"Morning, Miss Caty!" masiglang bati ni Nelly pagbaba niya kinaumagahan.
Pasado alas nueve na siyang nakababa dahil nang muli siyang umakyat matapos niyang uminom ng tubig sa kusina ay muli siyang natulog. She woke up at nine; madali siyang naligo at inisuot ang isa pang pares ng T-shirt at leggings na ibinigay sa kaniya ni Nelly kagabi. But just like yesterday, she wasn't wearing any bra. Hindi kakasya sa kaniya ang pinahiram nito.
"Maupo ka na, Miss Caty, luto na ang almusal."
Napatingin siya sa mesa at doon nakita ang dalawang platong naka-patong roon, pati na mga kubyertos at dalawang tasa.
"Sasabayan mo ba ako?" aniya.
"Oo, para hindi ka m
"O, kumusta? Nakausap mo ba ang ninong mo?" tanong ni Nelly nang bumalik siya sa kusina. Tapos na rin itong maglinis ng lababo at hinuhubad na ang apron.Nakangiti siyang tumango saka inabot dito ang cellphone. "Your boyfriend has sent you text messages; pasensya ka na kung natagalan ang pag-gamit ko.""Naku, wala 'yon. At hayaan mo si Ambong na ma-miss ako." Bumungisngis ito at inisuksok ang cellphone sa bulsa. "Ang sabi ko sa kaniya ay matulog muna siya dahil papalaot na naman mamayang gabi, eh. Matigas din ang ulo, gustong mag-bidyo kolkahit sinabi ko nang aalis tayo.""Your boyfriend loves you...""Hindi ko siya masisi,nasa akin na ang laha
Alas sinco ng umaga nang magising si Calley kinabukasan. Maaga siyang natulog kagabi at dire-diretso; she felt so light this morning. Nilingon niya ang bahagyang nakabukas na bintana ng silid. Doon pumapasok ang malamig na simoy ng hangin.Napangiti siya.It was so nice to wake up in the morning feeling the ocean breeze and hearing the waves. Hindi niya maintinidhan kung bakit tila langit iyon sa kaniyang pandinig at pakiramdam. It was as if... her heart was in peace. It was as if... this place was home.She felt happy and protected. Kahit na... pansamantala lang.Ang totoo'y hindi niya gaanong naiisip ang sitwasyon niya habang naroon siya. Nalilibang siya kasama si Nelly, at parang hinahalukay ang
Salubong ang mga kilay na lumabas ng banyo si Calley nang may marinig na ingay mula sa ibaba. Ingay na tila kalabog na hindi niya maintindihan. Maliban pa roon ay may naririnig din siyang tinig ng babae na tila may tinatawag; she was calling Free Phillian's name.Mabilis siyang nagsuot ng damit. Alam niyang wala si Nelly sa bahay, naroon ito sa beach house ng pamilya Zodiac upang hintayin ang pagdating ng ina ni Phillian. Ang alam niya'y hindi pa umuuwi ang lalaki magmula pa kagabi; ayon kay Nelly ay doon ito didiretso sa bahay ng pamilya pag-uwi nito mula sa pagpalaot upang doon na salubungin ang ina. Hindi niya alam kung saan iyon, pero ayon kay Nelly ay ilang minutong lakad lang ang family beach house mula sa bahay na iyon ni Phil.Basa pa ang kaniyang buhok kaya dinala niya ang isang tuyong tuwalya sa kan
Nakangiting hinatid ng tingin ni Calley ang sasakyan ni Lee Benedict paalis. Alas sinco na ng hapon nang umalis sa beach house ni Phillian ang mag-ina. Ayon kay Felicia ay didiretso na ang mga ito sa bahay ng panganay na anak na si Quaro. Mananatili raw ito roon ng ilang araw dahil kailangan ng assistance ng daughter in law nito.Doon lang niya nalaman kung sino ang Kirsten at Quaro na paulit-ulit niyang narinig sa mga ito.She couldn't help but like the old woman; she was a joyful one. Hindi niya pagtatakhan kung lahat ng mga anak nito'y malapit dito. Felicia Zodiac was the kindest soul she had ever met her whole life."Pasensya ka na sa mga sinabi ni Mama kanina; she likes matchmakings; sana hindi ka nailang."
"Iyan ang silong?" tanong ni Calley kay Nelly nang marating nila ang tabing dagat kung saan naroon ang sinasabi nitong silong na kinaroroonan ni Phillian sa mga sandaling iyon.It was only eight in the morning, at maaga siyang niyaya ni Nelly na bumaba sa beach para dalhin ang almusal ng mga mangingisdang nagta-trabaho para kay Phillian. Bitbit ang dalawang malaking termos na may lamang barakong kape ay nauna si Nelly sa paglalakad. Siya naman ang may dala ng isang bayong na puno ng iba't ibang klase ng tinapay; mainit-init pa.Ayon kay Nelly ay araw-araw nito iyong ginagawa nang mas maagang oras; sa araw na iyon daw ay nahuli ang delivery ng tinapay kaya tanghali nang bumaba. At dahil nagmamadali ito'y nagpatulong na sa kaniya.
"Ano'ng gusto mong tanghalian mamaya, Caty? Maraming malalaking hipon na nakuha ang dalawang bangka at nagsabi siSerPhill na mag-uwi ako ng ilan. Gusto mo ba ng sinigang na hipon?" Mula sa pagtampisaw sa dagat ay nilingon ni Calley si Nelly na biglang lumapit sa kaniya. Bitbit na nito sa dalawang kamay ang wala nang lamang mga termos na pinag-sidlan ng kape kanina. Ningitian niya ito. "Siningang na hipon soundsdelish. Let's do that." She was a seafood person; she preferred it than red meat, kaya hindi
"Dinner isserb,Ser!" masiglang salubong ni Nelly nang pumasok si Phill sa dining area. Tamang-tama na ini-lapag nito ang malaking plate kung saan naroon ang mga baked seashells sa ibabaw ng mesa nang sumulpot ang amo.Si Phill ay tahimik na lumapit sa mesa, ang mga mata'y nasa mga pagkaing nasa ibabaw niyon. Maliban sa baked seashells ay mayroon ding marinara pasta at freshly baked garlic bread. Hindi ito kumain ng pananghalian dahil nang makauwi'y kaagad nang nagpahinga sa silid, kaya nang makita ang masarap na hapunan sa ibabaw ng mesa ay nakaramdam kaagad ito ng pagkalam sa sikmura."Amoy pa lang masarap na, ano,Ser?" pukaw ni Nelly rito. "Ang galing ni Caty magluto, nahirapan akong sundan kaya ginawan niya ako ng listaha
"Don't worry, hindi ito appendicitis. This is just indigestion, pero kailangan pa rin niyang sumailalim sa mga laboratory tests to confirm," pahayag ni Calley matapos tingnan ang lagay ng pitong taong gulang na si Maricale; anak ng isa sa mga mangingisdang nagta-trabahao para kay Phillian.Ang mag-asawang Boy at Minda ay nakaantabay sa likuran niya habang sinusuri niya ang lagay ni Mari. Unang sinabi ni Minda sa kaniya na nag-aalala itong baka appendecitis ang dinaramdam ng anak kaya namimilipit sa sakit ng tiyan. Makalipas ang ilang minutong pagsusuri at nalaman niya kung ano ang kalagayan ng bata."Could you hand me a pen and a piece of paper please? Isusulat ko ang mga gamot na kailangang bilhin para mawala ang sakit sa tiyan niya at matigil ang pagsusuka, pati na ang lagnat," aniya nang muling harapin ang mag-asawa. "Bukas ng umaga, kapag bukas na ang port ay kailangan siyang dalhin sa ospital for urine and stool tests. Sa ngayon ay h'wag kayong mag-alala, she will be f