Share

CHAPTER 07

Akala ko hindi na darating ang araw na ito. Ang araw na kailangan kong umuwi sa Pilipinas hindi dahil gusto ko, kun'di dahil kailangan. Habang tumatagal kasi ang paglalagi ni Ayesha roon, lalo lang lumalala ang sitwasyon. Kaya naman heto, napilitan akong lumipad patungo sa lugar na akala ko'y hindi ko na muling aapakan pa.

'Ninoy Aquino International Airport.'

Napabuntong hininga na lang ako ng makita ko ang signage na iyon. Ilang taon na nga ba ulit simula ng huli akong umapak dito? Isa? Dalawa? Parang sa sobrang tagal na, hindi ko na alam kung ilan ang eksaktong bilang.

Nang makalapag ang eroplanong sinasakyan ko'y nag madali akong lumabas. Hindi dahil sa nasasabik akong tumapak muli sa aking lupang sinilangan, kun'di dahil pinupog na ako ng chat ni Zafira. Bago pa ako umuwi ay tumawag na ako sa kanya na kung maaari ay sunduin niya ako, tutal nasa Manila naman siya. Pumayag naman ang bruha na tila ba mas excited pa kaysa sa akin.

"Nasaan na ba ang exit?" yamot kong tanong sa aking
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status