Share

KABANATA 13

KABANATA 13

Tumango lang silang tatlo at nagkwentuhan na kami. Kahit may part sa akin na malungkot parin dahil sa panaginip ko, I still feel the love from them. Kahit wala sila Zach at Mom, I felt like I'm still complete. 

Hindi na namin napansin ang oras at hindi kalaunan ay tinawag kami ni Tiya Brenda na kumain. Nagulat kami dahil ngayon lang nila kami niyaya dahil kadalasan ay kami-kami lang din ang magkasamang kumakain. 

Si Tiya Brenda ang kanang kamay ni Donya Allura ayun sa sinabi sa akin ni Spruce. Sinamahan niya kami na para sumabay na kami sa kanila na kumain dahil magkakaron daw ng pagpupulong pagkatapos. 

Habang naglalakad kami papunta sa loob ay napansin ko ang mga matang nakatingin sa amin. I was confuse kaya kumunot ang noo ko, pagpasok palang namin sa pinto sinalubong na agad kami ng dalawang magagandang babae na malapad ang ngiti na nakatingin sa amin. 

"Magandang tanghali sa inyo, hinihintay na kayo ni Donya Allura sa hapag." saad ng isa at napansin ko na nakatingin siya kay Spruce.

"Dito po" saad naman ng isa pang babae. 

Bahagyang huminto si Tiya Brenda kaya napahinto din kami. Ma-autoridad  siyang lumingon at nakita ko ang nakakatakot niyang tingin sa dalawang babae kaya bigla namang yumuko ang dalawa. Nanlilisik ang mata nito na parang may mali sa sinabi ng babae. 

"Iniinsulto nyo ba ako, Ija?", madiin niyang saad niya at binalingan ang dalawang babae. 

Hindi ko naman naintindhan kung bakit niya yun sinabi e bumati lang naman ang dalawa.

Yumuko lang ang isa samantalang ang isang babae naman ay umangat ng tingin, tumingin ulit siya kay Spruce bago binalingan si Tiya Brenda.

"Paumanhin ngunit hindi ko alam ang inyong ibig na sabihin sa pagkat sa aking palagay wala naman kaming ginawang masama bukod sa pagbati sa inyo na parti ng aming trabaho." matapang niyang saad at nakita ko ang gulat na reaksyon ni Tiya Brenda.

Mabilis na siniko siya ng kasama niya dahil sa ginawa niya pero hindi niya nito pinansin.

Umismid si Tiya Brenda at halata ng frustration sa mukha niya. "Hindi niyo ba nakitang kasama nila ako? Bakit kinakailangan niyo pang ituro ang daan, anong silbi ko dito kung ganun?" 

"Paumanhin, Tiya" saad nilang dalawa. 

Hindi nagsalita si Tiya Brenda at marahas na hinigit ang scarf mula sa leeg ng babae bago padabog na tinapon sa mukha nito.

"STUPIDA!" saad ni Tiya Brenda bago tinaas ang hawak na pamaypay at pinaypayan

ang sarili sabay chin up na halatang inis. 

I saw Tiya Brenda rolled her eyes towards them bago siya nagpatuloy sa paglalakad. 

Nilingon ko ang dalawa at ngumiti sila sabay yuko. Dahil mabait ako, I smiled back to them and I pat their shoulders. Nakikita ko ang hiya sa mga mata nila dahil sa nangyari.

Spruce also do what I did, ngumiti din siya sa dalawa at tinapik sila sa balikat. Yumuko din si Spruce para kunin ang nalaglag na scraf at binigay sa babae bago naunang naglakad. 

Nakita kong ang pagpigil ng isang babae sa sarili na ngumiti. Kanina ko pa nahahalatang nakatitig siya Kay Spruce. 

Nagpatuloy nalang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang hapag at bawat tao na nadadaanan namin binabati ako.

"Magandang umaga binibini."

"Hi po ate Brazinn, napakatapang mo po."

"Magandang umaga Brazinn, isa kang bayani." 

Habang naglalakad ako, hindi maalis-alis sa bibig ko ang ngiti dahil sa mga papuri na nakukuha ko mula sa mga tao. Hindi ko talaga inaasahan na makikilala nila akong lahat bilang matapang na bayani na nagligtas ng isang tao mula sa kamatayan.

Nang marating namin ang hapag ay naabutan namin ang dalawang matanda na naka-upo.  Sa dulng bahagi naman ng mesa ay nakaupo ang isang matandang lalaki na nagpangiti akin, he's smiling from ear to ear as if he saw something that made his day. He's the old man I helped. 

Nakahanda na ang mga pagkain sa mesa. I roam my eyes around, namangha ako sa paligid dahil sa ganda nito. I mean I'm totally new with this kind of place because I'm always staying in the hotel and it actually look this one. 

Sobrang ganda at well organized nito na halatang antique ang mga gamit maging ang mesa at ang mga upuan na gawa sa kahoy. 

"Hmm, pakiusap maupo na muna kayo" 

Bumalik ako sa realidad nang marinig ang bosis ng matandang babae na nakatingin lang sa amin ngayon. Ang mukha niya ay maaliwalas at pakiramdam ko ay mait siya kompara Kay Tiya Brenda. 

Tumayo siya, gayon din ang matandang lalaking nasa tabi niya. Ngayon ko lang na-realize na wala palang ni isa sa amin ang umupo kaya sila na ang tumayo at lumapit sa amin. 

"Ija, ako nga pala si Allura at ito naman ang aking mahal na asawa, si Loathur" saad nito at nilahad ang kamay sa akin. 

Hindi ako masyadong sanay sa ganito klaseng sitwasyon, everyone's so serious and I can sense the awkwardness. 

Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ng kamay niya at nagmano, gayun din sa asawa nito na si Ginoong Loathur.

"Ikinagagalak ko na makilala ka at magkaroon ng pagkakataon na makausap ka" dagdag pa nito kaya ngumiti ako at yumuko.

"Labis-labis na kasiyan na makilala ko po kayo, ako po pala si Brazinn at ito ang aking mga kaibigan na si Avierry, Cazsey at Spruce"

Isa-isa din silang nag mano sa dalawang matanda. 

"Higit ako na nagpapasalamat sayo sa pagligtas sa buhay ng aking kapatid ni si Alberto—Alberto kapatid hali ka dito at ipapakilala kita sa kanila”, saad ni Ginang Allura. 

Sinundan ko ng tingin ang tinutukoy ni Ginang Allura at napangiti ako, ang mukha niya ay nababalot ng galak. 

Naalala ko bigla kung paano siya umiyak at nanginig sa harapan ko dahil sa takot. 

He's appearance suits him. Napangiti ako dahil sa pumasok sa isip ko, I can feel the presence of my Grandfather whenever I see him, they're almost the same. 

“Brazinn Ija, siya ang aking mahal na kapatid na si Alberto... siguro naman ay na-aalala ko pa siya sa pagkat ikaw ang rason kung bakit pa siya namin nakasa ulit” 

Nakangiting saad ni Ginang Allura at makikita sa mga mata nito ang galak at saya habang sinasabi niya ang mga salitang iyun.

Hindi ko na hinintay na magsalita si Tatay at inabot ko ang kamay niya at saka nagmano dito. 

"Kinagagalak kong masilayang muli ang aking tagapagligtas. Alam kong ang salitang salamat ay hindi sapat upang pasalamatan ka sa ginawa mong sakripisyo upang maligtas ako"

Humakbang siya palapit sa akin na may mga ngiti sa labi. I bowed my head to show my gratitude and appreciation towards them.

"Hindi niyo po kailangang magpasalamat. Nakikita ko sa mga mata niyo ang pagiging mabuting tao at alam kong karapat-dapat kayong nabigyan ng pagkakataong mabuhay pa ng matagal"

"Ano man ang hilingin mo ay ibibigay ko hanggang sa makakaya, habang buhay kong tatanawin na utang na loob ang pagligtas mo sa akin" he sincerely said and held my hand. 

Dahil sa sinabi niya ngumiti ako at umiling. 

"Ang pagtulong sa kapwa ay walang hinihinging kapalit sapagka't ito ay kusang loob at hindi hinihiling. Ang makita kayong nabubuhay at masaya ngayon ay totoong isang malaking kaluguran sa akin" seryuso kong saad.

Alam kong kailangan kong makaalis sa lugar na 'to at makabalik sa totoong mundo kung saan naghihintay ang pamilya ko.

Alam kong isang malaking opportunity ang alok nya kung sakali man na matulungan nila kami na makaalis dito. But I won't take advantage of anyone especially to someone I helped voluntarily. 

Just so I know, I'm here for a reason. 

Ngumiti siya at huminga ng malalim bago nagsalita ulit. 

"Isa kang malaking regalo na natanggap naming lahat mula sa langit. Ang iyong kabaitan ay nagdala ng pag-asa sa akin, isa kang maganda at mabait na bata at isa iyong kayamanan na kailan man ay hindi mananakaw" dagdag pa nito. 

I truly appreciate those compliments from him and he's a real life good person. 

Hindi na ako nakapagsalita at sa ngumiti nalang ako sa kaniya. This one is kinda intimidating for me, masyado nang naging malalim at seryuso ang usapan namin.

Bigla kong na-alala na kasama ko pala sila Spruce, Avierry at Cazsey na kanina pang nakatayo sa likod namin. 

Ilang sandali pa ay nanaig ang katahimikan sa buong paligid. 

"Hali na muna kayo at kumain tayo, ito lang ang naisip naming paraan nang sa ganun at maipakita namin ang aming pagkilala ng utang ng loob sa inyo" saad ni Tatay Alberto at nagsimulang maglakad patungo sa isang upuan na nasa harap ng mesa. 

"Alam Kong nagugutom na kayo kaya huwag na kayo mahiya, maupo kayo mga anak", saad naman ni Ginang Allura sabay lahad ng kamay niya sa amin. 

“Sige po Ginang Allura, maraming salamat”

Dahil hindi agad ako nakasagot ay biglang sumabad ni Spruce.

Pinaghilaan ako ng upuan ni Spruce kaya dahan-dahan akong umupo sa upuan na  inalok niya sa akin bago siya naglakad papunta sa kabilang bahagi ng mesa.

Kaming tatlo ni Avierry at Cazsey ay nakaupo ngayon sa kanang bahagi ng mesa habang si Spruce ay tumabi kay Tatay Alberto.

Si Ginang Allura naman ay nasa dulong bahagi ng mesa at sa kabilang dulo naman ay si Ginoong Loathur.

While besitting, I roam my eyes around. Maganda dito at halatang luma na ang mga gamit, mostly looks like antique. 

Habang nagmamasid ay naramdaman kong may nakatingin sa akin. Bigla akong lumingon and there I saw Spruce looking at me intently.

Kumunot ang noo ko dahil sa ginagawa niya pero bigla siyang ngumiti sa akin. Hindi ko alam pero parang wala lang sa kanya na nakita ko siyang nakatingin sa akin.

Ilang besis ko na ri'ng nakikitang tinititigan niya ako kapag nalilingat ako. 

Then he mouthed “okay ka lang?” 

Kaya ngumiti nalang din ako at tumango bago binalingan ang pagkain na nasa harap namin. 

Maraming pagkain ang nakahain sa hapag na halos mapuno na mesa at ang natitirang space nalang ay para sa mga plato namin.

“Ano nga pala ang pinagkakaabalahan ninyo ngayon?"

Biglang binasag ni Ginang Allura ang katahimikan dahil sa tanong niya. 

Hindi ako sumagot at pinagpatuloy ang pagnguya ng ng kinakain ko. I don't like talking while I'm eating. 

“Hmm ako, tinutulungan po namin si Brazinn na manghuli ng Ligaw na hayo sa gubat para sa alaga ni Fetisha" saad ni Spruce na tinigil muna ang pagkain. 

“Ganun ba Ijo? Hmm kayong dalawa? Anong pinagkakaabalahan niyo ngayon? Masyado yata kayong tahimik at mula kanina ay hindi ko pa narinig ang mga bosis ninyo" nagtatakang tanong ni Ginang Allura habang mahinhin na pinupunasan ang gilid ng bibig niya. 

Tumingin ako kay Avierry at Cazsey na parang nagulat dahil sa tanong ni Ginang Allura. 

Napangiti ako dahil sa reaksyon ni Avierry, biglang namula ang mukha nito habang si Cazsey naman ay Chill lang na nakatingin kay Ginang Allura. 

"Ganun lang din po, tinutulungan namin si Brazinn na manghuli ng Ligaw na hayop sa gubat" saad ni Avierry na may laman pa ang bibig. 

Tumango si Ginang Allura at ngumiti bago binalingan si Cazsey.

"Ikaw?"

Hindi na ako nag-abalang tignan si Cazsey at nagpatuloy sa pagkain. 

"Ang tangi naming pinagkakaabalahan ngayon ay ang pagtulong kay Brazinn, sa katunayan sinimulan namin kanina at may nahuli kami'ng isang baboy Ramo sa gubat", mahabang litanya ni Cazsey. 

Nakita kong tinaas ni Ginang Allura kamay niya sa eri kaya nag-angat ako ng tingin para tignan siya. 

“Marahil ay nahihirapan kayong manghuli ng ligaw na hayop dahil sa panahong ito, marami ang nangangailangan ng karne ng ligaw na hayop na ipapakain sa mga alaga nilang Sigbin kagaya si Fetisha, panahon kasi ngayon ng mga Sigbin at nangangailangan sila ng maraming pagkain" pagsisimula nito. 

Biglang napukaw ang atensyon ko dahil sa sinabi niya. She knows about that? 

"Paano niyo po nalaman na ngayon ang panahon ng mga Sigbin?"

Hindi ko namalayan ang sarili ko at bigla akong nagsalita. 

“Paano mo nalaman ang tungkol sa Sigbin Ija, diba bago ka lang dito?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status