"When you truly care for someone, their mistakes never change your feelings, because it's the mind that gets angry but the heart still cares."
LIMANG buwan na ang nakakalipas magmula nung magtrabaho si Andrew sa isang restaurant. Habang nag-aaral naman ang nobya nitong si Mara sa unibersidad ng kolehiyo.
Lingid sa kaalaman ng dalaga na hindi tumuloy ang nobyo nito sa pag-aaral dahil sa biglaang pangyayari sa kaniyang pamilya. Wala siyang kaalam-alam na araw-araw itong kumakyod sa pagtatrabaho at sinuko na rin niya ang sarili pangarap upang matustusan lamang ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Subalit, ang lahat ng lihim o sikreto ay mayroong hangganan.
Naglalakad-lakad si Mara ng araw na iyon, kasama ang mga bago niyang kaibigan at kaklase. Kabilang na roon sina Roy at Ethan na napalapit na rin sa kanila.
"Hoy, Roy! ano, saan mo ba kami ililibre?"
(SA RESTAURANT)Habang isa-isang inilalapag ng mga service crews ang mga inorder nila sa lamesa ay hindi naman maalis ang tingin ni Ethan sa dalagang katabi niya na si Mara.Ang sarap talaga niyang pagmasdan. Hindi siya nakakasawang titigan. Bulong nito sa kaniyang isipan. Saglit namang napalingon ang dalaga sa kaniya at nagtama ang mga tinginan nila sa isa't isa.Nagulat naman si Ethan at mabilis siyang iniwasan ng tingin."Hi, salamat! makakain na rin tayo." Ani ni Roy at saka nilantakan ang pastang nasa harapan niya.Nagsimula na rin kumain sina Mara, habang ninanamnam ang pagkaing inorder nila."Wow! ang sarap nitong carbonara nila!" namamanghang saa
Sometimes we create a walls around ourselves, not to keep people out but to see who cares enough to break them down." ***Mara's POVPagkauwi ni Mara sa kanilang bahay ay nadatnan na lamang niyang nakakalat ang mga gamit nila sa kung saan-saan na lang.May damit na nakasabit sa electric fan, may medyas sa nakakalat sa sahig, pares ng sapatos na nasa likuran ng pintuan pati sa ilalim ng lamesa, mga librong nakalatag sa lamesa at mga huhugasing plato na naghihintay na mahugasan sa lababo.&nbs
Pagkatapos makita ni Mara ang flyer ng restaurant na pinuntahan nila nuon ay kaagad siyang nagbihis at nagtungo sa nasabing lugar.Bawat paghakbang ay bawat pagbigat ng kaniyang dibdib at kabang nadarama.Halos hindi siya mapakali at natutuliro siyang malaman ang katotohanan sa likod ng paglilihim sa kaniya ng nobyo niyang si Andrew.Pagkasakay pa lamang niya ng jeep ay balisang-balisa na siya at panay ang pagtingin sa bawat paligid na kanila madaraanan."Bayad po." Ani ng isang pasaherong kasabayan l
Nagkukumahog na pumasok sa loob ng bahay si Andrew, nagtungo din siya kaagad sa kwarto ng kaniyang nobya subalit wala siyang nahagilap.Basang-basa ang buong niyang katawan nang dahil sa malakas na ulan. Maging ang suot nitong sapatos ay napasukan ng tubig sa loob.Apurahan kasi siyang tumakbo palabas ng restaurant upang madatnan lamang ang dalaga at makapagpaliwanag siya bago pa man lumubha ang hindi pagkakaunawaan nilang dalawa.Halos napaupo na lamang siya sa sahig at napabuga ng malalim na paghinga. Ramdam niya ang pag-agam agam sa kaniyang dibdib at lubos na pag-aalala sa kaniya.
Apurahang isinugod sa hospital si Andrew. Panay naman ang pagtulo ng luha sa mga mata ng dalaga habang inaalalayan siya ni Ethan sa braso."Mara, uminahon ka lang. Magiging maayos rin ang kalagayan niya." Mahinang isinaad niya sa dalaga sabay ipinatong ang kaniyang ulo sa dibdib ng binata. Tila nabigla naman si Ethan at bumilog ang kaniyang mata. Napakapit na lang siya ng mahigpit sa long sleeves jacket nitong suot.Nanigas siya na parang batong nakatayo lang roon at napalunok ng malalim sa laway niya."Mara, ta- tahan na. Huwag ka ng umiyak." Mautal niyang sambit, habang pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng kaniyang puso."Kasalanan ko 'tong lahat. Kung nakinig lang sana ako sa kaniya, hindi ito mangyayari sa kaniya ngayon." Mabigat siyang napahikbi at napayuko na lamang
Bumuti na ang kalagaya ni Andrew. Kalaunan ay nakalabas na rin siya ng hospital at nakauwi sa bahay nila. Ngunit hindi muna sila dumeretso sa bahay nila ng ni Mara, kun'di sa tahanan na kaniyang kinagisnan, kung saan siya lumaki at tumira kasama ang kaniyang mga magulang. Kasa-kasama pa rin niya ang nobya at magkahawak kamay silang tumuloy sa loob.Mula sa pintuan ay dama na ng dalaga ang sobrang kaba sa kaniyang dibdib na makita at masilayan ang kalagayan ng ama ni Andrew.Huminto siya sandali sa tapat ng pintuan, kung kaya't napalingon at napatingin ang binata sa kaniya."Mara, okay ka lang?" usisa niya nang mapansin niyang nag-aalinlangan itong pumasok sa loob."Hindi ko alam pero kinakabahan ako." Mahina naman niyang itinugo sa binata at siyaka
"Anong sinabi mo? dito tayong dalawa matutulog sa loob ng kwarto mo?!" halos nanlaki ang mga mata ni Mara sa gulat nang sabihin sa kaniya ni Andrew, na magkatabi silang matutulog ngayong gabi sa iisang kwarto.Napagdesisyunan kasi nilang dalawa na manunuluyan muna sila sa bahay ng magulang nito sa loob ng dalawang linggo. Subalit, hindi naman inaakala ng dalaga na magkasama pala silang matutulog sa dating kwarto nito.Hindi gaano kalakihan ang kama niya. Sakto lamang para sa iisang tao. Kung kaya't nangangamba rin ang dalaga, kung papaano siya makakatulog na katabi ito sa kama."Bakit? ano nam
(Sa Canteen)"Uy, Mara. Ayos ka lang ba? kanina ka pa nakatulala diyan ha?" tanong ni Rose sa kaniya nang mapansin niyang para wala itong ganang kumain at nakatitig lang sa hamburger na hawak niya."Ayaw mo ba niyan? sa akin na lang kung ayaw mo." Pagbibirong sabi naman ni Roy sa kaniya at kinukuha ang hawak na pagkain pero kaagad siyang pinigilan ni Ethan, sabay pinalo ito sa kamay.Napatingin lang siya sa kaibigan niya at muling kumagat ng hamburger."May iba ka pa bang gustong kainin bukod dito?" malumanay na tanong ni Ethan kay Mara.