Yaya Seling had to stay in the hospital for seven days and Tor made sure she would get all the care that she needs. Pagbalik nito, dapat ay nabawi na niya ang mans'yon kay Rosanna. Half-day lang siya ngayon sa clinic dahil personal siyang pupunta sa munisipyo para magbayad ng property tax pati na ang accrued penalties. For twenty years, Rosanna got away with everything. Pero ngayon ay sisiguraduhin niyang pagbabayaran nito ang lahat. And it's going to be... very painful.
Maagad siyang pumasok sa clinic para matingnan ang mga pasyente. From nine in the morning to one in the afternoon ay hindi siya titigil para magbreak. Sa bayan na siya kakain para ma-accommodate ang mga pasyenteng nadagdag. He didn't need money, but he needs to prove his business is legit so he cut down his fees in half. Ayaw niyang magsuspetsa ang mga tao lalo na ang mga lihim niyang kaaway na nandito siya para ipaghiganti ang kaniyang ama.Ten minutes before they open, naisipan niyang pumunta sa coffee shop. Pakiramdam niya ay kulang ang ininom niyang kape kanina. Tor went in the coffee shop and the chime made a sound. Nakita siya ni Jacklyn at kaagad itong ngumiti. May pagkaway rin ito na para bang nakakita ng artista. Pinigil ni Tor ang matawa at baka ma-offend ito. Maybe he is just really happy to see him."Good morning, Doc! Buena mano ka namin ngayon, "sabi nito sa kaniya nang makalapit siya sa counter."Good morning. Can I have a large black coffee, please? Iyong katulad nang tinimpla mo para sa akin the last time.""Tamang tama. Fresh ito, Doc. Katatapos ko lang magbrew." Ipinagsalin siya nito sa cup. Habang naghihintay ay palinga-linga siya sa paligid. "Tumikhim ang babae. "Kung si Ma'am Iris ang hinahanap mo ay wala siya rito ngayon. Magpapasukat 'yon ng traje de boda niya sa bayan. Alam mo ba 'yong Ching's Bridal?" Tumango si Tor kahit hindi niya alam kung saan 'yon. "Doon siya pupunta mamayang ala una y media. Malapit lang 'yon sa may city hall. Kaunting lakad lamang ay naroon ka na." Inilapag nito ang kape sa harap niya at aabutan niya ng bayad pero umiling ito. "Sabi ni Ma'am, huwag kang pagbayarin. It's on the house raw kasi gusto ka niyang tulungan. Ibinilin pa nga sa akin na dalhan kita ng meryenda mamaya pati 'yong dalawang staff mo kaya pupunta ako sa clinic. Nagpabake rin siya ng muffins na extra para sa mga pasyente mo para may kinakain habang naghihintay."Tor was overwhelmed with the things he's hearing. Why is Iris being kind when she's supposed to be mad at him for leaving without a word?"Ang bait ni Ma'am ano?" Ngumuso si Jacklyn. "Hindi sila bagay ng jowa niya pero secret lang natin. Umiyak nga si Ma'am Iris noon e."Tor sipped his coffee. Kailangan na niyang bumalik sa clinic dahil tapos na ang sampung minuto niya, pero hindi niya maihakbang ang mga paa palabas. Gusto niyang malaman kung bakit umiyak si Iris. Nobyo niya 'yong pakakasalan niya. Ayaw ba niyang mag-asawa? Hindi naman siguro tatanggi si Octavio sa anak ng gobernador."Bakit siya... umiyak?""Kasi nakipag-break na si Ma'am Iris doon sa jowa niya noon. Nahuli niya 'yong may kahalikan sa bayan, pero pinatawad niya. Nang umulit uli, tinuluyan na niya. Nahuli niya sa hotel e. Alam mo na, nagtotorjakan." Napangiwi si Tor. Ngayon ay alam na niya kung ano ang ibig sabihin ni Jacklyn nang sambitin nito ang torjak.Nakaramdam siya ng galit kay Teofilo. Bakit nito nagagawang lokohin ang isang katulad ni Iris? She's a catch. Maganda. Mabait. Mayaman. Edukada. Matulungin. Any man would be lucky to have her. But then he thought about his plans, at wala siyang pinagkaiba kay Teofilo. Mas malala pa siya dahil balak niya itong paibigin at kapag hulog na hulog na ito ay saka niya iiwan. The rest of his plans were... it's— Hell. Hindi niya maituloy ang sasabihin."Tapos 'yon, mga dalawang buwan na siguro ang nakararaan. Nabalitaan na lang namin na engaged na sila. Nag-announce si Gov e kasi tuwang tuwa siya na ikakasal na 'yong anak niya. Akala nga namin si Teodoro, 'yong panganay niya kasi single pa 'yon. Mukhang harmless pero tingin ko, pareho lang 'yong magkapatid." Napatingin sa kaniya si Jacklyn at na-realize na naparami na ang kwento. "Naku, pasensiya na Doc. Napadaldal na ako. Sige po at dadaan ako roon mamaya para sa bilin ni Ma'am.""Salamat sa kape." Pagkatapos niyang magpasalamat ay tinungo niya ang pinto at lumabas na. Nakasalubong pa niya ang dalawang customers na papasok. Hindi niya kilala ang mga ito pero titig na titig sa kaniya. Pinagdamutan niya ang mga ito ng ngiti.Karamihan sa mga pasyente niya ay mga bata na inuubo at sinisipon. Uso ang trangkaso dahil papasok na ang tag-ulan. He worries about dengue dahil madawag na ang damuhan at maraming stagnant water sa paligid. Nang tumayo siya para mag-inat ay sinilip niya ang lobby. There were a few more patients pero matiyaga ang mga itong naghihintay. The muffins helped at maging ang pag-aalburoto ng mga bata ay nabawasan. Naisip ni Tor na makipag-ugnayan sa mga local farmers at mga local bake shops para may pagkain ang mga pasyente habang naghihintay. It's nothing big— merienda lang naman. At least, may pangbalanse siya sa mga masama niyang ginawa simula nang bumalik siya sa Pilipinas.He left at one and found himself driving towards the city hall, pero nakita niya si Iris na bumaba mula sa kotse. Ipinagbukas pa ng driver ang babae at wala itong ibang kasama. He remembered her having friends back then. Ano'ng nangyari at wala itong kasama kahit isa? It would be nice to have someone to talk with and exchange ideas about a wedding dress. At least, ganoon ang mga pinsan niya noon kay Uncle Fidel nang ikasal.Tor parked the car not too far from the shop and took a deep breath. He shouldn't be doing this right now, pero hindi niya mapigilan ang sarili. Pumasok siya sa shop at nakita niyang may kausap si Iris sa cellphone. She turned around to find Tor behind her and her eyes widened."I'll call you back." Ibinaba nito ang tawag. "What are you doing here? Ikakasal ka rin ba?" She looked confused and Tor smiled. A real one, this time.He shook his head. "I was... going to ask if you would like to go out on a date with me."Saglit siyang tinitigan ni Iris. "You do know why I am here, right?" Mahina ang boses niya dahil ayaw makakuha ng atens'yon but Tor is pretty sure one of the girls at the shop heard him ask Iris for a date. "Late lunch date between two friends is not wrong unless someone put malice on it." Mukhang nag-aalangan si Iris. "It's just lunch. Babalikan kita rito. Mabilis lang ako." Iris found herself nodding and Tor is pleased. He went to the city hall after talking to her at kinausap ang ilang tao roon. He was surprised to see Leandro Saavedra there. He's the newly appointed head for Land Tax. "Salcedo? Ikaw nga!" tatawa-tawa itong nakipagkamay sa kaniya. "Kumusta, Leo?" Tor shook his hand and smiled in return. "Ganoon pa rin. Let's go to my office at doon na tayo mag-usap. Kumain ka na ba?"Mga bata pa sila ay mabait na ito sa kaniya. Hindi nga lang sila palaging makapaglaro dahil kaagad itong umuuwi kapag tapos na ang klase. Ang alam niya ay tinutulungan nito ang ina sa pagtitinda s
Wala pa yatang thirty minutes si Tor ay tapos na ang problema niya sa City Hall. Nakabalik na siya sa shop kung saan naroon si Iris at mukhang patapos na rin ito. "Bumalik ka Ma'am in three weeks para makita natin kung kailangang i-adjust ang gown." Isang tango lang ang isinagot ni Iris. "Salamat." Gustong sabihin ni Tor na hindi na kailangan dahil hindi naman matutuloy ang kasal pero pinigil niya ang sarili. It's just going to ruin his plans at nagsisimula pa lamang siya. "I didn't think you'd be back." Inabot ni Iris ang shoulder bag at nagpatiuna sa paglakad papunta sa pinto. "Why would I not come back?" Iris snorted, pero hindi nito sinagot ang tanong niya. "Let's take my car at ako na ang maghahatid sa 'yo pauwi." "No. Sa restaurant na lang tayo magkita. Baka kung ano pa ang isipin ng mga taong makakakita sa atin. The city hall is just right there." Gobernador ang magiging biyenan niya at siguradong kakalat ang balita na sumakay ito sa sasakyan niya. Kahit maliit lang ang
The color drained from her face. At parang nananadya ang pagkakataon, Teofilo just walked in. "Honey, I went to the shop and you weren't there. Mabuti at nakita ko ang sasakyan mo sa labas. I was calling you and you weren't picking up." Humalik si Teofilo sa pisngi ni Iris bago tumingin sa gawin ni Tor. "Salcedo? Is that you?" Tipid na ngumiti si Tor. "Teo. It's been a long time. Kumusta?" Hindi naglahad ng kamay si Teo sa kaniya kaya hindi rin siya nakipagkamay sa lalaki. They were never friends. Teo was a bully as a kid at kahit ngayong matatanda na sila, naroon pa rin ang pagiging hambog nito. Lalo na siguro ngayong naging gobernador ang kaniyang ama. He has the power to do whatever he wants with this little town. "I'm doing very well. Kung alam kong uuwi ka ng Sta. Cruz, sana ay pinadalhan kita ng imbitasyon sa kasal namin ni Iris." Umupo ito sa tabi ng babae at umakbay. Nakita ni Tor kung paano naasiwa si Iris sa fiance nito. Siguro nga ay totoo na ayaw magpakasal ni Iris s
Tor brought food and had dinner with his Yaya at the hospital. Matapos niyang sabihin na uuwi na sila sa isang araw ay napayapa ang matanda. Bakas ang katuwaan na sa wakas ay matatapos na ang pagrereyna-reynahan ni Rosanna. Bandang alas nueve nang makarating siya sa tinutuluyan. Hindi siya makaramdam ng pagod kahit wala pa siyang tigil sa mga kailangang gawin simula nang umuwi sa Pilipinas. His plan is in motion.Slow, but steady. After his shower, Tor picked a black shirt and distressed jeans. Masyadong maalinsangan ang panahon ngayon para magsuot ng leather jacket. Iyon naman palagi ang suot ng mga bida sa telebisyon kapag may lakad sa gabi. They look good. But man, Tor would bet his life that those fools are sweating like crazy. He drove the black Porsche and parked not too far from the Ocampo's residence. Maraming bantay sa main gate, pero naaral na niya ang buong kabahayan nito. Georgina helped him get the blueprints from the archive and her husband, Lucian, showed him how to r
“You can’t be serious?! Kapag may nakakita sa ‘yo ay—““Solve na ang problema mo,” putol niya sa sasabihin nito. “Hindi mo na kailangang magpakasal kay Teofilo. What a name!” Umasim pa ang mukha niya para ipakitang hindi lang siya sa lalaki nasusura kung ‘di sa pangalan rin nito.“And you think your name is any better?” Pinandilatan siya ni Iris.“Salvatore is way better than Teofilo. Don’t you think?” nakangiting tanong niya sa babae. Itinakip ni Iris ang dalawang kamay sa mukha. Tuluyan na itong naubusan ng pasensiya sa kaniya. Honestly, nagsusungit si Iris pero lalo itong nagmumukhang kaakit-akit sa kaniya. If he is not careful, he will find himself in a hot mess. “I want a snack,” pagkaraan ay wika niya sa dalaga. “Ha? Hindi ka pa ba naghahapunan?” kunot noong tanong nito sa kaniya. “Kumain na, pero gusto kong kumain kasama ka. Do you want to go for a quick drive?” May pag-aalinlangan sa mukha ni Iris. Tiningnan siya nito pagkatapos ay tumingin sa sarili. “We look funny.”“Gab
They stopped kissing and no one dared to talk about it on the way back to the Ocampo’s residence. Ang mga bantay sa gate ay mga tulog na kaya hindi namalayan ang pagbalik ni Iris. They used the gate at the back at kahit panay ang tahol ng aso sa kulungan ay hindi man lang naalimpungatan ang mga lalaki. Palibhasa ay wala ang ama ni Iris kaya malalakas ang loob ng mga ito. “Go home,” wika ni Iris sa kaniya.Binuksan ni Iris ang pinto sa likod at pumasok. Pero sadyang matigas ang ulo ni Tor, kaya bawat hakbang ng babae ay kasunod siya. He planned to sleep here tonight and that’s what’s going to happen. Magdamag kung magdamag. Maaga na lang siyang aalis mamaya. Natigil sa paglalakad si Iris nang maramdaman ang pagsunod ni Tor sa kaniya. “Salvo–“ Mabilis na tinakpan ni Tor ang bibig ni Iris nang makarinig ng mga yabag. Nagkubli sila sa gilid para hindi makita. Pasuray-suray ang lalaki at mukhang nakainom. Isa ito sa mga tauhan ng ama ni Iris. How can Octavio leave his daughter surrounde
“Bakit ang aga mo? Mamaya pa ang bukas ng clinic mo, ‘di ba?” tanong sa kaniya ni Iris na hindi tumitingin sa kaniya. Sinusian nito ang pinto ng coffee shop pero hindi magawa dahil nanginginig ang kamay. Tor tried not to smile and gently took the keys from her hand. “Let me do that for you.” Narinig niya ang pagbuntong hininga ni Iris pero hindi ito umayaw sa tulong niya. As soon as the door opened, Iris went in. Tor followed her and sat on the countertop. Pinanood niya si Iris kumilos. She started brewing coffee and the aroma hit his nose. It was heavenly.Iris made him a cup, at isa pa para sa sarili nito, “Thank you. Wala bang good morning kiss na kasama ang—“ Sinamaan siya ng tingin ni Iris. He flashed her a boyish smile. “Sabi ko nga okay na itong kape.”While having her coffee, Iris set the oven to a desired temperature at nagsimula na itong kumuha ng mga ingredients para magbake. Tor remained quiet the whole time and was content watching her work. First, she made a muffin, fo
Tor chose not to respond to Iris. Ipinagpatuloy niya lang ang pagkain at pag-inom ng kape kahit nang magbalik ito sa likod ng counter. When a few customers started to go come in, umalis na rin si Tor para magpunta sa clinic. Halos magkasabay lang sila ni Jane na dumating. "Good morning, Doc!" masaya nitong bati sa kaniya. "Good morning." Nakita niya ang bitbit nito sa tupperware. "Agahan mo?"Namula ito. "Gumawa ako ng sandwich para sa ating dalawa. Bihira kasi kitang makitang kumain kaya heto, idinamay na kita." Tor is not that dense. Alam niyang may pagtingin sa kaniya si Jane. Halata naman sa mga panakaw na sulyap nito sa kaniya. It's just that she is not his type. "Salamat. Nag-abala ka pa. Sanay akong malipasan ng gutom sa duty." Dahil may bitbit si Jane ay siya na ang nagbukas ng pinto para sa kanilang dalawa. Their roster is full at mukhang fifteen minutes lang ang oras niya para sa lunch kung gusto nilang ma-accommodate lahat ng pasyente. The town really needs a doctor at