Share

Chapter 7

Chapter 7

Bank account. Magkakaroon na ako ng bank account! Hooray! Ang saya ko! Gusto kong magtatalon sa sobrang saya. 

Tuturuan daw ako ni Ma’am Marta kung paano magdeposit ng pera at kung paano rin ito i-withdraw. Ang saya ko dahil ang sosyalin ng pagtataguan ng pera ko--- nakabangko ang pera ko. O di ba? Feeling ko ang yaman ko na dahil nasa bangko nakatago ang pera ko. 

“La… la… la… la…” Napapakanta na lang ako sa sobrang saya. Walang mapaglagyan ang kasayahan ko ngayon.

“I can say that you’re happy,” sabi naman ng kasama ko ngayong naglalakad. Nilingon ko sya at nasa harap lang ang pansin niya habang ginagalaw pakaliwa’t pakanan ang baston na hawak niya. Si Señorito itong kasama ko. Nagpaalam kasi siya kanina, nang matapos na kaming mag-usap ni Señora, na gusto niyang mamasyal sa paligid. Kaya heto kami, naglalakad ng magkasabay habang may nakataling ribbon sa isa niyang kamay na nakakonekta naman sa isa ko ring kamay. Bawal daw siyang hawakan e kaya ito na lang ang ginawa ko para maalalayan sya.

“Wag ka ngang puro English. Haluan mo naman ng Tagalog,” reklamo ko sa kanya at ibinalik na ang pansin sa nilalakaran namin.

“Oh! I’m sorry. I forgot!...” nakangiti pa siya habang nagsasalita. Malamang na pinagtatawanan ako nito sa isip niya dahil ang hina ko sa English. Hindi naman sa hindi ako makaintindi at hindi ako marunong magsalita, sadyang nauubusan ako ng sasabihin kapag English na ang gagamitin kong lingwahe. “Shaya ka ngayon.”

“Pfft!” Hindi dapat ako matawa pero hindi ko maiwasan. Nakakatawa kasi siyang magTagalog e. “MagtaTagalog ka na, ang cute mong mag-Tagalog e.” Pareho lang pala kaming dalawa; ako ay magaling mag-Tagalog pero mahina sa English samantalang siya naman ay magaling sa English pero baruk naman mag-Tagalog.

“Thalaga? Shige. Perow, ikaw kashi tawa naman kapag nagsabi akow ng Tagalog.”

“Bwahahaha!” Hindi ko na mapigilan ang tawa ko. Suskolord! Patawarin mo po ako! Bakit ang cute ni Señorito kapag nag-Tagalog. 

“It’s not funny!” Ops! Naiinis na sya, ramdam ko na ang itim na aura na nakapalibot sa kanya. Okay, stop na ako sa pagtawa. “I can’t speak Tagalog fluently, but you see I tried hard,” iwas tingin niyang sabi. Eee… nahihiya ba siya sa akin? Nakanguso pa kasi siya habang nagsasalita. Kahit hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya ay alam kong naiinis siya at bilang nahiya. Ang dali lang basahin ng reaksyon ng mukha nya e.

“Gusto mo turuan kitang mag-Tagalog?” presenta ko.

“Really?” Tumigil siya sa paglalakad at tumingin sya sa gawi ko kaya nakita ko ang magaganda niyang mga mata. Ang ganda talagang tingnan ang kulay green niyang mga mata. Kainis! “Sure!” Masaya siyang umang-ayon sa sinabi ko. Ipinagpatuloy namin ang paglalakad ng walang patunguhan, basta naglalakad lang.

“Sige.” Excited na ako! Ano kaya ang ituturo ko sa kanya? Hmmm… Hindi naman naman siguro mahirap turuan si Señorito dahil, napansin ko na, marami na rin siyang alam na salitang Tagalog. Hindi nya lang alam kung paano pagdugtung-dugtungin ang bawat salita. Puro rin root word ang gamit nya at hindi niya alam ang mga panlapi na dapat gamitin. Shocks! Pwedi na ba ako magFilipino major sa education? Hindi ah, sadyang paborito ko lang ang subject na Filipino kahit na mababa magbigay ng grade si Ma’am.

  Kaya habang naglalakad kami e tinuturuan ko sya at ipinagsasalita ko rin siya para malaman ko kung tama ba ang pagdugtong-dugtong nya ng mga salita. Hanggang sa siya na ang sumuko.

“Can we continue it some other time. I… My brain can’t process all of it,” reklamo niya at napasabunot sa buhot niya. Masakit ba ang ulo niya? Naku po! Naulit mna naman ba ang kagaya ng dati? Nandito pa naman kami uli sa fountain kung saan kami unang nagkita. Nakaupo kami dito habang nag-uusap.

“Okay ko lang?” Baka masama ang pakiramdam nya at kung mapano na naman siya.

Umayos siya ng upo at nasa malayo pa rin ang tingin. “I’m fine.”

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. “Señorito, alam mo… Ilang araw na tayong magkasama… At … alam mo… medyo close na rin tayo…”

“So, what do you want?”

“Kasi hindi ko pa alam ang pangalan mo.” Di ba? Ilang beses na kaming magkasama at magkakausap pero hindi ko pa talaga kilala kung ano ba ang pangalan niya.

“Adolfo.”

“Adolfo?” kumpirma ko. “Iyon lang? Buong pangalan ang gusto kong malaman.”

“Adolfo Meyer Marquez, III (the third).”

“Bakit may the third pa?”

“Because I’m the third one whose name is Adolfo Marquez.”

“Ha?” Hindi ko masyadong maintindihan. “Paki ulit, please! At itagalog mo na rin, please.”

Ngumiti lang siya dahil sa naging request ko. “Tatlo kasi kaming may pangalang Adolfo Marquez sa family namin. First, si lolo; then, si Papa; lastly, ako.”

“Ayst!”Iyon ba ang dahilan kung bakit sya tinatawag ni Señora na Tres? “Wala na ba silang maisip na ipangalan sa iyo? Bakit kailangang isunod sa lolo mo kung pwedi naman na magkaroon ka ng sariling pangalan. Hayst! Ikaw ha! Kapag nagkaanak ka huwag mo ng e the fourth!”

Tumawa lang sya ng malakas dahil sa pinagsasabi ko. Aba! Lakas na ng loob nyang tawanan ako e seryoso ako sa sinasabi ko. 

“Hoy! Hindi ako nagbibiro. Adolfo Marquez, III!” 

Tumigil sya sa pagtawa nya at tumingin na naman sa akin. Bakit ba kasi ang ganda ng mata nya? 

“Aye! Aye! Ma’am. I get it!” Sumaludo rin sya habang nagsasalita.

“Bakit hindi ka na nagsasalita ng Tagalog e tinuruan na kita ngayon lang? Magtagalog ka! Nasayang laway ko kung hindi mo gagamitin ngayon ang itinuro ko sa iyo.”

“I can’t speak fully Tagalog,”pag-amin niya.

“Edi mag-Taglish ka.”

“Huh? What’s that?”

“Taglish ay Tagalog na may English na halo.”

“Ow! Okay! That’s what I will do na lang.”

Pambihira naman, oo! Hindi ko maiwasang mapakamot sa batok ko. “Ang sabi ko Tagalog na may halong English, hindi English na may Tagalog. E ‘na lang’ lang ang Tagalog sa sinabi mo e.”

Pero itong lalaking ito tinawanan na lang uli ako. Ayos talaga tong lalaking ito e, ano? Batukan ko kaya para seryosohin nya naman ako kahit papaano. Pero, huwag na lang, baka mawalan pa ako ng trabaho.

“You sounds cute!” sabi niya na natatawa pa rin. Pero, ano ito? Nang-iinit ang pisngi ko sa sinabi niya. Naiinis ba ako? Pero hindi naman. Sumeryoso naman siyang nakatingin sa akin. “I want to see you, Reme. Gusto kita makita.” 

Gulp! Kinabahan ako sa mga pinagsasabi ng lalaking ito pero may kaunting saya ako nadarama. Gusto nya makakita dahil gusto nya akong makita. Nang dahil sa akin. 

“Papalita mo ang mga mata mo para makakita ka na. Pwedi naman iyon di ba? Papalita mo para makita mo na ang kagandahan ko.”

“I know…” nakangiti niyang sabi. 

Pero anong pinagsasabi niya? “Anong ‘I know’?”

“Na maganda ka.”

“Bolero! Hindi mo pa nga ako nakikita e.”

“You says na maganda ka.”

“Syempre! Kailangan na ang number one fans ng kagandahan mo ay ang sarili mo.”

“Yeah! Right!”

 Tumawa naman kaming pareho dahil sa pinag-uusapan namin. Sana parati na lang kaming ganito at wala ng magbago.

“Hawakan mo ako.”

Tama ba ang pagkakarinig ko, Gusto nyang hawakan ko sya? “Ha? Pwedi mo bang ulitin ang sinabi mo.”

“Hawakan mo ako.” Tama nga ang nadinig ko. “Dito,” sabi niya at inangat ang kamay niya. Gusto nyang hawakan ko sya sa kamay nya? 

“Nagbibiro ka ba?” Hindi ba nya naiisip kung anong pweding mangyari sa kanya kapag ginawa nya yon.

“Nope! I’m serious about it. Please!” sumamo niya. Pero kasi e, last time na hinawakan ko sya hinimatay pa sya.

“Baka kasi kung anong mangyari sa iyo e. Natatakot ako… Natatakot ako para sayo.”

“Please! Gusto kong malabanan ang fear ko. Ayaw ko nang matakot. Tulungan mo ako, Reme.”

“Sige!” Baliw ka na Remilia Alvarez. Bakit ka pumayag? Pero gusto ko kasi siyang tulungan e. Gusto kong makatulong. “Sabihin mo lang kung masama ang pakiramdam mo ha.” Tumango lang siya bilang sagot. Inunti-unti ko ang paghawak sa kamay niya. Sinimulan ko sa mga daliri niya saka unti-unti kong pinagsiklop ang mga kamay naming may tali. “Ano? Kamusta ang pakiramdam mo? Ayos lang ba?”

“Rough! Your hand is rough.” 

“Huh?”

“Gaspang ang kamay mo.”

“Ahh… Magaspang.”

“Okay! Magaspang it is.” Magaspang talaga ang mga kamay ko dahil puno ng kalyo. Mas magaspang pa sa papel de lija. Ang kamay nya nga e para cotton sa sobrang lambot.

“Syempre naman! Masipag ako e.” Ang dami ko kasing trabahong tinatapos bawat araw.

“Yeah! I know that.”

“Alam mo…” Tiningnan ko ang kamay naming nakasiklop. “Masaya ako ngayon,” pag-amin ko. Hindi ko rin alam kung bakit ako masaya basta masaya ako.

“Me too.” Nabaling ang pansin ko sa kanya. Nasa malayo lang ang tingin niya kaya kita ko ang porma ng matangos niyang ilong. “Masaya rin ako,” nakangiti niyang sabi. 

Pero hindi ko inaasahan ng bigla siyang sumuray-surap na parang inaantok at namumuo na rin ang mga butyl ng pawis sa noo niya.

“S-Señorito? Ayos ka lang ba?” Kinakabahan na ako. Ano na naman ang nangyayari sa kanya. Hinawakan ko siya sa kanyang balikat pero kitang-kita ko na naghihina na sya at masusubsob. Mabuti na lamang at nasalo ko sya kaagad ang kaso naman ay nasubsob ang tuhod ko at bahagya itong kumirot. Nakaluhod ako sa lapag habang nasa bisig ko sya at nahihirapang huminga. 

Naku! Tulong! Gusto kong mataranta pero hindi iyon makakatulong sa sitwasyon na ganito. Sinanay na ako si Ma’am Marta ng mga bagay kung ano ang gagawin kung sakaling mangyari uli ang ganito. 

Huminga muna akong malalim para mapakalma ang sarili ko. Inayos ko ang posisyon ni Señorito at isinandal siya sa inuupuan namin kanina, nasa lapag kasi kami. “S-Señorito, s-sandali lang. T-Tatawag ako ng tulong.” Nanginginig ang mga kamay ko at naghaharumintado ang puso ko sa kaba pero kailangan kong maging mahinahon sa ganitong sitwasyon. 

Ang radio. Oo, tama! Binigyan ako nito ni Ma’am para magamit sa mga ganitong sitwasyon.

“I-I can’t b-breath.” Nahihirapan na siyang magsalita at huminga. 

“S-Sandali lang S-Señorito.” Kinuha ko ang radio sa bulsa ng uniform ko at humingi ng tulong. “Humingi na ako ng tulong. Darating na sila.”

*****************************

“Care to tell me what was really happened?” tanong ni Señor na nagpakaba pa ng husto sa akin. Ang seryoso ng mukha niya at mukha rin siyang galit. Sinong hindi magagalit kung maulit uli ang ganoon sa mahal mong apo? Matatanggal na ba talaga ako nito sa trabaho?

Nandito kami ngayon sa sala habang ang mag-asawang Marquez ay nakaupo sa sofa--- Si Señor sa single sofa at si Señora naman ang nakaupo sa mahabang upuan; at kami namang mga katulong ay nakatayo sa harap nila. Hindi! Ako lang pala ang nakatayo sa harap nila dahil ang iba ay nakahelira sa may gilid lang.

Kinakabahan ako, mapapagalitan na talaga ako nito!

“Uno naman. Tinatakot mo ang bata,” saway ni Señora.

“Nagtatanong lang naman ako, Honey,” paliwanag ni Señor sa asawa.

“Ako ang kakausap sa bata, okay! Huwag kang sasabat dahil baka matakot sya sayo.”

“Honey naman e.”

“Shh!” Nakayuko lang kasi ako kaya hindi ko makita kung anong ginagawa ng dalawa. Ayaw ko silang tingnan. Nahihiya ako dahil hindi ko magawa-gawa ang pinakasimpleng trabahong bantayan si Señorito at nauli pa ito ngayon. “Anong nangyari, Reme? Pwedi mo bang sabihin,” malumanay na tanong ni Señora. Bakit sila mabait pa rin sa akin? Hindi ba sila galit dahil nang dahil sa akin e nagkaganoon na naman si Señorito? 

“Reme?” Hinawakan ni Señora ang balikat ko kaya napatingin ako sa kanya.

“S-Sorry po… Dahil n-nangyari na naman poi to. Hindi po sana ganito ang nangyari kung hindi ko pinayagan si Señorito na hawakan ako. Sorry po.”

“Sinabi ni Tres na hawakan mo sya?”

“Opo! Sinabi nya kasing gusto nyang malabanan ang takot niya kaya hinawakan ko sya. Gusto ko lang pong makatulong pero, mali po ako, mas napahamak pa po sya ng dahil sa akin. Kaya sorry po.”

“Sinabi nyang gusto nyang malabanan ang takot niya?”

Bakit ba parating inuulit ni Señora ang sinasabi ko? Hindi ba malinaw ang sinasabi ko? “Opo! Iyon po ang sinabi nya?”

Hindi na nagsalita pa ang mag-asawa at pinaalis na kami ng dumating na ang doctor.

Nag-aalala ako sa kalagayan ng Señorito. Paano kung lumala ang lagay nya? Ano na lang ang gagawin ko? Sana hindi ko na lang siya pinagbigyang hawakan ako edi hindi sana nangyari uli ang ganito.

“Hindi ko akalaing magpapahawak sayo ang Señorito,” basag ni Ate Linda sa pananahimik ko. Tahimik lang akong nagtatrabaho kasama siya at si Angkol Titoy. Pinuputol ni angkol ang mga sanga nito, si Ate Linda ang taga pulot at tagalagay ng sanga sa malaking basurahan at ako ang tagawalis ng mga dahon na nakakalat.

“Oo nga e. Kahit nga sa lolo at lola niya hindi sya nagpapahawak. Kaya nga nahihirapan kaming lahat rito sa pagbabantay sa kanya dahil ayaw nyang hinahawakan siya.” Agad na naagaw ang pansin ko sa mga sinabi ni angkol. Ano raw? Hindi nagpapahawak ang Señorito kahit sa Señor at sa Señora? Naalala ko ang layo nila sa isa’t isa habang nanonood ng TV, kaya ba ganoon?

“Baka gusto na nyang gumaling agad,” konklosyon ni Ate Linda. Nakikinig lang ako sa usapan ng dalawa.

“Malamang!”

“Sana nga maisipan rin ng Señorito na magpagamot para hindi na mahirapan ang dalawang matanda. Sobrang nag-aalala rin kasi sila para sa apo nila.”

“Syempre! Kahit nga tayo e nag-aalala sa kanya. Bakit ba kasi ayaw niyang ipagamot ang mga mata niya?”

Naalala ko ang pinag-usapan namin kanina. “Gusto nya talagang makakita.” Oo, iyon ang gusto niyang mangyari at gusto rin niyang gumaling.

“Sinabi nya yon?” sabay na tanong ng dalawa. Bakit? May nakakagulat ba sa tanong ko?

“Opo! Nag-usap kami kanina at iyon ang sinabi niya.”

“Siguradong masaya sina Señor at Señora dahil dito.” Masayang sabi ni ate

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status