"I'm sorry, and I mean it this time." sincere na sabi ni sir Conrad.Mean it this time? So yung nang-hingi siya ng tawad noong nakaraan hindi siya sincere? Iba talaga ang ugali ng lalaki na 'to.Mukhang nabasa niya ang naisip ko."Not that I don't mean the last time humingi ako ng sorry sayo. Maybe I really went too far. Hindi ko hinihiling na mapatawad mo 'ko kaagad pero sana mapatawad mo ko."Feel ko talaga sincere siya sa pag-hingi ng tawad sa akin, pero wala e nasaktan ako kaya di ko kayang mag-patawad kaagad. Kung sana ay iniisip niya lang ang sinasabi niya, edi sana hindi siya nakaka-sakit.Pero bakit hindi pa rin tumitigil sa pag-tibok ng mabilis yung puso ko?Hayst! Wala 'to, siguro kinakabahan lang ako kasi nasa harap ko sir Conrad.Nakita ko na binabasa ni sir Conrad ang reaction ko ngunit pina-natili ko ang walang emosyon na mukha bago tumango."G-Gusto niyo po bang kumain? Ipaghahanda ko po." iniba ko ang usapan dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.Sir Conr
Talagang iwas na iwas ako kay sir Conrad pagkatapos ng pangyayari na yun. Imagine nakita na nga niya na may dugo yung pants ko at mukhang siya pa ang nagpa-bili ng napkin at pamalit ko na pants.Sobrang nakakahiya, lalo pa't kasama na doon yung underwear na ipinabili pa niya ata sa assistant niya.'Imagine alam niya ang size ko at branded pa. Victoria's secret, samantalang So-En nga lang yung panty ko.'Nakita kaya ng nga tao sa labas kanina yun kaya palagi siyang nasa likuran ko.Tapos yung coat niya na ipinahiram sa akin. My god! mukhang mamahalin pa ata. Kaya nga dinahan-dahan ko lang ang pag-kusot para maibalik din sa kanya kaagad.Bakit kasi hindi ko nalaman na magka-karoon ako ng monthly period e?Ngayon araw ko balak na isoli kay sir Conrad yung coat niya, pagdating ko kasi kahapon ay doon ko pa lang nalabhan at ngayon pa lang natuyo. Hindi pa din ako nakakapag-pasalamat sa kanya, naging busy din ito kahapon sa mga meeting. Ganun din si Madam kaya pagkatapos ko doon ay umuwi ri
Nasa utak ko pa rin ang naging reaksyon ni sir Conrad nang nag-daang gabi hindi ko alam kung bakit ganun ang naging reaksyon niya.Ano ba talagang meron sa kanila ni Lucas at ganun ang mood niya palagi?Kaninang umaga ay maagang umalis si sir Conrad kahit na medyo lasing ito kagabi dahil uminom sila ni Vladimir. Si Mary ang nag-asikaso sa kanila dahil day-off namin ni Lita kahapon. Hindi na nagawang kumain ng almusal ng lalaki dahil busy din ito. Isang linggo na lang kasi ay anniversary na ng VAI kaya madaming kailangan asikasuhin sila Madam.Nasabi ko kay Lita ang naging pag-aya ni Lucas sa akin, na-inggit pa siya dahil hindi man lang daw siya ang inaya. At as usual inaasar na naman ako ni Lita dahil iniisip niya na baka kaya ako inaya ni sir Conrad ay dahil gusto ako nito. Inirapan ko na lang siya at iniwan upang ipag-patuloy ang aking ginagawa. Lahat na lang kasi inala-lagyan niya ng malisya."Rara, pwede mo bang ibigay itong files sa office ni sir Conrad? Nakalimutan niya kasi ka
Kinalimutan ko sa aking isipan ang nangyari noong nag-daang gabi. Mukhang wala din namang alam si sir Conrad dito, ako lang talaga yung nag-iisip ng ibang bagay. Busy na ang lahat habang papa-lapit ang araw ng anniversary ng VAI. Hindi nga nag-a almusal ng sabay-sabay sila Madam dahil sa madami itong inaasikaso. Ganun din si sir Conrad na kahit lasing ay nagawa pa ring pumasok ng maaga.Napaka-laking event din kasi ito at taon-taon kung ipagdiwang kaya naman kailangan talagang pag-handaan. Lagi din akong ina-update ni Lucas tungkol sa party at yung isu-suot ko para dito. Nasabi niya sa akin na kung pwede ay maaga niya akong sunduin at ng maayusan ako, ganun din para hindi na niya ipadala ang gown ko sa mansyon.Pumayag ako dahil mas maganda yun, since may anniversary ang VAI ay maaga din matatapos ang trabaho namin. Si Ma'am Betina ay imbitado din sa anniversary gayundin ang iba ko pang ka-samahan pero mas gusto nila na manatili sa mansyon upang makapag-pahinga.Sa party na lang talag
Umiling ako at bahagyang lumayo sa kanya, napansin niya ang pagka-ilang ko kaya ngumiti ako."H-Hindi naman ako nabo-bored."Tumango lamang ito at ngumiti, muling bumaling ang paningin ko kay sir Conrad na matalim pa rin ang matang iginawad sa akin. Umiwas na lamang ako dahil patuloy na bumi-bilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Para maiwasan ang tingin niya ay nag-paalam ako kay Lucas na magre-rest room lang sandali."Okay, go ahead." sabi nito. Gusto pa niya na samahan ako ngunit sinabi ko ay okay lang at magta-tanong na lang kung saan banda ang rest room.Habang nagla-lakad ako papunta ng restroom kung saan itinuro sa akin ng isang staff na tinanungan ko, ramdam ko ang titig ng mga taong nada-daanan ko. Mapa-lalaki man o babae, hindi ko alam kung anong iniisip nila sa akin. Pilit ko pa ngang inaayos ang slit ng suot kong dress dahil may ibang mata-tandang lalaki ang tumi-tingin sa hita ko.Sa loob ng bathroom ko na pinakawalan ang buntong hininga na kanina ko pa pini-pigilan. Pansin k
"The bid is close to one billion pesos." napa-iling na lamang ako ng i-announce iyon ng host.Dahil hindi ko matagalan ang bulung-bulungan ay bumaba ako sa stage at tumakbo palabas ng hall. Alam kong mali yung ginawa ko at nakakahiya pero wala na akong paki-alam pa. Gusto ko ng makawala sa mga tao doon baka kasi doon pa ako mahimatay.Ano ba yung ginawa na yun ni sir Conrad? Bakit siya ganun?Biro ba sa kanya 'to, pwes ako ayoko ng ganito! Yung galit sa matang nakita ko kay Ate Mia, dahil ba iyon sa ginawa ni sir Conrad kanina. Ayokong masira ang pagka-kaibigan namin dahil lang doon. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya. Kung gusto niya lang ako parusahan o kung ano pa mang mali ang ginawa ko bakit pa siya gumastos ng isang bilyong piso para doon. Wala na ba talagang halaga ang lahat sa kanya—kahit na ang pera?Si Madam? Si sir Leandro? Baka kung ano ang isipin nila ng dahil lang sa ginawa ng anak nila. Niyakap ko ang sarili ko ng maramdaman ang lamig, dahil na rin sa suot ko ay
"A-Ano pong sabi niyo?" hindi pa rin ako makapaniwala sa aking narinig mula sa kanya."Tss." he hissed. "I know you heard what I said, I like you Rayne. Kung hindi pa rin malinaw sayo, lahat ng ginagawa kong 'to. Ginagawa ko 'to, dahil gusto kita."Hindi ko mapigilan ang pag-bilis ng tibok ng puso ko sa aking narinig. Parang nabuhayan ako dahil sa ginawang pag-amin ni sir Conrad sa akin. I felt his sincerity, while saying those words. Alam kong hindi niya sinabi yun dahil lang sa nagbi-biro siya o kung ano pa man. Sinabi niya yun dahil ayun talaga yung nararamdaman niya, kaya madali sa kanyang aminin ito sa sarili.Gusto niya ko? Gusto niya ako kagaya ng pagka-gusto ko sa kanya. Humarap ako sa kanya na halata pa rin ang gulat sa sinabi niya, pumungay ang kanyang mga mata."I know, nakaka-bigla yung sinabi ko at para sayo mahirap maintindihan dahil bakit parang sobrang bilis. Pero ako, siguro ako na yun yung nararamdaman ko."P-Pero paano? Si Ate Mia? Paano siya? Ang akala ko may rel
"I'm sorry." mula sa galit na mata ay biglang lumambot ang expression ng mukha nito.Hindi ko inaasahan na ganun ang isasagot niya sa naging tanong ko sa kanya. Alam kong nagka-mali ako sa pagkakataon na 'yun pero hindi ko na kasi napigilan yung nararamdaman ko kaya nasabi ko ang bagay na yun.It's just a harmless question, nasa kanya naman kung sasagutin niya ito.Unti-unti itong lumapit sa akin at hinawakan ang kamay ko hindi ako naka-galaw kaagad sa gulat."I know, nagdu-duda ka sa nararamdaman ko para sayo because of all I did to you. Nasaktan kita, napag-salitaan ng kung ano-anong masasakit na salita, pero pinag-sisihan ko na yun. Mali, ako doon inaamin ko.... Kaya sana naman mapatawad mo 'ko?" malungkot at puno ng pagmama-kaawa ang mata nito.Inamin niya ang nararamdaman niya para sa akin ng buong puso pero ang ginawa ko ay pagdudahan siya. E, anong magagawa ko? This is the first time I felt this, sa mga history niya sa mga babae natatakot ako na baka maging isa ako doon. Takot.