“Wala na siya kaya pwede ka ng tumigil pagpapanggap,” nakangising bulong ng binata sa nakatangang si Lalaine.
Napamulat ang dalaga at namilog ang mga mata sa narinig na bulong nito sa kanya, pinamulahan siya ng pisngi at agad ibinaling ang mga mata sa ibang direksyon, “a—alam ko! Pwede bang lumayo ka na sakin,” nahihiyang singhal niya.
Tumayo si Lalaine at inayos ang nagusot na hapit nitong bistida, “tingin ko nama’y wala ka ng anumang kailangan sakin. Maaari na ba akong umalis?” tanong niya sa binata.
“Makakaalis kana, tatawagan na lamang kita kung kailan kita kailangan,” tugon nito.
Walang anu-anong lumabas ng opisina si Lalaine dahil sa hiya na naramdaman niya at pag-aakalang muli siyang hahalikan ng binata. Nakayuko niyang binabaybay ang daan palabas ng kumpanya ng mga Cristobal nang may mabangga siya at nagkahulog ang mga gamit nito sa sahig.
Agad yumuko si Lalaine para tulungang damputin ang mga gamit ng nakabangga, “p-pasensya na. Hindi ko sinasadya,” paghingi niya ng paumanhin.
Napatingin siya sa dito nang hindi sinasadyang nahawakan niya ang kamay ng estranghero at agad inagawa ang kamay mula sa binata, “p—pasensya na talaga.
Isang malambing na ngiti ang binigay ng estranghero sa kanya, “it’s okay, miss.” Tugon nito, agad nitong hinubad ang coat na suot nito at ipinulupot sa bewang ni Lalaine na siya namang ikinagulat niya at mas lalong siyang humanga sa kabaitang taglay nito ng hawakan nito ang kanyang mga kamay at alalayang tumayo.
“Hindi ka dapat basta umuupo ng ganun lalo na at ganyan ang suot mo,” dagdag muli ng binata.
Nakaramdam si Lalaine ng kung anong kiliti sa kanyang tiyan at buong sistema dahil ito ang unang pagkakataon na may lalaking tumuring sa kanyan ng ganito.
“K-kasi nahulog ko ang mga gamit mo and it’s my fault,” mabilis niyang paliwanag.
“It’s okay, miss,” sabi ng binata habang binibitawan ang kanyang mga palad, “but if you are really sorry for what happened today, you should atleast treat me to have lunch,” nakangiting biro nito sa kanya.
Napangiwi si Lalaine, “a, e, kasi wala pa kong budget sa ngayon. Kakasimula ko palang ng trabaho. Maybe I could… treat you some time?”
“I am just kidding you, miss,” natatawang sabi ng binata, “by the way, I am Clyde Louie Vito,” pakilala niya.
“Hi, I am Lalaine. Lalaine Madrigal,” tugon niya sa binata at nakipagkamay dito. “I am willing to treat you if we ever cross our path again,” dagdag ng dalaga.
“Sure. Tatanggapin ko ang alok ng isang magandang dilag, sigurado akong muling tayong magkikita,” sambit ni Clyde.
Si Clyde Louie Vito ay isa ring businessman at nagmamay-ari ng Hi-Tech Cars Corporation, dalawampu’t anim na taong gulang, makisig, matangkad, matipuno, at may pagkamaginoo kaya marami ang babaeng nahuhumaling sa kanya ngunit mahirap siyang paibigin dahil narin sa kanyang nakaraan.
“Ako’y napapaisip kung anong ginagawa mo sa kumpanyang ito? Tingin ko nama’y hindi ka empleyado dahil ang iyong kasuotan ay naiiba sa mga nagtatrabaho dito and you look classy,” pagtataka nito.
Aaminin sana ng dalaga ang kasunduan na mayroon siya sa Cristobal ngunit sumagi sa kanyang isipan na walang ibang dapat makaalam dito dahil maaaring maging kapalit nito ang kaligtasan ng kanyang ina.
She smiled nicely, “yes. I am not working here.”
“Kung gayon, maari mo bang sabihin sakin kung—”
“Maybe next time, Mr. Clyde. I will see you again,” pagputol niya sa itatanong ng binata at agad siyang sumakay ng elevator upang makaiwas na sa mahabang paliwanagan.
Kumaway siya sa binata habang sumasara ang pinto ng elevator, “buti na lamang ay napigilan ko ang aking sarili na sabihin ang katotohanan kung hindi ay patay ako sa mokong na yun,” bulong niya sa sarili. Napahawak siya sa kanyang mga labi nang sumagi sa isipan si Juaquin at naalala ang halik na kanilang pinagsaluhan ng ilang sandali, inalog niya ang kanyang ulo, “hindi. Hindi ko dapat pinag-iisipan ang mokong na yun. He took advantage of me, kaasar. Why did I even let that to happen?” naiinis niyang tanong sa sarili.
Agad siyang nagtungo palabas ng establisyemento nang marating ang ground floor, sumakay siya ng jeep pauwi sa kanilang tahanan.
Hindi pa siya nakakapahinga nang makatanggap siya ng tawag at susunduin siyang muli ni Juaquin.
“Ano ba naman ang mokong na iyon?! Akala ko pa naman ay makakapahinga na ako,” reklamo niya habang muling isinusuot ang mataas na sapatos.
“Maglalakad na naman ako patungo ng sakayan ngunit nananakit na ang aking mga paa,” hinaing niya habang nakatingin sa mga paang kaawa-awa ngunit hindi pa siya nakakalabas ay narinig niya ang malakas na busina ng sasakyan sa labas ng kanilang munting tahanan.
Marahan siyang naglakad palabas at doon ay bumungad ang sasakyan ni Juaquin, bumukas ang pinto at iniluwa ang makisig na antipatikong binata upang pagbuksan siya ng pinto na kanyang ikinagulat.
“Ano pang itinatanga-tanga mo dyan? Pumasok ka na sa loob at napakainit dito sa labas,” utos nito habang nakaharang ang kamay mula sa sikat ng araw.
“Akala ko pa naman ay may kabutihang taglay na ang mokong na ito ngunit wala parin pala. Sabagay what do I expect from him?” bulong ni Lalaine.
“Pumasok kana, ano pang binubulong-bulong mo riyan?!” bulyaw nito sa kanya.
“Hay… Gwapo sana antipatiko nga lang,” bulong niya habang pumapasok sa loob ng sasakyan.
“Anong binubulong-bulong mo dyan?” hirit ng binata.
“Ah, I was just wondering if may kinalaman ba ang init ng araw sa init ng ulo mo ngayon,” pang-aasar niya sa binata.
“Wala kana dun. Siya nga pala, I already asked my men na ilipat lahat ng gamit mo sa bahay ko,” he informed her na nagpabagsak ng panga ni Lalaine.
“T-teka. Kailan ako pumayag na tumira sa pamamahay mo?” reklamo niya rito.
“I didn’t ask for your permission, I am simply informing you,” sambit niya rito saka isinara ng malakas ang pinto ng sasakyan.
---
Namilog ang mga mata ni Lalaine sa inis sa isinagot sa kanya ni Juaquin na para bang wala na siyang karapatang magdesisyon sa buhay niya atparang nabili na nito ang buong pagkatao niya dahil lang sa halagang kinakailangan niya para sa kanyang inang nakaratay sa ospital.May mga namuong luha sa kanyang mga mata dahil sa panliliit sa sariling kanyang nadarama, gustong-gusto niyang umiyak ngunit ayaw niyang makita ni Juaquin na mahina siya dahil alam niya sa sarili niyang aalipustahin siya nito.Buong biyahe ay nakalingon lamang si Lalaine sa bintana ng sasakyan at hindi kumikibo, ayaw na niyang makipagtalo pa sa binata dahil pakiramdam niya ay nauubos lamang anglakas niya.Ngunit talaga yatang inuubos ni Juaquin ang pasensya ng dalaga nang halos humagis siya mula sa kanyang inuupuan nang biglang pumreno ito, mabuti na lamang at nakakapit siya ng mahigpit.“Pwede bang ayusin mo ang pagmamaneho mo?” naiinis na komento ni Lalaine kahit nakatuon ang paningin sa labas ng bintana ay alam ni J
“Lalaine’s POV”“Teka, parang may mali.” Napaisip ako kung bakit ko pa sinagot si AJ samantalang ang misyon ko lamang ay pagselosin siya para bumalik na siya kay Juaquin hindi para agawin ang lalaking yun sa kanya pero bakit ganun ang naging sagot ni Juaquin kay AJ.“I think she wants you back,” komento ko. Alam kong narinig niya ang sinabi ko pero nagsawalang kibo na lamang siya.“Nakapagdesisyon na rin ako na yung kwarto na yun ang gusto kong pag-stayan,” itinuro ko sa kanya ang kwarto malapit sa hagdan sa ikalawang palapag.“Why do you want that room?” tanong niya sakin pagkaharap niya.“Sa palagay ko naman ay babalikan ka na ng dating mong kasintahan and… it will be easy for me to pack my things and leave your house,” simple kong sagot sa kanya, wala naman kasi akong other reason para pumili ng kwarto at isa pa sanay na ako kahit sa sofa lang niya ko patulugin. Laking hirap kaya ako kaya kahit anong pahirap niya sakin hindi ko aatrasan para lang sa nanay ko.“Since nakapagdesisyon
Nag-alangan kumuha ng mga damit si Lalaine sa store na siya namang napansin ng binata kaya kumilos na rin siya para kumuha ng mga damit na nababagay sa dalaga at pinasukat na lamang sa kanya. Nang matapos ng magsukat ng mga damit si Lalaine ay agad nang binayaran ng binata ang lahat ng mga damit na kumasya sa kanya, binilhan niya rin ito ng bag, sapatos at ilang mga alahas.“I thinks that’s enough, hindi ko naman kailangan ng napakaraming material na bagay dahil ang tanging kailangan ko lamang ay mabuhay ang nanay ko, gumaling siya. That’s all I want,” bulong niya sa binata.“But I am not doing it for your happiness, tandaan mo sa mata ng publiko ikaw ang nobya ko kaya natural lang na bilhan kita ng mga bagay na ito,” singhal niya.“Are you hungry, honey?” biglang tanong ng binata sa kanya, nakipagtinginan si Lalaine sa mata ni Juaquin na parang nagtatanong kung anong ibig sabihin nito ngunit nginitian lamang siya nito.“Akala ko ba uuwi na tayo?” inilapit ni Lalaine ang mukha niya sa
“Hey, AJ! Where’s your boyfriend?” bati ni Merriel nang magkita sila ng kaibigan sa park malapit sa kumpanya ni Juaquin. Lumapit si Merriel at nagbeso sa kaibigan.“He is busy with some stuff,” umiikot ang matang sagot nito sa kaibigan na tila inis sa ginagawa ng kanyang bagong nobyo.Naupo ang dalawa sa bench habang si AJ ay nakakailang pakawala na ng buntong hininga.“Kung sawa ka na sa inaasal ng boyfriend mo, why don’t you dump him? Tingin ko naman ay mahal mo pa rin si Juaquin since lagi mo siyang bukambibig sakin maging ang bago nitong nobya. I am sure madali mong makukuhang muli si Juaquin dahil higit na maganda ka kaysa sa pinalit niya sa’yo,” payo ni Merriel sa dalaga.Bakas ang pagkairita ni AJ nang banggitin ng kaibigan ang tungkol sa bagong nobya ng dating kasintahan.“Yes, I am sooo annoyed sa ginagawa ng boyfriend ko but I never think of dumping him kahit na palagi niya akong dinidisappoint. Wala, mahal ko talaga siya and about Juaquin, he’s just a toy for me. I don’t ca
Agad nagtungo ng banyo si Lalaine nang makarating sa bahay at naligo. Mahigit isang oras ang itinagal niya sa loob dahil sa lagkit ng kanyang buhok na tumigas na rin sanhi ng pagtapon ng smooties sa kanyang ulo. Tumutulo ang kanyang mga luha habang nililinis ng mabuti ang buhok, "hindi ko deserve ang lahat ng mga masasakit na salitang natanggap ko mula sa kanila, hindi ko deserve na ipahiya sa maraming mga tao dahil lang sa mahirap ako pero tatanggapin ko para kay nanay. Gusto kong mabuhay pa siya ng maraming taon, siya na lang ang meron ako.” Sabi niya sa sarili.Ilang sandali pa ay lumabas na rin siya ng banyo, halos mapatili siya nang makita si Juaquin sa loob ng kanyang silid at nakaupo sa gilid ng kama na para bang hinihintay siya nito.“A-anong ginagawa mo sa kwarto ko?” tanong niya. Tumingala ito sa kanya at napansin niya ang pamumula ng mga mata ng dalaga.Agad namang inalis ni Lalaine ang tingin niya, “kung nandito ka para humingi muli ng kapatawaran, okay lang. Okay na ako,
“Good morning, ma’am and sir, kasalukuyan pong under observation ang pasyente.” Balita ng doktor kina Lalaine.Napabitiw na sa pagkakakapit si Lalaine sa binata at humingi ng paumanhin, “pagpasensyahan mo na ako, Juaquin, dala lamang ito ng aking damdamin. Hindi ko makakaya kung sakaling mawawala sa piling ko ang aking ina,” paliwanag niya sa binata.Hinaplos ni Juaquin ang ulo ngg dalaga na siyang ikinagulat nito, “okay lang na ipakita mo ang kahinaan mo sa panahong kailangan mo ng masasandalan. I am always here and willing to let you lean on my shoulder,” seryosong sabi ni Juaquin.Natulala si Lalaine sa mukha ng binata ngunit habang nakatitig siya sa malaanghel nitong mukha ay siya namang bilis ng kabog ng kanyang dibdib. Kumurap siya ng paulit-ulit ngunit hindi nawawala ang kakaibang liwanag na nakikita niya sa mukha nito.“Bakit? Anong nangyari sa mata mo? Napuwing ka ba?” Agad inilapit ni Juaquin ang kanyang labi malapit sa mata ng dalawa at hinipan ang kanyang mata, napapikit s
Nakaramdam ng kirot si Juaquin nang matagpuan niya si Clyde na nakayakap kay Lalaine.“What do you think you are doing to my fiancee?” usal niya kay Clyde. Hindi niya napigilan ang sarili na magsalita ngunit hindi na niya ito mababawi na siyang ikinagulat ni Lalaine.Ang usapan lamang nila ay magpapanggap na nobya nito ngunit ngayon ay nag-level up na at fiancee na agad siya ng isa sa pinakamayamang businessman sa bansa.Nilakihan ng mata ni Lalaine ang binata at parang tinatanong kung anong sinasabi nito ngunit hindi ito kumibo, hinawakan siya ni Juaquin at hinila palapit sa kanyang bisig.“I am just trying to protect her from the media to be seen,” tugon ni Clyde.“Protect?” tumingin siya ng seryoso sa katunggali, “baka naman para makayakap ka lang sa kanya? Kung hindi moa lam, I want to inform you na siya ang aking babaeng pakakasalan kaya wag mong mahawak-hawakan ni daliri niya,” pagbabanta niya.Natawa naman si Clyde sa ginawang pagbabanta nito sa kanya, “are you threatened?” tan
“Can you return my phone now?” tanong ni Lalaine sa binata.“No, you are not allowed to use socil media for now. Ibabalik ko sa’yo ito kapag nasolusyunan ko na ang problema mo, for now, kumain ka na muna para lumakas ang iyong katawan at hindi ka magkasakit,” payo nito sa kanya. Naantig ang puso ni Lalaine dahil sa pagpapakita nito ng pag-aalala sa kanya ng mga sandaling iyon at pakiramdam niya ay mas lalo siyang nahuhulog dito ngunit pinipigil lang niya ang damdamin.“You have to listen to me, Lalaine. Ayokong nakikita kang nasasaktan,” ani Juaquin sa kanya.Gustong-gusto niyang itanong dito kung bakit ayaw siya nitong nakikitang nasasaktan ngunit ayaw niyang makaramdam ng iba pang klaseng sakit bukod sa kanyang nararamdaman ngayon.Tahimik niyang tinanggap ang pasta at tinikman ito, parang bigla siyang napangiti nang matikman ang pasta na maraming cheese at mas lalong naging okay ang mood niya nang tikman rin ang chocolate ice cream na maraming peanuts and buong tsokolate.“Ang sara