Share

Chapter 5

Sa waka sa ilkalabing dalawang  ulit na subok ay naubo na si Perla at nailuwa ang nainom ba tubig batis.

 Bugso ng hindi pa nakikilalang damdamin at tindi ng takot at pagaalala nayakap ni Darwin Zai si Perla ng mahigpit.

Yung tipo ng yakap na parang ayaw ka ng bitawan pa.

"Thank God youre fine Sweetheart.Grabe yung takot ko Pearl.Sorry talaga kung si ako lumayo saglit masasalo sana kita"

Sabi ng binata na hinimas himas ang likod ni Perla at gumawi ang himas pa sa unat na unat  na basang buhok niya.

"Huh..senyorito.?!"

nagugluhang sabi ni Perla pero sa kaibuturan ng puso niya ay sobra napakaligaya niya.

Kasabay ng kaligayahang iyon ang pagsibol ng kakaibang uri ng pagmamahal para kay Darwin Zai.

"Eto na ang huling pupunta ka sa batis Pearl, pwede ba can you promise that"

Sabi n Zai na hinaplos pa ang pisnge ng dalaga na hindi maipaliwanag ni Zai kung bakit kaialangan niya pang gawin iyon.

"Ho? eh balit ho senyorito?"

Takang tanong ni Perla.

"Dalawang beses ka ng muntikang mapahamak dito  Perla at masamang pangitain yun.Dalawang beses na din akong halos mamatay sa takot dahil sa pagaalaal sayo akala mo ba"

"Nagaalala ka sa akin Senyorito?"

"Zai..na lang Pearl. Call me Zai"

Sabi ni Darwin Zai.

"At oo nag aalala ako.Bawal ba? Wag mo akong susupalpalin.

Basta yun na yun"

Sabi ni Zai.Pa

ti siya nagulat sa tapang niyang sumagot.

"Pero bakit Zai.....?"

Hindi na nagawa pang dugtungan ni Perla ang tanong.

Lumapit na kase ang mukha ni Zai sa mukha niya saka lumapat ang mga labi  nito sa labi niya.

"Iba pala pakiramam kapag Mouth-to-mouth resuscitation lang kesa sa totoong kiss"

Sabi ni Zai ng tapusinang saglit na halik na iyon.

"Ano ho senyorito? hindi ko kayo maintindihan?"

"yung ano.. yun ganito kase Pearl gustong gusto kong ulitin"

Pagkasabi nito ay kinabig ni Zai ang batok ni Perla saka mariing hinalikan.

Nagulatan ay hindi nakapalg si Perla.Gusto rin naman ng puso niya ang ginagawa nito.

Pero inalihan ng takot sa damdamin si Perla.Lumalalim na sng nararamdan niya sa. Binata.

Hindi siya bagay dito.Hindi siya ndg tipong magugustuhan nito.

Bagamat may alinlangan aychinayaan ni Perla na halikan siya ni Darwin.Sinubukan ni Perla na tugunin  at gayahin ang galaw ng labi ni Zai.

Kaya naman ng maramdaman ni Zai ang pagtugon niya ay mas pinalalim nito ang halik.

Si Zai din ang tumapos na mainit na halil na iyon dahil naramdaman niya ang panginginig ni Perla dahil sa ginaw.

"Lets go Pearl ihahatid na kita.Giniginaw ka na"

Wala silang dalang pamalit dahil biglaan ang yayaang iyon.

Apat ba pares ng mga mata ang sumalubong sa kanila pagbalik ng Hacienda.

Ang unang pares ay sa ina ni Perla na nsgulat sa basang basang anak.

Ang ikalawang pares ng mga mata ay kay Senyor Sebastian na nagtataka sa pamumutla ng anak.

"Diosme kang bata ka ano ba yang hitsura mo? saan ka ba galing?kanina pa kita hinahanap eh"

Sita ni Aling Merly sa anak na si Perla na basang basa at halos tutulo pa ang tubig sa suot na maong short"

"Ahhhh kase po...."

Panimula ni Darwin Zai pero sumingit si Senyor Sebastian kaya naundlot ang pagpapaliwanag sana nito sa nangyari.

"Naku Manang Merly,

malamang naisipan ng dalawang yan maglaro sa batis.Kanina kase nagiinsayo siDarwin mangabayo "

Sabi ng Senyor na tinitigan ng palihim ang anak.Tumingin naman ito ng deretso sa mata ng ama at walang itinago dito.Sa titig na iyong ni Darwin ay para na rin niyang sinabing ganun na nga ang nangyari.

"Naglaro ho Senyor? Eh mawalang galang na po pero hindi na sila mga bata.Hindi magandang

 tinggan kung nagha

harutan sila sa batis ng ganyang ang ayos"

Sabi ng ina ni Perla na hindi itinago ang pagkadisgusto sa nakikita.

Noon lamang napagtanto ni Zai na wala nga pala siysng pangitaas.

Tinanggal niya kanina bago lumusong at manipis na short ang suot niya kaya bakat na rin ang pagkalalaki niya.

Ngayon lamang din sumago sa isip niya na maluwang at manipis na puting thirt ang suot ni Perla at dahil basang basa ay humapit sa katawan nito.

Ang damit st halos parang hubad na rin ag bakat ang suot nitong kulay flesh na bra.

"Sh*t.... Naman dapat pala di ko muna inuwi.Sa kamalig ko na lang muna dinala kaso nanginginig na si Perla sa ginaw.

Tila naman napahiya si Senyor sa sinabi ng katulong kaya muli itong nagsalita at senermunan ang bunsong anak .

"Oo nga naman iho, bakit pa kayo naglalaro sa batis eh mga dalaga at binata na kayo. Kita mo nga si Perla o basang basa, mabuti na lang walang ibang taong nakakita kung hindi ay iisiping hindi lamang laro ang ginawa ninyo sa batis"

Sabi pa ng Senyor.

"Hindi... No.. wa.....wala a....akong ginawang labag sa tamang asal Papa"

katwiran agad ni Zai na nautal dahil nasaling ang guilt niya dahil sa ginawang halik kay Perla.

"Dapat lang iho.Dahil kapag nangkamali ka kay Perla ipadadal kita sa Milan at si Perla at ang nanay niya ipapatapon ko sa Basilan"

Sabi ng Senyor sabay yuko para hindi matawa sa biro niya.

Tumalikod na ito para hindi mapansin ng mga kausap na halos mamula na ang mukha niya sa kakapigil matawa.

Kaya hindj nakita ng Senyor qng takot at galit na rumehistro sa mukha ni Aling Merly.

"Halika kana nga dito at magpalit ka na ng damit.

Kung saan saan  ka nagpupuntang bata ka"

Sabi ni Aling Merly sabay kurot sa tagiliran ni Perla.

"Maiwan ka na namin Senyorito.Sa susunod ho eh wag na ninyong yayain ang anak ko at baka kayo ay maiskandalo pa"

Makahulugsng sabi ni Aling Merly at hinatak na sa braso ang anak patungo ng kusina.

Natigalgal si Zai.

"Anak ng putakte..anong ginawa naming masama?"

Kinabukasan nga ay hindi isinama ni Aling Merly si Perla sa mansion..Kaya hindi na nagkaroon ng pagkakataon makausap sana ni Zai si Perla.

Gusto sana niyang kausapin ang dalaga tungkol sa halik at gusto niyang tanungin ito kung ano ba ang kahulugan ng pagtugon nito pero hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon pa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status