Share

Chapter 7

Dumapo ang paningin ni Alexander kay Miguel na tahimik na nakaupo malapit sa pintuan habang nakatingin sa paligid. Lumapit siy kay Miguel at tinitigan ito mula ulo hanggang paa.

"Bagong empleyado ka ba rito?" Supladong tanong ni Alexander sa binata.

Nag-angat ng tingin si Miguel at hindi agad nakasagot sa tanong ni Alexander. Pinag-aaralan niya ang bawat galaw nito.

"Bingi ka ba? Tinatanong kita kung bagong empleyado ka ba rito." Bakas sa tono ng pananalita ni Alexander ang pagkairita.

Nakaagaw ng atensiyon ang boses ni Alexander sa mga empleyado. Huminto sila sa kanilang mga ginagawa at tumingin kina Miguel at Alexander. Nagsisimula na naman silang pag-usapan ang walang modong manliligaw ni Caroline.

Nag-angat ng tingin si Miguel nang napansin niya si Alexander na nakatayo sa kaniyang harapan. Nakakunot ang noo at nasa bulsa ang mga kamay nito.

"Sorry? Ako ba ang kinakausap mo?" tanong ni Miguel at tinakpan ang kaniyang ilong dahil amoy sigarilyo ang binatang kaharap niya.

"Ika
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status