya ang naging pagkakamali ko. Ang totoong dahilan ng paglayo ko. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status