KASALUKUYAN akong nagliligpit ng ilang gamit ko dahil naisipan kong umuwi na muna ng Sta. Cruz dahil dalawang araw lang ang pinayagan nilang leave ko. Noong araw na iyon kasi ay desidido ako at malaki ang tiwala ko na sandaling-sandali lamang kami rito dahil ipakikilala ko lang naman ang anak ko sa ama niya at pagkatapos ay uuwi na rin kami. Ganoon, sobrang dali. Pero hindi ko inaakalang ganito akong paglaruan ng tadhana.Ang tindi, gusto lang namang makilala ng bata ang ama niya pero heto at kinuha pa siya sa akin. Wala ng ibang sisisihin pa kundi ako, kung hindi sana ako nagpadala sa kagustuhang magkita ang dalawa ay sana kasama ko pa ngayon ang anak ko. Tatlong araw? Aanhin ko naman ang tatlong araw na ibinigay niya sa akin upang magdesisyong titira ako kasama niya kung ibang-iba na ang buhay namin ngayon kumpara noon? Kung noon ay pwedeng-pwede niya akong hilahin kung saan at kusa akong sasama. Pero ngayon ay hindi na pwede, marami na akong kailangan ikonsidara. Ang trabaho ko,
WALA akong inaksayang oras at agad akong naligo at nagbihis para mapuntahan ang anak. Ayos lang naman sana kung ako lang at sigurado naman akong papapasukin ako ng guwardiya ng subdivision pero nang magising si Danice at sinabing sasama raw siya ay hindi na ako humindi. "Alam mo, pwede namang ako na lang, eh. Okay lang talaga." Saad ko nang makasakay na kami sa elevator pababa. Alam kong mayroon siyang pinagdadaanan ngayon at ayaw kong mang-abala. Pero ngumuso lang siya at saka umiling. "Ano ka ba, okay lang, 'no! And hindi makakabuti sa akin ang mapag-isa! Mas maiisip ko lang ang mga irrelevant people na iyon kapag mag-isa ako." She even flipped hair, "masyado akong maganda para lang magmukmok sa kwarto. They are not worthy of my emotions!" Taas noo niyang sinabi at nakahawak pa sa kanyang beywang. Nagkatinginan kami at nag-apir. That's my girl! May nakaparadang sport's car agad sa tapat namin nang makababa na kami, hindi na ako naka-react nang hilahin ako ni Danice. Siya sa pa
"HINDI mo talaga maikakaila ang koneksyong namamagitan sa dalawang iyan, sir..." Anang tinig ni Manang Azon sa aking gilid. "Tingnan mo oh, kung magyakapan ay akala mo takot na takot mawalay sa isa't isa." Puna pa niya. "Wala pa ngang isang araw na nagkalayo silang dalawa ay ganito na sila kung magyakapan, paano pa kaya kung ilang araw, linggo o kaya naman taon? Hay, ang pagmamahal talaga ng isang ina ay hindi nasusukat ng kahit ano..."I gave her a side eye look as she walked away slowly at my back, leaving me there, speechless and can't move a muscle while staring at the two. Cassandra and Inez Isabelle who's now snuggling each other. I could just stare at them as they embrace each other like there's no tomorrow. I am frozen in place because I don't know what I would do. Halos mabaliw akong kakapatahan sa anak namin dahil iyak ito nang iyak at gusto talagang makita ang ina, at ang sandaling magkita sila ay para itong koala kung lumapit sa mommy nito. Wala akong makitang pagtutol
I GULPED hard as I listen to his silent cries while still hugging tightly at my waist. Na para bang iyon ang tanging kinakapitan sa mga sandaling iyong mahina siya. As much as I wanted to console him immediately, there's a part of me that holds me back. That part of me wants to listen to his cries more. I am being grateful seeing him being vulnerable like this. Crying his heart out, telling me freely about his worries. "Sana... Sana hindi ko na lang siyang kinuha ng sapilitan sa iyon. Patawarin mo ako, ang lakas-lakas ng loob kong kuhanin siya ni wala akong kaa-ide-ideya sa pagiging isang ama. Isang magulang." Mababa ang boses niyang sinabi, nag-angat siya ng tingin sa akin at agad akong nag-iwas ng tingin nang makita namumugto niyang mata. Nakaramdam ako ng pagprotesta nang tanggalin niya ang nakayakap na braso sa aking tiyan ngunit pinigilan ko ang sarili. Tumayo siya mula sa pagkakaluhod, akala ko ay lalabas na siya ng kwarto ngunit naglakad lamang siya patungo sa sofa set. He s
WALA naman talagang certain course on how to be a parent in the first place. Basta mo na lang mararamdaman ang responsibilidad mo at kapasidad na mayroon ka kapag nariyan na mismo sa harapan mo ang anak mo. Mapapasabi ka na lang na ah, gusto kong maging mabuting tao para sa batang ito. Gusto kong gumawa ng tama na maaari niyang mapakinabangan. Iyong ganoon. Hindi rin natin malalaman kung magiging mabuting magulang ba tayo sa isa o dalawang beses mo pa lang naaalagaa ang anak mo. Especially to those first time parents, they don't know what to expect and what to do next. It takes time to figure it out, ang mahalaga ay sinusubukan mo araw-araw. Araw-araw rin ay mayroong bagong kaalaman at nakakatuwa ang ganoon. Umuuga-uga ang kanyang mga balikat sa sobrang pagtawa pero kailangan niyang takpan ang bibig para huwag magising ang anak. He's so amazed of her daughter's silliness. However, despite of those laughs I could see the glimmer of tears in his eyes and seconds later, his laughs turn
KASALUKUYAN kaming naglalabanan ng tingin ni Elias. Nakaangat ang isang kilay niya na para bang nanghahamon pero hindi ko siya inurungan at pinagtaasan din ng kilay. "Hello? Sandra, nariyan ka ba?" Doon ko napagtanto na may kausap pala ako sa cellphone. "Para namang sira 'to, may nangyari bang masama? Bakit hindi ka makapagsalita?" Sunod-sunod niyang tanong. "W-Wala naman, ayos lang kami rito..." Sagot ko nang hindi inaalis ang tingin kay Elias na parang batang nagmi-make face at umirap. "Nga pala, napatawag ka!" Umingos ang nasa kabilang linya. "Anong klaseng tanong naman iyan, Maxine? Siyempre, nag-aalala! Ikaw ba naman na magtatatlong araw nang walang paramdam ay talagang mag-aalala kami! Lalo na sina nanay at tatay, gusto ka raw makausap at makumusta ang lagay ng apo nila." Umirap ako at saka ngumisi. "Aysus, ang sabihin mo, namimiss mo lang ako!" Nag-iwas ako ng tingin sa kaharap nang gawaran niya ako ng matalim na tingin. "Kunyari ka pang nag-aalala ang nanay at tatay, ah!"
IYON nga ang naging set up namin sa sumunod na dalawang araw. Hangga't maaari ay hindi kami nag-uusap o kahit man lang magdapo ang mga tingin. Maliban na lang kapag kasama namin si Inez. Pero kahit ganoon ay umiiwas talaga akong makipag-eye-to-eye contact sa kanya. Iyon nga lang, nakalimutan kong observant itong supling namin at kung anong unusual na nagaganap ay napapansin niya. Katulad ngayon, kasalukuyan kaming nasa food court ng mall at kumakain ng ice cream. Hindi sumama si Elias dahil may iba raw gagawin. Pero ang totoo ay hindi siya pwedeng lumabas sa matataong lugar dahil baka kuyugin siya. "Sandra, hindi kayo bati ni Papa?" Tanong ni Inez nang malunok ang kasusubo lang na ice cream. Sumalok muna ako sa kinakain kong halo-halo bago siya sagutin. "Hindi ah," defensive kong sagot na ikinabusangot ng bilog niyang mukha. Hindi naniniwala. Natawa naman ako. "Bakit mo naman naitatanong? Ano ba ang napapansin mo at nakapagsabi kang hindi kami bati?" Usisa ko. Sandaling nangunot a
NATULOS ako sa aking kinatatayuan sa sobrang gulat. The four of them were hugging me tightly that I lost the sight of Elias in front of us, watching. Ang huling nahapit na lamang ng mata ko ay ang pagkarga niya sa anak namin bago ko narinig ang sunud-sunod na mga katanungan nila. "GOODNESS gracious! It's really you!" Bulalas ng binabaeng si Ariel at tumalon-talon pa. "Ang tagal mong nawala! Hanap kami nang hanap sa'yo pati roon sa dati mong tinitirhan ay wala ka! We missed you so bad, our badass girl!" "Ikaw ba talaga ito? Hindi ba kami nananaginip? God! We missed you our Maxi-maxy!" Ani Alora at humiwalay saglit sa akin, tiningnan ako mula ulo hanggang paa saka bumalik sa pagkakayakap sa akin. "What happened to you all these years, huh? Where have you been? I thought dito ka na mamamalagi after your graduation! May offer na agad na naghihintay sayo since graduate ka ng Mass Com!" Dexter said and even flipped his imaginary bangs and he wiped his tears. "Bakla ka, after everything,