"NAKAKAINIP!" bulalas ni Karadine sa kaniyang silid gayong wala siyang ibang choice kundi ang magmukmok sa k'warto. Ngayon na nalaman niyang magkakasabwat ang mag-iina ay mas lalong tumindi ang galit na nararamdaman niya para kina Tamara at Margaret. "Paano kaya ako makakaalis dito? Puno ng bantay sa labas, e," nawawalang pag-asang aniya. At dahil sa hindi niya na alam kung ano ba ang dapat na gawin dala nang pagkainip ay sandali niyang kinuha ang kaniyang lapis at sketch pad. Doo'y sinimulan niya muling iguhit ang mukha ni Yvo na talaga namang nami-miss niya na ngayon. Mahigit isang oras din ang iginugol niya sa pagguhit hanggang sa mapangiti siya nang matapos iyon. "Sigurado akong magugustuhan niya ito," wika pa niya sa sarili at nagawa pa niyang iyakap ang papel na iyon mula sa kaniyang dibdib.Ilang sandali lang ay natigilan siya nang makarinig ng malakas na sigaw. Hindi siya sigurado ngunit sa tingin niya ay boses iyon ni Margaret. Kaya naman sa labis na pagtataka ay sandali siya
NADATNANG umiinom ng wine drink si Tamara ng kaniyang ama. Malalim na ang gabi at tanging siya na lamang ang gising sa buong mansyon. Habang si Renato naman ay hindi pinapatulog ng isiping ibinigay ni Tamara. "Hindi tama na nag-iinom ka, Tamara. At saka malalim na ang gabi, dapat ay natutulog ka na.""Hindi ba't ako dapat ang magsabi sa'yo niyan, papa?" Bahagya pa siyang natawa. "Sa edad mong 'yan ay kinakailangan mo palagi ang sapat na pahinga, hindi kagaya ko na bata pa."Pinandilatan siya nito ng tingin. "O baka naman sadyang hindi ka lang makatulog dahil gusto mo akong kausapin," malakas na paninindigan pa niya sa sarili. "'Wag mo kong kausapin na para bang napakalakī ng utang na loob ko sa'yo. Dahil kung tutuusin, ikaw dapat ang tumatanaw no'n sa akin bilang iyong ama!" gigil ngunit kalmado pa ring pagkakasabi ni Renato sa anak. Nang sandaling iyon ay mabilis tinungga ni Tamara ang natitirang laman ng shot glass bago pa niya muling harapin ang ama. "Talaga ba, papa? Sa nangyari
"Saan ka nanggaling?" Natigilan siya sandali sa pagbungad na iyon ni Tamara nang magpasya sila pareho ni Yvo na bumalik sa pabrika. Pero dahil ayaw nilang makahalata ang lahat ng kanilang pagtatagpo ay sa magkaibang daan sila pumasok. Napansin niyang pinagmamasdan lamang ni Tamara ang kilos niya kaya hindi na siya nagdalawang isip pa na komprontahin ito. "At bakit? Kailangan bang i-report ko sa'yo palagi kung saan ako nagpupunta, ate? O baka naman humahanap ka na naman ng butas para siraan ulit ako kay papa?" Biglang natameme si Tamara. Pahiwatig lamang na tama ang mga akusasyon niya. Kapagkuwa'y humakbang ito palapit sa kaniya nang may pagngisi. "Sabihin na nating oo, dahil simula't sapul nang bumalik ka rito ay wala na akong tiwala sa mga ikinikilos mo." Bahagya rin siyang napangisi. "At kailangan ko pa bang patunayan ang sarili ko sa'yo, ate? At bakit? Sa tingin mo ba ay puchu-puchu lang ang mga ginagawa ko sa misyon para lang makuha ang buong tiwala ng mga Benitez? Ah, alam ko n
Makailang araw ang lumipas ay nalaman ni Tamara na inaapoy ng lagnat si Margaret. Sakto namang nadapo ang mga mata niya sa may bintana kung saan ay tila nahagip ng mga mata niya na may taong nagmamanman sa kanila."Hindi ka dapat nagkakasakit, Margaret, lalo na't buntis ka. Alagaan mo naman ang sarili mo." "E-ewan ko ba, ate, ilang araw na rin kasi akong walang maayos na tulog," pagkik'wento nito. "Ano? At bakit ka naman nagpupuyat? Lalong bawal sa'yo ang magpuyat!" may panenermong wika pa niya. At sa halip na sagutin siya nito ay napalihis lamang ito ng tingin. Wari ay malalim ang iniisip.Kasalukuyan niyang inaalagaan noon si Margaret dahil inaapoy ito ng lagnat, mabuti na lamang at pahinga niya ngayon sa trabaho. Sa dami na kasi ng gusot na idinulot niya sa mga plano ay minabuti na muna ng kaniyang ama na magpahinga na muna siya sa mansyon. Hindi naman niya maiwasang magkimkim ng galit at inis kay Karadine na siyang laging napupuri ng kanilang ama. Matapos niyang mahaplusan ng m
"Mukhang hindi na talaga natin mababago ang desisyon ni Mr. Benitez, Yvo," problemadong saad ni Karadine sa nobyo kinabukasan. Naroon sila ngayon sa opisina ng kaniyang ama kung saan ay pinagpaplanuhan pa rin nila ang susunod na aksyon matapos sirain ni Tamara ang kanilang plano. "'Di bale, gagawa na lang ako ng ibang paraan para magbago pa rin ang desisyon niya." "Ano namang gagawin mo? Sigurado ka bang hindi ka mapapahamak diyan?" Mahahalata ang pag-aalala sa winika niya. Kaya naman hindi naiwasang usisain siya nang panunukso nito. "Hindi ko alam kung saan ka ba talaga lubos na nag-aalala, Kara, sa plano ba ng grupo natin o sa akin?" Pasimple pa itong napakindat sa kaniya, dahilan para sandali siyang balutin ng kilig. Pero dahil ayaw nila parehong magpahalata na may espesyal na namamagitan sa kanila ay minabuti na muna niyang pakalmahin ang sarili. "Yvo, natural na mag-alala ako sa'yo." Bahagya pa siyang lumapit dito upang bumulong, "Nobyo kita, e." At saka naman agad na dumistan
KATULAD NANG nakasanayang gawin ay doon nga nagpakalma ng sarili si Karadine sa lihim na tagpuan nila ni Yvo. At dahil mayroon doong kubo ay naupo siya roon habang nakatanaw sa kalangitan. Hanggang sa maramdaman niya ang pagdating ni Yvo."Sabi ko na nga ba at nandito ka, e." Bahagya siyang napangiti. "Salamat at sumunod ka," aniya. "Siyempre." Tumabi ito sa kaniya habang hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig nito sa kaniya. Hindi naman niya naiwasang magtanong dito. "Bakit ganiyan ka kung makatingin?" "Wala lang, alam mo bang paborito kong pagmasdan ang mukha mo?" sabi nito nang hindi nakatingin sa kaniya. Saka pa nito pasimpleng hinawakan ang kamay niya at pinisil iyon gamit ng mga daliri nito. Hindi naman niya naiwasang kiligin. "Alam mo, Yvo, nakakailang puntos ka na ngayong araw, hah?" "Puntos saan?" kunot noong tanong nito. "Sa pagpapakilig!" aniya.Sa puntong 'yon ay napalingon siya sa magkahawak nilang kamay at tila ba gumagaan ang pakiramdam niya sa pagkakayakap ng mga
Lingid pa rin kay Margaret na may kinikimkim na inis sa kaniya ngayon si Tamara, kaya naman nang maabutan niya itong paalis ng mansyon kasama ang ama at ang nakababatang kapatid na si Karadine ay pinabaunan pa niya ito ng gawa niyang leche flan. "Para saan 'yan?" kunot noo nitong katanungan.Napabuntong hininga naman siya. "Para sa pag-aalaga mo sa akin noong may sakit ako." Nakita naman niyang bahagyang nahabag si Tamara, na kahit kailan naman ay talagang naging malapit sa puso niya kahit na half sisters lamang sila. Ilang sandali pa ay mas napanatag ang kalooban niya nang magawa nitong tanggapin ang inaabot niyang leche flan."Salamat," tipid nitong sabi.Napangiti naman siya at sinabi, "Sobrang nami-miss na kita, Ate Tamara. Kailan ka ba kasi ulit magiging free?" Nakita niya ang pag-iling nito.At hindi niya inaasahan na malayo sa sinabi niya ang magiging kasagutan nito. "Kailangan na naming umalis." Bago pa man ito tuluyang makaalis ay hinabol niya ito at dali-daling niyakap.Nati
"Boss, naunahan tayo ng mga pulis," pagbibigay balita ni Renzo kay Renato. Nakatakda kasi sana ulit silang lusubin ang property ng mga Benitez na nagsisilbi nitong hide out ng iba pa nitong mga armas, subalit hindi naman nila inaasahan na nakatimbre na pala ang mga pulis sa nangyaring pagsisiwalat ng mga kasalanan ni Mr. Benitez sa mismong event nito."Mabuti na ring naunahan tayo ng mga pulis, Renzo, kaysa naman nauwi sa alanganin ang mga anak ko." "Pero hindi ba't hindi naman ganito ang hinahangad mong hustisya, boss? Ang gusto mo ay maparusahan sa kamay mo ang pamilya Benitez lalo na si Mr. Benitez." "Para ano? Para madagdagan ang kasalanan ko sa batas? Renzo, minsan na akong kinasuklaman ng anak ko nang dahil sa maling desisyon ko at ayaw ko nang maulit 'yon." Napatango si Renzo at hindi naman nila inaasahan ang pagsingit ni Florencio sa usapan. "Tama si boss, Renzo, at kung may dapat mang sisihin dito kung bakit naging gano'n ang pananaw ni boss ay ako 'yon, dahil sa akin naman